Halos lumipad ang mga plato sa ere dahil sa pagwawala ng matandang gumawa ng eksena noong nakaraang linggo sa kanilang karinderya. Ang mga parokyano nilang nananahimik sa mga mesa nila ay walang nagawa kundi ang tumayo upang umalis sa takot na madamay sa gulo. " Mga bastos kayo! Hindi kayo marunong rumespeto ng parokyano ninyo! " nangagalaiting wika ng matandang babae lalo na kay Janina na dahilan kung bakit ito nag a-amok ngayon. " Ikaw na babae ka, noong nakaraan ka pa saakin ah! Kung ganito lang ang serbisyo niyo, magsara na kayo! Mga wala kayong galang! " " Bago niyo ho kami pagsabihan na walang galang at walang respeto, sana matutunan niyo muna 'yon gawin sa ibang tao, " sambit ni Janina, hindi na rin ito nakapagpigil ng emosyon dahil maayos naman ang pakikitungo nila kanina noong pumasok ito, subalit ilang minuto lang ay nagsisisigaw na at galit na galit dahil wala pang naghahatid ng pagkain sa kaniyang mesa. " Aba, bastos kang bata ka! Nakita niyo na? Ganiyan ba ang ugaling
" Ano? Ibig sahihin, iyong lalaking sinasabi mo noon, ay 'yong lalaking kasama mo kanina sa storage room? " gulat ang gumuhit sa mukha ni Janina na hindi tinigilan si Lucine sa pagtatanong sa naabutan niya kanina. " Buong akala ko, 'yong isa. Iyong kasama ni Morriss na nagpunta dito noon? " " Ikaw lang naman ang nag isip noon, Janina. Wala naman akong sinasabi na si Owen 'yomg tinutukoy ko, " ani Lucine. " Hindi mo naman kasi nilinaw agad, " aniya saka naupo sa silya na nasa loob ng kahera. Tapos na silang linisin ang lahat at hinihintay na lamang nilang matapos matapos 'yong mga kusinera sa kusina na nagbabalot ng mga putaheng natira ngayong araw. " Siya nga pala, 'yong lalaki kanina, pamilyar siya. Artista ba siya? Ang lakas ng dating. Pakiramdam ko, nakita ko na siya sa TV. " " Amadeus Hassan, " aniya saka nilingon si Janina. " Iyong may-ari ng Hassan's Mall at ilang establisyemento na may Hassan sa pangalan. " Napatakip ng bibig ni Janina. " Seryoso ba?! A-ang alam ko patay n
" Ako pa lang ang maghahapunan? " takhang tanong ni Venice saka tumingin sa puwesto niya sa lamesa. " Nasaan sina Mamà at Papà? " " Kayo pa lang po ni Señorita Lucine ang tao dito sa mansyon. Wala pa po ang Don at Doña. Wala pa rin po dito ang inyong asawa, " sagot ng kasambahay habang hinahanda ang putahe sa mesa. Hanggang ngayon, pakiramdam niya ay naninibago ang tainga niya kapag naririnig ang salitang asawa. Wala naman siyang nararamdaman kundi kalituhan, pagkailang at kakatwang pakiramdam. Hindi rin niya alam kung dapat ba siyang masanay. " Gusto niyo po bang tawagin ko ang Señorita sa itaas para may kasalo kayo—" " Mukha bang gusto ko siyang kasabay? " tanong niya at napatungo na lamang ang kasambahay bago humingi ng tawad sa kaniya. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya. " Mas gusto ko ang kumain mag isa. " Sa nangyari kaninang umagahan, batid niyang hindi na magkakaroon ng kapayapaan ang hapag kainan. Sa pagtira pa lamang ni Lucine dito sa mansyon ay hirap na siyang guma
Tahimik na ginagala ni sister Bella ang paningin sa opisina ni Logan habang nakaupo sa silya at hinihintay ang taong nais kumausap sa kaniya. Mayroon na siyang ideya na tungkol ito sa nalalapit na kaarawan ng anak. Hindi ito natuloy kanina sa hapag kainan dahil sa naging sagot ni Lucine tungkol sa parehong araw ng kamatayan ng ina at kaarawan niya. " Pasensya na kung pinaghintay kita. Kinausap ko pa kasi si Victoria. " Napalingon siya sa pintuan nang sa wakas ay dumating na si Logan na galing sa mahabang diskusyon sa asawa bago makaharap ang madre." Ano ba ang gusto mong sabihin? " tanong ni sister Bella, " Marami pa akong kailangan gawin sa bahay ampunan. "" Kailangan ko lang hingin ang opinyon mo sa magaganap na kaarawan ni Lucine, " anito saka naupo sa silyang pang-opisina. Ipinatong nito ang isang talaan sa mesang nasa pagitan nila at inabutan siya ng panulat. " Puwede mo bang ilagay ang mga pagkaing hilig niya? O kahit na anong bagay na magpapasaya kay Lucine, isulat mo. "" S
Limang taon na ang nakalilipas subalit ang lahat ay malinaw pa rin sa matandang babae na nag ngangalang Cecilia. Ang nangyaring sunog sa mansyon at ang naging bunga nito. Bawat detalye ng kaganapan sa nakaraan, hindi niya malilimutan sapagkat dito niya naranasan ang kabayaran sa lahat ng mga ginawa niya sa taong tumulong sa kaniya subalit nagawa niyang talikuran dahil sa pera. " Baba na, " sambit ng taong nagbukas ng sasakyan. Maangas ang dating nito, hindi kagaya kanina na animo'y isang tuta na maamo. Sumunod siya sa sinabi nito at bumungad sa kaniya ang isang lumang gusali. Napapalibutan ng bandalismo ang halos lahat ng dingding at ang ilan sa mga salamin ay basag-basag na. " Sige, lakad lang. Wala hong multo diyan sa loob, " pagbibiro ng lalaking isa sa mga sumundo sa kaniya saka siya marahang tinulak-tulak papasok sa loob. Ipinagsaklob niya ang parehong kamay, lihim na nagdarasal para sa kaniyang kaligtasan. Mayroon na siyang ideya kung anong naghihintay sa kaniya sa dulo nito
" Puwede ka bang magbigay ng dahilan para hindi ako magustuhan? " Napahinto si Lucine sa ginagawa dahil sa tanong ni Janina. Ibinaba niya ang takip sa ulam na tinitignan niya bago ito sagutin. " Madaldal ka, maingay, magulo din minsan...bakit mo pala tinatanong? " Ngumuso ito at nagkibit balikat. " Ito kasing si Morriss, tinanong ko ulit kung may pag-asa ba ako sakaniya o mayroon bang tiyansa na magkaroon kami ng something, pero ang naging sagot niya, hindi niya raw ako puwedeng magustuhan. " " Bakit daw? " " Hindi niya sinagot. " Napabuga ito sa hangin. " Napakagulo niyang kausap, Lucine. Ngayon lang ako napatanong sa sarili ko kung bakit ba siya ang nagustuhan ko? Hindi naman sa nagsisisi ako pero bigla lang akong napaisip kung bakit sakaniya pa ako tinamaan? Ang dami namang iba diyan na gwapo, mabait at hindi masungit. " " Hindi ko rin alam sa'yo, Janina. Kahit naman ako nagtataka noon pa kung bakit mo nagustuhan si Morriss, ang suplado nga niya sayo. Matagal na niyang ipin
Alas-singko pa lang ng hapon subalit pasara na ang karinderya dahil wala na silang putaheng mailalabas pa mula sa kusina. Simot ang lahat at magandang balita ito sa kanila dahil patuloy pa rin tinatangkilik ang luto nila sa kabila ng mga gulong nangyari noon. " Ang aga nating uuwi ngayon. Tinatamad pa akong umuwi saamin, " wika ng isa sa serbidora saka hinanap ng mata si Janina na abala sa pag aayos ng sarili. " Janina, gusto mong mag libot ngayon? Tara samahan mo 'ko. " " Naku, pasensya na sa ibang araw na lang. May aasikasuhin pa ako, " anito sa kalagitnaan ng paglalagay ng pabango sa leeg. Handang-handa na itong umalis upang harapin si Morriss at linawin ang hindi nila pagkakaintindihan noong huli silang nagkausap. " Ganadong-ganado ka na ngayong araw, " komento ni Lucine na abala naman sa pag ku-kuwenta ng mga kinita nila ngayong araw. " Parang kahapon, wala ka pa sa wisyo at lagi kang simangot. Ngayon, bumalik ka na sa katinuan. " Bumungisngis ito. " Ganoon talaga ang buhay
BABALA: Ang nilalaman ng kabanatang ito ay hindi naaangkop sa mga bata. May pagpapatiwakal at detalyadong kaharasan. --- Mula sa isang silid, tahimik na nagdarasal si Cecilia kahit na walang kasiguraduhan kung magagawa niya pa bang makaligtas gayong nakakulong siya sa isang silid na wala man lang kahit na anong butas para pagdaluyan ng hangin mula sa labas. Tanging ang pintuan lamang ang daan upang siya'y makatakas subalit mayroong bantay sa labas nito kaya wala na siyang nakikita pang liwanag. Ipinagdarasal na lamang niya ang sarili at humihingi ng kapatawaran bago siya tuluyang mamalaam. Hindi man niya alam ang buong detalye kung bakit siya naririto, may ideya naman siya na mayroon itong kinalaman sa paghahanap sa kaniya ng taong inakala niyang patay na, subalit bumalik upang singilin sila. Ngayon lamang niya narinig na buhay ito matapos siyang kausapin ni Don Caruso at ipinaliwanag ang dahilan kung bakit siya dinukot ng mga tao nito. Hindi siya makapaniwalang buhay ang kaniyang