47"Ang taray, ah? Parang kahapon lang kinukwento mo palang sa akin na kayo na ni sir tapos ngayon naman pupunta tayo sa probinsiya mo? Ang bilis ng mga pangyayari ha? Hindi ko kinakaya." Natatawang saad ni Mel. "Mahal na mahal ka ni sir, ano? Kahit saan, e, sasama sa iyo. Yiee, kilig yarn." Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa panunukso niya. Umiling ako saka siya tinignan. "Nagpaalam kasi ako na pupuntahan ko ang kapatid ko sa probinsiya dahil kaarawan niya noong nakaraan. Nagtatampo na sa akin ang nakababatang kapatid ko na iyon, e. Tapos bigla nalang gustong sumama ni sir. Nagpumilit kaya hindi na ako makahindi." "Sus! Hindi mo lang matanggihan kamo. Pag-ibig nga naman." Iling na saad niya. "May kapatid ka pala? Bakit hindi ko alam? Lalaki o babae? Ilan taon na?" Tumango ako. "Lalaki, si Anton. Birthday niya no'ng nakaraan tapos nung tumawag ako, e, mukhang nagtatampo dahil nga ilang buwan na rin kaming hindi nagsasama. Nangako kasi ako na babalikan ko siya at dadalhin dit
Magbasa pa