50"E, tiyang, mabait naman po 'yan si sir," sabi ko. "Hindi naman po niya siguro ako sasaktan."Huminto siya sa paghalo at tinignan ako. "Paano ka nakasisiguro? Kilalang-kilala mo na ba 'yan? Saka hindi ba't parang ang bilis naman ata niyong mahulog sa isa't isa."Natahimik ako at pinakinggan siya. Napasimangot ako habang tinitignan siya."May asawa kamo?" tanong niya.Tumango ako. "Patay na po.""O, e, hindi ba't parang ang bilis naman yata niyang makalimot?" Nagtatakang sabi niya."Pero, tiyang, sigurado naman po ako na mahal ko siya," ani ko. "Atsaka wala naman po iyon sa tagal ng pagsasama, hindi ba?""Oo nga," tango-tangong sabi niya. "Mahal mo? Mahal ka bang tunay?"Natahimik na naman.Huminag siya ng malalim at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisnge ko. "Huwag mong masamain ang mga sinasabi ko, Jossa, ha? Gusto ko lang ay mapabuti ka. O, sige, kung ngayon ay ayos kayo, okay lang. Magpakasaya kayo. Nandito lang ako at susuportahan kita kung anoman iyan.""Salamat, tiyang."
Read more