Pula at asul na ilaw ang bumungad kina Owen at Morriss pagkababa nila ng kotse. Ang kalsada ay napapalibutan ng mga sasakyang dala ng polisya habang may inilalagay na kulay dilaw na bagay sa labas ng bahay. May ilang mga taong nakikiusyoso sa nangyayari at mababakas sa mga mukha nito ang reaksyong hindi kayang tignan ni Morriss. " Pasensya na pero bawal pumasok—" " Nakatira ako dito...kapatid ko ang mga nasa loob ng bahay, " ani Morriss sa pulis na humarang sa kanila. " Ganoon ho ba? " Lumingon ito sa likuran kung nasaan ang bahay. " Pasensya na ho pero mamaya na ho kayo pumasok sa loob. Nasa ilalim pa ho ng imbistigasyon ang kaawa-awang sinapit ng mga kapatid niyo kaya—" " Ano ibig niyong sabihin? " Hinablot ni Morriss ang kuwelyo ng pulis at matalim itong tinignan sa mata. " Anong pinagsasasabi niyo? " " Morriss, " sinubukan siyang pigilan ni Owen subalit sinangga niya ito ng braso saka itinulak palayo ang pulis upang makapasok sa loob ng bahay nila. Pagkapsok na pagkapasok
Tahimik na pinagmamasdan ni Amadeus at Owen sa 'di kalayuan si Morriss na naghihinagpis kasama si Janina na hindi kailanman umalis sa tabi nito magmula noong unang araw ng burol. " Malaking bagay ang pag iyak niya ngayon. Ilang araw ko siyang hindi nakakakitaan ng kahit na anong emosyon at hindi rin siya makausap nang maayos. Masyadong mabigat at mahirap para sa kaniya na tanggapin ang nangyari sa mga kapatid niya, " ani Owen, nilingon niya si Amadeus. " Sa palagay ko, tamang bigyan muna po natin siya ng sapat na panahon para mag-isip-isip kung anong plano niya pagkatapos nito. Malalim ang sugat na naiwan sa kaniya at hindi malabong tumiwalag siya saatin." " Maliban na lang kung gusto niyang hanapin at pagbayarin ang mga gumawa nito sa kapatid niya, " wika ni Amadeus, " Ang pangyayaring 'to ay dumagdag sa patong-patong na kaparusahang naghihintay kay Logan at sa mga nasa likod niya. Alam nila ang kahinaan natin at iyon ang ginamit nila para takutin o balaan tayo. " Batid ni Amadeu
Isang malalim na buntong hininga ang kumawala kay Janina habang nakapanghalumbaba sa mesa. Isang linggo na niyang hindi nakikita si Morriss at wala siyang balita kung nasaan ito na ngayon. Naiintidihan niya na marahil kaya ito nawala ay kailangan nitong mapag-isa subalit sobra na ang kaniyang pag aalala lalo na't hirap nitong tanggapin ang nangyari sa mga kapatid. Natatakot siya na baka may gawin itong masama sa sarili dahil sa lungkot at paghihinagpis. " Palagi na lang si Morriss ang dahilan ng buntong hininga mo, " ani Lucine sakaniya, " Makakapagtrabaho ka pa ba? "" Oo naman, sobra lang akong nag aalala dahil baka kung ano na nangyari kay Morriss. Naaawa ako sa kalagayan niya, " sagot niya saka sumandal sa pader at ipinag-krus ang mga braso. " Ilang beses na rin akong pabalik-balik sa bahay nila pero walang tao. Kanina dumaan ulit ako pero parang di na umuuwi si Morriss doon kasi 'yong iniwan kong pagkain kagabi sa harap ng pinto nila, nandoon pa rin. Nilalanggam na nga, eh. ""
Halos lumipad na sa pagmamadali si Victoria sa pasilyo patungo sa opisina ng kaniyang asawa dahil sa labis na pag-aalala matapos makarating sa kaniya ang balitang may nagtangka sa buhay nito kaninang umaga. " Mahal! " ang bungad niya nang buksan ang pinto ng opisina nito. Napahinto sa pag uusap sina Logan at ang mga kaharap nitong tao. Nagulat sa biglang pagdating ng Doña na maluha-luha dahil sa takot at pag aalala sa asawa. " Mamaya na lang natin ituloy ang diskusyon. Iwanan niyo muna kami, " ani Logan sa mga kausap niya na agad ding lumabas upang sundin ang sinabi nito. Mabilis na lumapit si Victoria sa asawa na natatarantang sinusuri ang bawat parte ng katawan nito kung mayroon bang tama ng baril. " Mahal ko, a-ano bang nangyari? Kararating lang saakin ng balita tungkol sa pagtatangka sa buhay mo kanina sa ibaba. Kumusta? Ayos ka lang ba? "" Victoria, huminahon ka. Ayos lang ako at wala akong tinamong kahit na ano, " ani Logan.Nakahinga nang maluwag kahit papano si Victoria.
Dala ang mga bulaklak, ibinaba ito ni Lucine sa puntod ng kaniyang ina. Inalis niya ang ilang mga tuyong dahon na nagkalat sa paligid ng puntod bago sindihan ang kandilang dala niya. Alas singko pa lang ng umaga ay umalis na siya upang magtungo sa sementeryo. Madalim pa noong lumabas siya kanina ng mansyon ngunit ngayon ay unti-unti ng napapalitan ng liwanag ang kulay asul na kalangitan. Nagsisimula na ring humuni ang mga ibon sa sementeryo na para sakaniya ay payapang mapakinggan. " Kumusta po kayo? " aniya habang inilalandas ang mga daliri sa puntod kung saan nakaukit ang pangalan, ang petsa ng kapanganakan at kamatayan ng ina. Hindi niya maiwasang hindi isipin kung ano kaya ang buhay niya kung hindi namatay ang ina. Nasaan kaya sila ngayon? Marahil wala sila sa puder ng mga Banville at naninirahan sila sa isang tahimik na lugar. Malayo sa gulo ng mga mayayaman, hindi kailangan makisama sa mga taong naka-maskara at wari niya'y masaya siya kahit sila lamang dalawa mag-ina. Nasa
Tila walang kapaguran ang mga bata na namamasyal at naglalaro sa hardin ng mga Banville. Kinagigiliwan nila ang mga nagtataasang halaman sa bawat pader na may iba't ibang puwesto at daanan na ginagamit ng mga bata upang magtaguan at habulan. Nakabantay sa kanila ang mga matatanda dahil sa takot na baka may masira. " Ang akala ko simpleng handaan lang ang dadaluhan natin kaya ganito lang ang isinuot ko. Pero sa nakikita ko, magarbo pa din ang handaan na'to, " wika ng kaniyang kasamahan na sinang-ayunan naman ng ilan habang pinagmamasdan ang istilo ng handaan. Ang kaninang kulay lila na tema ay pinapalitan ni Logan ng kulay rosas. " Ako nga ito na pinakamagandang damit na nakuha ko sa aparador, pero mukhang hindi pa rin bagay ang ganitong damit sa ganitong klaseng okasyon, " ani Janina. Napailing na lamang si Lucine sa sinabi ng mga kasama. " Kahit naman nakapambahay lang kayo magpunta dito, papapasukin pa rin kayo. Ilan lang naman ang mga inimbitahan kong tao dahil simpleng salo-s
" Bye, Lucine! Happy birthday ulit sa'yo! " paalam nina Janina at ng kaniyang mga kasama nang maihatid niya ang mga ito sa labas ng kanilang gate. " Salamat ulit sainyo. Mag-iingat kayo pauwi. " Kumaway siya pabalik habang pinanonood ang mga itong maglakad paalis. Naunang umuwi ang mga madre at bata sa bahay ampunan dahil hindi sila maaaring gabihin sa daan lalo na't may karpiyo na pinatutupad sa lugar para sa mga kabataan. Isang oras nakalipas, nagpaalam na rin ang mga kasama niya sa karinderya kaya naman ngayon ay mag-isa na lang siya. Alas siyete na ng gabi, may ilang oras pa bago matapos ang kaarawan niya subalit para kay Lucine, masasabi niyang perpekto na ang araw na ito dahil pinaramdam talaga ng mga tao sa paligid niya na ang araw na ito ay para sa kaniya. Magaan sa dibdib, animo'y ngayon na lamang siya ulit nakangiti at nakatawa dahil sa pagsasama-sama ng mga taong malapit sa kaniya. Nang makabalik sa hardin, naabutan niya ang mga kasambahay na nagliligpit. Sinubukan niya
Kinabukasan, kumpleto ang lahat habang nagsasalo-salo sa hapag kainan. Ang kalansing ng mga kubyertos sa plato ang tanging ingay na bumabasag sa katahimikan na bumabalot sa komedor, hanggang sa magsalita si Logan." Anong masasabi mo sa selebrasyon na naganap kahapon, Lucine? Masaya ka ba? Ang mga bisita, natuwa ba sila? "Ngunit walang sagot na nakuha si Logan sapagkat tila wala sa realidad ang isip ni Lucine. Nakatingin ito sa kawalan habang may nginuguyang pagkain sa bibig. Nalulunod sa lalim ng iniisip matapos ng nangyaring pag-uusap sa pagitan nila ni Claude. " Lucine? " muling pagkuha ng atensyon ni Logan sa anak, tumingin siya sa isang kasambahay na malapit sa gawi nito at inutusang tapikin si Lucine dahilan para ito'y matauhan. " Señorita, kinakausap po kayo ng inyong Papà, " bulong ng kasambahay kaya napatingin si Lucine sa kabilang dulo ng mesa at sinalubong siya ng tingin ng ama. " Bakit po? Ano po bang sinasabi niyo? " Kumawala ang sarkastiko at maiksing tawa mula kay