Kapag rest day ko hinahayaan ako ni nanay na magpahinga, matulog at humulata buong maghapon. Wala naman raw akong gagawin kaya maigi na magpahinga na lang raw ako. Dapit hapon na nang magising ako na ipinagtaka ni nanay.âHindi ka nag agahan pati kaninang tanghali hindi ka kumain,â aniya habang sinusuri ako ng tingin. âMay problema ka ba? May sakit ka? Hindi kasi kita nakitang gumising,â nag-alala na saad niya.Napakamot ako ng ulo. âMasama ang pakiramdam ko kagabi. Hindi ko nasabi sayo kasi tulog ka na nang makarating ako,â huminga siya ng mamalim, hindi nagustuhan ang ginawa ko. Patagilid ko siyang niyakap. ââWag kang mag-alala, okay na ako. Sinulit ko lang ang tulog ko at saka may biscuit ako sa kwarto, iyon ang almusal ko kanina.âNatawa ako ng kurutin niya ang tagiliran ko. ââWag mo ng uulitin yun ,ha? Makatikim ka sa akin. At, diba bilin ko sayo gisingin mo ako kapag-,ââHindi na po ma ulit, Nay.â âIkaw talagang bata ka,â konsomesyon na sambit niya.Nilingon ko si nanay na na
Last Updated : 2023-03-08 Read more