TRAVIS MONTIERO- Walang hinangad kung ‘di ang makaganti sa babaeng kinasusuklaman at sinisisi niya sa trahedyang nangyari sa kanyang nag-iisang kapatid. Katulad sa mga plano niya ay nakalapit siya kay Catherine. And his almost there, upang maisakatuparan ang kanyang mga plano. Ngunit paano kung siya rin mismo ang mahuhulog sa sarili niyang patibong? Paano kung matutuklasan niya ang katotohanan sa likod na nangyaring aksidente sa kapatid niya? Subalit paano kung huli na ang lahat para sa kanila ni Catherine? Hindi kasama sa plano niya ang mainlove… CATHERINE HUMPAY- Na love at first sight, unang kita niya pa lang kay Travis ay naging malakas na ang pagtibok ng kanyang puso. Naging roller coaster ang mga pangyayari sa pagitan nila ng binata. Naikasal siya sa binata na walang kahirap-hirap. She's dream of na mala fairy tale ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ngunit kabaligtaran ang nangyayari. Hanggang sa isang bagay ang kanyang naisip…
view more“KUNG nagseselos ka kay Travis at sa babaeng iyon. P’wede ba Bella, huwag mo akong idamay.”Biglang huminto sa paghakbang ng mga paa si Bella. “Ako nagseselos?” sabay turo nito sa sarili.“Yes, you are. Nagseselos ka kay Travis at Daisy.“Walang dahilan para magselos ako kay Travis at sa pangit na babaeng iyon no.”Kusang tumaas ang isang kilay ni Catherine. Talagang hindi ito aamin na may relasyon ito at si Travis.“Di ba may relasyon kayo ni Travis…”Pinukol niya ng matalim na tingin si Bella.“Ako nagseselos?” sabi ulit ni Bella na tumatawa ng mahina.“Anong nakakatawa?” naiinis turan ni Catherine. Talagang ang lakas pa ng loob nito para pagtawanan siya.“Sorry…sorry, ikaw kasi eh,” natatawa pa rin sabi ni Bella. “Hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang issue na ‘yan. Medyo matagal na ang nakalipas ng nangyari ang issue tungkol sa amin ni Travis.’“Ofcourse hinding-hindi ko makakalimutan na ang bestfriend ko at ang asawa ko ay may relasyon, naging kabit ka ng asawa ko.” Mas mabuti ng
SABAY napatingin sina Catherine at Travis ng bigla na lamang bumukas ang dahon ng pinto at iniluwa mula sa labas ang babaeng blonde ang buhok at ang maiksing kasuotan nito. Sobrang makapal din ang make-up nito. To the left to the right ang talbog ng balakang nito, habang naglalakad palapit dito.Napangiwi na lamang si Catherine na nakatingin sa babae.“Travis, oh my god. How are you?” sabi ng maarting boses ng babaeng may makapal na pintura sa mukha nito at bigla na lamang pumasok dito.“Daisy…?” Tila nagulat pang sabi ni Travis ng makita ang babaeng bagong dating.“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?” sunod-sunod na tanong ni Travis. “Wait, Daisy,” sabi ni Travis na nakangiwi ng bigla na lang yumakap dito ang babae.“May masakit ba sa’yo? Oh my god. Saan ang masakit my baby Travis?” maarti pa rin sabi ng babae na tinawag ni Travis sa pangalan nitong Daisy.Napaubo ng mahina si Catherine buhat sa narinig. Pinukol niya ng masamang tingin si Travis. Animo’y nagustuhan ng mokong
NAGISING si Travis na masakit ang buong katawan niya, pakiramdam niya ay binugbog siya ng sampung tao. Partikular na ang kanyang likod. Kapag sinusubukan niyang gumalaw ay inaataki siya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Magkahalong sakat kirot sa bandang likuran niya.Pagmulat ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanyang paningin ang apat na sulok ng kwarto na kulay puti. Pinuno ng samo’t sari amoy ng mga gamot ang kanyang pang-amoy. Saka niya biglang naalala ang nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya ay sinubukan niyang sagipin si Miggy mula sa malaking truck. Pinuno ng matinding kaba at takot ang kanyang dibdib. Kumusta si Miggy? Kailangan niyang makita ang bata.Inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid. Ngunit wala siyang makita na may kasama siyang ibang tao rito. Tanging siya lang ang mag-isa nandito sa loob ng kwarto.Muli ni Travis sinusubukan na igalaw ang katawan niya. Ngunit talagang hindi niya nakayanan ang sobrang sakit at ang bigat ng pakiramdam niya.
Nang nailipat na si Travis sa private ward nito ay nagpaalam na rin si David na uuwi muna. Kailangan din kasi ni David maligo at magpalit ng damit dahil sa may mantsa ng dugo ang tshirts na suot nito.Nagpaiwan na lamang si Catherine dahil mamaya kapag nagising na si Miggy, tiyak hahanapin siya ng anak.Iniwan niya muna si Travis. Mahimbing pa rin ang tulog nito, marahil ay epekto pa rin ng gamot. Bumalik na lang muna siya roon sa may trauma room para tingnan kung gising na rin si Miggy. Mabilis ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa ng marinig niya ang boses ni Miggy na umiiyak.Nang nakita siya ng on duty nurse ay ningitian siya nito. “Nandito na ang mommy mo,” nakangiti sabi ng nurse, pinapatahan nito sa pag-iyak si Miggy.Nag-angat ng mukha si Miggy, at saka tumingin sa direksyon niya na naglalakad palapit dito.“M-mommy,” sabi ni Miggy sa garalgal na boses. Mas lalong nilakasan ang pag-iyak.Biglang nataranta si Catherinr kung kaya ay tinakbo niya na lamang ang distansiya sa
NANG narating ng ambulansya ang hospital ay agad pinasok ng emergency room si Travis. Samantala si Miggy naman ay dinala sa trauma room. Hindi alam ni Catherine kung sino ang mas-uunahin niya sa mag-ama niya.Nang nakatulog na si Miggy ay hinabilin niya muna sa on duty nurse. Kailangan niya rin puntahan si Travis, para alamin ang kalagayan ng lalaki.Sa labas ng emergency room ay nakikita niya si David na nakasandal sa may pader. Habang nakahalukipkip ito na nakatingin doon sa nakasarang pinto ng emergency room. Kaya naman ay hindi nito agad napansin ang presensiya niya.“David, kumusta na siya?” tanong ni Catherine sa garalgal niyang boses na nakatingin na rin roon sa naka saradong pintuan.“Hindi pa lumabas ang doctor, simula pa kanina,” sagot ni David, saglit sinulyapan si Catherine na nakatayo sa tabi nito. Hinawakan nito ang kamay ni Catherine. “Don’t worry, he’s be fine. Si Monteiro pa eh, gago ‘yon at hindi ‘yon basta-bastang mamatay.”“Talaga lang David? Nagawa mo pang magbi
“SA akin sasama sina Catherine at Miggy, Monteiro,” sabi ni David na hinihimas ang panga nito na tinamaan ng suntok ni Travis.“Damn it!” bulyaw ni Travis. “Umalis ka na Dela cuesta.”“P’wede ba tumigil na kayong dalawa. Parang mga bata kayo,” nanggigil sa inis sabi ni Catherine. Humarap siya kay David. “Umalis ka na David, please,” pakiusap niya sa lalaki. Sana nga lang umalis na si David para iwasan na lang si Travis.“Hindi ako, aalis dito na hindi ko kayo kasama ni Miggy. Hindi ko hahayaan na muling saktan ka ni Monteiro,” pagmamatigas pa rin sambit ni David. Talagang walang balak na umalis ito.Huminga ng malalim si Catherine. Malapit na malapit ng maubos ang pasensiya sa dalawang lalaking ito. “Sorry, David hindi kami sasama sa ‘yo ni Miggy.” Bumontong-hininga siya baga nagpatuloy na magsalita. “Aalis kami ni Miggy dito pero kaming dalawa lang at hindi kami sasama sa ‘yo. Gusto ko ng tahimik na buhay…” Hindi niya nasabi ang ibang sasabihin ng sumabad si Travis.“Hindi ako mak
“Dela cuesta,what the hell are you doing here?!” Dumadagundong ang boses sigaw ni Travis, nagbabaga ang mga mata nito sa sobrang galit.“Sinusundo ko lang ang mag-ina ko pare,” bale-wala at kampante sagot naman ni David.Nagulat na lang si Catherine ng sinugod ng suntok ni Travis si David. Nag-uusap sila ng bigla na lang dumating si Travis na galit na galit, namumula ang itsura nito sa galit.Hinawakan niya sa braso si David. “David,” aniya sa mahinang boses. She’s give him a warning look na huwag na lang patulan si Travis. Ngunit ang kumag na David, bena-wala nito ang warning look niya.“I’m here para sunduin ang mag-ina ko,” nakangiti sabi ni David. Hinawakan sa kamay si Catherine.“David, ano ba? What are you doing?” naiinis turan niya sa mahinang boses. Matigas din ang bungo ng isang ito. “Just relax,” pabulong din sabi ni David sa punong tainga ni Catherine.Talagang may gana pa itong sabihin na mag-relax siya? Gayong nagkainitan na sa pagitan nila David at Travis. Paano siya
