LIMA: NAGLALASING"Hello, Anton, kumusta ka na?"Hapon nang araw na hinatid namin si Tina sa eskwela ay napagpasyahan kong tumawag kay Tiya Joan sa probinsiya. Kakatapos ko lamang magwalis sa labas ng bahay. Nakaupo ako rito sa garden habang kausap sa kabilang linya si Anton at si Tiya."Ate, kailan ka po babalik?"Natawa ako.Nakaramdam din ako nang kaunting kalungkutan nang marinig ang boses niya. Na-mi-miss ko na siya. Dalawang araw na rin matapos kong makarating dito sa manila. Sapat na mga araw iyon para mangulila ako sa kaniya. Malalim na bumuntong hininga ako. Kauntin tiis nalang, Jossa, makakasama mo rin si Anton. Mag hintay ka lamang. "Hindi na ako uuwi riyan, Anto—"Agad siyang nagreak bago ko pa matapos ang sasabihin."Ano, Ate?!" Gulat na aniya. "P-Paano ako, Ate, kung hindi ka na babalik? I-Iiwan mo na rin ba ako, Ate, katulad nang pag-iwan sa atin nila N-Nanay at Tatay...? Ate, sabi
Read more