" Puwede ka bang magbigay ng dahilan para hindi ako magustuhan? " Napahinto si Lucine sa ginagawa dahil sa tanong ni Janina. Ibinaba niya ang takip sa ulam na tinitignan niya bago ito sagutin. " Madaldal ka, maingay, magulo din minsan...bakit mo pala tinatanong? " Ngumuso ito at nagkibit balikat. " Ito kasing si Morriss, tinanong ko ulit kung may pag-asa ba ako sakaniya o mayroon bang tiyansa na magkaroon kami ng something, pero ang naging sagot niya, hindi niya raw ako puwedeng magustuhan. " " Bakit daw? " " Hindi niya sinagot. " Napabuga ito sa hangin. " Napakagulo niyang kausap, Lucine. Ngayon lang ako napatanong sa sarili ko kung bakit ba siya ang nagustuhan ko? Hindi naman sa nagsisisi ako pero bigla lang akong napaisip kung bakit sakaniya pa ako tinamaan? Ang dami namang iba diyan na gwapo, mabait at hindi masungit. " " Hindi ko rin alam sa'yo, Janina. Kahit naman ako nagtataka noon pa kung bakit mo nagustuhan si Morriss, ang suplado nga niya sayo. Matagal na niyang ipin
Alas-singko pa lang ng hapon subalit pasara na ang karinderya dahil wala na silang putaheng mailalabas pa mula sa kusina. Simot ang lahat at magandang balita ito sa kanila dahil patuloy pa rin tinatangkilik ang luto nila sa kabila ng mga gulong nangyari noon. " Ang aga nating uuwi ngayon. Tinatamad pa akong umuwi saamin, " wika ng isa sa serbidora saka hinanap ng mata si Janina na abala sa pag aayos ng sarili. " Janina, gusto mong mag libot ngayon? Tara samahan mo 'ko. " " Naku, pasensya na sa ibang araw na lang. May aasikasuhin pa ako, " anito sa kalagitnaan ng paglalagay ng pabango sa leeg. Handang-handa na itong umalis upang harapin si Morriss at linawin ang hindi nila pagkakaintindihan noong huli silang nagkausap. " Ganadong-ganado ka na ngayong araw, " komento ni Lucine na abala naman sa pag ku-kuwenta ng mga kinita nila ngayong araw. " Parang kahapon, wala ka pa sa wisyo at lagi kang simangot. Ngayon, bumalik ka na sa katinuan. " Bumungisngis ito. " Ganoon talaga ang buhay
BABALA: Ang nilalaman ng kabanatang ito ay hindi naaangkop sa mga bata. May pagpapatiwakal at detalyadong kaharasan. --- Mula sa isang silid, tahimik na nagdarasal si Cecilia kahit na walang kasiguraduhan kung magagawa niya pa bang makaligtas gayong nakakulong siya sa isang silid na wala man lang kahit na anong butas para pagdaluyan ng hangin mula sa labas. Tanging ang pintuan lamang ang daan upang siya'y makatakas subalit mayroong bantay sa labas nito kaya wala na siyang nakikita pang liwanag. Ipinagdarasal na lamang niya ang sarili at humihingi ng kapatawaran bago siya tuluyang mamalaam. Hindi man niya alam ang buong detalye kung bakit siya naririto, may ideya naman siya na mayroon itong kinalaman sa paghahanap sa kaniya ng taong inakala niyang patay na, subalit bumalik upang singilin sila. Ngayon lamang niya narinig na buhay ito matapos siyang kausapin ni Don Caruso at ipinaliwanag ang dahilan kung bakit siya dinukot ng mga tao nito. Hindi siya makapaniwalang buhay ang kaniyang
Pula at asul na ilaw ang bumungad kina Owen at Morriss pagkababa nila ng kotse. Ang kalsada ay napapalibutan ng mga sasakyang dala ng polisya habang may inilalagay na kulay dilaw na bagay sa labas ng bahay. May ilang mga taong nakikiusyoso sa nangyayari at mababakas sa mga mukha nito ang reaksyong hindi kayang tignan ni Morriss. " Pasensya na pero bawal pumasok—" " Nakatira ako dito...kapatid ko ang mga nasa loob ng bahay, " ani Morriss sa pulis na humarang sa kanila. " Ganoon ho ba? " Lumingon ito sa likuran kung nasaan ang bahay. " Pasensya na ho pero mamaya na ho kayo pumasok sa loob. Nasa ilalim pa ho ng imbistigasyon ang kaawa-awang sinapit ng mga kapatid niyo kaya—" " Ano ibig niyong sabihin? " Hinablot ni Morriss ang kuwelyo ng pulis at matalim itong tinignan sa mata. " Anong pinagsasasabi niyo? " " Morriss, " sinubukan siyang pigilan ni Owen subalit sinangga niya ito ng braso saka itinulak palayo ang pulis upang makapasok sa loob ng bahay nila. Pagkapsok na pagkapasok
Tahimik na pinagmamasdan ni Amadeus at Owen sa 'di kalayuan si Morriss na naghihinagpis kasama si Janina na hindi kailanman umalis sa tabi nito magmula noong unang araw ng burol. " Malaking bagay ang pag iyak niya ngayon. Ilang araw ko siyang hindi nakakakitaan ng kahit na anong emosyon at hindi rin siya makausap nang maayos. Masyadong mabigat at mahirap para sa kaniya na tanggapin ang nangyari sa mga kapatid niya, " ani Owen, nilingon niya si Amadeus. " Sa palagay ko, tamang bigyan muna po natin siya ng sapat na panahon para mag-isip-isip kung anong plano niya pagkatapos nito. Malalim ang sugat na naiwan sa kaniya at hindi malabong tumiwalag siya saatin." " Maliban na lang kung gusto niyang hanapin at pagbayarin ang mga gumawa nito sa kapatid niya, " wika ni Amadeus, " Ang pangyayaring 'to ay dumagdag sa patong-patong na kaparusahang naghihintay kay Logan at sa mga nasa likod niya. Alam nila ang kahinaan natin at iyon ang ginamit nila para takutin o balaan tayo. " Batid ni Amadeu
Isang malalim na buntong hininga ang kumawala kay Janina habang nakapanghalumbaba sa mesa. Isang linggo na niyang hindi nakikita si Morriss at wala siyang balita kung nasaan ito na ngayon. Naiintidihan niya na marahil kaya ito nawala ay kailangan nitong mapag-isa subalit sobra na ang kaniyang pag aalala lalo na't hirap nitong tanggapin ang nangyari sa mga kapatid. Natatakot siya na baka may gawin itong masama sa sarili dahil sa lungkot at paghihinagpis. " Palagi na lang si Morriss ang dahilan ng buntong hininga mo, " ani Lucine sakaniya, " Makakapagtrabaho ka pa ba? "" Oo naman, sobra lang akong nag aalala dahil baka kung ano na nangyari kay Morriss. Naaawa ako sa kalagayan niya, " sagot niya saka sumandal sa pader at ipinag-krus ang mga braso. " Ilang beses na rin akong pabalik-balik sa bahay nila pero walang tao. Kanina dumaan ulit ako pero parang di na umuuwi si Morriss doon kasi 'yong iniwan kong pagkain kagabi sa harap ng pinto nila, nandoon pa rin. Nilalanggam na nga, eh. ""
Halos lumipad na sa pagmamadali si Victoria sa pasilyo patungo sa opisina ng kaniyang asawa dahil sa labis na pag-aalala matapos makarating sa kaniya ang balitang may nagtangka sa buhay nito kaninang umaga. " Mahal! " ang bungad niya nang buksan ang pinto ng opisina nito. Napahinto sa pag uusap sina Logan at ang mga kaharap nitong tao. Nagulat sa biglang pagdating ng Doña na maluha-luha dahil sa takot at pag aalala sa asawa. " Mamaya na lang natin ituloy ang diskusyon. Iwanan niyo muna kami, " ani Logan sa mga kausap niya na agad ding lumabas upang sundin ang sinabi nito. Mabilis na lumapit si Victoria sa asawa na natatarantang sinusuri ang bawat parte ng katawan nito kung mayroon bang tama ng baril. " Mahal ko, a-ano bang nangyari? Kararating lang saakin ng balita tungkol sa pagtatangka sa buhay mo kanina sa ibaba. Kumusta? Ayos ka lang ba? "" Victoria, huminahon ka. Ayos lang ako at wala akong tinamong kahit na ano, " ani Logan.Nakahinga nang maluwag kahit papano si Victoria.
Dala ang mga bulaklak, ibinaba ito ni Lucine sa puntod ng kaniyang ina. Inalis niya ang ilang mga tuyong dahon na nagkalat sa paligid ng puntod bago sindihan ang kandilang dala niya. Alas singko pa lang ng umaga ay umalis na siya upang magtungo sa sementeryo. Madalim pa noong lumabas siya kanina ng mansyon ngunit ngayon ay unti-unti ng napapalitan ng liwanag ang kulay asul na kalangitan. Nagsisimula na ring humuni ang mga ibon sa sementeryo na para sakaniya ay payapang mapakinggan. " Kumusta po kayo? " aniya habang inilalandas ang mga daliri sa puntod kung saan nakaukit ang pangalan, ang petsa ng kapanganakan at kamatayan ng ina. Hindi niya maiwasang hindi isipin kung ano kaya ang buhay niya kung hindi namatay ang ina. Nasaan kaya sila ngayon? Marahil wala sila sa puder ng mga Banville at naninirahan sila sa isang tahimik na lugar. Malayo sa gulo ng mga mayayaman, hindi kailangan makisama sa mga taong naka-maskara at wari niya'y masaya siya kahit sila lamang dalawa mag-ina. Nasa