All Chapters of Montefalco Series 2: One Night Mistake: Chapter 31 - Chapter 40

50 Chapters

Chapter 31

“Nag hapunan ka na ba?” Umiling ako. “Kakain ako mamaya.”“Ipaghanda kita-,”“Hindi na, Ethan.”Natigil siya sa akmang paglabas. Hilaw na tumingin siya sa akin nang makita ang seryoso kung mukha. “I…I’m..sorry. I crossed the line again,” he said in low and soft voice. “Maligo lang ako. Salamat dito sa damit.”Tinanguan ko lang siya. Napabuga ako ng hangin nang makalabas siya ng kwarto. Parang mali yata ang desisyon ko na dito siya patulugin. Pero, alangan naman na bawiin ko ang sinabi ko, pinahiram ko na nga ng damit, e.Lumabas ako at pumunta sa kwarto ni nanay pero hindi ako maka pasok dahil naka lock ang pinto. Kinakatok ko siya pero hindi sumasagot. Naka tulog na kaagad siya? Saan ako matutulog nito? Nakabusangot na bumalik ako sa kwarto. Nang makalabas si Ethan sa banyo, ako naman ang nagbanlaw ng sarili.“Hinain ko lang yung pagkain,” aniya nang makita akong pumasok sa kusina. “Hindi kasi ako makatulog ulit kaya nagtimpla ako ng gatas..at hinain ko na lang rin.”“Salamat,” gus
last updateLast Updated : 2023-04-08
Read more

Chapter 32

"Bait-baitan, nasa loob naman ang kulo," himutok ko. Masama ang tingin sa adviser ni Zaylon na nasa loob ng classroom habang nagtuturo sa mga bata.Nasa labas kami ng kanilang classroom naka upo. Ayaw ni Ethan umalis. Gusto niya raw bantayan ang anak baka tuksuhin na naman at pagtawanan. Kahit naka usap na namin ang mga teacher’s hindi parin siya kampante. Sana pumasok na lang ako sa trabaho kanina sayang ang isang araw na absent ko.Hindi ako mapakali sa kinaupuan ko. Gusto ko nang tumayo at umuwi kaysa ang manatili rito wala namang gagawin. Si Ethan, hindi mawalay ang tingin sa anak na nasa loob. Kulang nalang puntahan niya doon at tabihan. Nagpakitang gilas naman ang bata sa kanyang ama, panay ang taas ng kamay kapag nagtatanong ang haliparot niyang teacher."Liel?” nilingon ko ang pinanggalingan ng boses, napatayo sa pagkabigla nang makilala siya. “Hi. Long time no see.""Hi, Jack.” Anong ginagawa mo dito?” pinaghalong tuwa at kaba na tanong k
last updateLast Updated : 2023-04-09
Read more

Chapter 33

Nanigas ang katawan ko. Hindi ko magawang sagutin ang mga tanong niya kaya’t napayuko nalang ako ng ulo nang maiwasan ang puno na emosyon niyang mga mata.Dinig ko ang kaniyang mabigat na bawat paghinga. Nandoon parin siya, nakatayo, nakaharap sa akin at hinihintay ang sagot ko. Makaraan ang ilang minuto na wala parin akong imik, humakbang siya palapit sa akin. NArinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininiga nang umatras ako ng akma niyang hawakan ang kamay ko.Wala akong mahagilap na salita. Nakayuko parin ako at nasa likuran ang dalawang kamay. Tanging ang malalim na paghinga lang namin ang naririnig ko at ang mabilis na pagtibok ng puso ko.“Uuwi na ba tayo, mamay?” Nakahinga ako nang maluwanag nang marinig ang mahinang boses ng anak ko. Nakatayo siya sa tapat ng pinto, nakahawak ang kanang kamay sa door knob. Nanikip ang dibdib ko nang mahimingan ang lungkot sa boses niya at ang pagkawala ng saya sa kanyang mukha.Tumali
last updateLast Updated : 2023-04-11
Read more

