" Anong masasabi mo? Nakapili ka na ba? " tanong ni Logan kay Venice habang pinanonood itong basahin at surin ang mga papel na naglalaman ng mga kumpletong detalye patungkol sa mga lupain. " Wala kang magiging problema sa mga 'yan dahil kilala ko naman ang mga may ari n'yan. Nakausap ko na rin sila kanina at—"" Pinapunta niyo po ako nang dahil lang dito? " Nilapag ni Venice sa ibabaw ng mesa ang mga papeles na hawak niya. " Pa, mayroon na po akong napiling lote para gawin 'yong proyektong 'to. Naka-plano na ang lahat at tanging pagpayag na lang ng may-ari ang kailangan para makapagsimula na kami. "" Pero hindi ba't ilang linggo niyo ng kinakausap ang mga nakatira doon pero walang nagbabago sa mga sagot nila, " ani Logan saka pinag-krus ang mga braso. " Ilang buwan pa ba ang kailangan hintayan bago mag bago ang isip nila? "Hindi agad nakasagot si Venice, umiwas siya ng tingin at saktong tumama ito sa mga papeles na hawak niya kanina. Tatlong lupain ang maaari niyang pamilian sa mga
Sakim at pagiging gahaman sa pera at kapangyarihan. Iyon ang mga salitang mailalarawan kay Logan Banville noong ito'y nasa ilalim pa ng paghahangad ng mga bagay na madali lang niyang makuha. Isa siyang makasarili, walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya at hindi iniisip ang kaniyang pamilya. Subalit nang dahil sa sunog na tumupok sa mga pangarap niya, unti-unti siyang nagising sa kaniyang kahibangan. Natuto siyang pahalagahan ang mga bagay sa paligid niya at mga bagay na mag-aangat sa kaniya. Hindi niya nais na bumagsak at bumalik sa dati niyang buhay kung kaya't hinarap niya ang realidad niya. Nakabangon ang kompanya at nakabalik sila sa mansyon. Ang kalahating lupa na binenta nila noon upang makapagsimula ay nabawi na rin nila. Ang kanilang pangalan ay muling bumango at umingay sa mata ng publiko dahil sa sunod-sunod na tagumpay ng mga tinatayo nilang negosyo. Maayos na ang lahat. Nasa kamay na niya ang mga hinahangad niya at kontrolado na rin niya ang kompanya. Maari na
Mula sa mahimbing na pagkakatulog ni Victoria, nagising siya dahil sa mga ingay na nangagaling sa labas ng silid niya. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding at nang makitang alas nuebe pa lang ng umaga, napa angil na lamang siya saka padabog na bumangon sa kama. " Distorbo sa tulog. " Naglakad siya patungo sa salamin at inalis ang maskara na nakatapal sa kaniyang mukha na nakakatulong upang maging presko at maging malambot ang balat niya. Ilang minuto siyang nasa salamin upang maglagay ng mga kung anu-anong pulbos at likido na siyang nagpapa-bata sa kaniya bago tuluyang lumabas ng silid. Sa kaniyang paglalakad patungong hagdan, nakita niya sa ibaba ang ilang mga taong may ipinapasok na mga kagamitan mula sa labas. Mga bagong gamit, damit, sapatos at kung anu-ano pang bagay na gamit ng mga kababaihan. " Magandang umaga po, Madame Victoria, " ang bati ng kasambahay sa kaniya nang tuluyang makababa ng hagdan. " Saan galing ang mga 'yan? " takhang tanong niya rito. " S
Halos ibalibag ni Victoria ang pinto ng kanilang silid pagkapasok niya dahil sa galit na nararamdaman niya. Hindi siya makapaniwala na mayroong ibang anak ang kaniyang asawa at alam din niya sa sarili na hindi niya ito magagawang tanggapin. Masyado siyang nabigla sa nangyari dahil sa tagal na panahon nilang mag asawa ni Logan, kailanman ay hindi nito nabanggit sa kaniya na mayroon itong anak sa iba. " Victoria, mag usap tayo. " Pumasok si Logan sa kanilang silid na handang ipaliwanag ang lahat ngunit bago pa man maibuka ang bibig niya, nakatanggap na siya nang malakas na sampal mula kay Victoria. " Hindi ako makapaniwalang nilihim mo saakin ang tungkol dito, " gigil niyang saad habang ang mga mata ay punong-puno na galit at pagkadismaya. " Ilang dekada na tayong mag asawa at kahit minsan, wala kang nabanggit saakin na mayroon kang anak sa iba! " " Makinig ka muna saakin, Victoria. Kahit ako'y walang ideya na buhay pala ang anak namin ni Lucinda. Nabigla rin ako dahil sa pagkakaal
