Tila walang kapaguran ang mga bata na namamasyal at naglalaro sa hardin ng mga Banville. Kinagigiliwan nila ang mga nagtataasang halaman sa bawat pader na may iba't ibang puwesto at daanan na ginagamit ng mga bata upang magtaguan at habulan. Nakabantay sa kanila ang mga matatanda dahil sa takot na baka may masira. " Ang akala ko simpleng handaan lang ang dadaluhan natin kaya ganito lang ang isinuot ko. Pero sa nakikita ko, magarbo pa din ang handaan na'to, " wika ng kaniyang kasamahan na sinang-ayunan naman ng ilan habang pinagmamasdan ang istilo ng handaan. Ang kaninang kulay lila na tema ay pinapalitan ni Logan ng kulay rosas. " Ako nga ito na pinakamagandang damit na nakuha ko sa aparador, pero mukhang hindi pa rin bagay ang ganitong damit sa ganitong klaseng okasyon, " ani Janina. Napailing na lamang si Lucine sa sinabi ng mga kasama. " Kahit naman nakapambahay lang kayo magpunta dito, papapasukin pa rin kayo. Ilan lang naman ang mga inimbitahan kong tao dahil simpleng salo-s
" Bye, Lucine! Happy birthday ulit sa'yo! " paalam nina Janina at ng kaniyang mga kasama nang maihatid niya ang mga ito sa labas ng kanilang gate. " Salamat ulit sainyo. Mag-iingat kayo pauwi. " Kumaway siya pabalik habang pinanonood ang mga itong maglakad paalis. Naunang umuwi ang mga madre at bata sa bahay ampunan dahil hindi sila maaaring gabihin sa daan lalo na't may karpiyo na pinatutupad sa lugar para sa mga kabataan. Isang oras nakalipas, nagpaalam na rin ang mga kasama niya sa karinderya kaya naman ngayon ay mag-isa na lang siya. Alas siyete na ng gabi, may ilang oras pa bago matapos ang kaarawan niya subalit para kay Lucine, masasabi niyang perpekto na ang araw na ito dahil pinaramdam talaga ng mga tao sa paligid niya na ang araw na ito ay para sa kaniya. Magaan sa dibdib, animo'y ngayon na lamang siya ulit nakangiti at nakatawa dahil sa pagsasama-sama ng mga taong malapit sa kaniya. Nang makabalik sa hardin, naabutan niya ang mga kasambahay na nagliligpit. Sinubukan niya
Kinabukasan, kumpleto ang lahat habang nagsasalo-salo sa hapag kainan. Ang kalansing ng mga kubyertos sa plato ang tanging ingay na bumabasag sa katahimikan na bumabalot sa komedor, hanggang sa magsalita si Logan." Anong masasabi mo sa selebrasyon na naganap kahapon, Lucine? Masaya ka ba? Ang mga bisita, natuwa ba sila? "Ngunit walang sagot na nakuha si Logan sapagkat tila wala sa realidad ang isip ni Lucine. Nakatingin ito sa kawalan habang may nginuguyang pagkain sa bibig. Nalulunod sa lalim ng iniisip matapos ng nangyaring pag-uusap sa pagitan nila ni Claude. " Lucine? " muling pagkuha ng atensyon ni Logan sa anak, tumingin siya sa isang kasambahay na malapit sa gawi nito at inutusang tapikin si Lucine dahilan para ito'y matauhan. " Señorita, kinakausap po kayo ng inyong Papà, " bulong ng kasambahay kaya napatingin si Lucine sa kabilang dulo ng mesa at sinalubong siya ng tingin ng ama. " Bakit po? Ano po bang sinasabi niyo? " Kumawala ang sarkastiko at maiksing tawa mula kay
Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa isang malaking silid kung saan nagsasanay si Amadeus humawak, gumamit at umasinta gamit ang kalibre 45 na hindi malabong magamit niya balang araw. Matapos maubos ang bala, ibinaba niya ang baril sa mesang nasa harapan niya. Inalis ang proteksyon sa mata at pinindot ang isang buton sa gilid upang lumapit ang isang pigura ng taong gawa sa papel na sumalo ng mga bala. Tatlong butas ang nakita niya sa gitna ng pigura malapit sa dibib. Dalawa sa ulo at isa sa bandang tiyan. " Señor. " Napalingon siya sa likuran nang marinig ang boses ni Owen. Hawak nito ang isang malaking sobre na naglalaman ng ilang papeles. " Hawak ko na po ang ilang impormasyon tungkol sa mga taong pina-imbistigahan niyo. "Inalis niya ang bagay na nakakabit sa kaniyang tainga na proteksyon mula sa ginagawa niya kanina. Lumapit sa kaniya si Owen upang ibigay ang dala nito. Agad naman niya itong binuksan upang kuhanin ang nasa loob. " Malayong kamag-anak ng Doñ
Tila nakadikit na ang paningin ni Lucine sa isang purselas na iniregalo ni Amadeus sa kaniya. Ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na buksan ang mga regalo na kaniyang natanggap at ang kumuha agad sa atensyon niya ay ang purselas na batid niyang pinasadya dahil nakaukit ang kaniyang pangalanan dito. Hindi niya alam kung dapat ba niya itong isuot o itago na lamang. Masyado nang malalim ang balon, hindi niya nais na lumubog pa dahil baka hindi na siya makaahon pa. " Lucine? " Napaangat ang tingin niya sa pinto nang marinig ang boses ng ama na kumakatok. " Gising ka pa ba? "Niligpit niya muna ang mga regalo na nasa ibabaw ng kaniyang kama bago pagbuksan ng pinto ang ama. " Bakit po? " tanong niya. " Ah, puwede ka bang makausap saglit? "Segundo ang tinagal bago siya humakbang palabas ng pinto. Isinara niya ito at sumunod sa ama na nagsimulang maglakad sa pasilyo. " Humihingi ako ng pasensya sa nangyari kaninang umaga, " panimula nito, " Alam kong mali ako na hindi ko agad sin
" Pasensya na po, Madame, pero mukhang butas ang sasakyan, " hindi akalain ni Venice na may mas sisira pa ng araw niya matapos sabihin ng kaniyang drayber ang problema kung bakit hindi agad sila makaalis. Padabog siyang bumaba ng kotse at napasuklay pataas sa kaniyang buhok gamit ang mga daliri niya. Wala siyang mapagbuntungan ng inis. " Kung ganoon maglalakad ako? " kunot-noong tanong niya saka napatingin sa isang kotseng nakaparada sa garahe. " Kaninong kotse 'yan? " " Ah, ito po 'yong kotseng pinanghahatid-sundo kay Señorita Lucine. Gusto niyo ho bang—" " 'Di bali na. " Tumalikod na lang siya at naglakad palabas ng garahe. Mas gugustuhin niyang mamasahe kaysa sumakay sa kotseng ginagamit ng taong kinamumuhian niya. Nang makarating sa labas, naabutan niya ang isang sinaryong pumukaw ng atensyon niya. Malayo siya subalit ramdam niyang may namumuong tensyon sa tatlong taong naroroon mismo sa tapat ng mansyon. Hindi niya alam kung dala ng kuryusidad ang paglapit niya subalit na
Mag-a-alas-siyete na ng gabi nakauwi si Venice sa mansyon. Bandang tanghali ay napagawa na ang gulong ng kaniyang sasakyan kaya naman ngayon ay nakauwi na siya gamit ang kotse niya. " Magandang gabi po, Señora, " bati ng mga kasambahay na kaniyang nasasalubong sa pasilyo. Dire-diretso siyang naglalakad at pumanhik agad sa hagdan upang magtungo sa kaniyang silid. Nais niyang maglinis ng katawan dahil sa lagkit ng kaniyang pakiramdam. Buong maghapon niyang inasikaso ang isang sakahan kung saan nakikita na niya ang kalalabasan ng proyekto niya. Isang taon pa bago niya ito mabuksan sa publiko dahil ang ilan sa mga bulaklak ay matagal pang tumubo. Ang isang sakahan ay madalang na lang niyang mabisita ngunit sinisiguro naman niyang maayos ang loob at walang nagiging problema sa kanilang negosyo. Pagkabukas niya ng pinto, natigilan siya nang makita si Amadeus sa loob. Wala itong suot pang-itaas at nakabalot ng tim na tuwalya ang pang-iiba nito. Basa ang buhok, halatang katatapos lamang m
Mula sa labas ng silid, tanaw ni Hugo ang kaniyang asawa na masayang nakikipagkwentuhan sa kanilang bisita. Kita niya ang galak sa mga mata nito na ngayon na lamang ulit lumitaw. Matagal na itong nakakulong sa silid at hindi magawang kumilos nang walang tulong ng iba. Minsan lamang din itong makakita ng ibang tao kaya ganito na lang ang pagkasabik nang malamang ngayong gabi ang pagdating ng dalagang ipagkakasundo nila sa kanilang unico hijo." Papà. " Napalingon siya sa kaliwang bahagi ng pasilyo nang marinig ang boses ng anak. " Puwede ko ho ba kayong makausap saglit? "Batid na ni Hugo kung tungkol saan ang kanilang pag-uusapan. Binalik niya ang tingin sa silid kung saan naroroon ang asawa at si Lucine na nakikinig sa mga kuwento nito bago siya naglakad palayo patungo sa salas. Kasunod niya ang anak na nag ipon ng lakas ng loob bago mag desisyon na kausapin ang ama. " Ano ba ang gusto mong sabihin? " tanong ni Hugo saka naupo sa sopa at inangat ang tingin kay Claude. " Gusto ko po