Parang lumulutang sa alapaap si Janina na kanina pa ngumingiti at tumatawa na mag isa. Kanina pa ito gustong komprontahin ni Lucine subalit sa tuwing magtatangka siya, wala sa linya ang mga sinasagot ng kasama niya. Bigla tuloy siyang napatanong sa sarili kung tama ba na isinama niya pa si Janina sa pagbili ng mga kasangkapan sa kabilang bayan. " Nabili na natin lahat ng mga nasa listahan, " ani Lucine matapos guhitan ang huling nakalista sa papel na hawak niya. " May gusto ka pa bang daanan? Baka may bibilhin ka? " " Kape, " wala sa sariling sambit ni Janina. " Hindi ko akalaing masarap pala ang kapeng barako. Mapait pero masarap...sobrang sarap." Nagsalubong ang kilay ni Lucine saka siya tinignan. " Hindi na kita maintindihan kanina pa, Janina. Siguradong puyat ka lang kaya ka lutang. Hayaan mo, sa susunod hindi na kita pipiliting sumama saakin. " " Hindi, sasama ako! " tila bumalik na ito sa katinuan. " Kailangan ko lang talaga ng kapeng barako sa umaga para magising ako. Lalo
Walang emosyong pinagmamasdan ni Venice ang kabuan ng lupang inaapakan niya ngayon. Malawak at wala naman siyang nakikitang problema sa lugar. Presko ang hangin at maganda ang puwesto ng araw sa kinatatayuan niya, saktong-sakto sa mga balak niyang itanim na mga bulaklak. " Madame, kumusta ho ang paglilibot niyo? " tanong ng katiwala sa lupang binili ng kaniyang ama. " Pasado ho ba ito sa proyektong plano niyong itayo rito? Baka po may mga katanungan kayo, nakahanda po akong sagutin 'yan. " Pinilit niya ang sariling ngumiti. " May nakita ho akong balon sa likod ng kubo. Sinilip ko pero parang walang lamang tubig at hindi rin kaaya-aya iyong amoy. " " Ah, maaayos po 'yon, huwag kayong mag-alala. Ilang taon din ho kasing hindi nagamit kaya ginawang tambakan ng mga kung anu-ano. Madali na lang pong maayos 'yan dahil mayroon din namang maliit na lawa malapit dito, Madame. Kami na po ang bahala doon. " Napatango siya at muling nilibot ng tingin ang lupain. Klaro ang lahat, malinis at w
" Pinatatawag niyo raw po ako? " Pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina, parang gusto niyang umatras bigla nang makita sa loob si Venice na prenteng nakaupo sa sopa. Masama ang tingin nito sa kaniya na hindi na rin naman bago pa sa kaniya. " Oo, maupo ka. Kadarating mo lang ba? " tanong ng kaniyang ama habang inaayos ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa nito. " Opo, halos kadarating ko nga lang, " hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Wala siyang balak magtagal sa opisina nito lalo na't kasama niya si Venice. " Ano po ba ang dahilan at pinatawag niyo ako? Importante po ba ang sasabihin ninyo? Mayroon pa kasi akong kailangan gawin sa kwarto." " Kung nagmamadali ka, umalis ka na. Para namang pinipilit ka, " pagpaparinig ni Venice ngunit hindi ito pinansin ni Lucine at nanatili ang tingin sa ama, hinihintay na sabihin ang dahilan kung bakit siya pinatawag. " Gusto ko lang sana kayong tanungin kung mayroon ba kayong importanteng gagawin sa darating na linggo? Kung mayroon man, p
" Mahal, bakit parang malungkot ka ngayon? May problema ba? " Napatingin si Venice sa likuran nang marinig ang pamilyar na boses na matagal na niyang hindi naririnig. Yumakap ito mula sa kaniyang likuran at ramdam niya ang mainit na hangin na tumatama sa kaniyang leeg dahilan upang siya ay mapangiti. " May iniisip lang ako... " aniya saka binalik ang tingin sa dagat kung nasaan sila. Sariwa ang hangin, kalmadong paligid at maganda ang mga tanawin. Pakiramdam niya'y nasa isa siyang paraiso at sila lamang dalawa ang naririto. Masaya ang puso niya ngunit mayroong kirot na hindi n'ya batid kung saan nanggagaling. " Sampung taon simula ngayon, sa tingin mo ilan na kaya ang anak natin? " rinig niyang tanong nito. " Siguro mga dalawa o tatlo? " aniya saka umalis sa pagkakayakap upang harapin ito. " Mahilig ka nga pala sa mga bata, ano? Bakit? Ilan ba ang gusto mo? " " Depende kung hanggang ilan ang kaya mo. " Lumawak ang ngiti nito saka siya mabilis na hinalikan sa ilong. " Mas marami,
Simula nang mabasa ni Lucine ang isang bahagi ng dyaryo patungkol sa kaniyang ama, hindi na naalis sa isip niya ang ideya na maaari ngang ipakilala siya nito sa publiko bilang anak kagaya na lamang ng sinabi ni Venice. Kahit anong isip niya, hindi niya mahanap ang dahilan kung bakit kailangan itong gawin ni Logan gayong ginamit niya pa itong banta noon. " Salubong na salubong ang kilay mo. Masama pa rin ba timpla mo dahil sa nangyari kanina? " Nabalik siya sa wisyo nang marinig ang boses ni Janina na nakatayo sa harapan niya. Nasa loob siya ng kahera habang ito'y nasa labas at nakasandal sa nagsisilbi niyang mesa. " Hindi, may iniisip lang ako, " aniya saka tumingin sa paligid nila upang makita kung mayroon pa bang parokyano sa karinderya. Hapon na at paubos na rin ang mga putahe nila, hinihintay na lang nila kung may mga papasok pa bago sila mag desisyong magligpit upang magsara. " Siya nga pala, alam mo ba kung saan ang bahay ni Morriss? " Nabalik ang kaniyang tingin kay Janina
Hindi kalakihan subalit hindi rin naman masikip ang bahay kung nasaan si Janina ngayon. Maraming mga gamit sa paligid at nagkalat din sa sahig ang ilang mga laruan na batid niyang sa mga bata na nasa harapan niya ngayon. " Ate, ano po pala pangalan niyo? " tanong ng kinse anyos na babae na si Mira—iyong tinulungan niyang bata kanina na makatakas sa asong humahabol dito. " Ako si Janina. Puwede niyo akong tawaging ate Nina kung gusto niyo. " Nakangiti niyang sagot saka tumingin sa dalawa pang bata sa harap niya. Wari niya'y hindi magkakalayo ang mga edad nito kung pagbabasehan ang mga hitsura. Magkakamukha, lalo na 'yong bunsong lalake sapagkat nakikita niya rito si Morriss. " Ah, siya po si Moises, bunso po namin. Limang taong gulang po siya. " Tinapik ni Mira sa balikat ang bunsong kapatid na tila nakaramdam ng hiya dahil sa tingin ni Janina dahilan upang ito'y tumayo at nagtatakbo patungo sa kusina kung saan naroroon si Morriss. Napailing na lamang si Mira habang natatawa. " Ma
Ang mga mata ni Lucine ay tila nakadikit na sa kisame o dingding ng kaniyang silid habang lumilipad ang kaniyang isip. Nakahiga siya sa kama, katabi ang malaking kahon na naglalaman ng damit na susuotin niya para sa selebrasyon na magaganap ngayong araw. Galing ito sa kaniyang ama na iniabot sa kaniya kaninang umaga ngunit wala pa rin siyang ginagawa kung hindi ang humilata. Iniisip kung tama ba ang desisyon niyang pumayag na sumama sa kanila gayong hindi naman niya hilig ang dumalo sa mga selebrasyon na mararangya ang makakasalamuha niyang mga tao. " Lucine? Nandiyan ka ba sa loob? " Napabangon siya sa kama nang marinig ang katok at boses ni Logan sa labas ng kaniyang silid. Tumayo siya at naglakad patungo sa pinto upang buksan ito at pareho silang nagulat dahil sa nakita." Bakit hindi ka pa gumayak, Lucine? Narito na ang mag aayos sa'yo, " wika ni Logan habang pinagmamasdan ang kabuuan ng anak niya na nakasuot pa rin ng pantulog na kanina pa niyang umaga nakita. " Hindi ho ba pu
Halos kalahating oras ang naging byahe nila patungo sa lugar na paggaganapan ng selebrasyon at nang sila'y makarating, gaya ng inaasahan ay napakarami na ng mga tao. May mga medya rin sa labas at sinalubong sila ng kislap ng mga kamera at mga pagbati mula sa iba't-ibang mga tao at organisasyon. Ang kaniyang ama at madrasta ay ang nangunguna sa paglalakad sa pulang karpet patungo sa loob ng hotel kasunod si Venice na todo ngiti rin sa mga sumasalubong at bumabati sa ama, habang si Lucine ay dire-diretso lang sa paglalakad at walang pakialam sa mga tao sa paligid niya. " Señorita Lucine, isang ngiti naman sa camera, " wika ng isa sa mga kumukuha ng litrato dahilan para mapatingin din sa kaniya ang iba. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang ngalan niya pero ngumiti na lamang siya at doon ay sunod-sunod na itinutok sa kaniya ang kamera kasabay ng hindi mabilang na kislap at tunog ng mga ito. Ramdam niya ang masamang titig ni Victoria at Venice na animo'y inagawan niya ng entablado