Alas dos ng madaling araw subalit hindi pa rin magawang makatulog ni Lucine. Nakapikit ang kaniyang mga mata, gising naman ang isip niya. Ilang beses siyang pabaling-baling sa kama, didilat at pipikit ngunit hindi pa rin siya magawang dalawin ng antok.
Bumangon siya sa kama at dahil nakasindi naman ang pantalya sa gilid niya, kahit papano ay naaaninag niya ang nilalakaran niya palabas sa balkonahe. Walang buwan, wala ring mga bituin sa kalangitan. Ibinaba niya ang tingin, patag na damuhan at madilim na kapaligiran ang tanging natatanaw niya, subalit maaliwalas at presko sa kaniyang mga mata ang puwestong ito tuwing umaga.
Nagbalik tanaw siya sa nangyari kanina at hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang galak noong makita si Amadeus. Nais niya itong lapitan at kausapin subalit hindi niya alam kung paano gayong may bumabalot na tensyon sa mansyon dahil sa pagbabalik nito" May sakit ka ba? " tanong ni Lucine kay Janina saka inilagay ang likod ng palad niya sa noo nito. " Hindi ka naman mainit. Ayos ka lang ba? " " Oo naman, ano ka ba? Wala akong sakit, " anito saka ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga pinagkainan ng mga parokyano nilang kalalabas lang. " Kung ganoon bakit hindi mo kinakausap si Morriss? Hindi ba't noong nakaraan lang, hinahanap-hanap mo pa siya saakin? Ngayon nandito na siya, pero hindi mo naman pinapansin. May problema ba kayo? " takhang tanong ni Lucine saka tumingin sa isang mesa kung saan naroroon si Morriss, nakaupo at nakatingin sa gawi nila. " Parang may gusto siyang sabihin sa'yo. Bakit hindi mo nilalapitan? " " Ayoko. Bahala siya diyaan. Hindi kami magkakilalang dalawa. " Binuhat ni Janina ang bandeha kung saan nakalagay ang mga plato na kailangan dalhin sa lababo upang mahugasan
Pagkababa pa lang ni Morriss sa sasakyan, sinalubong agad siya ng sariwang hangin mula sa mga punong nasa kaniyang harapan. Ito pa lang ang unang punta niya sa lugar na ito at nasisiguro niyang mahihirapan siyang hanapin ang bahay ng taong pakay niya lalo na't ilan lang ang mga bahay na nakikita niya sa kalsada. Isang malawak na bukiran ang kaniyang kinatatayuan ngayon, layu-layo ang mga kabahayan at halos lamunin na ng kulay berdeng mga damo ang nayon. May mga kabundukan sa hindi kalayuan at walang madidinig kung hindi kalmadong paligid at ingay ng mga ibon. Tumingin siya sa kaniyang suot na relos, mag a-ales na ng hapon at kailangan na niyang ipagpatuloy ang trabahong pinapagawa sa kaniya. Bilang pa lamang sa daliri sa kamay ang mga datos na nakukuha patungkol sa mga taong ipinahahanap sa kaniya at dito sa lugar na ito siya dinala ng mga impormasyong nakalap niya. Nagsimula siyang maglakad-lakad habang inililibot ang tingin sa paligid, naghahanap ng taong puwedeng lapitan hangga
Halos lumipad ang mga plato sa ere dahil sa pagwawala ng matandang gumawa ng eksena noong nakaraang linggo sa kanilang karinderya. Ang mga parokyano nilang nananahimik sa mga mesa nila ay walang nagawa kundi ang tumayo upang umalis sa takot na madamay sa gulo. " Mga bastos kayo! Hindi kayo marunong rumespeto ng parokyano ninyo! " nangagalaiting wika ng matandang babae lalo na kay Janina na dahilan kung bakit ito nag a-amok ngayon. " Ikaw na babae ka, noong nakaraan ka pa saakin ah! Kung ganito lang ang serbisyo niyo, magsara na kayo! Mga wala kayong galang! " " Bago niyo ho kami pagsabihan na walang galang at walang respeto, sana matutunan niyo muna 'yon gawin sa ibang tao, " sambit ni Janina, hindi na rin ito nakapagpigil ng emosyon dahil maayos naman ang pakikitungo nila kanina noong pumasok ito, subalit ilang minuto lang ay nagsisisigaw na at galit na galit dahil wala pang naghahatid ng pagkain sa kaniyang mesa. " Aba, bastos kang bata ka! Nakita niyo na? Ganiyan ba ang ugaling
" Ano? Ibig sahihin, iyong lalaking sinasabi mo noon, ay 'yong lalaking kasama mo kanina sa storage room? " gulat ang gumuhit sa mukha ni Janina na hindi tinigilan si Lucine sa pagtatanong sa naabutan niya kanina. " Buong akala ko, 'yong isa. Iyong kasama ni Morriss na nagpunta dito noon? " " Ikaw lang naman ang nag isip noon, Janina. Wala naman akong sinasabi na si Owen 'yomg tinutukoy ko, " ani Lucine. " Hindi mo naman kasi nilinaw agad, " aniya saka naupo sa silya na nasa loob ng kahera. Tapos na silang linisin ang lahat at hinihintay na lamang nilang matapos matapos 'yong mga kusinera sa kusina na nagbabalot ng mga putaheng natira ngayong araw. " Siya nga pala, 'yong lalaki kanina, pamilyar siya. Artista ba siya? Ang lakas ng dating. Pakiramdam ko, nakita ko na siya sa TV. " " Amadeus Hassan, " aniya saka nilingon si Janina. " Iyong may-ari ng Hassan's Mall at ilang establisyemento na may Hassan sa pangalan. " Napatakip ng bibig ni Janina. " Seryoso ba?! A-ang alam ko patay n
" Ako pa lang ang maghahapunan? " takhang tanong ni Venice saka tumingin sa puwesto niya sa lamesa. " Nasaan sina Mamà at Papà? " " Kayo pa lang po ni Señorita Lucine ang tao dito sa mansyon. Wala pa po ang Don at Doña. Wala pa rin po dito ang inyong asawa, " sagot ng kasambahay habang hinahanda ang putahe sa mesa. Hanggang ngayon, pakiramdam niya ay naninibago ang tainga niya kapag naririnig ang salitang asawa. Wala naman siyang nararamdaman kundi kalituhan, pagkailang at kakatwang pakiramdam. Hindi rin niya alam kung dapat ba siyang masanay. " Gusto niyo po bang tawagin ko ang Señorita sa itaas para may kasalo kayo—" " Mukha bang gusto ko siyang kasabay? " tanong niya at napatungo na lamang ang kasambahay bago humingi ng tawad sa kaniya. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya. " Mas gusto ko ang kumain mag isa. " Sa nangyari kaninang umagahan, batid niyang hindi na magkakaroon ng kapayapaan ang hapag kainan. Sa pagtira pa lamang ni Lucine dito sa mansyon ay hirap na siyang guma
Tahimik na ginagala ni sister Bella ang paningin sa opisina ni Logan habang nakaupo sa silya at hinihintay ang taong nais kumausap sa kaniya. Mayroon na siyang ideya na tungkol ito sa nalalapit na kaarawan ng anak. Hindi ito natuloy kanina sa hapag kainan dahil sa naging sagot ni Lucine tungkol sa parehong araw ng kamatayan ng ina at kaarawan niya. " Pasensya na kung pinaghintay kita. Kinausap ko pa kasi si Victoria. " Napalingon siya sa pintuan nang sa wakas ay dumating na si Logan na galing sa mahabang diskusyon sa asawa bago makaharap ang madre." Ano ba ang gusto mong sabihin? " tanong ni sister Bella, " Marami pa akong kailangan gawin sa bahay ampunan. "" Kailangan ko lang hingin ang opinyon mo sa magaganap na kaarawan ni Lucine, " anito saka naupo sa silyang pang-opisina. Ipinatong nito ang isang talaan sa mesang nasa pagitan nila at inabutan siya ng panulat. " Puwede mo bang ilagay ang mga pagkaing hilig niya? O kahit na anong bagay na magpapasaya kay Lucine, isulat mo. "" S
Limang taon na ang nakalilipas subalit ang lahat ay malinaw pa rin sa matandang babae na nag ngangalang Cecilia. Ang nangyaring sunog sa mansyon at ang naging bunga nito. Bawat detalye ng kaganapan sa nakaraan, hindi niya malilimutan sapagkat dito niya naranasan ang kabayaran sa lahat ng mga ginawa niya sa taong tumulong sa kaniya subalit nagawa niyang talikuran dahil sa pera. " Baba na, " sambit ng taong nagbukas ng sasakyan. Maangas ang dating nito, hindi kagaya kanina na animo'y isang tuta na maamo. Sumunod siya sa sinabi nito at bumungad sa kaniya ang isang lumang gusali. Napapalibutan ng bandalismo ang halos lahat ng dingding at ang ilan sa mga salamin ay basag-basag na. " Sige, lakad lang. Wala hong multo diyan sa loob, " pagbibiro ng lalaking isa sa mga sumundo sa kaniya saka siya marahang tinulak-tulak papasok sa loob. Ipinagsaklob niya ang parehong kamay, lihim na nagdarasal para sa kaniyang kaligtasan. Mayroon na siyang ideya kung anong naghihintay sa kaniya sa dulo nito
" Puwede ka bang magbigay ng dahilan para hindi ako magustuhan? " Napahinto si Lucine sa ginagawa dahil sa tanong ni Janina. Ibinaba niya ang takip sa ulam na tinitignan niya bago ito sagutin. " Madaldal ka, maingay, magulo din minsan...bakit mo pala tinatanong? " Ngumuso ito at nagkibit balikat. " Ito kasing si Morriss, tinanong ko ulit kung may pag-asa ba ako sakaniya o mayroon bang tiyansa na magkaroon kami ng something, pero ang naging sagot niya, hindi niya raw ako puwedeng magustuhan. " " Bakit daw? " " Hindi niya sinagot. " Napabuga ito sa hangin. " Napakagulo niyang kausap, Lucine. Ngayon lang ako napatanong sa sarili ko kung bakit ba siya ang nagustuhan ko? Hindi naman sa nagsisisi ako pero bigla lang akong napaisip kung bakit sakaniya pa ako tinamaan? Ang dami namang iba diyan na gwapo, mabait at hindi masungit. " " Hindi ko rin alam sa'yo, Janina. Kahit naman ako nagtataka noon pa kung bakit mo nagustuhan si Morriss, ang suplado nga niya sayo. Matagal na niyang ipin