Share

Montefalco Series 2: One Night Mistake
Montefalco Series 2: One Night Mistake
Author: Diena

Chapter 1

Author: Diena
last update Last Updated: 2023-01-31 18:53:36

Sa panahon ngayon kailangan mo mag doble kayod kung ikaw ay isang kahig isang tuka lamang. Huwag kang umasa sa grasya na darating, kailangan mo rin itong paghirapan. Huwag kang umasa sa iyong magulang kung kaya mo namang magtrabaho para magkapera. Pamilya nga diba? At ang pamilya nagtutulungan sa hirap man o sa ginhawa. At sa isang tulad kong mahirap,  hindi lang doble, triple, ang pagkayod ko sa trabaho, hangga't kaya ko, hangga't may lakas ako hindi ako susuko para sa inay ko. 

"Mag sulat na kayo ng title ng  kanta na i-request ninyo kasi dalawang kanta lang ang kakantahin ko and the rest ay 'yong song request ninyo naman, " sabi ko at umayos ng upo.

 Sinuyod ko ng tingin ang mga tao dito sa loob ng bar na kinakantahan ko. Karamihan sa kanila ay pamilyar sa akin ang mukha, every weekend yata sila dito at sa palagay ko ay mga college students sila.

"Miss L, dalawang kanta raw limang daan ang tip," ani ng lalaki at inabot sa akin ang papel kung saan nakasulat ang kantang ni request niya.

Tiningnan ko kung ano ang kanta na iyon, napangiti ako. " Sure, alam ko 'to. Paki sabi sa nag request maraming salamat."

Pinakita ko sa guitarist ang papel. "Wala kang babaguhin sa tono ha, baka magkamali ako."

"Sus. Ikaw pa, ang galing mo kaya, " pang uto ni Kuya Sen sa'kin.

Sinimangutan ko siya at muling humarap sa mga tao na nag-iinoman nang mag strum si kuya ng kanyang gitara.

Ito ang trabaho ko, isang singer sa bar tuwing gabi at isang taga lako ng pastel sa araw. Todo kayod ako sa trabaho kahit anong pagkakitaan basta kaya ay pasukin ko. Mahirap lang kami. At wala akong tatay na magtrabaho para may makain kami ni nanay. Ayoko naman na iasa kay nanay ang lahat, malaki na ako, nasa tamang edad na kaya kailangan kong magtrabaho para makatulong sa kanya.

Hanggang high school lang ang natapos ko, hindi na ako kayang pag-aralin ni nanay sa koleheyo. Gusto ko mang maging iskolar ngunit baka hindi parin kakayanin ni nanay ang ibang gastos dahil wala naman itong matino na trabaho.

Kaya nag doble kayod ako para makaipon sa pag-aaral ko ngunit lahat ng ipon ko ay naubos nang ma ospital si nanay. May bukol siya sa matres. At habang maliit pa dapat kailangan na iyon tanggalin. Ayoko siyang nakikita na nahihirapan sa tuwing d*******g siya sa kanyang sakit. Namumutla narin siya at lumulubo na ang tiyan. Kaya triple kayod ako sa pagtrabaho para pang opera niya.

"Thank you. See you again next week."

Saad ko nang matapos akong kumanta. Hanggang tatlong oras lang ako  dahil may ibang banda pa nasusunod na mag perform. Para sa akin kulang ang oras na iyon pero na kontento nalang at least kahit papano may kita ako.

"Limang daad lang ang akin, Liel, mas kailangan mo ang pera."

"Kuya naman," protesta ko. "Hatiin natin, hindi pwede iyang gusto mo. Kung wala ka hindi ako maka kanta."

Ginulo niya ang buhok ko. "Ano pa't naging tropa tayo. At saka," napakamot siya sa kanyang ulo. "Ayaw ni Stella na makihati pa ako sayo. Alam mo naman 'yong girlfriend ko. Ikaw kasi ayaw mo pa tanggapin ang tulong namin."

I sighed. " Problema namin ito, kuya. Pero salamat dahil nandiyan kayo handang tumulong sa akin. Huwag ho kayong mag-alala lalapit ako sa inyo kapag hindi ko na kaya. "

Kaya ko pa naman. At matagal pa ang operasyon ni nanay makapag-ipon pa ako. Malaking tulong na rin ang tatlong libo na talent fee namin ni Kuya Sen na bigay ni Madam Jinky hindi pa kasali ang tip na galing sa mga costumer. Kung ganito lagi ka laki ang makuha ko every weekend madali lang ako maka ipon ng pera.

"Una na ako kuya. Baka tulog na si nanay pagdating ko."

"Ingat ka."

Sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep. May kalayuan kasi itong bar ni Madam Jinky sa amin. Malaki ang ngiti sa labi ko na umuwi. Sana ganito lagi ka laki ang kita ko malaking tulong ito sa amin ni nanay.

"Nay! Nandito na ho ako."

Lumabas si nanay sa kanyang silid. Hirap itong lumakad, siguro sumasakit na naman ang puson niya. Inalalayan ko siya hanggang sa kusina at pina upo sa upuan sa harap ng mesa.

"Kumain ka na, Nay?"

"Hindi pa. Hinintay kita."

" Mabuti at maaga ako naka-uwi. "

Hinanda ko na ang pagkain namin. Kahit nahihirapan si nanay na gumalaw nagawa niya parin mag saing ng kanin at magluto ng ulam. Kahit ayaw ko na iwan siya dito sa bahay na mag-isa ngunit kailangan ko magtrabaho para magka pera. Hindi ko alam kung ano ang maging epekto ng sakit niya sa kanyang katawan basta hangga't maaga pa ay kailangan na itong maagapan. Siya lang ang mayroon ako. Hindi pa ako handa kung sakaling may mangyari na masama sa kanya.

" Sa next week, Nay, magpa check up ulit tayo, " saad ko sa gitna ng aming hapunan.

" Malaking gastos iyon anak, " nahihirapan na bigkas niya.

" Ang pera madali lang iyon makita, Nay. Pero ang buhay niyo. .ang kalusugan niyo mahirap kapag iyon na ang mawala. Gagawin ko ang lahat upang makaipon ng pera para sa operasyon ninyo. Gagaling kayo at maging malakas ulit. "

Hindi baleng mahirapan ako sa pagtrabaho basta makaipon lang ako nang pang opera niya. Hindi ko na kaya na makita siya araw-araw na nahihirapan sa pag-inda ng sakit niya.

Malungkot ang kanyang mukha na tumingin sa akin. " Pasensya ka na anak kung pabigat ako sayo ha. Nahirapan ka tuloy."

"Wala ito, Nay, sa lahat ng hirap at sakripisyo ninyo na buhayin ako na mag-isa. Binuhay mo ako na ikaw lang mag-isa. .at ngayon gagawin ko ang lahat ng paraan upang madugtungan ang buhay ninyo. .Mahal na mahal kita, Nay. "

Ang hirap at pagod ko ngayon wala ito sa kalingkingan ng pinagdaanan ni nanay. Mag isa siya habang pinagbubuntis ako hanggang sa ipinganak ako. Ang ama ko na siya dapat na kaagapay ni nanay sa lahat ay hindi man lang ito nagpakita sa kanya. Walang paramdam. Alam kaya niya na may anak siya? Marami akong tanong kay mama tungkol sa ama ko ngunit wala akong lakas na loob. Alam ko may dahilan ang lahat kung bakit hindi siya pinanagutan ng ama ko ngunit bilang isang anak nais ko rin malaman ang dahilan na iyon.

Twenty years. Kahit pangalan ng ama ko hindi ko alam. Kung ano ang itsura niya. Kung magka mukha ba kaming dalawa. Gamit ko ang apelyedo niyang Sandiego pero hanggang doon lang ang alam ko.  

Hindi ko kinakahiya ang pagiging single mom ni nanay, kundi proud ako sa kanya dahil hindi niya ginawa ang dahilan na iyon upang hindi ako buhayin at palakihin ng maayos. Na iinggit lang ako minsan sa mga pamilya na nakikita ko. Buo at masaya. Habang kami masaya lang hindi buo. Pero ang pagmamahal ni nanay at pag-aruga subra pa iyon sa isang bata na may isang ama.

Hindi niya pinaramdam sa akin na wala akong ama. Na kulang ang pamilya namin. Kaya hindi na ako naglakas loob na tanongin siya tungkol sa aking ama dahil maging unfair iyon sa kanya. Siya ang nandiyan sa loob ng dalawampung taon tapos ganon ko lang kabilis na itanong sa kanya kung sino at nasaan ang ama ko? Dapat makuntento na ako dahil kung may pakialam ang ama ko sana noon pa siya gumawa ng paraan para hanapin kami.

Kung dumating man ako sa punto na magka-anak ako, gagawin ko ang lahat mabigyan lang ng maayos at kompletong pamilya ang anak ko.

"Matulog na tayo, Nay."

Hinatid ko siya sa kanyang silid at inalalayan na humiga. Nag half bath muna ako at tumabi ng higa sa kanya. Natawa siya ng yumakap ako at sumiksik ng yakap.

"Dalaga ka na tumatabi ka parin sa akin. Parang hindi ko napansin na natutulog ka sa sarili mong kwarto." 

" Hanggat hindi ako nag-asawa hindi ako hihiwalay na tumabi sayo sa pagtulog. "

" Ipanalangin ko na sana magkaroon ka na ng nobyo at yayain ka kaagad ng kasal. "

" Nanay naman eh, " parang bata na reklamo ko at sumiksik pa ng yakap sa kanya.

Kailangan ko sulitin ang bawat sigundo na kasama kita, Nay. . kasi hindi ko alam kung hanggang kailan kita katabi sa pagtulog. 

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Kailangan mong sanayin ang sarili mo na matulog na hindi ako katabi. .paano nalang kung mag-asawa ka? Ha? "

" Matagal pa ako mag-asawa, Nay. Bata pa ako. Tulog na po tayo. Stop na sa usapang asawa kinikilabutan ako, " I said jokingly.

Ayoko marinig ang mga sasabihin niya dahil parang nagpapahiwatig ito. Alam ko, paalala niya iyon sa akin pero hindi ko maiwasan na kabahan sa klase ng mga salita na binibitawan niya. Ayoko na ulit makarinig ng ganon, pakiramdam ko mawala siya sa'kin ano mang oras.

" Good night. Mahal ka ni Nanay. "

Mahal na mahal rin kita, Nay. Gagawin ko ang lahat mapahaba lang ang iyong buhay.

Related chapters

  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 2

    Masayang-masaya ako dahil na ubos na naman ang paninda ko. Naglalako ako nang niluto kong pastel sa palengke . Ito 'yong kanin na nakabalot sa dahon ng saging na may ulam ng kasama. Ang kinita ko kahapon sa pagtinda naging doble na ngayon pero hindi parin ito sapat. Ang kinikita ko sa pag pa-pastel ay sakto lang sa pang araw-araw na pangangailangan namin ni nanay. Kailangan ko pang rumakit ng ibang pagkakitaan para madali akong maka ipon ng pera pang opera niya.Habang pa uwi ako naghanap narin ako ng tindahan na naghahanap ng tindera, kahit part time job lang basta mayroong kita. Hindi ko kasi pwede na iwan si nanay at walang magbabantay sa kanya. Wala siyang kasama sa bahay. Paano kung atakihin siya ng sakit niya sino ang tutulong sa kanya? Kaya wala akong matino na trabaho dahil inaalala ko siya. Wala kaming kamag-anak rito hindi naman pwede na palagi nalang akong makisuyo sa kapit-bahay namin, may trabaho rin sila at wala akong ipang bayad sa magbantay kung magtatrabaho ako ng

    Last Updated : 2023-01-31
  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 3

    Tulala ako, hanggang sa trabaho iniisip ko kung paano solusyonan ang problemang hinaharap naming mag-ina. Kailangan ng ma operahan si nanay sa lalong madaling panahon dahil kung hindi . . hindi ko alam kung hanggang kailan niya iindahin ang sakit niya. Hindi ko kaya na makita siyang nahihirapan kaya habang maaga pa, habang hindi pa malala ang kalagayan niya kailangan ay ma operahan na siya. Napahilamos ako ng mukha. Saan ako kukuha ng ganoon kalaki na pera? Hindi sapat ang ipon ko. Wala rin akong mautangan. Isa lang ang paraan ang naisip ko pero nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba. .kung kaya ko ba. Pero para ito kay nanay. Huminga ako ng malalim at tumayo, kinakabahan na naglakad palapit kay Madam Jinky. Nanginginig ang kamay ko na umupo sa harap ng counter bar kung saan banda siya naka-upo. "Madam Jinkz."Pukaw ko sa kanyang atensyon. Nagulat pa siya nang makita ako ngunit agad din namang nakabawi."Lil, a

    Last Updated : 2023-01-31
  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 4

    Warning 🔞: Not suitable for young readers.Nanlalamig ang mga kamay ko, namamawis ako sa kaba habang nakasunod sa likod ni Madam Jinky. Paano kung hindi pala siya gwapo, paano kung dugyot pala siya, isang mataba na matanda at mabaho ang hininga? Santisima, makayanan ko kaya tumabi sa kanya ng isang gabi? Baka bumuka palang ang bibig niya hinimatay na ako sa amoy patay niyang hininga. Panginoon, ‘wag naman sana.“Mr. M.”Nahinto ako nang may tinawag si madam. Muntik na akong matumba nang umangat ng tingin ang lalaking tinawag niyang Mr. M, ngumiti siya sa akin at hinimas ang kanyang baba na may makapal na bigote. Napalunok ako ng mariin at bahagyang umatras ng umayos ito ng pag upo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala, na ang sinabi ni Madam JInky ay kabaliktaran pala. Halata naman na isa siyang mayaman pero sa hitsura at porma niya para siyang isang matandang manyakis na ilang taon nang tigang. Mataba at malaki ang tiyan, ang kan

    Last Updated : 2023-03-04
  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 5

    “Maglinis ka muna ng katawan mo para mabawasan ang kirot sa ibaba mo.”Hinablot ko ang kumot at binalot ang katawan ko nang tumingin siya sa ibaba ko. Kakalabas niya lang ng banyo at wala siyang suot na kahit ako sa kanyang katawan. Huli na rin para umiwas ako ng tingin dahil narito siya sa harapan ko binabalandara ang kanyang kahabaan.“C’mon.”“Ako na, kaya ko.” Tanggi ko nang akma niya akong buhatin. Napangiwi ako nang sumilay ang kirot sa ibaba ko nang gumalaw ako.“Hoy!” gulat na hiyaw ko nang hablutin niya ang kumot na nakabalot sa katawan ko.“Nakita ko na iyan, nadilaan at nahawakan pa. Bakit mo pa itatago?”Napatanga ako, hindi makapaniwala sa salitang binitawan niya. Hindi na ako pumalag nang kargahin niya ako at dinala sa loob ng banyo. Maingat niya akong ibinaba. Akala ko ay aalis na siya pero ganun nalang ang gulat ko nang paandarin niya ang shower at pinaliguan ako.Napalibutan ng salamin ang loob ng banyo kaya kitang-kita ko ang bawat galaw niya sa likuran ko. Nang magt

    Last Updated : 2023-03-04
  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 6

    “Kuya, pwede ba maki-awit d’yan?” Tanong ko kay kuya na naka assign sa mga appliance's.“Sige ba.” Aniya at inabot sa akin ang mikropono.Ilang taon na ba noong huli akong humawak ng mikropono? Sa tagal ng panahon na lumipas hindi ko na tanda kung kailan ko ito huling nahawakan. Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa mop na araw-araw kung kasama at doon kumuha ng suporta. Nanibago ako. Makaraan ang anim na taon wala ng ibang tao na nakarinig sa boses ko na kumakanta. Matapos ang operasyon ni nanay tumigil na ako sa pagkanta at ngayon lang ako ulit sumubok muli.Habang kumakanta ako, may mangilan-ngilan na tao ang napapatigil upang panoorin ako. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang bawat lyrics ng kanta. Memories from the past flashback on me. Music heals buts sometimes lyrics kills. Kaya ako tumigil sa pagkanta matapos ang araw na iyon dahil sa bawat bigkas ko ng aking awitin, sumasagi siya sa isipan ko. . . Ang isang tao na nagbago sa buhay ko. . A one night mistake that changed my l

    Last Updated : 2023-03-04
  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 7

    Ilang beses akong napakurap habang pinoproseso parin sa aking isipan ang ginawa ni Ethan. Mariin parin ang kanyang halik sa labi ko na hindi ko magawang tugunan. Para akong naparalesa sa biglaang ginawa niya. Pinagloloko lang pala ako ng tao na 'to. Ibang linis pala ang tinutukoy. Bago pa dumapo sa kung saan ang kanyang kamay, natigil siya sa kanyang maglamusak sa labi ko nang may kumatok.Naka-awang parin ang labi ko hanggang sa maghiwalay ang labi naming dalawa. He licked his lips. Kinagat niya ang ibabang labi at nakangisi na sinalubong ang tingin ko, para bang nasiyahan siya sa ekspresyon na mayroon ako. Natinag lang ako nang may kumatok ulit sa pinto."Sir, the meeting will start in 30 minutes," anunsyo ng kanyang sekretarya sa labas."Prepare my things. Aalis tayo in 5 minutes," sagot niya sa akin parin ang tingin.Napa atras ako ng dumukwang siya ngunit mabilis na pumulupot ang kanyang braso sa baywang ko at hinila ako palapit sa kanya."Ano ba!" Nagpupumiglas na singhal ko sa

    Last Updated : 2023-03-04
  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 8

    Sa kagustuhan kong makalayo agad kay Ethan, hindi ko binigyan pansin ang rota ng jeep na sinakyan ko. Basta lang ako sumakay natatakot na baka sundan niya ako. Mabuti nalang at nahimasmasan kaagad ako sa padalos-dalos na ginawa ko.“Para ho!” ani ko at nag abot ng sampong piso at mabilis na bumaba. Tumawid ako sa kabilang kalsada at nilakad ang sakayan ng jeep pa uwi sa amin. Sa dulo ako umupo, habang hinihintay na mapuno ang loob ng jeep naglakbay ang isipan ko.Kapag hindi tumigil si Ethan sa ginagawa niyang paglalandi sa akin baka lalo ko lang siyang mamahalin, baka sa puntong ito hanap-hanapin ko na ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung anong laro ang gusto niya. KUng katulad parin ba ng dati na isa lang akong pampalipas oras, parausan, lapitan kapang may kailangan siya.Hindi na ako katulad ng dati. Natuto na ako sa pagkakamali ko. HIndi na ako masisilaw sa pera dahil sa kagustuhan kong kumita kaagad. Nangako ako sa sarili ko. Nangako ako sa kanya na hindi ko na iyon uulitin pa,

    Last Updated : 2023-03-04
  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 9

    Hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Kahit anong sabi ko sa sarili na dapat hindi ako magpadala sa bugso ng damdamin ko at sa mabulaklakin niyang bibig-pero wala paring kabuluhan ang lahat ng mga sinabi ko. Isang matamis na salita niya lang bumigay kaagad ako. Isang haplos niya lang, suko na kaagad ang katawan ko.Natauhan ako nang maramdaman ang kamay nang humigpit ang pagkahawak sa baywang ko. Ako na ang tumapos ng halikan namin. Nang maglakbay pa taas ang palad niya sa dibdib ko, tinabig ko iyon. Sinamaan ko siya ng tingin at umalis sa pagka upo sa kanyang hita."Yanie -,""Hep!" Pag pigil ko sa kanya na magsalita. "D’yan ka lang. ‘Wag kang tatayo, ‘wag kang lalapit sa akin.""5 minutes.""Hindi! D’yan ka lang. Hindi ako matatapos sa trabaho ko, panay landi mo sa akin.""Nagpapalandi ka naman."Inambahan ko siya nang palo ng mop na hawak ko ng biglang bumukas ang pinto."Ay! Hala. Sorry ho, sir. Akala ko wala kayo rito," nahihiya, kinakabahan na sambit ni Ann pagkapasok niyaTina

    Last Updated : 2023-03-04

Latest chapter

  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Epilogue

    Sa mahigpit pitong taon na paghahanap ko sa babaeng nagpatibok ng puson ko--este ng puso ko, finally nakita ko na siya.Kagaya noong unang gabi ko siyang nakita, umaawit siya, nang paborito kong kanta. Ang tagal ko siyang hinintay. Ang tagal ko siyang hinanap. At ngayong natagpuan ko na siya, hindi ko na hahayaan na mawala pa siya sa akin muli. Ginawa ko ang lahat ng paraan para mapalapit sa kanya kahit ramdam ko na ayaw niya sa akin. Hindi ako sumuko. Kahit may ibang lalaki na naka gusto sa kanya, kahit may taga-sundo siya, ka call mate. Still, hindi ako sumuko.Pinaramdan ko sa kanya na mahal ko siya. Pinapakita ko sa kanya kung gaano ko siya ka gusto, pero wala talagang chance na makapasok ako sa buhay niya.Kahit akitin ko siya. Kahit ipamukha sa lahat ng tao kung gaano ko siya ka mahal, wala paring epekto. Lalo lang siyang nagalit sa akin. Lalo lang siyang lumayo sa akin.I love her. I want her to be mine kaya kahit anong pagtaboy niya sa akin, kahit anong pagtakbo niya palayo

  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 49

    “T-Teka..sandali..” he breathlessly said. Hubo’t hubad kaming dalawa sa ibabaw ng kama. He was the top on me, kissing me passiontly while his other hand massaging my breast. Ang kamay ko nasa kanyang pagkalalaki, hinihimas ko iyon pataas-baba sa mahinang retmo.“Stop m-moving, love..” aniya ngunit hindi ko siya sinunod. I claim his lips. “Ohhh!!” he groan when I suck his lower lip. Binilisan ko ang pag galaw ng kamay ko hanggang sa isang mainit na likido ang bumalot sa ibabaw ng puson ko.Huminto ako sa ginagawa ngunit naroon parin ang kamay ko. Nakaawang ang aking labi nang maramdaman ang kanyang pagkalalaki na kumikibot-kibot sa loob ng palad ko. Napakurap nalang ako na sinundan siya ng tingin nang umahon siya sa ibabaw ko.“Sabi ko naman na huwag kang gagalaw,” mahinang sabi niya nang punasan niya ang sariling dumi sa ibabaw ng puson ko. Hindi siya makatingin sa akin.“You came that fast?” hindi makapaniwalang usal ko. Mahina akong tumawa nang makita ang pamumula ng magkabilang ta

  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 48

    Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong pumunta kami s a bahay nila Janice, dalawang linggo ko na rin iniiwasan si Ethan. Palagi akong nagdadahilan kapag yayain niya ako mamasyal, hindi rin ako sumasama sa kanya sa Millanic at sa ibang lakad niya. Umuuwi kaagad ako sa mansiyon nila pagkatapos kong ihatid si Zaylon sa school.Nagtataka siya kung bakit ako ganito sa kanya. Gusto niya ako kausapin pero umiiwas ako. Ang dami kong dahilan hindi lang kami magka-usap dalawa. Hindi naman siya nagpumilit pero ramdam ko na nasasaktan siya. Sa ginawa kong pag-iwas tila naputulan siya ng kasiyahan.“Love,” tawag niya sa akin, nagsusumamo ang tinig ngunit hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. “Sabi ni Nenita, sumakit raw ang ulo mo kahapon.”Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya nang tumayo ako at pumunta sa closet. I heard him sigh nang hindi ako sumagot sa kanya. Narinig ko ang mabigat niyang yabag sa paghakbang papalit sa akin kaya inabala ko ang sarili sa pagkuha ng damit na dadalhin

  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 47

    Narinig niya lang ang salitang 'Mahal Kita' namutla na ito at hinimatay pa.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung lalapitan ko ba siya o humingi ng tulong sa labas. Sa huli, tumayo ako at tarantang binuksan ang pintuan. Nagkagulatan pa kami ni Enrico pagkabukas ko ng pinto nang mabungaran ko siya. Anong ginagawa niya rito?Nanlaki ang mata niya at umawang ang labi nang makita ang kuya niyang nakahandusay sa sahig. "What happened to him?" tanong niya nanatili paring nakatayo sa labas ng naka awang na pinto."Eh, sinabi ko lang naman na mahal ko siya—,"Enrico laughed loudly. Napangiwi ako. Pinagtawan ba naman ang kapatid. Sayang-saya sa nangyari sa kuya niya, na luha pa ang mata niya sa kakatawa. Natigil sa paghakbang papasok si Zaylon na kakarating lang nang makita ang tatay niya. Umawang ang maliit nitong labi sa gulat at takot. "DADDY KO!!!!" sigaw nito nang matauhan. " Patay na ang daddy ko!!!" atungal niya at tumakbo ito palapit sa ama.Tinapik ko ang braso ni Enrico. Tumig

  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 46

    “Tahan na…”Hinalikan ko ang kanyang noo. Pinatakan ko rin ng halik ang kanyang mga mata, ang dulo ng kanyang ilong pababa sa kanynag labi. Humigpit ang pagykap niya sa baywang ko. Nakalapat lang ang labi ko sa labi niya. Hindi ako gumalaw.He kissed me softly. Nanginginig pa ang labi niya dahil sa paghikbi. Marahan kong hinahaplos ang kanyang pisngi kung saan patuloy na dumadaloy ang kanyang luha.“Tahan na…” I whisper in between the kiss.Hinayaan ko siya nang isubsob niya ang mukha sa leeg ko. Tina-tap ko ang likod niya dahil ayaw parin matigil sa pag iyak. Iniyak niya lahat ang bigat sa dibdib na pasan niya sa mahabang panahon. Sinabi niya sa akin kung ano ang nasa puso at isip niya. Na Wala siyang pakialam sa iisipin ko sa pagtangis niya habang yakap ako. Kundi pinapakita niya na hindi lang ako ang nahihirapan sa loob ng pitong taon, na hindi lang ako ang nag aasama na makasama at makita namin ang isat isa. And I’m so proud of him, dahil pinakita niya sa akin ang kahinaan niya. PI

  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 45

    " May sakit ako… May brain tumor ako, Ethan…"My voice broke. Nanghihina na napaluhod siya sa sahig sa sinabi ko. Nanatili akong nakatayo, pilit pinatatag ang sarili na hindi manghina sa harapan niya."Anumang oras mamamatay ako… But, I will die peacefully.. dahil nandito ka na kasama ang anak natin. "Umiiling siya, paulit-ulit. Ayaw tanggapin ang mga sinabi ko." Hindi ka pwedeng mamatay…” nabasag ang tingi niya. “ Gagaling ka. Naintindihan mo?! Gagaling ka.!" Umiling ako." Wala ng kasiguraduhan na gagaling ako. Masayang lang ang pera--,"."Magpagamot tayo!" he sobbed. "Magpagamot ka! Kahit maubos ang pera ko wala akong pakialam gumaling ka lang. Huwag mo lang kami iwan, Yanie. " Nanginginig ang kamay na inabot niya ang palad ko. He hugged my legs, trembling, crying. “ Gagaling ka pa… "Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi nang magpantay kaming dalawa. "May tumor ako sa utak, Ethan… Tumor, Ethan.. Hayaan mo na ako. Narito ka na naman para kay Zaylon at alam na niya ang k

  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 44

    Pigil hininga na sinalubong ko ang nakakapaso niyang tingin sa salamin.Naka awang ang aking labi at parang tuod na nakatayo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong kakapusin ng hangin nang maramdaman ang paggalaw niya sa likuran ko.Nanlaki ang mata ko at mariing napalunok nang maramdaman ang unti-unting paglaki niyon.Dinig ko ang kanyang paglunok habang nakatitig sa akin… Sa namumula kong mukha at naka awang na labi. Ang pareho naming kamay naka kapit sa sink. Kahit may damit akong suot ramdam ko ang init ng katawan niya. Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang tumama sa batok ko ang mainit niyang hininga. Sinubsob niya ang mukha doon habang abala sa pagkiskis ng kanyang sandata sa nakadikit kong mga hita.Palalim nang palalim ang paghinga niya habang nakasubsob siya sa batok ko. Lumitaw ang mga ugat sa likod ng palad niya nang humigpit ang pagkapit niya roon.Nang umangat ang kanyang mukha ay nakita ko ang pamumungay ng kanyang mata at ang mariing pagkakagat sa pang-ib

  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 43

    Ito ang sekreto ko na hanggang kamatayan sana ay itatago ko. Pero ika nga nila, walang usok na kinikimkim na hindi sisingaw. Walang sekreto na hindi mabubulgar."May sakit ka?! Pero hindi mo sinabi sa akin?" Nahihirapan na sambit niya. Ayaw ko siyang tingalain. Ayaw kong makita ang hitsura niya na nasasaktan. Ito ang dahilan kung bakit pilit kong nililihim sa kanya ang lahat dahil ayaw kong makita siyang nasasaktan at nahihirapan kapag nalaman niya ang sitwasyon ko.Noon pa man tinatak ko na sa isip ko na hanggat kaya kong itago, hanggat kaya kong labanan hindi ko sasabihin sa kanya. Pero may dahilan ang lahat kung bakit lahat ng sekreto ko ay nalalaman niya."Anak naman," humihikbi na sabi niya." Akala ko ba wala ng sekreto?"Nanginginig ang kamay na inabot ko ang palad niya. Luhaan ang pareho naming mata. " Hin-Hindi sa ganun, Nay. Hindi n-naman..Hindi naman ho malala ang sakit ko…” humihikbi na saad ko.“Malala o hindi dapat sinabi mo!” mariin niyang sabi kaya napahagulhol ako. “S

  • Montefalco Series 2: One Night Mistake   Chapter 42

    MAHAL NIYA AKO. Totoo nga na mahal niya ako. Na hindi lang ang anak namin ang dahilan kung bakit gusto niya ako, kundi dahil mahal niya talaga ako. Ako lang itong hindi naniniwala. Ako lang itong mali ang iniisip sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ako.Makaraan ang ilang minuto na pagkatulala sa kisame, gumalaw ang door knob tanda na may papasok. Nagkunwari akong tulog dahil alam ko si Ethan iyon. Mula sa maliit na bukas ng aking mata, nakita ko ang pasuraysuray na paglakad ni Ethan papunta sa kama. Maingat niyang kinuha ang unan sa gilid ni Zaylon at inilagay sa uluhan. Inayos niya ang kumot ng bata at hinalikan ito sa noo.Tuluyang pumikit ang mata ko ng marahan niyang haplosin ang pisngi ko at ang pagdampi ng mainit at malambot niyang labi sa noo ko.Nang gumalaw ang kama doon lang ako nag mulat ng mata. Bahagya akong natigilan ng magsalubong ang mata naming dalawa. Nakatagilid siya paharap sa akin. Ginawa niyang unan ang kanang braso at ang isang kamay niya nakayakap sa a

DMCA.com Protection Status