MY DEEPEST DARKEST SECRET! Can I, who had been broken from a traumatic past can still be accepted for who I am? Ako si George, tomboy kung kumilos pero babaeng babae deep inside. Isang malungkot, karimarimarim at di malilimutang karanasan ang nangyari sa akin na nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Nirape ako noong edad 18 ng isang lalaking hindi ko kilala.. I am the wrong person, at the wrong place and at the wrong time! Subalit mapaglaro ang tadhana, namasukan ako bilang isang ordinarong empleado at lihim na umibig ako sa aking boss na siyang may-ari ng kumpanya. Kung saka-sakalit tugunin niya ang aking pag-ibig, ipagtatapat ko ba sa kanya ang aking nakaraan? Tatangapin kaya niya ako sa pagiging isang segunda manong babae? If two people were destined for each other, will fate bring us back together? O tatanda na lang akong dalaga?
View MoreChapter 38 – Nakuha ko ang Atensyon ni Boss!Nagustuhan ng aming kliyente ang proposal kong Ads para sa coffee, lalung-lalo na ang tagline nito. “Congratulations, Gina! May bonus ka kay Sir!” masayang sabi ni Ms. Jenny na narinig naman ni Ms. Ava dahil may sadya siya kay Ms. Jenny.“Bonus?” tanong ni Ms. Ava. “Oo naman! Pangako ni Big Boss yun kay Gina!” sabi ni Ms. Jenny.“Ano namang kahindik-hindik ag ginawa ng babaeng ito?” pangugutyang sabi ni Ms. Ava.“Approve na ng kliyente natin ang coffee Ads na si Gina ang nakaisip. Malaking halaga rin ang kontrata ng coffee ads na yun dahil nagpapakilala pa lang ang produkto sa market! ” paliwanag ni Ms. Jenny. “Hmmmph!!! Nakatsamba lang iyan!” nanunuyang sabi ni Ms. Ava. “Babalik na lang ako mamaya!”“Galit po yata sa akin si Ms. Ava?” tanong ko kay Ms. Jenny.“Naiingit lang yun sa iyo. Nakukuha mo kasi ang atensyon ni Big Boss.” paliwanag ni Ms. Jenny.“Atensyon? Trabaho naman po ang ginagawa ko, di ba? Hindi ko naman inaagaw s
Chapter 37 – Siya si Paul! Bakit James ang Pangalan niya?Patuloy pa rin akong nakatungo at hindi pa rin ako tumitingin sa aming CEO habang hinihintay namin si Ms. Jenny. “So Miss Gina Vergara, are we related?” tanong ni Sir. “I am a Vergara, you are a Vergara.”“I don't think so, Sir.” sagot ko.“Single or married?” tanong ulit ni Sir.“Married, po Sir.” sagot ko.“Then, I must be related with your husband?” pangungulit ni Sir.“I don't know, Sir!” matipid kong sagot ulit.Sakto namang dumating si Ms. Jenny. Nakita niya kaming magkaharap ni Sir na parang pinapagalitan ako dahil nakatayo si Sir habang ako naman ay nakaupo at nakayuko ang ulo. “Good afternoon, Sir! Anything wrong with our proposal? You seem to be scolding Gina here. Parang maiiyak na yata ang pobre!” pangiting sabi ni Ms. Jenny.“On the contrary, hindi ko siya pinapagalitan. Hindi ko kasi nagustuhan itong proposal ninyo para sa coffee ads. So, since taga-creatives din siya, tinanong ko kung may idea siya.” sabi
Chapter 36 – Tsugi agad Ako sa Trabaho?Sa opisina, isa lang ang kaibigan at palagi kong kausap doon, si Ana isang accounting clerk. Si Ana, 23 years old, CPA, panganay sa limang magkakapatid at tanging siya at ang kanyang ina ang bumubuhay sa pamilya dahil ang kanyang ama ay yumao na dahil sa atake sa puso. Dalawang taon na siya sa kumpanya at bagama't isa na siyang CPA ay walang tumatanggap sa kanyang kumpanya dahil wala pa raw siyang experience.Minsang nagmemeryenda kami sa canteen ay naikuwento ko ang kasungitan ni Ms. Ava, ang aming Account Manager. “Naku! Huwag na huwag mong kakalabanin ang babaeng yun kung ayaw mong mawalan ng trabaho!” sabi ni Ana. “Alam mo bang minsan may kumalaban sa kanya? Kinabukasan sisante na agad! Lalo naman kung maganda ka! Magbilang ka lang ng ilang araw, malamang tanggal ka na sa trabaho. Ayaw kasi niyang may mas maganda pa sa kanya dito sa opisina. May tsismis nga na kaya naging Account Manager yan ay dahil ginagamit niya ang kanyang ganda at c
