Paano nga ba masasabi kung ikaw ay umiibig na? Sino nga ba ang magdidikta kung sino ang iibigin mo, ang puso mo ba o ang utak mo? Sa bida nating si Portia ay malalaman natin ang kasagutan. Ano nga ba ang mas matimbang, ang utak mo ba na nagdidikta sa puso o ang puso na tumitibok lamang sa taong magustuhan nito?
View MoreHindi na ako nagulat nang pagkarating namin sa High Hei University ay maraming tao.Enrollment ngayon kaya naman inaasahan ko ng dagsa ang mga estudyante.“Kung gusto mong makauwi nang maaga ay ’wag kang hihiwalay sa akin.” Tumingin ako kay Kieferd na kararating lang habang nagsusuklay ng buhok gamit ang mga daliri niya sa kamay.Tumango na lang ako bilang sagot ako sumunod sa kaniya nang maglakad siya.Hindi ko maiwasang hindi ilibot ang aking mga mata sa paligid dahil maganda ang bawat gusaling nasa paligid ko at isa na rin para maging pamilyar na ako bawat sulok dito.Nauunang maglakad si Kieferd at napapansin ko ang ibang mga kababaihan na pasimpleng tumitingin kay Kieferd.Napangiti ako ng palihim dahil nagkamali ako sa aking hinala na walang nagkakagusto kay Kieferd dahil mukhang popular pa ito rito sa unibersidad na pinasukan namin pero sandali lang, ang pagkakaalam ko kasi ay 4th-year high school pa lang si Kieferd
“Sa High Hei University ba ka mo?” Tumango ako sa tanong ni Tito Kei.Nagtatanong kasi ako kung paanong mag-enroll sa High Hei University dahil napagpasyahan ko na rin kasi na lumipat ng eskwelahan dahil may kalayuan ang dating eskwelahan ko rito, mahihirapan ako sa pagbyahe-byahe.“Opo, kumpleto naman po ako ng mga requirements,” sabi ko bago ipakita sa kaniya ang mga papel na p’wede kong magamit sa pag-eenroll sa High Hei.“Si Tita Lovelle mo ay p’wede mong makasama ro’n, madali ka na lang makakapasok dahil Dean ang kapatid niya do’n.” Namilog ang aking bibig at napatango.‘Talaga ngang mayaman sila.’“Okay lang po kaya kung ako na lang ang pupunta ro’n?” tanong ko kay Tito na agad naman niyang ipinagtaka kaya naman nagsalita na ulit ako. “Baka po kasi busy si Tita Lovelle at maistorbo ko pa po siya.” Inayos ko ang aking salamin at hinintay ang k
Nilagay ko ang aking mga damit sa cabinet na nandito sa k’warto dahil sabi ni Tita ay lahat ng nandito ay p’wede kong gamitin.Kumpleto ang mga gamit dito, kahit na sa cr ay nando’n na ang lahat, shampoo, sabon, conditioners, at iba pang kakailanganin ko sa pagligo.Kinuha ko rin ang mga librong dala ko para sa pag-aaral ko.“Miss Portia, magmeryenda muna raw po kayo.” Tumingin ako sa isang maid nila Tita Lovelle na may dalang tray ng pagkain.Tumayo ako upang tulungan siyang ilagay ang mga ’yon sa side table ko.“Salamat,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.Mukhang bata pa siya dahil sa maganda niyang mukha.“Ako nga po pala si Summer, isa po akong katulong dito sa bahay,” nakangiting sabi niya sa akin at inabot niya ang kaniyang kamay kaya naman inabot ko rin ’yon at nakipag-shake hands.“Portia na lang ang itawag mo sa akin, ilang taon ka na?” tan
“Sigurado ba kayong hindi na kayo kakain?” tanong ni Tita Lovelle dahil aalis na sila Mama agad kahit hindi pa sila kumakain.“Oo, Mare. Baka kasi ma-late kami sa flight namin,” sagot ni Mama bago tumingin sa akin at yakapin ako. “Aalis na muna kami ni Papa mo, dito ka muna kay Tita Lovelle mo.” Inayos ni Mama ang aking buhok na napupunta sa aking mukha dahil sa hangin.“Hindi ka na namin dapat pang sabihin sa mga dapat mong gawin dahil malaki ka na pero magpakabait ka rito at mag-aral ka ng mabuti, buwan-buwan ay darating ang allowance mo para sa gastusin mo sa pag-aaral at sa mga personal na gastusin mo.” Tumango ako sa sinabi ni Papa.“Hindi ka naman makulit pero ’wag mong papasakitin ang ulo ng Tita Lovelle at Tito Kiesler mo, maliwanag?” tanong ni Mama kaya naman sumagot ako sa kaniya.“Opo, kaya ko naman po ang sarili ko kaya wala po kayong dapat ipag-alala at saka nasa puder na
“Portia?” Dinilat ko ang aking mga mata dahil narinig ko ang boses ni Mama na tinatawag ako. “Ma?” tawag ko sa kaniya bago kusutin ang aking mata. “Nandito na tayo, hija.” Tumingin ako sa labas ng sasakyan namin upang tingnan ang bahay ng mga De Chavez. Hindi nga ako nagkamali sa aking akala dahil malaki at maganda nga ang bahay nila. “Bumaba ka na at hinihintay na nila tayo.” Tumango ako kay Mama bago bumaba sa kotseng sinasakyan namin. Sinuot ko ang aking salamin sa mata bago ilibot sa buong paligid ang aking paningin. Maraming puno at mga bulaklak ang nasa paligid kaya naman bahagya akong napangiti dahil maganda ang pagkakaayos ng mga ito. “Ma’am, nasa loob na po sila Madam Lovelle.” May isang kasam-bahay ang lumapit sa amin kaya naman nginitian ko siya bago tumango at sumama kay Mama na papasok na sa loob ng bahay. “Mabait sila Portia kaya naman hindi mo kailangan matakot.” Kumapit ako kay Mama nang bumukas na ang pinto. “At nandito rin ang anak nila na p’wede mong kausapi
“Portia?” Dinilat ko ang aking mga mata dahil narinig ko ang boses ni Mama na tinatawag ako. “Ma?” tawag ko sa kaniya bago kusutin ang aking mata. “Nandito na tayo, hija.” Tumingin ako sa labas ng sasakyan namin upang tingnan ang bahay ng mga De Chavez. Hindi nga ako nagkamali sa aking akala dahil malaki at maganda nga ang bahay nila. “Bumaba ka na at hinihintay na nila tayo.” Tumango ako kay Mama bago bumaba sa kotseng sinasakyan namin. Sinuot ko ang aking salamin sa mata bago ilibot sa buong paligid ang aking paningin. Maraming puno at mga bulaklak ang nasa paligid kaya naman bahagya akong napangiti dahil maganda ang pagkakaayos ng mga ito. “Ma’am, nasa loob na po sila Madam Lovelle.” May isang kasam-bahay ang lumapit sa amin kaya naman nginitian ko siya bago tumango at sumama kay Mama na papasok na sa loob ng bahay. “Mabait sila Portia kaya naman hindi mo kailangan matakot.” Kumapit ako kay Mama nang bumukas na ang pinto. “At nandito rin ang anak nila na p’wede mong kausapi...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments