" Mahal, bakit parang malungkot ka ngayon? May problema ba? " Napatingin si Venice sa likuran nang marinig ang pamilyar na boses na matagal na niyang hindi naririnig. Yumakap ito mula sa kaniyang likuran at ramdam niya ang mainit na hangin na tumatama sa kaniyang leeg dahilan upang siya ay mapangiti. " May iniisip lang ako... " aniya saka binalik ang tingin sa dagat kung nasaan sila. Sariwa ang hangin, kalmadong paligid at maganda ang mga tanawin. Pakiramdam niya'y nasa isa siyang paraiso at sila lamang dalawa ang naririto. Masaya ang puso niya ngunit mayroong kirot na hindi n'ya batid kung saan nanggagaling. " Sampung taon simula ngayon, sa tingin mo ilan na kaya ang anak natin? " rinig niyang tanong nito. " Siguro mga dalawa o tatlo? " aniya saka umalis sa pagkakayakap upang harapin ito. " Mahilig ka nga pala sa mga bata, ano? Bakit? Ilan ba ang gusto mo? " " Depende kung hanggang ilan ang kaya mo. " Lumawak ang ngiti nito saka siya mabilis na hinalikan sa ilong. " Mas marami,
Simula nang mabasa ni Lucine ang isang bahagi ng dyaryo patungkol sa kaniyang ama, hindi na naalis sa isip niya ang ideya na maaari ngang ipakilala siya nito sa publiko bilang anak kagaya na lamang ng sinabi ni Venice. Kahit anong isip niya, hindi niya mahanap ang dahilan kung bakit kailangan itong gawin ni Logan gayong ginamit niya pa itong banta noon. " Salubong na salubong ang kilay mo. Masama pa rin ba timpla mo dahil sa nangyari kanina? " Nabalik siya sa wisyo nang marinig ang boses ni Janina na nakatayo sa harapan niya. Nasa loob siya ng kahera habang ito'y nasa labas at nakasandal sa nagsisilbi niyang mesa. " Hindi, may iniisip lang ako, " aniya saka tumingin sa paligid nila upang makita kung mayroon pa bang parokyano sa karinderya. Hapon na at paubos na rin ang mga putahe nila, hinihintay na lang nila kung may mga papasok pa bago sila mag desisyong magligpit upang magsara. " Siya nga pala, alam mo ba kung saan ang bahay ni Morriss? " Nabalik ang kaniyang tingin kay Janina
Hindi kalakihan subalit hindi rin naman masikip ang bahay kung nasaan si Janina ngayon. Maraming mga gamit sa paligid at nagkalat din sa sahig ang ilang mga laruan na batid niyang sa mga bata na nasa harapan niya ngayon. " Ate, ano po pala pangalan niyo? " tanong ng kinse anyos na babae na si Mira—iyong tinulungan niyang bata kanina na makatakas sa asong humahabol dito. " Ako si Janina. Puwede niyo akong tawaging ate Nina kung gusto niyo. " Nakangiti niyang sagot saka tumingin sa dalawa pang bata sa harap niya. Wari niya'y hindi magkakalayo ang mga edad nito kung pagbabasehan ang mga hitsura. Magkakamukha, lalo na 'yong bunsong lalake sapagkat nakikita niya rito si Morriss. " Ah, siya po si Moises, bunso po namin. Limang taong gulang po siya. " Tinapik ni Mira sa balikat ang bunsong kapatid na tila nakaramdam ng hiya dahil sa tingin ni Janina dahilan upang ito'y tumayo at nagtatakbo patungo sa kusina kung saan naroroon si Morriss. Napailing na lamang si Mira habang natatawa. " Ma
Ang mga mata ni Lucine ay tila nakadikit na sa kisame o dingding ng kaniyang silid habang lumilipad ang kaniyang isip. Nakahiga siya sa kama, katabi ang malaking kahon na naglalaman ng damit na susuotin niya para sa selebrasyon na magaganap ngayong araw. Galing ito sa kaniyang ama na iniabot sa kaniya kaninang umaga ngunit wala pa rin siyang ginagawa kung hindi ang humilata. Iniisip kung tama ba ang desisyon niyang pumayag na sumama sa kanila gayong hindi naman niya hilig ang dumalo sa mga selebrasyon na mararangya ang makakasalamuha niyang mga tao. " Lucine? Nandiyan ka ba sa loob? " Napabangon siya sa kama nang marinig ang katok at boses ni Logan sa labas ng kaniyang silid. Tumayo siya at naglakad patungo sa pinto upang buksan ito at pareho silang nagulat dahil sa nakita." Bakit hindi ka pa gumayak, Lucine? Narito na ang mag aayos sa'yo, " wika ni Logan habang pinagmamasdan ang kabuuan ng anak niya na nakasuot pa rin ng pantulog na kanina pa niyang umaga nakita. " Hindi ho ba pu
Halos kalahating oras ang naging byahe nila patungo sa lugar na paggaganapan ng selebrasyon at nang sila'y makarating, gaya ng inaasahan ay napakarami na ng mga tao. May mga medya rin sa labas at sinalubong sila ng kislap ng mga kamera at mga pagbati mula sa iba't-ibang mga tao at organisasyon. Ang kaniyang ama at madrasta ay ang nangunguna sa paglalakad sa pulang karpet patungo sa loob ng hotel kasunod si Venice na todo ngiti rin sa mga sumasalubong at bumabati sa ama, habang si Lucine ay dire-diretso lang sa paglalakad at walang pakialam sa mga tao sa paligid niya. " Señorita Lucine, isang ngiti naman sa camera, " wika ng isa sa mga kumukuha ng litrato dahilan para mapatingin din sa kaniya ang iba. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang ngalan niya pero ngumiti na lamang siya at doon ay sunod-sunod na itinutok sa kaniya ang kamera kasabay ng hindi mabilang na kislap at tunog ng mga ito. Ramdam niya ang masamang titig ni Victoria at Venice na animo'y inagawan niya ng entablado
Tahimik ang buong byahe nila pauwi hindi dahil sa pagod kung hindi dahil sa nangyari kanina. Walang nagsasalita sa loob ng sasakyan, lahat ay may kani-kanilang laban sa isipan patungkol sa hindi maipaliwanag na pagpapakita at pagkawala ni Amadeus sa harap ng lahat. " Hindi kaya't minumulto lang tayo ng asawa mo? " si Victoria ang bumasag ng katahimikan habang nakatingin kay Venice. " Halos tatlong taon na noong huli mo siyang dinalaw sa sementeryo, hindi ba? Bukas na bukas, pumunta ka sa puntod niya. Ipagsindi mo ng kandila, kausapin mo—" " Ma, nakita niyo naman po 'yong nangyari kanina, hindi ba? Kalokohan naman kung paniniwalain natin ang mga sarili natin na multo 'yong nakita natin, " ani Venice, " Lahat ng mga tao sa venue, nasaksihan nila 'yon kaya napaka-imposible ng sinasabi ninyo. Totoong tao siya. " " Kung ganoon
Alas dos ng madaling araw subalit hindi pa rin magawang makatulog ni Lucine. Nakapikit ang kaniyang mga mata, gising naman ang isip niya. Ilang beses siyang pabaling-baling sa kama, didilat at pipikit ngunit hindi pa rin siya magawang dalawin ng antok. Bumangon siya sa kama at dahil nakasindi naman ang pantalya sa gilid niya, kahit papano ay naaaninag niya ang nilalakaran niya palabas sa balkonahe. Walang buwan, wala ring mga bituin sa kalangitan. Ibinaba niya ang tingin, patag na damuhan at madilim na kapaligiran ang tanging natatanaw niya, subalit maaliwalas at presko sa kaniyang mga mata ang puwestong ito tuwing umaga. Nagbalik tanaw siya sa nangyari kanina at hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang galak noong makita si Amadeus. Nais niya itong lapitan at kausapin subalit hindi niya alam kung paano gayong may bumabalot na tensyon sa mansyon dahil sa pagbabalik nito
" May sakit ka ba? " tanong ni Lucine kay Janina saka inilagay ang likod ng palad niya sa noo nito. " Hindi ka naman mainit. Ayos ka lang ba? " " Oo naman, ano ka ba? Wala akong sakit, " anito saka ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga pinagkainan ng mga parokyano nilang kalalabas lang. " Kung ganoon bakit hindi mo kinakausap si Morriss? Hindi ba't noong nakaraan lang, hinahanap-hanap mo pa siya saakin? Ngayon nandito na siya, pero hindi mo naman pinapansin. May problema ba kayo? " takhang tanong ni Lucine saka tumingin sa isang mesa kung saan naroroon si Morriss, nakaupo at nakatingin sa gawi nila. " Parang may gusto siyang sabihin sa'yo. Bakit hindi mo nilalapitan? " " Ayoko. Bahala siya diyaan. Hindi kami magkakilalang dalawa. " Binuhat ni Janina ang bandeha kung saan nakalagay ang mga plato na kailangan dalhin sa lababo upang mahugasan