Montefalco Series 2: One Night Mistake

Montefalco Series 2: One Night Mistake

last updateLast Updated : 2023-05-16
By:  Diena  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
50Chapters
36.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Warning: R-18. Not suitable for young readers. Read at your own risk. ________ Kapit sa patalim. Iyan ang ginagawa ng isang mahirap na katulad ko sa oras ng kagipitan. Mahirap. Nakakababa ng digninad. Wala na ngang pinag-aralan pinasok pa ang isang bagay na hindi makatarungan. Ngunit sa ngalan ng pamilya, pagmamahal,at sakripisyo,lahat kaya kong isugal maisalba lang ang buhay ng nanay ko. Pera kapalit ang dangal. Dangal na nawala para makasalba ng isang buhay. Ito ang mahirap para sa gaya kong isang mahirap ngunit wala kang pagpipilian kundi pasokin ito dahil ito lang ang naisip mong madaling paraan. "So, ano ang dahilan mo bakit sumama ka sa akin?" Mapang-akit niyang tanong sa mapusok naming halikan. "Pera," pa-ungol na sagot ko sa sensasyon na nadarama. Dangal laban sa isang buhay na kailangan iligtas. Puri para sa perang inaasam. A one night mistake that changed my life forever that I can't escape.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Sa panahon ngayon kailangan mo mag doble kayod kung ikaw ay isang kahig isang tuka lamang. Huwag kang umasa sa grasya na darating, kailangan mo rin itong paghirapan. Huwag kang umasa sa iyong magulang kung kaya mo namang magtrabaho para magkapera. Pamilya nga diba? At ang pamilya nagtutulungan sa hirap man o sa ginhawa. At sa isang tulad kong mahirap, hindi lang doble, triple, ang pagkayod ko sa trabaho, hangga't kaya ko, hangga't may lakas ako hindi ako susuko para sa inay ko. "Mag sulat na kayo ng title ng kanta na i-request ninyo kasi dalawang kanta lang ang kakantahin ko and the rest ay 'yong song request ninyo naman, " sabi ko at umayos ng upo. Sinuyod ko ng tingin ang mga tao dito sa loob ng bar na kinakantahan ko. Karamihan sa kanila ay pamilyar sa akin ang mukha, every weekend yata sila dito at sa palagay ko ay mga college students sila."Miss L, dalawang kanta raw limang daan ang tip," ani ng lalaki at inabot sa akin ang papel kung saan nakasulat ang kantang ni request ni

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mayfe de Ocampo
nice story,,masyado lang oa si liel pinapangunahan nya lagi, sobrang mahal sya ni ethan na di nya na napapansin ang sobrang effort na ginagawa,,overall highly recommended story
2024-03-09 23:38:52
1
user avatar
Mimi Mercado Epil
naiinis ako sa character n lil kasi sobrang overthinker at tsaka masyado nyang binabalewala ang effort n ethan bakit d nila pag usapan ang set up na may say nman si ethan hindi puro sya lang nasusunod.. tapos sya din ngpapahirap sa sarili nya haiissst
2023-04-17 02:10:25
4
50 Chapters

Chapter 1

Sa panahon ngayon kailangan mo mag doble kayod kung ikaw ay isang kahig isang tuka lamang. Huwag kang umasa sa grasya na darating, kailangan mo rin itong paghirapan. Huwag kang umasa sa iyong magulang kung kaya mo namang magtrabaho para magkapera. Pamilya nga diba? At ang pamilya nagtutulungan sa hirap man o sa ginhawa. At sa isang tulad kong mahirap, hindi lang doble, triple, ang pagkayod ko sa trabaho, hangga't kaya ko, hangga't may lakas ako hindi ako susuko para sa inay ko. "Mag sulat na kayo ng title ng kanta na i-request ninyo kasi dalawang kanta lang ang kakantahin ko and the rest ay 'yong song request ninyo naman, " sabi ko at umayos ng upo. Sinuyod ko ng tingin ang mga tao dito sa loob ng bar na kinakantahan ko. Karamihan sa kanila ay pamilyar sa akin ang mukha, every weekend yata sila dito at sa palagay ko ay mga college students sila."Miss L, dalawang kanta raw limang daan ang tip," ani ng lalaki at inabot sa akin ang papel kung saan nakasulat ang kantang ni request ni
Read more

Chapter 2

Masayang-masaya ako dahil na ubos na naman ang paninda ko. Naglalako ako nang niluto kong pastel sa palengke . Ito 'yong kanin na nakabalot sa dahon ng saging na may ulam ng kasama. Ang kinita ko kahapon sa pagtinda naging doble na ngayon pero hindi parin ito sapat. Ang kinikita ko sa pag pa-pastel ay sakto lang sa pang araw-araw na pangangailangan namin ni nanay. Kailangan ko pang rumakit ng ibang pagkakitaan para madali akong maka ipon ng pera pang opera niya.Habang pa uwi ako naghanap narin ako ng tindahan na naghahanap ng tindera, kahit part time job lang basta mayroong kita. Hindi ko kasi pwede na iwan si nanay at walang magbabantay sa kanya. Wala siyang kasama sa bahay. Paano kung atakihin siya ng sakit niya sino ang tutulong sa kanya? Kaya wala akong matino na trabaho dahil inaalala ko siya. Wala kaming kamag-anak rito hindi naman pwede na palagi nalang akong makisuyo sa kapit-bahay namin, may trabaho rin sila at wala akong ipang bayad sa magbantay kung magtatrabaho ako ng
Read more

Chapter 3

Tulala ako, hanggang sa trabaho iniisip ko kung paano solusyonan ang problemang hinaharap naming mag-ina. Kailangan ng ma operahan si nanay sa lalong madaling panahon dahil kung hindi . . hindi ko alam kung hanggang kailan niya iindahin ang sakit niya. Hindi ko kaya na makita siyang nahihirapan kaya habang maaga pa, habang hindi pa malala ang kalagayan niya kailangan ay ma operahan na siya. Napahilamos ako ng mukha. Saan ako kukuha ng ganoon kalaki na pera? Hindi sapat ang ipon ko. Wala rin akong mautangan. Isa lang ang paraan ang naisip ko pero nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba. .kung kaya ko ba. Pero para ito kay nanay. Huminga ako ng malalim at tumayo, kinakabahan na naglakad palapit kay Madam Jinky. Nanginginig ang kamay ko na umupo sa harap ng counter bar kung saan banda siya naka-upo. "Madam Jinkz."Pukaw ko sa kanyang atensyon. Nagulat pa siya nang makita ako ngunit agad din namang nakabawi."Lil, a
Read more

Chapter 4

Warning 🔞: Not suitable for young readers.Nanlalamig ang mga kamay ko, namamawis ako sa kaba habang nakasunod sa likod ni Madam Jinky. Paano kung hindi pala siya gwapo, paano kung dugyot pala siya, isang mataba na matanda at mabaho ang hininga? Santisima, makayanan ko kaya tumabi sa kanya ng isang gabi? Baka bumuka palang ang bibig niya hinimatay na ako sa amoy patay niyang hininga. Panginoon, ‘wag naman sana.“Mr. M.”Nahinto ako nang may tinawag si madam. Muntik na akong matumba nang umangat ng tingin ang lalaking tinawag niyang Mr. M, ngumiti siya sa akin at hinimas ang kanyang baba na may makapal na bigote. Napalunok ako ng mariin at bahagyang umatras ng umayos ito ng pag upo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala, na ang sinabi ni Madam JInky ay kabaliktaran pala. Halata naman na isa siyang mayaman pero sa hitsura at porma niya para siyang isang matandang manyakis na ilang taon nang tigang. Mataba at malaki ang tiyan, ang kan
Read more

Chapter 5

“Maglinis ka muna ng katawan mo para mabawasan ang kirot sa ibaba mo.”Hinablot ko ang kumot at binalot ang katawan ko nang tumingin siya sa ibaba ko. Kakalabas niya lang ng banyo at wala siyang suot na kahit ako sa kanyang katawan. Huli na rin para umiwas ako ng tingin dahil narito siya sa harapan ko binabalandara ang kanyang kahabaan.“C’mon.”“Ako na, kaya ko.” Tanggi ko nang akma niya akong buhatin. Napangiwi ako nang sumilay ang kirot sa ibaba ko nang gumalaw ako.“Hoy!” gulat na hiyaw ko nang hablutin niya ang kumot na nakabalot sa katawan ko.“Nakita ko na iyan, nadilaan at nahawakan pa. Bakit mo pa itatago?”Napatanga ako, hindi makapaniwala sa salitang binitawan niya. Hindi na ako pumalag nang kargahin niya ako at dinala sa loob ng banyo. Maingat niya akong ibinaba. Akala ko ay aalis na siya pero ganun nalang ang gulat ko nang paandarin niya ang shower at pinaliguan ako.Napalibutan ng salamin ang loob ng banyo kaya kitang-kita ko ang bawat galaw niya sa likuran ko. Nang magt
Read more

Chapter 6

“Kuya, pwede ba maki-awit d’yan?” Tanong ko kay kuya na naka assign sa mga appliance's.“Sige ba.” Aniya at inabot sa akin ang mikropono.Ilang taon na ba noong huli akong humawak ng mikropono? Sa tagal ng panahon na lumipas hindi ko na tanda kung kailan ko ito huling nahawakan. Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa mop na araw-araw kung kasama at doon kumuha ng suporta. Nanibago ako. Makaraan ang anim na taon wala ng ibang tao na nakarinig sa boses ko na kumakanta. Matapos ang operasyon ni nanay tumigil na ako sa pagkanta at ngayon lang ako ulit sumubok muli.Habang kumakanta ako, may mangilan-ngilan na tao ang napapatigil upang panoorin ako. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang bawat lyrics ng kanta. Memories from the past flashback on me. Music heals buts sometimes lyrics kills. Kaya ako tumigil sa pagkanta matapos ang araw na iyon dahil sa bawat bigkas ko ng aking awitin, sumasagi siya sa isipan ko. . . Ang isang tao na nagbago sa buhay ko. . A one night mistake that changed my l
Read more

Chapter 7

Ilang beses akong napakurap habang pinoproseso parin sa aking isipan ang ginawa ni Ethan. Mariin parin ang kanyang halik sa labi ko na hindi ko magawang tugunan. Para akong naparalesa sa biglaang ginawa niya. Pinagloloko lang pala ako ng tao na 'to. Ibang linis pala ang tinutukoy. Bago pa dumapo sa kung saan ang kanyang kamay, natigil siya sa kanyang maglamusak sa labi ko nang may kumatok.Naka-awang parin ang labi ko hanggang sa maghiwalay ang labi naming dalawa. He licked his lips. Kinagat niya ang ibabang labi at nakangisi na sinalubong ang tingin ko, para bang nasiyahan siya sa ekspresyon na mayroon ako. Natinag lang ako nang may kumatok ulit sa pinto."Sir, the meeting will start in 30 minutes," anunsyo ng kanyang sekretarya sa labas."Prepare my things. Aalis tayo in 5 minutes," sagot niya sa akin parin ang tingin.Napa atras ako ng dumukwang siya ngunit mabilis na pumulupot ang kanyang braso sa baywang ko at hinila ako palapit sa kanya."Ano ba!" Nagpupumiglas na singhal ko sa
Read more

Chapter 8

Sa kagustuhan kong makalayo agad kay Ethan, hindi ko binigyan pansin ang rota ng jeep na sinakyan ko. Basta lang ako sumakay natatakot na baka sundan niya ako. Mabuti nalang at nahimasmasan kaagad ako sa padalos-dalos na ginawa ko.“Para ho!” ani ko at nag abot ng sampong piso at mabilis na bumaba. Tumawid ako sa kabilang kalsada at nilakad ang sakayan ng jeep pa uwi sa amin. Sa dulo ako umupo, habang hinihintay na mapuno ang loob ng jeep naglakbay ang isipan ko.Kapag hindi tumigil si Ethan sa ginagawa niyang paglalandi sa akin baka lalo ko lang siyang mamahalin, baka sa puntong ito hanap-hanapin ko na ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung anong laro ang gusto niya. KUng katulad parin ba ng dati na isa lang akong pampalipas oras, parausan, lapitan kapang may kailangan siya.Hindi na ako katulad ng dati. Natuto na ako sa pagkakamali ko. HIndi na ako masisilaw sa pera dahil sa kagustuhan kong kumita kaagad. Nangako ako sa sarili ko. Nangako ako sa kanya na hindi ko na iyon uulitin pa,
Read more

Chapter 9

Hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Kahit anong sabi ko sa sarili na dapat hindi ako magpadala sa bugso ng damdamin ko at sa mabulaklakin niyang bibig-pero wala paring kabuluhan ang lahat ng mga sinabi ko. Isang matamis na salita niya lang bumigay kaagad ako. Isang haplos niya lang, suko na kaagad ang katawan ko.Natauhan ako nang maramdaman ang kamay nang humigpit ang pagkahawak sa baywang ko. Ako na ang tumapos ng halikan namin. Nang maglakbay pa taas ang palad niya sa dibdib ko, tinabig ko iyon. Sinamaan ko siya ng tingin at umalis sa pagka upo sa kanyang hita."Yanie -,""Hep!" Pag pigil ko sa kanya na magsalita. "D’yan ka lang. ‘Wag kang tatayo, ‘wag kang lalapit sa akin.""5 minutes.""Hindi! D’yan ka lang. Hindi ako matatapos sa trabaho ko, panay landi mo sa akin.""Nagpapalandi ka naman."Inambahan ko siya nang palo ng mop na hawak ko ng biglang bumukas ang pinto."Ay! Hala. Sorry ho, sir. Akala ko wala kayo rito," nahihiya, kinakabahan na sambit ni Ann pagkapasok niyaTina
Read more

Chapter 10

Kapag rest day ko hinahayaan ako ni nanay na magpahinga, matulog at humulata buong maghapon. Wala naman raw akong gagawin kaya maigi na magpahinga na lang raw ako. Dapit hapon na nang magising ako na ipinagtaka ni nanay.“Hindi ka nag agahan pati kaninang tanghali hindi ka kumain,” aniya habang sinusuri ako ng tingin. “May problema ka ba? May sakit ka? Hindi kasi kita nakitang gumising,” nag-alala na saad niya.Napakamot ako ng ulo. “Masama ang pakiramdam ko kagabi. Hindi ko nasabi sayo kasi tulog ka na nang makarating ako,” huminga siya ng mamalim, hindi nagustuhan ang ginawa ko. Patagilid ko siyang niyakap. “‘Wag kang mag-alala, okay na ako. Sinulit ko lang ang tulog ko at saka may biscuit ako sa kwarto, iyon ang almusal ko kanina.”Natawa ako ng kurutin niya ang tagiliran ko. “‘Wag mo ng uulitin yun ,ha? Makatikim ka sa akin. At, diba bilin ko sayo gisingin mo ako kapag-,”“Hindi na po ma ulit, Nay.” “Ikaw talagang bata ka,” konsomesyon na sambit niya.Nilingon ko si nanay na na
Read more
DMCA.com Protection Status