Kung Pwede Lang

Kung Pwede Lang

last updateHuling Na-update : 2021-12-30
By:   chicaconsecreto  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
23 Mga Ratings. 23 Rebyu
72Mga Kabanata
17.2Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Trixie ay isang mapagmahal na ina sa kanyang anak na babae at ang tanging nais ay ang mabigyan ito ng magandang kinabukasan. Hindi niya inakalang makikilala niya si Derrick, ang anak ng may-ari ng kompanyang kalaban ng kanyang kinilalang pamilya simula pagkabata. May pag-asa ba para sa pagmamahalan ng dalawang taong naipit sa gitna ng magkalabang pamilya? Ipaglalaban ba nila ang pagmamahalan para sa isa't-isa? O kakalimutan na lamang ito para sa katahimikan ng mga buhay nila?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Prologue

Palitan ng putok ng baril. Pagsabog. Patayan. At pagdanak ng dugo. Hindi ko na alam kung magwawakas pa ba ang nangyayaring ito sa paligid naming dalawa ngunit pinagdarasal ko na sana ito na ang huling beses na masasaksihan 'to ng anak ko. Ayaw kong lumaki siya sa takot at pagtatago. Gusto kong magkaroon siya ng buhay na normal. "Trixie! Sumakay ka na, bilis!" sigaw ng taong mahal ko na ngayon ay nakasakay na sa isang speed boat kasama ang munting anghel ng buhay ko. Ngunit nanatili pa din akong nakatayo dito sa lupa at tinatanaw ang nasusunog naming tahanan. "Mommy!" Maging ang aking anak ay umiiyak na. Ngunit bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko? Akmang tatahakin ko na ang direksyon papunta sa kanila nang marinig ko ang isang boses ng lalaki mula sa aking likuran. "Trixie—" Nap...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

10
100%(23)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
23 Mga Ratings · 23 Rebyu
Leave your review on App
user avatar
zirenanana
Scenes are very intenseee! A must read novel talaga!
2022-03-29 12:11:06
1
user avatar
Rai
chapter 1 pa lang nakakapang-init na ng ulo. overall magaling yung writer madadala ka talaga sa kuwento!
2022-03-29 10:12:09
1
user avatar
Don Thyro Lamion
The title reminds me of EMMAN NIMEDEZ. I love the whole concept po. This so fascinating. Looking forward on how Trixie will manage the hurdles!
2022-03-29 06:23:30
1
user avatar
Docky
Highly recommended! I like Trixie's character! maganda ang flow ng story!
2022-03-28 22:29:21
1
user avatar
EliteBorn
Nice storyline po, a good novel para sa may mga anak na .........
2022-03-28 22:22:36
1
user avatar
Bebe
Kyut magbangayan nila Trixie at Derick! HAHAHAHAHA
2022-03-28 22:20:21
1
user avatar
Ms.aries@17
near to the ending n po ako nito. hehe. recomended po. 65 chaps na po ako....
2022-03-28 22:20:05
1
user avatar
k4lisej
super gaaling!! keep it up po. <3
2022-03-28 21:54:58
1
user avatar
Marieleímon
galing ng pagkakasulat! highly recommended!!!
2022-03-28 21:29:41
1
user avatar
nefarious_queen
ang ganda. ang linaw. this is highly recommended. keep it up author
2022-03-28 21:26:13
1
user avatar
Amaryllis
Maganda ang narration. Good story to read. keep writing miss author...
2022-03-28 21:21:18
1
user avatar
Serene Santelle
Ang galing ng narration and I can picture out scenes. Kudos, author.
2022-03-28 20:51:20
1
user avatar
Hestiadite
great story, author! galing talaga
2022-03-28 20:42:50
1
user avatar
Atticus
Wow! Nice story author. Interesting yung plot and malinis yung pagkakasulat. Kuddos!