Chapter 34

Tahimik akong umiiyak nakakulong sa mga bisig niya. Dinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya at ang malalim niyang paghinga. Hindi ko itatanggi na sa paraan ng pagyakap niya ramdam kong may karamay ako sa loob ng matagal na panahon na nahihirapan ako na mag isa.Matalinong bata si Zaylon. Namangha ako sa paraan ng pagsalita niya na para bang isa na siyang matanda kung magsabi ng kanyang naramdaman. Siguro dahil matagal na niya iyon tinatago kaya’t naipon lahat sa puso niya ang dapat niyang sabihin na hindi niya maisatinig sa akin at kay nanay o kung kaninoman.HIndi ko man lang inisip na mas masaktan ang anak ko. Na mas nahihirapan siya sa sitwasyon naming dalawa. At mas lalo siyang nahihirapan ngayon dahil komplekado ang sitwasyon niya kasama kami. Nahihirapan siya kung kanino sasama, kung kanino manatili, kung kanino susunod.Mahirap rin sa akin. Kasi kahit gusto ng anak ko, kahit gusto ko, hindi pwede ang nais niya. Hanggang dito lang ang kaya kung ibigay sa kanya, ang makilala
last updateLast Updated : 2023-04-13
Read more

Chapter 35

" Tigilan mo ako, Javier. Kung ayaw mong buong linggo ka naman mag araro sa maisan,” sita ni Janice sa asawa na masama parin ang tingin kay Jaxson. “Mag tatatlo na anak natin pinagselosan mo parin ang mukhang unggoy na yan. "" Sakit mo naman, Janice. Parang hindi ka gwapong-gwapo sa akin dati ah. "Napasinghap ako nang mabilis na nilapitan ni Javier si Jaxson at walang kahirap na hinawakan ito sa kuwelyo at kinaladkad ito palabas ng bahay. Natatawa na nagpatianod naman ang lalaki na parang papel lang sa kamay ni Javier. Si Enrico saglit pang natigilan at mukhang nagulat sa ginawa ng kuya niya." Sapat na iyong anim na taon para pagkatiwalaan kita ng lubos. Tawagan kita para pag usapan natin ang tungkol kay Isabella. Wag ka ng magpakita dito at baka paglihian ka ng asawa ko," mariing saad nito habang kinakaladkad ang lalaki.Lumakas ang tawa ni Jaxson. Si Javier kaunti nalang maubos na ang pasensya sa lalaki at ma suntok niya ito." Hindi yun maiwasan, " nahihirapan na usal ni Jaxson,
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more

Chapter 36

Umaga na pero dilat parin ang mata ko. Hindi ako nakaramdam ng antok, naglalaro sa isipan ko ang panaginip ng anak ko. Mahimbing ang tulog nilang mag ama. Yakap ang isa’t isa. Habang ako dilat ang mata na nakatitig lang sa kanila.Nang mag alas singko, dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng kama baka magising ang mag ama sa mahimbing na tulog. Naghilamos ako at nag toothbrush. Nag palit rin ako ng damit, iyong damit na sinuot ko noong araw na pumunta kami dito.Hinalikan ko sa pisngi si Zaylon bago lumabas ng silid. Tahimik pa ang buong paligid. Kaya dahan-dahan ang bawat paghakbang ko pababa ng hagdan nang hindi makalikha ng ingay.“Hey. Good morning. Aga mo, a.” bati ni Enrico sa akin ng makababa ako ng tuluyan. Naka sandal ito sa couch, sumisimsim ng kape.“Good morning. May trabaho kasi ako. Kailangan ko na umuwi.”“Ohh. Bakit hindi ka nagpahatid kay kuya?”“Mahimbing pa ang tulog nila. Baka magising ang bata na wala kami sa tabi niya.”Inilapag niya ang tasa na hawak. “Ihatid n
last updateLast Updated : 2023-04-16
Read more

Chapter 37

Isang hikbi ang pumukaw sa akin. May malamig na bagay akong naramdaman na nakapatong sa noo ko. May dumadampi rin sa pisngi at leeg ko. Agad na yumakap sa akin si Zaylon pagkadilat ko. Narito kami sa loob ng office ni Ethan at nakahiga ako sa sofa.“Ano ba ang ginawa mo sa sarili mo bakit ka nilagnat?” tiim-bagang na tanong ni Ethan. Pinipigalan na pagtaasan ako ng boses. “Wag ka nang bumangon,” aniya nang magtangka akong bumangon mula sa pagkahiga. “Anak, wag mong daganan si mommy baka ‘di yan makahinga,” sita niya sa anak na ayaw kumalas ng yakap sa akin.“Hindi ko alam na may lagnata ako,” mahinang sagot ko. Pinahiga ko ng maayos ni Zaylon sa tabi ko at nagsumiksik siya doon. Masama ang pakiramdam ko pero hindi naman ako mainit kanina. Mariin siyang pumikit. Pagdilat niya naging malamlam na ang kanyang mata. “Dalhin kita sa hospital–,”“Hindi na, Ethan.”“Dumugo ang ilong mo nang himatayin ka,” aniya. “Im worried, Yanie…”Umiwas ako ng tingin nang makita ang nag alala niyang mukh
last updateLast Updated : 2023-04-17
Read more