Halos liparin na ni Venice ang pasilyo patungo sa opisina ng kaniyang ama dala ang papeles na naglalaman ng titulo ng lupa na nakapangalan na sa kaniya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis, matuwa o magalit dahil pakiramdam niya, ginulo ang proyektong binabalak niya. " Oh, Venice? Anong pinunta mo dito nang ganito kaaga—" Nilapag niya sa ibabaw ng mesa ang papeles na dala niya. " Ano pong ibig sabihin nito? " hinihingal niyang tanong sa ama. " Bumili kayo ng lupa nang hindi niyo man lang ako kinu-kunsulta? Pa, alam niyo namang mayroon na akong lupang pinagkaka-interesan. Anong gagawin ko sa lupang binili niyo kung hindi naman dito sa lugar na ito 'yong orihinal kong plano? " Inalis ni Logan ang salamin niya sa mata bago kausapin nang mahinahon ang anak niya. " Ano bang problema sa lupang napili ko? Nandoon naman ang lahat ng hinahanap mo. Malawak, maganda ang kalidad ng lupa, at mayroon ding maliit na lawa sa di kalayuan na puwede maging access sa sakahan. Ano bang pro
Malamig ang parehong palad ni Lucine na hindi niya alam kung dahil ba sa kaba o lamig sa loob ng kotseng sinasakyan nila. Panay rin ang kaniyang sulyap kay Owen na nagmamaneho ng sasakyan at kanina niya pa ito hinihintay mag kuwento ngunit naghihintay lang din ito na magtanong siya. Pumikit si Lucine at huminga nang malalim bago basagin ang katahimikan sa loob ng sasakyan. " K-kailan pala kayo nakauwi dito? " tanong niya. " Mag i-isang linggo na rin, " tugon ni Owen na saglit siyang tinignan bago ibalik ang tingin sa daan. " Noong nakaraang araw ka pa sana namin pupuntahan ni Morriss pero palaging maraming tao sa karinderya niyo. May mga inasikaso rin kaming mga papeles kaya natagalan bago ipaalam sa'yo na nakauwi na kami. " Napatango siya at tumingin sa harapan. " Kumusta si Amadeus? " Sumilay ang ngiti sa labi ni Owen. " Mas maganda kung ikaw mismo ang makaalam. " Binalik ni Lucine ang tingin dito. " Bakit ayaw mo pang sabihin? Mayroon bang problema? " " Mas maiging sakani
Bumaba si Lucine mula sa sasakyang naghahatid-sundo sa kaniya papunta't paalis ng karinderya na kahit hindi naman kailangan, nagawa pa rin siyang bigyan ng personal na drayber ng kaniyang ama. " Salamat po, " kahit masama na ang timpla niya, hindi niya pa rin kinalimutan ang magpasalamat sa kaniyang drayber bago tuluyang pumasok sa loob ng mansyon. Isang linggo na siyang naninirahan sa mala-palasyong bahay ngunit hinahanap-hanap pa rin ng kaluluwa niya ang ingay ng mga bata na tuwang-tuwang sumasalubong sa kaniya kapag uwi niya. Ngayon ay tila kailangan na niyang sanayin ang sarili na walang laman na pasilyo ang laging bubungad sa kaniya kapag pasok niya sa loob. " Aba, tignan mo nga naman, uwi ba ito ng isang babae? " Napahinto siya sa paglalakad nang makitang bumababa ng hagdan ang kaniyang madrasta. Gabi na ngunit posturang-postura pa rin ito at animo'y may lakad dahil sa suot na mga alahas. " Magandang gabi rin po, Doña Victoria, " wala siyang balak makipagtalo dahil sinir
Parang lumulutang sa alapaap si Janina na kanina pa ngumingiti at tumatawa na mag isa. Kanina pa ito gustong komprontahin ni Lucine subalit sa tuwing magtatangka siya, wala sa linya ang mga sinasagot ng kasama niya. Bigla tuloy siyang napatanong sa sarili kung tama ba na isinama niya pa si Janina sa pagbili ng mga kasangkapan sa kabilang bayan. " Nabili na natin lahat ng mga nasa listahan, " ani Lucine matapos guhitan ang huling nakalista sa papel na hawak niya. " May gusto ka pa bang daanan? Baka may bibilhin ka? " " Kape, " wala sa sariling sambit ni Janina. " Hindi ko akalaing masarap pala ang kapeng barako. Mapait pero masarap...sobrang sarap." Nagsalubong ang kilay ni Lucine saka siya tinignan. " Hindi na kita maintindihan kanina pa, Janina. Siguradong puyat ka lang kaya ka lutang. Hayaan mo, sa susunod hindi na kita pipiliting sumama saakin. " " Hindi, sasama ako! " tila bumalik na ito sa katinuan. " Kailangan ko lang talaga ng kapeng barako sa umaga para magising ako. Lalo