Chapter 35 – Kapag hindi ka kasali, wag kang sasabat!Sa loob ng isang linggo ay nilakad ko ang mga requirements ko para sa trabaho. Nakalipat na rin ako sa isang one-bedroom condo na malapit lang sa pagtatrabahuhan kong kumpanya sa may Column Tower 1 sa Ayala Ave., Makati. Actually, walking distance lang ito sa aking trabaho kaya hindi ko kailangan ng kotse.Pag-alis ko sa bahay namin sa San Lorenzo, akala ni Mama na babalik na ako sa States kaya naiiyak siya at panay ang bilin sa akin. Hinatid ako ni Kuya Phillip hindi sa airport kundi sa aking condo. “Are you sure you will be alright here?” tanong ni kuya.“Sure ako, kuya! Walking distance lang naman ang trabaho ko dito.” paniniguro ko kay kuya.“Pero, ingat ka pa rin! Paminsan-minsan ay dadalaw ako dito.” paalam ni Kuya Phillip. “Ang drill natin, huwag mong kakalimutan! Gabi-gabi mo akong tatawagan!”“Opo, kuya!” sagot ko.Unang araw ko sa trabaho. Sa creative department ako na-assign. Ang departament na ito kasi ang pin
Chapter 34 – I want a low-keyed life!Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng “ikasal” kami ni James sa Las Vegas kaya nagpasya na kong bumalik sa Pilipinas. Bago ako umuwi sa Pilipinas ay naglunch date muna kami ni Jessie at sinabi niyang bibisita daw siya sa Pilipinas. Siya na kasi ang humahawak sa campaign strategy ng kanyang Dad na tumatakbong Governor ng California. “I'll miss you!” sabi ni Jessie.“I'll miss you too!” sabi ko. “You are my only male friend who I can trust here in LA!”“Will you still come back here in LA?” tanong ni Jessie“I will! I still have a contract with Elite Model Management under Chrissy and a non-exclusive contract with L'Oreal!” sagot ko. “But I will not be working as a model in the Philippines. Nobody there, except my family knows that I am Love, L'Oreal image model. Once I am back over there, I plan to work as a lowly employee in an advertising firm and I will dress up with my usual garb as Miss Granny!”“Why???? Why do you want to hide yoursel
Chapter 33 – Kasal-kasalan.Sumapit na rin ang araw ng aking pagpapakasal kay James sa Las Vegas. Magkikita kami ni James sa Las Vegas Clark County ng 5am para pirmahan ang aming marriage license na inaplayan ko online at pagkatapos ay pupunta sa Little White Chapel para sa isang drive-thru wedding ceremony kung saan ay nakapag-reserve na rin ako ng 6am slot.“Hanapin mo ako sa may main door ng Clark County. Nakasuot ako ng all-white pantsuit at naka-sunglass na white rin. Maglalagay rin ako ng name tag na George. “ sabi ko kay James ng tawagan niya ako kahapon.“White na polo shirt, brown pants at brown shoes ang suot ko. Para hindi obvious magsusuot na rin ako ng sunglass kahit na medyo madilim pa. Maglalagay ako ng maliit na yellow ribbon sa aking wrist.” sabi ni James. “Kasama ko ang rin ang aking bestfriend para maging witness sa wedding.”“Good! See you there!” sabi ko. “Please remember our agreement. After the wedding, we will go our separate way. You can bring the Marr