SAMANTALA ng matapos ng kumain ay nagyaya si Miggy na manood ng favorite cartoons character nito. Kaya magkasama silang mag-ina na nandito sa sala. Si Miggy nakatuon ang buong attentions nito sa pinapanood doon sa malaking screen monitor ng tv. Samantala si Catherine may hawak na magazines ngunit wala sa magazines ang attentions niya . Okopado ni Bella at Travis ang kanyang isip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakalabas ang mga ito roon sa library. Gaano ba ka importante ang pinag-uusapan ng mga iyon at natagalan.Talagang nag-uusap lang ba? O di kaya naman ay may milagrong ginagawa na. Todo pigill siya sa kanyang sarili na huwag puntahan at katokin ang mga iyon roon sa library. Ngunit kapag ginawa niyon ano ang sasabihin niyang dahilan? Ayaw niya naman magmukhang nagseselos na asawa.‘Hindi nga ba?’ anang kontrabidang isip niya.Talagang hindi siya mapakai. Maya-maya ay nakatingin siya roon sa hagdan. Nang nakita niya si Bellla na naglalakad pababa ng hagdan ay agad niya ibinalik
NGITNGIT ang kalooban ni Catherine, tinusok-tusok at hiniwa ang sausage gamit ang bread knife.“Mommy,” sabi ni Miggy sabay turo sa plato ng ina nito.“Yes baby,” aniya nakatingin kay Miggy na nakaupo lang din sa tabi niya. “You want some more food?”Umiling ng ulo ssi Miggy. “No,” itinuro nito ang plato niya.Kunot-noo siya napatingin din sa plato niya. Lihim siya napangiwi sa kanyang sarili ng makita ang kawawang sausage na gutay-gutay. Ningitian niya ang anak. “I want small slices of sausage. Masakit kasi ang ngipin ni mommy,” napangiwi siya sa kasinungalingan niya. ‘Im sorry anak,’ piping aniya sa sarili.Samantala unang pumasok si Bella sa loob ng library. Sumunod si Travis, isinara niya ang pinto library.“What urgent, Bella? Early early in the morning, bakit kailangan mo pang pumunta dito sa bahay,” mahabang litanya ni Travis, naupo siya sa swivel chairs.Prenteng nakaupo si Bella nasa kabilang bahagi ng lamesa.“Hey, relax,” nakangisi turan ni Bella. “Masyadong takot ka naman
BELLA, saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Catherine. Bigla lang siya hinawakan ni Bella sa kamay at hinila palabas ng social hal. Pareho silang nasa fourth year college at graduating sa kursong Fashion and arts. “Basta sumunod ka na lang sa ‘kin,” sabi ni Bella na hawak pa rin nito ang isang kamay ni Catherine. “Saglit lang.” Huminto siya sa paghakbang ng kanyang mga paa. “Mamaya hanapin tayo,” may rehearsals kasi sila para sa nalalapit nilang graduations. “Saglit lang naman tayo, atsaka babalik din tayo agad,” ani Bella sabay hatak sa kamay ni Catherine. “Saan ba tayo pupunta?” pangungulit pa rin tanong ni Catherine. “Basta. May naghihintay na surprise sa ‘yo,” nakangiti sabi ni Bella. Kunwari sumimangot si Catherine. “Ayoko ng surprise,” aniya pero sumama na rin siya kay Bella. Ang hagdan ng alba hall paakyat ang binabaybay nila paakyat doon sa fourth floor nitong building. Nasa fourth floor na sila ay tumampad sa paningin ni Catherine ang mga petals ng red roses na ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments