YAYA MOMMY (TAGALOG)

YAYA MOMMY (TAGALOG)

last updateLast Updated : 2023-01-16
By:  DBardz  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
36 ratings. 36 reviews
85Chapters
316.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

BLURB Si Jossa San Pedro ay masipag na dalagita na nagmula sa probinsiya. Nang mamatay ang mga magulang dahil sa isang trahedya na nangyari sa dagat ay napilitan siyang lumuwas ng manila para buhayin ang nag-iisa at nakababata niyang kapatid. Ngunit dahil sa hindi inaasahan na pangyayari, nakilala

View More

Latest chapter

Free Preview

SIMULA

SIMULA"Ano, Jo? Napag-isipan mo na ba ang alok ko?"Natahimik ako. Tahimik akong nakatanaw sa dagat at sa araw na halos lumubog na. May kadiliman na ang paligid at lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Nakaupo ako sa may tumbang puno na malapit lang sa bahay namin.Kanina pa ako rito nakaupo. Kanina pa ako hindi ujmiik. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na tumawag si Tyang Lorna. Kapatid siya ni Nanay at nakatira siya sa manila.Noong namatay sila Nanay at Tatay sa dagat ay sobrang nagluksa kami ng kapatid ko. Sila lang ang mayroon kami tapos kinuha pa. Hindi pa kami handa kaharapin ang mundo sa sarili namin mga paa. Ngunit wala kaming magagawa kundi magpatuloy.Wala akong natapos, aaminin ko 'yon kaya natatakot ako sa inaalok ni Tiya. Matagal na noong nakapunta ako ng manila, siguro ay walong taon gulang pa ako. Hindi ko maiwasan matakot. Natatakot ako na

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Jenefer Senarlo
Ang Ganda basahin,,nakakakilig Silang dalawa ni jossa at Ng kanyang amo na si cuenca
2024-08-27 14:28:45
0
user avatar
precious dark
Hindi nakakabored ,dahil Di masyadong mataas at Hindi kawawa ang bida unlike the other book I've read,like the wrong woman.
2024-07-19 13:02:39
1
user avatar
Reynalyn Postrado
ako ng sisimula plng kilig na ako lalo na kay sir
2024-07-10 19:47:27
0
user avatar
Mariekris Rojas
I like your book and I want to read more ...️
2024-06-13 18:13:13
0
user avatar
Hayecent E. Dabu
nkaka inlab kinikilig ako ang ganda
2024-01-13 19:40:17
1
user avatar
Gretchin Cardano
Ang Ganda Ng story Ano Kya gagawin ni Tyson, ipaglalaban nya Kya c Jossa?
2024-01-03 15:54:42
0
user avatar
Arthur Manzano
ang ganda ng kwento kahit nag uumpisa palang akong basahin
2023-12-11 00:27:33
4
user avatar
Tinderang Ina Sa Korea
i like the story,sad i can not unlike the other chapter.
2023-12-07 16:58:27
1
user avatar
Cecil Pascual
Ang ganda ng story next chapter plsss
2023-11-24 22:36:00
1
user avatar
Maricel Selosa
Ganda Ng story..more stories please
2023-09-26 13:49:25
1
user avatar
DBardz
Huwag niyo pong kalimutan na magkomento ng iyong nararamdaman habang binabasa ang kwento nila Jossa at Tyson...️
2023-09-17 16:47:20
4
user avatar
Liz Galenzoga
sino po may full story nito
2023-09-12 09:02:41
4
user avatar
Noricel Salvacion
Sobrang gabda ng story..
2023-01-14 04:15:49
4
user avatar
DBardz
read nyo na pk
2023-01-06 23:02:20
2
user avatar
DBardz
Abangan niyo po ang bago kong kwento na pinamagatang "OPERATION: Palambutin ang Matigas na Puso ni Boss Chivan Diaz"
2023-01-04 22:59:08
4
  • 1
  • 2
  • 3
85 Chapters

SIMULA

SIMULA "Ano, Jo? Napag-isipan mo na ba ang alok ko?" Natahimik ako. Tahimik akong nakatanaw sa dagat at sa araw na halos lumubog na. May kadiliman na ang paligid at lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Nakaupo ako sa may tumbang puno na malapit lang sa bahay namin.  Kanina pa ako rito nakaupo. Kanina pa ako hindi ujmiik. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na tumawag si Tyang Lorna. Kapatid siya ni Nanay at nakatira siya sa manila.  Noong namatay sila Nanay at Tatay sa dagat ay sobrang nagluksa kami ng kapatid ko. Sila lang ang mayroon kami tapos kinuha pa. Hindi pa kami handa kaharapin ang mundo sa sarili namin mga paa. Ngunit wala kaming magagawa kundi magpatuloy.  Wala akong natapos, aaminin ko 'yon kaya natatakot ako sa inaalok ni Tiya. Matagal na noong nakapunta ako ng manila, siguro ay walong taon gulang pa ako. Hindi ko maiwasan matakot. Natatakot ako na
Read more

UNA: PUTING VAN

UNA: PUTING VAN Madaling araw pa lang ay umalis na ako ng bahay. Nakasuot ako ng puting damit at itim na pants. Ayon lang kasi ang pang-alis na mayroon ako. Dahil inayos ko na ang gamit kagabi, wala na ako masyadong niligpit ngayon. Nang matapos ang mga dapat gawin at matignan ang mga dapat dalhin ay napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Anton.  Kumirot ang puso ko habang tinitignan ang maamo niyang mukha. Hindi ko na pigilan ang mga luha na umagos sa mga pisnge ko nang umupo ako sa tabi. Dahan-dahan na umupo ako sa gilid niya at dahan-dahan na niyakap siya. Umiiyak na niyakap ko siya na walang kamalay-malay.  "B-Babalikan kita. Magpakabait ka na muna rito kina Tiya..." bulong ko.  Nagising si Tiya bago pa ako makaalis. Nagkasalubong kami sa kusina. Bumaba ang tingin niya sa mga gamit na hawak ko bago ako tinignan.  Ngumiti siya sa akin at naglakad pa
Read more

DALAWA: KAKILALA

 DALAWA: KAKILALA Natapos ang seremonya at tuluyan nang ibinaba ang kabaong sa ilalim ng lupa. Lalong lumakas ang iyakan ng dalawang puslit na nasa bisig ng binata. Hindi ko man kita ang mga mukha nila ngunit alam kong puno iyon ng luha dahil sa pagluluksa. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay naluluha sa nakikita. Hindi ko sila kilala ngunit nararamdaman ko ang nararamdaman nila ngayon. Alam kong sobrang sakit nawalan ng mahal sa buhay. Sobra na para bang ikamamatay mo.  Ngunit hindi tayo aahon sa kalungkutan na iyon kung hindi na'tin hahayaan ang sarili na mag-move on. Kailangan na'tin tanggapin na wala na sila para makausad tayo. Kailangan na'tin iyon para makapagpatuloy sa buhay. Natigilan ako at nawala ang atensiyon sa mga nag-iiyakan na kumpol na mga tao nang maradaman ko at narinig kong tumunog ang telepono na nasa bulsa ng bag na dala ko. Mabilis ko itong kinuha at nakita na
Read more

TATLO: NATAPUNAN

 TATLO: NATAPUNAN Tanghali ako gumising kinabukasan. Namahay kasi ako kaya hindi agad ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang ulit akong sinuway ni Manang Loyda dahil ang likot ko raw katabi. Kaya kinabukasan, alas nuebe na ako nagising. Kung hindi pa nga pumasok si Manang sa loob ng kwarto para balikan ako ay hindi pa ako magigising. "Hay naku ka, Jossa! Pati ako ay hindi mo pinatulog nang maayos kagabi. Mabuti na lamang ay nagising pa rin ako nang maaga." Anito habang nakatayo sa labas ng pinto. "O, sya, maligo ka na muna. Nariyan sa kabinet na pangalawa ang naiwang maid's outfit no'ng umalis na kasambahay dito. Sana ay sumakto sa iyo. Pagtapos mo dumiretso ka na sa kusina. Okay?" Aalis na sana siya nang pigilan ko. "Uhm, Manang..." Muli niya akong hinarap. "Bakit?" "H-Hindi ko po alam kung nasaan ang kusina." Sabi ko. "Ay
Read more

APAT: Sir Cuenca

 APAT: Sir Cuenca "S... Sir?" Literal na napanganga ako sa ginawa kong katangahan. Nakita ko na napapikit pa ang taong sinabuyan ko ng tubig bago nagmulat at masamang tumingin sa akin. Nanlambot ang mga tuhod nang makita ang madidilim niyang mga mata. Pero kahit na gano'n siya tumingin sa akin, hindi nakaligtas sa akin ang itim sa ilalim ng mga mata niya. Agad kong binaba ang baso na hawak at natataranta na kumuha ako ng tissue na nasa tabi ng lagayan ng plato. Mabilis pa sa alas kwarto akong tumakbo roon at bumalik kay sa kaniya para punasan siya. "P-Pasensiya na po, sir... H-Hindi ko po sinasadya..." Mahinang bulong ko habang patuloy na pinunasan siya. Unang dumapo ang mga palad ko sa leeg niya. Kahit na may tissue ang palad ko at basa ang leeg niya ay dama ko sa mga palad ang init na nagmumula sa leeg niya.  Sunod kong pinunasan ang dibdi
Read more

LIMA: Naglalasing

LIMA: NAGLALASING"Hello, Anton, kumusta ka na?"Hapon nang araw na hinatid namin si Tina sa eskwela ay napagpasyahan kong tumawag kay Tiya Joan sa probinsiya. Kakatapos ko lamang magwalis sa labas ng bahay. Nakaupo ako rito sa garden habang kausap sa kabilang linya si Anton at si Tiya."Ate, kailan ka po babalik?"Natawa ako.Nakaramdam din ako nang kaunting kalungkutan nang marinig ang boses niya. Na-mi-miss ko na siya. Dalawang araw na rin matapos kong makarating dito sa manila. Sapat na mga araw iyon para mangulila ako sa kaniya. Malalim na bumuntong hininga ako. Kauntin tiis nalang, Jossa, makakasama mo rin si Anton. Mag hintay ka lamang. "Hindi na ako uuwi riyan, Anto—"Agad siyang nagreak bago ko pa matapos ang sasabihin."Ano, Ate?!" Gulat na aniya. "P-Paano ako, Ate, kung hindi ka na babalik? I-Iiwan mo na rin ba ako, Ate, katulad nang pag-iwan sa atin nila N-Nanay at Tatay...? Ate, sabi
Read more

ANIM: Mga Bisita

  ANIM: MGA BISITA "Jossa."  Dahan-dahan akong humarap sa kaniya nang muli niya akong tawagin. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang makita na nasa pinto na siya at malaki na ang bukas ng pinto. Paanong naroon na agad siya? Ni hindi ko narinig ang mga yabag niya?  "S-Sir..." Mahina na sabi ko. "M-May kailangan po kayo?" Pinagsaklob ko ang mga palad sa likuran. Naramdaman ko ang pagnginig ng mga tuhod dahil sa titig niya. Mas nakakatakot ang hitsura niya ngayon.  Tanaw ko ang mamasa-masa niyang mga mata at namumulang ilong. Mas lalo akong nanghina nang makita ang lungkot sa itim niyang mga mata. Bukod ro'n, hindi rin maayos ang buhok niya: magulo ang mga ito. Hindi rin nakaayos ang polo na suot niya: ang tatlong butones ay nakabukas at magusot.  "Kanina ka pa rito?" malamig na tanong niya.  
Read more

PITO: Yakap

PITO: YAKAP"Wala pa rin ang mga alaga ko?"Nagtipon-tipon kami rito sa mahabang mesa. Nagluto kasi si Manang Loyda ng adobong pusit.Ala siete na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi sila Tina at Tj. Ang sabi ni Ma'am Ana ay bago magdilim uuwi na sila pero bakit wala pa rin sila?"Ang sabi ni Madam, baka roon na raw niya sa bahay nila patulugin ang dalawa." Sagot ni Cecille sa tanong ni Manang.Napatingin ako sa kaniya. Busy na naman siya sa cellphone nito.Nasa kaliwang bahagi ako at si Mel. Nasa kanan na bahagi si Cecille katabi niya si Mang Kanor, Mang Kaloy at Joshua. Matutulog sa bahay nila? Saan ba ang bahay nila? Alam na kaya ni Sir Cuenca ito?"Kailan sinabi?" Tanong ni Manang Loyda. Nilagay niya sa gitnang mesa ang niluto."Mukhang masarap 'yan, ah!" Komento ni Mang Kanor."Ako nagluto, siyempre masarap talaga!" Nagmamalaki na sabi ni Manang. "Kailan sinabi, Cecille?""Ka-text
Read more

WALO: PINAPANOOD

WALO: PINAPANOODNagising ako nang maramdaman na may mabigat na bagay na dumadaan sa bandang tiyan ko. No'ng una ay binalewala ko lamang iyon dahil akala ko si Manang Loyda lamang ang nakadaan sa akin. Ngunit hindi kalauna'y sumagi sa aking isipan ang nangyari kagabi. Napabalikwas ako nang tayo nang maalala ang nangyari kagabi. "Hmm..." ungol ng katabi ko nang biglang tumilapon ang kamay niya pabalik sa kaniya. Nanigas ako sa kinauupuan nang marinig na hindi iyon boses ni Manang Loyda. Dahan-dahan kong binalingan ang katabi at nanlaki ang mga mata ko sa nakita! 'S-Sir!' Sigaw ko sa isipan. Nakapikit pa ang mga mata nito. Gano'n pa rin ang suot niya ngunit mas nawindang ako dahil ngayon ay lahat ng butones niya ay nakabukas na. Malaya kong nakikita ang magandang niyang katawan. 'Tila ba sadyang nakahain ito sa akin. Halos maglaway ako sa ganda ng katawan niya. Ukit na ukit ang anim niyang mga pandesal
Read more

SIYAM: KAIN SA LABAS

SIYAM: KAIN SA LABASIlang linggo na ang nakalilipas nang manatili at nagsimula akong magtrabaho rito sa manila, sa mansion ni Sir Cuenca, bilang isang katulong. Hindi ko inakala na gano'n ako kabilis makakahanap ng trabaho na hindi katulad ng mga naririnig ko noon sa probinsiya namin. Madalas ko kasing marinig na mahirap daw ang buhay dito sa manila. Mahirap daw makahanap ng trabaho at amo na mabait lalo pa kung mahina ang kukote mo na katulad ko. Sa kabutihang palad, pinalad ako na mabubuti ang mga tao na naging kasama ko sa pagtatrabaho. Mabilis na napalagay ang loob ko sa kanila pati sa mga anak ng amo ko. Laking pasasalamat ko kay Manang Loyda dahil nakilala niya ako no'ng araw na 'yon. At kay Sir Cuenca dahil tinanggap niya ako na maging katulong dito sa bahay nila."Aba'y kailan mo ba balak bumisita rito, Jossa?" tanong ni Tiya Lorna sa kabilang linya.Alas dies na ng gabi nang tumawag siya. Mabuti na lamang ay napatulog ko na si Tin
Read more
DMCA.com Protection Status