Chapter 32 - Pagdating sa pera, una ako diyan!Nagdadalawang-isip si James kung itutuloy pa niya ang kasunduan ng Mommy niya sa Mama ko na pakasalan ako. Una, pangit ako. Ikalawa, sobrang dominante ako at dinidiktahan siya. Pangatlo, nanghingi ako ng kabayarang Ten Million Pesos para magpakasal sa kanya! Sinadya ko talagang gawin ito para umatras si James sa aming kasal.Isang araw pagkatanggap ng aking email ni James ay nag-reply itong payag siya sa lahat ng aking mga kondisyon. “Hala! Pumayag siya! Ano ang hidden agenda ni James? Kapit sa patalim?” sabiko sa sarili.Muli ko na namang tinawagan si James. Sinadya kong tumawag ng madaling araw sa Pilipinas para magalit at mainis na naman siya sa akin. “Hello, George! Talaga bang nananadya kang tawagan ako tuwing madaling araw? Antok na antok pa ako!” sabi ni James.“Magdusa ka! Gusto mo akong pakasalan di ba?” panunudyo ko kay James. “Sobra ka namang kapit sa patalim, matuloy lang ang kasal natin!”“Wala ka ng pakialam doon!” g
Chapter 30 – Kontrolado ko Dapat ang Arranged Marriage ko!Tatlong araw na ang nakalipas, hindi ko pa rin tinatawagan si James. Tatlong araw kasi ang palugit na hiningi ko para makapagdesisyon kung magpapakasal ba ako sa kanya o hindi. Habang nagpapahinga ako sa photo shoot ko para sa isang sports magazine ay tumawag siya. Dahil maingay ng paligid ay medyo lumayo ako ng puwesto.“Hello, James!” sago ko sa kanyang tawag.“Hello, George! Hinihintay ko ang tawag mo sa akin kahapon. Hindi ka tumawag, kaya tinawagan na lang kita! Ano ang desisyon mo?” tanong ni James.“Kung hindi lang dahil kay Mama ay hindi talaga ako magpapakasal!” sagot ko.“So, payag ka nang magpakasal tayo?” tanong ulit ni James.Payag na ako but it has to be on my own terms! Either you take it or leave it!” ultimatum kong sabi ka James.“Your terms????” tanong ulit ni James.“Bingi ka ba? Ayaw mo???” hamon ko kay James.“Hindi naman sa ayaw, kaya lang.....” sabi ni James“Love! Let's resume the photo shoot
Chapter 29 – Money and Power ang dahilan!“No way! Kailangang matuloy ang kasal na ito! Kahit na sa anong paraan!” galit na sagot ni James. “Kailangang mangyari ang ating kasal two week from now! Yan ang pinangako ko kay Mommy!”“Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo pa nga ako kilala, o namumukhaan man lang at higit sa lahat hindi mo pa ako nakakausap kung payag ba ako o hindi sa kasalang ito, nangako ka na sa mommy ng petsa ng kasal?” galit kong sabi. “Ang kapal na ng mukha mo, assumero ka pa! Ano ang tingin mo sa sarili mo? God's gift to women?”“I am so sorry, pero ako nga iyon!” “ patawang sabi ni James.“Gago ka pala! Sobrang bilib mo sa iyong sarili!” galit kong sagot.“E ikaw, ano naman ang hitsura mo?” tanong ni James. “Wala ka kasing picture profile sa iyong FB account. Wala ka ring Tiktok, Snapchat o X account. Actually, parang dormant na nga ang FB page mo, kasi yung huling posting doon was three years ago pa.”“Aba't bina-background check mo na ako? Stalker ka! Pangit
Chapter 1 – Pinagsamantalahan ako!Nagising ako mula sa isang masarap na panaginp. Kaulayaw ko raw ang aking prince charming. Magdamag naming pinagsaluhan ang walang kapantay na kaligayahan. Pero bakit ganito? Kung isang panaginip lang ang nangyari bakit napakasakit ng katawan ko? Napakasakit ng kaibuturan ko? Parang totoo ang nangyari! Bigla akong bumalikwas sa kama . Bakit hubo't hubad ako? Ang damit ko kagabi ay nakakalat lahat sa sahig. Pagbangon ko mula sa kama ay nakita ko ang bakas ng dugo. “Diyos ko! Totoo palang nangyari ang akala ko ay panaginip lang! May nagsamantala sa akin! Pero sinooooo itong lalaking ito?” sabi ko sa sarili na parang luka luka habang umiiyak sabay takbo sa banyo.Matagal akong iyak ng iyak habang inaalala ang mga pangyayari kagabi. Nagkaayaan kaming mga players ng varsity team namin mula sa De la Salle University dahil kami ang nanalo sa UAAP bilang overall champion. Dahil ako ang star player at point guard ng team, hindi ako makatangi sa ayaan. Sa bar ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments