Buong ingat na naglalakad si Lucine sa pasilyo papasok ng bahay ampunan habang bitbit ang kaniyang pares ng tsinelas. Nakaangat nang bahagya ang kaniyang talampakan mula sa lapag sa pagbabakasakaling makatulong ito upang hindi siya gumawa ng kahit na anong ingay na posibleng maging dahilan upang magising ang mga tao sa loob. Patay na ang ilaw sa labas dahil sa karpiyo na ipinatutupad sa bahay ampunan na kapag sapit ng alas-diyes ng gabi, tulog na dapat ang lahat lalo na ang mga bata.
" Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi, " halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kaniyang likuran. Napatayo siya nang maayos at kaswal na hinarap ang madre na dismayadong nakatingin sa kaniya hawak ang lampara. " Magandang gabi ho, sister Bella. " Yumuko siya nang bahagya upang magbigay galang ngunit hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng madre. " Saan ka nanggaling? Maghapon kang wala, " anito at ang mga mata ay diretsong nakatingin sa kaniya. " Lucine, hindi ka na bata para paulit-ulit na pagsabihan. Ang akala mo ba'y hindi ko napapansin ang madalas mong lakad nitong mga nakaraang araw? Saan ka ba nagpupunta at anong pinagkakaabalahan mo? "Hindi siya agad nakasagot. Nanatili siyang nakatungo at hinihintay na lamang na sabihin na pumasok siya ng kuwarto upang makapagpahinga.Hindi na ito ang unang beses na nangyari ito, kaya sanay na siyang mapagsabihan at pagalitan ng madre na tumatayo bilang kaniyang ina at ng ilang mga bata sa bahay ampunan.
" Tungkol ba ito sa paghahanap mo sa iyong ama? " doon ay tagumpay na nakuha ang atensyon niya dahilan para mapaangat ang ulo niya at gulat na napatingin sa madre. " Kumusta? Nahanap mo na ba siya? Nakita mo na ba ang iyong ama? "Naiyukom niya ang kamao at umiwas ng tingin. " Hindi ko po alam ang sinasabi niyo. "" Lucine, hindi ako bulag para hindi makita ang mga ginagawa mo. Hindi lang ako nagsasalita dahil ayokong isipin na nagsisinungaling ka saakin. " Naglakad ito palapit sa kaniya saka ibinaba ang hawak na lampara sa mesang na sa gilid niya. " Alam kong nagdadamdam ka pa rin dahil ayaw kitang payagan na makilala o makita ang iyong ama. Patawarin mo ako pero isa ito sa kahilingan ng iyong ina bago niya lisanin ang mundong ito nang ipanganak ka niya at hindi ko gustong suwayin siya. "
" Sister Bella, wala ho ba akong karapatan bilang isang anak? " tanong niya rito, " Kagaya nga ng sinabi niyo kanina, hindi na ako bata kaya alam ko po ang mga ginagawa ko. Mayroon naman po akong isip para makagawa ng sarili kong desisyon, hindi po ba? Nasasakin na po siguro kung may gusto akong hanapin na kasagutan sa mga katanungang nasa isip ko? "Nagpakawala ito nang malalim na buntong hininga. " Lucine, Alam kong napakaraming katanungan sa isip mo simula bata ka pa lang, pero may mga bagay na mas mainam na hindi mo alam para sa'yong kapakanan—"
" Nakita kong masaya siya sa bago niyang pamilya, " pagputol niya saka pinilit ang labing ngumiti kaht may kirot sa puso niya. " Pero hindi naman po ako nagsisisi na malaman ang katotohan na 'yon. Sa katunayan, para nga po akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil nabawas na siya sa mga iniisip ko. Gayunpman, masaya po ako dahil nahanap ko na siya. "Hindi agad nakapagsalita ang madre, kaya naman kinuha na ni Lucine ang pagkakataong iyon upang magpaalam na papasok na siya ng kuwarto para makapagpahinga.
Dalawang araw na ang nakalipas magmula noong makita ang ama na naging rason para matapos ang lahat ng mga katanungan mula sa kaniyang isipan. Buong buhay niya, umasa siya na makita at makilala ang ama sapagkat ang kaniyang ina ay maagang nilisan ang mundo kaya ganoon na lang ang kaniyang pangungulila sa pagmamahal ng isang magulang. Lumaki siya sa bahay ampunan sa pangangalaga ng mga madre at nakatanggap naman siya ng pag-alaga at pagmamahal sa mga ito, subalit iba pa rin para sakaniya ang pagmamahal na galing mismo sa dahilan kung bakit siya nabubuhay. Sumalubong sa kaniya ang tahimik at madilim na silid nang buksan ang pinto ng kwarto. Pumasok siya sa loob at nang buksan ang ilaw, ibinagsak niya agad ang sarili sa kama, pumikit ang hinayaan ang sariling magpatangay sa alon mula sa kaniyang isipan. Dalawamput limang taon na siyang nabubuhay sa mundo at ngayon lang talaga siya nagkaroon ng pagkakataon makita ang ama na hindi naman niya pinagsisihan. Tinupad nga Niya ang matagal na niyang panalangin, subalit hindi naman niya inaasahan na sakit pala ang idudulot nito sakaniya. Noon pa man ay matagal na siyang pinagbabawalan ng madre na hanapin ang kaniyang ama pero nais pa rin niya itong makita at makilala dahil ayaw niyang mamatay nang may pakiramdam na may kulang sa pagkatao niya. Sinuway n'ya ito, hinanap niya ang ama, nakita niya pero mayroon na itong ibang pamilya, at ngayong nakuha na niya ang gusto, bigla siyang napaisip kung anong sunod niyang gagawin ngayong nakilala na niya ama." Trabaho. " Bumangon siya sa kama at kinuha sa ilalim ng unan ang ilang karatula na may mga nakalahad na trabahong maaari niyang mapasukan, pero ni isa sa mga ito ay hindi siya kwalipikado dahil wala siyang natapos na baitang sa eskwelahan. Marunong naman siyang bumasa, sumulat at magbilang, iyon nga lang ay hindi pa rin iyon sapat upang makapaghanap siya ng mapapasukan.
Sapat na ang dalawang araw niyang pagkadismaya at pagda-drama patungkol sa nalaman niya sa ama. Wala siyang oras magpakalunod sa lungkot dahil hindi habambuhay ay nakaasa siya sa bahay ampunan na ito. Nais na niyang bumukod at magkaroon ng sariling buhay, subalit hindi niya alam kung saan magsisimula.
" Nabuhay lang yata ako para saluhin ang lahat ng kamalasan sa mundo, " buntong hiningang wika niya. " Wala ka na ngang magulang, wala ka pang mahanap na trabaho. Saan ka pupulutin nito? "Wala siyang nagawa kung hindi ang bumalik sa pagkakahiga at muling humugot ng isang malalim na buntong hininga. Nakipagtitigan sa kisame hanggang sa tangayin na siyang antok at tuluyang makatulog. ***Linggo ng umaga, ang mga madre sa bahay ampunan ay abala sa misa sa simbahan. Ang mga bata naman ay masayang kumakain ng umagahan sa isang bakuran kung saan naroroon si Lucine at tumutulong sa mga naiwan na mag asikaso sa mga gawain sa bahay ampunan.
" Lucine, nakapag gayak ka na ba ng tubig pampaligo sa mga bata? " Nahinto siya sa pagpapakain ng dalawang-taong bata nang lapitan siya ni Aling Josie—isa sa mga tauhan na boluntaryong tumutulong sa bahay ampunan.
" Hindi pa po. Ihahanda ko na ho ba ngayon? " tanong niya saka sinubuan ang batang naka-awang ang bibig sa harap niya." Oo sige magpatulo ka na para mapaliguan na rin silang lahat. Pupunta raw kasi dito si Father mamayang tanghali pagkatapos ng misa, " anito at wala na siyang nagawa kung hindi ang tumayo para gawin ang ipinag-uutos sa kaniya.Tumungo siya sa duluhan upang magpatulo sa gripo ng tubig pampaligo sa mga bata. Pumasok na rin muna siya sa loob upang ipaghanda sila ng mga damit pamalit ngunit sandali siyang natigilan nang mapadaan sa isang bahagi ng pasilyo kung saan may naririnig siyang nag-uusap.
" Seryoso, hanggang isang linggo na lang 'yong budget natin? " mahina ngunit mababakas sa boses nito ang gulat kaharap ang kausap niya. " Grabe na nga 'yong ginagawa nating pagtitipid sa mga gastusin sa mga pagkain, hindi ba? Akala ko aabot pa hanggang dalawa o tatlong linggo 'yong funds. "
" Iyon rin nga ang akala ko, kaso wala tayong magagawa kung tumataas rin ang presyo ng mga bilihin ngayon, " tugon ng isa, " hindi ko alam kung paano sasabihin 'to kay Sister Bella lalo na't may pino-problema rin sila ngayon. Hindi naman pwede na lagi tayong nakaasa sa mga donasyon ng ibang mga tao. Kailangan nating umisip pa ng mga paraan. "Hindi na niya pinakinggan pa ang ibang pag-uusap lalo na't nagsimula silang maglakad papunta sa gawi niya at dahil sa takot na baka siya ay makita, umalis na s'ya sa kinatatayuan niya. Nagtungo siya sa kwarto ng mga bata upang gawin ang sadya niya.
Sumapit ang tanghali, natapos na niya ang lahat ng mga kailangan gawin. Nakapaghanda na rin sila ng tanghalian sa hapag kainan dahil magkakaroon ng kaunting salu-salo sa pagdating ng Padre.
" Oh, Lucine saan ka pupunta? Kakain na. Padating na sila sister Bella, " tanong ng kaniyang nakasalubong sa pintuan palabas ng bahay ampunan." May kailangan lang ho akong puntahan sa bayan. Saglit lang po ako pero h'wag niyo na ho akong hintayin, kumain na ho kayo, " paalam niya bago tuluyang lumabas. Sinubukan pa siyang pigilan pero nagpanggap siyang walang naririnig at nagmadaling umalis bago pa niya makasalubong sa kalsada ang mga madre.Halos sampong minuto ang kaniyang nilakad para lang tumungo sa kalapit nilang bayan at balikan ang isang karinderya na nadaanan niya kahapon." Magandang tanghali ho, " bati niya sa kahera na nasa bungad pagpasok niya sa loob. " Ah, nakita ko kasi kahapon na mayroon kayong nakapaskil sa labas na naghahanap kayo ng katulong dito sa karindeya. Gusto ko lang ho itanong kung puwede pa ba? "" Naku, sayang mayroon na kaming nahanap, " anito, " pero tumingin-tingin ka pa diyan sa labas at may mga ilang estbalisyementong naghahanap ng mga tao. "
Tumango siya. " Sige ho, salamat. "Lumabas siya ng karinderya at nilibot ng kaniyang paningin ang kalsadang nasa harap niya. Sa katunayan, maraming establisyemeto ang puwede niyang pasukan sa bayang ito pero ni isa sa mga hinahanap nila ay wala siya. Katunayan na siya'y nakapagtapos at karanasan tungkol sa papasukin niyang trabaho ay ang dalawang mahalagang bagay na kailangang mayroon siya.Nagpakawala siya nang malalim na buntong hininga at nagsimulang maglakad sa gilid ng kalsada nang may mamataang isang papel na lumilipad patungo sa kaniyang gawi at bumagsak mismo sa harap niya. Yumuko siya upang ito'y pulutin at isa itong karatula na naghahanap ng isang tagapag-alaga ng isang taong mayroong kapansanan. Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata sa sahod na nakalahad subalit ang mas kinagulat niya ay nang makita ang isang pamilyar na apelyido. " Hassan? " takhang tanong sa sarili at unang pumasok agad sa kaniyang isipan ay ang ama. Sandali siyang napaisip kung tama nga bang mayroong koneksyon ang kaniyang ama sa mga Hassan hanggang sa maalala niya ang anak nitong babae na sa kaniyang pagkakaalam, ang asawa nito ay isang Hassan.Sandali siyang nilipad ng isipan at natulala sa kawalan. Walang nakalagay sa karatula na kailangan ng katibayan na nakapag-aral ka o karanasan sa pag-aalaga ng tao, ngunit kung sakali mang pasukin niya ang trabahong ito, para na rin niyang pinasok ang mundo kung saan naroroon ang kaniyang ama.Gusto niyang makasama ang ama, subalit hindi naman niya gusto makasira ng pamilya. Batid niyang walang ideya ang ama na mayroon siyang anak sa labas at kung sasabihin niya ito, maniniwala kaya ito sa kaniya? Hindi niya alam at natatakot siyang subukan kahit na mayroon naman siyang karapatan kilalanin ang ama.Itinupi niya sa tatlo ang napulot na papel at ibinulsa bago magpatuloy sa paglalakad pauwi sa bahay ampunan.
***" Tanggap ka na. Maaari ka ng magsimula bukas. "Hindi batid ni Lucine kung nagbibiro lang ba ang babae sa harap kung kaya't naghintay pa siya ng ilang saglit dahil baka may sunod itong sasabihin pero wala, diretso ang tingin nito sa kaniyang mga mata na para bang hinihintay ang reaksyon niya. " Tama ho ba ang narinig ko? Tanggap na po ako sa trabaho? " paniniguro niya sapagkat halos limang minuto lang ang tinagal ng pakikipagusap ng mayordoma na siyang sumalubong sakaniya kanina. " Ganoon na nga. Bakit? Nagbago na ba ang isip mo? "" Hindi naman po sa ganoon. Nabigla lang ako dahil sa bilis ng pagtanggap niyo saakin. "Bahagya itong ngumiti sa kaniya at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. " Sa totoo lang, pagod na rin kaming maghanap ng tagapag-alaga dahil halos hindi naman nagtatagal ang ilang aplikante na pumasok dito. Katunayan nga, isang linggo na ang pinakamatagal na nanilbihan sa mga kinuha namin. "" Isang linggo? " Nagsalubong ang kilay niya at biglang napaisip kung tama ba ang pinasok niya. " Bakit ho? Mahirap ho bang asikasuhin ang taong ipapaalaga niyo? "" Parang ganoon na nga. Maski mga propesyonal na tagapag-alaga ay sinukuan siya dahil sa ugali niya, " anito at kita ang pag-aalinlangan sa mukha ni Lucine kaya muli siyang nagsalita. " Hindi naman siya nananakit ng tao. Sabihin na natin na para siyang isang bata na nagwawala kapag hindi nakukuha ang gusto. "
Bigla siyang natahimik at nag-isip. " Maaari ko ho bang malaman kung anong sakit niya? "" Baldado ang taong aalagaan mo. Hindi siya nakakapaglakad, palagi lang siyang nakaupo at ang nagsisilbing mga paa niya ay ang wheel chair niya, " anito, " Gayunpaman, may rehabilitasyon namang tumutulong sakaniya dahil may pag-asa pa naman siyang muling makalakad. Iyon nga lang, parang tinanggap na lang niya ang kalagayan niya at hindi na niya tinutulungan ang sarili niya. "
Napatango siya at pinigilan ang sariling mag usisa pa dahil baka masyadong personal ang itatanong niya. Iginala na lamang niya muna ang mata sa sala kung saan sila naroroon. Malaki ang mansyon na para bang nasa loob ka ng kastilyo. Magagara ang mga kagamitan sa loob at napakalawak ng lupain sa labas. Hindi siya makapaniwala na nakapasok siya sa isang mansyon na tinitingala ng lahat ng mga tao sa labas nito." Gusto mo bang maglibot muna? Puwede kitang samahan, " tanong ng mayordoma sa kaniya saka ito tumayo mula sa pagkakaupo sa sopa.
" Ah, hindi na po. " Tumayo na rin siya. " Pero kung ayos lang po sainyo, puwede ko na po ba siyang makita ngayon? "Matagal bago ito nakasagot. " Kung iyon ang gusto mo, sumunod ka saakin. "
Umalis sila sa sala at naglakad patungo sa malaki at mahabang hagdan. Bawat hakbang ay may kaba ngunit desidido siyang pasukin ang trabahong maglalapit sa kanila ng ama." Maitanong ko lang po, nasaan po ang ibang tao dito sa mansyon? " pasimpleng pagtatanong habang naglalakad sila sa pasilyo upang puntahan ang sadya nilang kwarto." Hindi ko masasagot ang tanong mo dahil may mga sari-sarili silang mundo, " tugon nito at ilang saglit pa ay huminto sa isang pinto. " Ito ang kwarto ng Señor. Pinakadulo ng pasilyo dito sa ikalawang palapag ng mansyon. Bibigyan kita ng susi nito bukas kapag nagsimula ka na. "Tumango siya at hinarap ang pinto. Inangat na ng mayordoma ang kamay upang sana'y kumatok ngunit kapwa sila nagulantang nang makarinig ng nabasag na gamit mula sa loob." Labas! Ilang beses ko ng sinabi na hindi ako iinom ng kahit na anong gamot, hindi ba? Alisin mo 'yan sa harap ko! " isang nanggagalaiting boses ang nagpatayo sa balahibo ni Lucine dahilan kaya s'ya napaatras mula sa pinto.Agad namang binuksan ng mayordoma ang pinto at bumungad sa kanila ang kalat na pagkain sa sahig at ang ilang basag na pinggan at baso na mukhang sinadyang itinapon." Pasensya na po, Señor. Liligpitin ko na po ito, " bakas naman ang takot sa mukha ng isang katulong habang iniisa-isang pulutin ang nagkalat sa sahig. Tumulong na rin dito ang mayordoma na mag ligpit, habang nanigas naman sa kinatatayuan si Lucine sa harap ng pintuan.Tila naputulan siya ng dila habang pinagmamasdan ang kwartong nasa kaniyang harapan. Na-blangko ang isip niya dahil hindi ganito kalala ang nasa isip niya kanina." Ikaw. " Gumalaw ang mga mata ni Lucine patungo sa puwesto ng lalaking nakaupo sa isang silyang de-gulong. Nagtama ang kanilang mga mata at ramdam niya sa buong katawan niya ang lamig ng tingin nito sa kaniya. " Hindi kita kailangan dito, umalis ka na. "
Sa mga sandaling iyon, lalo siyang hindi nakapagsalita, dahil sinong mag aakala na mala-halimaw pala ang kailangan niyang alagaan at paamuhin sa loob ng mala-kastilyong mansyon na ito.
" Ano kamo? Mayroon kang trabaho? " hindi makapaniwalang tanong ni sister Bella kay Lucine na ngayon ay nasa kaniyang opisina upang ipaalam ang balitng ito. " P-paanong nangyari 'yon? Saan? Kailan pa? "" Kahapon lang po at natanggap na rin po ako agad. Ngayong umaga na rin po ang unang araw ko, " tugon niya, " Hindi po ninyo kailangan mag-alala dahil malinis po ang trabahong pinasok ko. Mag aalaga po ako ng isang taong baldado sa mansyon ng mga Hassan. "Tila lalong lumaki ang mga mata ng madre at napatayo sa kaniyang kinauupan habang hindi makapaniwalang nakatingin sa dalaga." Lucine, ano bang gusto mong mangyari? Hindi naman kita pinaghahanap ng trabaho para pasukin ang—"" Sarili ko po itong desisyon, sister Bella. "" Pero—"" Alam ko pong sa mansyong iyon nakatira ang pamilya ng aking ama, " aniya, " pero wala po akong balak manggulo sa kanila. Gusto ko lang po makita, makasama at makilala pa ang taong umabanduna saamin ng aking ina. Masama mo ba kung gagawin ko iyon? "Hindi a
Isang linggo na ang nakakalipas magmula noong pumasok si Lucine sa mansyon ng Hassan at araw-araw ay laging sinusubok ang pasensya niya ng taong inaalagaan niya, dahil kung paano niya ito nakilala noong unang araw, ganoon pa rin ito hanggang ngayon. Walang pagbabago, palagi pa rin mainit ang ulo. Hindi na lamang siya umiimik at iniintindi na lang ang kalagayan nito kagaya ng bilin sa kaniya ng mga madre nang malaman ang sitwasyon niya. Minsan may mga oras din naman na kalmado ito at kinakain ang mga pagkaing dinadala niya at ang gamot ay iniinom rin, subalit mangyayari lamang 'yon sa tuwing kasama nila sa kwarto ang asawa. " Pakiabot ang tubig niya, " ani Venice matapos isubo ni Amadeus ang tableta na ibinigay niya. Maingat namang kinuha ni Lucine ang isang basong tubig na nasa mesa saka iniabot ito kay Venice na marahang pinainom ang asawa ng panulak sa tabletang pinainom nila. Kinuha ni Lucine ang maliit niyang kuwaderno kung saan nakatala ang mga dapat niyang ipainom na gamot
" Señor, narito na po ang hapunan ninyo. Papasok na po ako, " rinig ni Amadeus na katok sa kaniyang kwarto at mula sa gilid ng kaniyang mata, nakita niyang bumukas ang pinto at pumasok ang mayordoma dala ang pagkain niya. Maingat na ipinatong ang bandeha sa mesa na nasa kaniyang harapan habang isa-isang inalis ang plato at baso para makapagsimula na siyang kumain. " Iyong babae... " panimula ni Amadeus saka isinara ang librong binabasa. "...nakauwi na ba siya? " " Si Lucine ho ba ang tinutukoy n'yo? " anito saka kinuha ang bandeha matapos ayusin ang mga plato at gamot na iinumin niya. " Nakauwi na ho siya kanina pa matapos kayong maihatid dito. " Hindi siya sumagot. Isang tipid na tango na lamang ang tinugon niya bago umalis sa harap niya ang mayordoma. Nang marinig ang pagsara na pinto, doon niya lang inangat ang ulo niya at tinitigan ang pagkain sa kaniyang harapan. Wala pa rin siyang ganang kumain kahit na ang nakahandang putahe ay ang paborito niyang ipaluto noon sa kusina. I
Mainit-init pa ang inihaing putahe sa mesa nang maupo si Lucine sa silya. Iyong aroma ng ulam na nasa harap niya ay s'yang lalong nagpakulo sa sikmura niya. " Pasensya na po, " nahihiya niyang saad sabay hawak sa tiyan niya. " Wala kang dapat ikahiya. Ako nga ang dapat humingi ng tawad dahil muntik ka ng umuwi nang walang laman ang sikmura. Nakakahiya sa parte ko bilang mayordoma sa mansyon na ito, " sagot nito saka sinalinan ng tubig ang baso niya. " Sige na, kumain ka na hangga't mainit pa. Inutusan ko naman na ang isang kasambahay dito na painumin na ng gamot ang Señor. Nakapaghapunan naman na siya, hindi ba? "Tumango siya saka inangat ang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding sa kusina. Sampung minuto pa lang ang nakakalipas matapos niya ito pakainin ng hapunan sa silid nito at kailagan niya na lang painumin ito ng gamot bago siya umuwi subalit inimbita siya ng mayordoma na dito na maghapunan bago tuluyang umalis. " Uh, excuse me? Pwede ka bang makausap? " kapwa sila napal
Amadeus Hassan, isang mabuting tao at mapagmahal na asawa. Bilyonaryo dahil sa kompanyang pagmamay-ari ng magulang niya na ipinamana sa kaniya. Nag-iisang anak kung kaya't siya lamang ang inaasahang magtutuloy ng iniwang tungkulin sa kompanya. Akala niya noong una, imposible niyang magampanan nang maayos ang iniwang posisyon ng ama, subalit nagawa niya at napagtagumpayang makilala ng buong mundo ang Hassan's Mall na ngayon ay daan-daan na ang napatayo sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Lahat ng nakakakilala sa pangalan niya ay hanga sa pagiging matagumpay niyang negosyante. Bukod pa roon ay mayroon siyang mabait na asawa na suportado sa lahat ng ginagawa niya at biyenan na nag silbing pangalawa niyang magulang. Masasabi na nga niyang perpekto na ang buhay niya at wala na siyang hihilingin pa, subalit gumuho ang mundo niya nang maaksidente siya na naging dahilan para maging baldado siya. Doon nagsimulang magbago ang lahat at lumitaw ang totoong kulay ng mga tao sa paligid niya. Iyong
Maligamgam na tubig ang lumalabas mula sa hawak ni Lucine na ipinaaambon niya sa katawan ng lalaking nakaupo sa silya. Marahan niyang sinasabunan ang bawat parte ng katawan nito, pilit binabaliwala ang titig ni Amadeus sa kaniya na tila sinusundan ang bawat galaw niya. Hindi niya alam kung bakit siya ngayon nakakaramdam ng pagkailang gayong hindi naman ito ang unang pagkakataon na gawin niya ito sa pasyenteng inaalagaan. Itinigil niya ang ginagawa matapos mabanlawan ang katawan nito ng tubig. Inangat niya ang ulo at nagtama ang kanilang mga mata. Segundo ang lumipas bago niya maibuka ang bibig niya. " Mayroon ba kayong gustong sabihin? " tanong niya saka ibinalik ang hawak niyang sabon sa lalagyan. " Nagtataka lang ako dahil parang normal na sa'yo ang makakita ng hubad na katawan ng lalake, " anito, " Kung tama ang pagkakatanda ko, ito ang unang beses na pumasok ka sa ganitong trabaho. " " Sa katunayan, noong una ay kinabahan ako pero dahil parte ito ng trabaho ko, kailangan ko
Huling hapunan. Iyon ang pakiramdan ni Amadeus habang kaharap ang mahabang mesa na puno ng mga putaheng paborito niya. " Kay tagal na rin pala simula noong mag salo-salo tayo isang hapag kainan. " Nakangiting wika ni Logan habang ang mga mata ay nakapako sa kaniya. " Anong masasabi mo? Hindi ka ba natutuwa sa aming hinanda? Kagaya ng sabi ko, ngayon na lang ulit tayo magsasalo-salo sa iisang mesa pero bakit parang hindi ka masaya? " " Papà, sa tingin ko naninibago lang si Amadeus dahil ilang buwan din siyang kumakain nang mag-isa sa kwarto niya, " mungkahi naman ni Venice na nasa kanang bahagi niya, kaharap ang ina at ama. Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. " Mahal, mayroon bang problema? Mayroon ka pa bang ibang putahe na gusto mong ipaluto? Sabihin mo lang. " " Tama, huwag kang mahiya. Ituring na rin natin itong isan
Madaling araw pa lang, mulat na ang mga mata ni Amadeus habang pinagmamasdan ang pagbukang liwayway ng kalangitan mula sa balkonahe na kaniyang kinalalagyan. Maganda ang panahon, ang mga ibon ay malayang nagsisiliparan sa itaas at nagsisimulang mag ingay hudyat na panibagong pakikipagsapalaran na naman ang kailangan lagpasan ngayong araw. Binaba niya ang tingin mula sa balkonahe kung saan nagsisimula ng magwalis sa harapan at magdilig ng mga halaman ang ilang kasambahay. Dito siya mismo sa pwesto na ito naghintay sa pagdating ni Lucine kahapon at ngayon ay ito pa rin ang pwesto niya subalit wala na siyang hinihintay pa. Kagabi rin mismo matapos malaman na nakalaya na ang dalaga, agad din siyang nag desisyon na tanggalin ito sa trabaho. Hindi niya gustong idamay pa ang ibang tao sa gulo ng pamilyang ito, lalo na't nababatid niyang nagsisimula ng kumilos ang biyenan niya para kalabanin siya. " Señor, narito na po ang umagahan niyo, " rinig niyang boses ng mayordoma matapos nitong kum