2022-03-28 20:33:42
1
user avatar
Mary Anne
nice story
2022-01-13 15:43:13
1
  • 1
  • 2
72 Kabanata
Prologue
  Palitan ng putok ng baril. Pagsabog. Patayan. At pagdanak ng dugo.   Hindi ko na alam kung magwawakas pa ba ang nangyayaring ito sa paligid naming dalawa ngunit pinagdarasal ko na sana ito na ang huling beses na masasaksihan 'to ng anak ko. Ayaw kong lumaki siya sa takot at pagtatago. Gusto kong magkaroon siya ng buhay na normal.    "Trixie! Sumakay ka na, bilis!" sigaw ng taong mahal ko na ngayon ay nakasakay na sa isang speed boat kasama ang munting anghel ng buhay ko.   Ngunit nanatili pa din akong nakatayo dito sa lupa at tinatanaw ang nasusunog naming tahanan.    "Mommy!" Maging ang aking anak ay umiiyak na. Ngunit bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko?   Akmang tatahakin ko na ang direksyon papunta sa kanila nang marinig ko ang isang boses ng lalaki mula sa aking likuran.   "Trixie—"   Nap
last updateHuling Na-update : 2021-09-07
Magbasa pa
KPL 1.1
  Third Person's POV "Ahhhh!" sigaw ng isang babaeng nakaratay sa stretcher habang dinadala na patungo sa operating room ng ospital. Nakasunod naman sa kanya ang mga nurse at ang kanyang madrasta na abala sa pagtingin ng hitsura sa salamin.   Manganganak na ang babae! Mukhang hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman mula sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng lakas at nais nang bumagsak ng mga talukap ng kanyang mata ngunit pinipilit niyang manatiling gising para sa kanyang anak.   "Manahimik ka nga d'yan, Trixie! People are looking at us! Tingnan mo naman ang hitsura ko, talagang ginising mo pa 'ko para lang sa walang kwentang bata na 'yan! Puro kahihiyan na lang talaga ang binibigay mo sa pamilya ko!" sermon naman ng kanyang madrasta sa kanya.   Hindi na alintana ni Trixie ang masasakit na salitang narinig mula sa madrasta at ang tanging g
last updateHuling Na-update : 2021-09-07
Magbasa pa
KPL 1.2
  (Continuation of chapter 1) "Magandang gabi po, Mr. and Mrs. Sandoval. Maaari ko po ba kayong makausap?" wika ng doktor kaya naman tumayo agad si Fernando at lumapit sa doktor. Nakasunod naman sa kanyang likod ang asawa.   "Ano pong problema?" tanong ni Fernando.   "Wala naman pong problema. Maayos na ang kalagayan ng anak niyo at ang apo niyo naman po ay malusog. Dadalhin na lang po dito mamaya ang sanggol, nasaan po pala ang asawa ng pasyente?"    Nagtiim bagang si Fernando nang itanong ng doktor ang tungkol sa asawa ng anak.    "Iniwan na po siya ng asawa niya," sagot niya.    Nang mapansin ng doktor ang pagbabago sa ekspresyon ng ama ng pasyente ay pilit itong ngumiti at binuklat ang papeles na nasa clip board niya.   "Naiintindihan ko po. Anyway, gusto ko lang po kayong makausap about sa lumabas sa t
last updateHuling Na-update : 2021-09-07
Magbasa pa
KPL 2.1
  Third Person's POV "Puto! Puto kayo d'yan!"    Mataas na ang sikat ng araw ngunit heto siya at dala-dala ang malaking bilao na may lamang mga puto. Maya-maya lamang ay maglalabasan na ang mga estudyante ng pampublikong paaralan sa barangay nila kaya siguradong marami na namang bibili ng tinda niya.   "Ano ba 'yan? Ang init." Pinunasan ni Trixie ang mga pawis na tumutulo sa kanyang leeg at noo gamit ang maliit na tuwalyang nakasabit sa balikat niya.   Kung wala lamang siyang sapat na lakas ay baka na-dehydrate na siya dahil sa init ng panahon. May nakasalubong siyang mga batang pulubi na nagkakakalkal sa maduming basurahan. Kaagad silang nilapitan ng babae.    "Oh, mga bata. Ang dumi niyan, ah. Baka magkasakit kayo d'yan sa ginagawa niyo."   "Eh, Ate, wala naman po kaming pera pambili ng pagkain sa karenderya. Tinataboy nila kami n
last updateHuling Na-update : 2021-09-08
Magbasa pa
KPL 2.2
  (Continuation of chapter 2) Naghahanda na si Dara para sa pagpasok niya sa trabaho habang si Trixie naman ay naglalagay na ng bagong lutong puto sa kanyang bilao. Araw-araw ay maaga siyang gumigising para maghanda ng ititinda. Mabuti na lang at hapon pa ang klase ng kanyang anak dahil half day lang naman ito.   "Oh siya, mauna na 'ko, Trix. Pakisiguradong naka-lock ang bahay, ha. Babush." Bineso niya ang kaibigan bago na umalis ng apartment.   "Good morning, Mommy." Kakalabas lamang ni Marga mula sa kwarto at pumupungay pa ang mga mata.    "Good morning, anak. Mag-almusal ka na, tinatapos lang ni Mommy 'to, ha."   Matapos maghanda ng paninda ay hinahabilin lang muna niya ang anak sa kanilang kapitbahay dahil hindi naman niya ito maaaring isama sa pagtitinda. Pagkatapos ay uuwi siyang muli sa tanghali upang asikasuhin ang anak sa pagpasok sa eskwela at ihah
last updateHuling Na-update : 2021-09-08
Magbasa pa
KPL 3.1
Third Person's POVTulala at hindi pa din siya makapaniwala na natanggap siya nang walang kahirap-hirap sa trabaho na iyon. Hanggang sa makauwi siya ay para bang lumilipad ang utak niya.  "Mommy!"  Saka lamang nabalik ang kanyang ulirat nang marinig ang boses ng anak niya na nasa labas ng pinto habang kumakaway sa kanyang direksyon. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay. "Marga, anak!" Tumakbo siya palapit sa bata at binuhat ito habang mahigpit na nakayakap sa anak.  "Oh, Trixie nakauwi ka na pala. Kamusta naman?" tanong ni Dara na kakalabas lamang ng banyo at nakatapis ng tuwalya ang katawan at buhok.  Masayang lumapit sa kanya si Trixie habang karga-karga pa din si Marga.  "Dara! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, natanggap ako!" masaya niyang saad.  "Naks naman, hindi naman ako m
last updateHuling Na-update : 2021-11-20
Magbasa pa
KPL 3.2
(Continuation of chapter 3) "Really, huh? Sounds familiar."   "Bakit po?" naguguluhang tanong niya.   Pinakatitigan siya ng binata ngunit pagkuwan ay umuling na lang ito at saka may kinuha sa drawer ng kanyang lamesa.   "Nevermind, it's not important. Anyway, here's my daily schedule notebook. As my secretary, dapat alam mo lahat ng mga meetings at lahat ng gagawin o pupuntahan ko araw-araw. Ikaw ang naka-assign para magpaalala sa akin ng mga important events or work ko para hindi ko makalimutan."   Tinanggap niya ang notebook na inabot sa kanya ng lalaki. May nakaipit na ditong ballpen.    "Noted po, may mga rules po ba kayong dapat kong sundin?" inosenteng tanong niya.   "Rules? I don't like rules but if you really want some, fine I will give you." Tumayo si Derrick at nakatitig lamang sa kanya ang babae na naestatwa na sa kany
last updateHuling Na-update : 2021-11-20
Magbasa pa
KPL 4.1
  Third Person's POV "Oh, ayan i*****k mo sa baga mo!" Inilapag ni Trixie sa lamesa ang pagkaing binili niya kanina.   Naabutan pa niya ang boss na may kausap sa cellphone habang nakataas ang paa sa lamesa. Nang mapansin siya nito ay nagpaalam na siya sa kausap.   "Hmm… it looks delicious," wika ni Derrick at binuklat ang laman ng plastic. Natigilan siya nang mapansing hindi pa din umaalis si Trixie at nakatayo pa din sa harapan niya.   "Why? Do you want to join me?"    "'Yong bayad mo," tugon ng babae na hindi man lang sinagot ang tanong ni Derrick.   Ngumisi ang lalaki at saka dumukot ng wallet mula sa bulsa niya.    "Magkano ba? Hindi ba pwedeng libre na lang?" tanong niya habang nagbibilang ng pera.   "Anong libre? Wala ng libre ngayon, hoy!"   "Hinohoy mo na 'ko? B
last updateHuling Na-update : 2021-11-20
Magbasa pa
KPL 4.2
 (Continuation of chapter 4)Maagang pumasok ngayong araw si Trixie. Naglalakad siya pabalik sa kanyang lamesa. Kakagaling niya lang kasi sa printing room upang mag-print ng mga papeles na kailangan niyang papirmahan kay Derrick.  Nagtaka siya nang mapansing wala si Maggie sa pwesto nito. Ngunit naisip niyang baka inutusan ni Sir Lucas. Umupo na siya sa swivel chair. Kukuha na sana siya ng stapler mula sa drawer nang mapansin niya ang isang maliit na pink na kahon doon. "Ano 'to?" takhang tanong niya sa sarili at kinuha ang kahon. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit abala ang lahat sa ginagawa. Wala naman siyang inaasahang regalo sa kahit na kanino. Hindi din naman kasi niya kaarawan kaya gano'n na lang ang pagtataka niya.  "Kanino kaya 'to galing?"  Habang iniinspeksiyon ang kahon ay biglang tumunog ang telepono kaya agad n
last updateHuling Na-update : 2021-11-20
Magbasa pa
KPL 5.1
 Third Person's POV"Ano pong kailangan niyo, Sir?" sarkastikong tanong ni Trixie kay Derrick na abala sa pagpirma ng mga papeles sa lamesa. "May meeting ba 'ko around four to five PM?" tanong niya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa ginagawa. Napairap si Trixie at kaagad na tiningnan ang schedule mula sa notebook. Base doon ay may two hours meeting ito sa isang manager ng kumpanya na kung tawagin ay CarMona Company.  "May meeting ka sa CarMona. Two hours, gusto mo bang ipa-cancel?" Sinarado niya ang notebook at muling tiningnan si Derrick. "No, natanong ko lang. Please give this files to Maggie, Dad needs this files para sa mga new designs." Inabot sa kanya ni Derrick ang makapal na folder at kaagad naman niya itong tinanggap. Masyadong madaming ginagawa ang binata kaya naman wala na itong oras para bwisiting muli ang sekr
last updateHuling Na-update : 2021-11-22
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status