38"Ate, kailan ka po ba babalik dito? Misa na miss na talaga kita."Malungkot na ngumiti ako.Nakakalungkot tignan ang hitsura niyang malungkot. Maski ako ay miss na miss na rin siya. Sobra-sobra. Kung pwede ko nga lang sunduin siya roon at dalhin dito ngunit hindi pa pwede."Huwag kang mag-alala, sabi ko naman sa iyo dadalhin kita rito sa maynila kapag nakaipon na ako, hindi ba? Para magkasama na ulit tayo."Tumango siya at ngumiti ngunit may lungkot pa rin sa kaniyang mga mata. Panigurado'y sawa na siya a ganiyang dahilan ko."Opo, ate." Sagot niya. "Kumusta ka na po diyan? Hindi ka naman po ba nahihirapan diyan? Hindi ka po sinasaktan? Masaya ka po ba diyan?"Nakangiting tumango ako. Nakagagaan sa loob ang mga tanong niya. Hindi man kami magkasama sa ngayon ngunit parang kasama ko na rin siya dahil sa mga ganiyan klase niyang tanong. Tila tunog matanda siya keysa sa akin."Ayos naman ako rito, Anton," saad ko. "Maganda ang trato ng mga tao rito sa akin. Ikaw? Kumusta ka riyan? Kum
Terakhir Diperbarui : 2022-10-08 Baca selengkapnya