Chapter 38

Hindi ko akalain na na-survived ko ang anim na araw na walang tulog. Akala ko mamamatay na ako sa kapabayaan ko sa sarili ko. Nakaka-idlip naman ako ng mga ilang minuto pero hindi na ako makatulog ulit kapag nagising ako.Palaging pumapasok sa isip ko ang umiiyak kong anak sa tuwing pipikit ako at iyon ang ayaw ko dahil nadudurog ang puso ko. Nanghihina ako lalo at gusto ko siyang puntahan. But, I made a promise kaya tiniis ko iyon kahit hindi maganda ang naidulot sa akin.Gayunman, may maganda namang naidulot iyon sa anak ko. Ang isang linggo na wala siya sa akin. Tama nga si Ethan, kaya na niyang asikasuhin ang sarili niya. Hindi na niya kailangan tumawag para magpatulong siya sa gagawin niya.Naghahalo ang emosyon na nararamdam ko habang tinitingnan ang anak ko nang lagyan niya ng pagkain ang aking plato. Mula nang makarating kami sa mansyon todo alalay siya sa akin. Kahit ang pagpunta ko ng banyo naka alalay siya kahit sinabi ko na kaya ko.Paglabas ko nakahanda na rin ang damit n
last updateLast Updated : 2023-04-18
Read more

Chapter 39

Sa lahat ng tao, si nanay ang hindi ko gusto maka alam nang kung ano ang nangyayaring masama sa buhay ko. Ayaw ko siyang masaktan, ayaw ko siyang mag alala. Hanggat kaya ko ang problema at sakit na dinadala ko ayaw ko iyon ipagsabi sa kanya.Hindi ibig sabihin na tinatanggalan ko na siya ng karapatan na malaman ang nangyayari sa akin. Hindi ko intensyon na iyon ang maramdaman niya sa paglihim ko sa kanya. Hindi ko lang kaya na pati siya mahirapan, mag alala, hindi mapakali kapag nalaman niya ang sitwasyon ko.“Nanay mo ako. Sa lahat ng tao dapat ako ang unang maka alam ng nangyari sayo pero bakit ako pa itong walang alam.”At iyon ang mali ko. Sa kakaisip ko sa kung ano ang maramdam niya hindi ko man lang naisip ang maramdaman niya sa paglihim ko sa kanya. Hindi ko man lang naisip kong ano ang maging saloobin niya. Lalo ko lang siyang sinaktan.“Hindi naman kita pinalaki at tinuruan na maglihim pero mukhang nagkamali ako. Mukhang nagkulang ako kasi sa lahat ng tao sa akin mo iyon unan
last updateLast Updated : 2023-04-20
Read more

Chapter 40

Nakatulala ako habang nakatitig sa taong nasa harapan ko. Naghahalo ang kulay itim at puti niyang buhok. Ang kanyang almond eyes na kagaya sa akin. His pointed nose and his heart shape face. Tama nga si nanay, kamukhang-kamukha ko si tatay. I was about to hug him nang marinig ang matinis at iritableng boses i nanay.“Lieliane sino ba iyang door bell nang door bell ‘bat ayaw mong buksan nang tumigil–Alfred?!” ang matinis at iritableng boses niya napalitan ng gulat at panginginig nang makita kung sino ang kaharap ko. “Alfred!” patakbo siyang lumapit at agad na sinalubong siya ni tatay ng isang mahigpit na yakap. Umiiyak si nanay habang mahigpit na yakap ang isa’t isa. She cried out loud. For happinies. Because of longing for the love of his life. Siguro dahil hindi niya inaasahan na sa mahabang panahon makikita niya ulit ang lalaking mahal niya, mayakap, at muling makasama.“Patawad, dahil ang tagal kong bumalik,” humihikbing sambit ni tatay yakap ng mahigpit si nanay na para bang
last updateLast Updated : 2023-04-21
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status