33"Saan tayo pupunta, sir?"Suot ko ang kulay pink na dress na pinahiram sa akin ni Mel. Nagmamaneho si sir dahil may pupuntahan daw kami pero hindi niya naman sinabi kung saan. May meeting ba siya na kailangan ako? E, wala naman akong alam sa mga gano'n.Nilingon ko siya nang hindi siya sumagot ngunit diretso lamang ang tingin niya sa daan. Pansin kong kanina pa masama ang timpla ng mukha niya. Kanina pa gumagalaw ang panga niya at salubong ang mga kilay na parang inis sa kung ano."Sir?" tawag ko sa kaniya.Saktong huminto ang sasakyan namin nang lingunin niya ako. Napaatras pa ako dahil sa sama ng tingi niya. Anong ginawa ko? May ginawa ba ko? Bakit parang galit siya sa akin?"Just..." Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa daan. "Just somewhere."Tinikom ko ang bibi at pinigilan ang sarili na magtanong ulit. Mukha kasing sasabog na siya sa galit, e. Ano bang nangyayari sa kaniya? Wala kaming imik nang paandarin niya ulit ang sasakyan. Tahimik lang akong nakamasid sa kan
34"Mukhang mas naging maganda ang mga ngiti mo nitong mga nagdaang araw, ah? Wala ka bang chika diyan?"Isang linggo na rin ang lumipas nang umuwi kami ni sir. Hindi pa rin limot ng isipan ko ang mga kaganapan sa tatlong araw naming nalayo sa mansion. Totoong sobrang bilis ng mga pangyayari. Ngunit ang damdamin ko kay sir ay lalo lamang lumalim dahil sa tatlong araw namin doon. Balik na kami sa dati ni sir ngunit may nagbago rin sa kung paano niya ako pakitunguhan. Palagi niya akong tinatawag kapag uwi niya galing trabaho at kapag wala naman siyang pasok ay lagi dapat niya akong kasama. Nakakatuwa ngunit nakakahiya rin. Dahil hindi lang naman ako ang nakakapansin non'n. Maski itong si Mel na mukhang kukulitin na naman ako."Sinasabi mo riyan?" Naghuhugas kami ng pinggan. Gabi na at kami ang nagpresinta na maghugas. Pinunasan ko ang hawak na baso at binalingan siya. "Antok lang 'yan, Mel. Ako na rito matulog ka na roon.""Sus! Ayan na naman siya sa tanggi." Pang-aasar niya. Mahina pa
35"Are you avoiding me, Jossa?"Tatlong araw na ang dumaan matapos no'ng kausapin ako ni Ma'am Ana. Hindi pa rin nawala sa akin ang galit niyang mga mata at mukha. Tunay na nakakatakot siya kapag galit ang hitsura.Tatlong araw na rin nang simulan kong iwasan si sir. Ayoko man ngunit kailangan. Hindi ko man alam ang babala sa akin ni Ma'am Ana ngunit alam ko sa huli ako rin ang mahihirapan kapag sinuway ko ang sinabi niya. Mabuti na ang ganito. Ayoko rin naman na mag-away silang mag-ina nang dahil lang sa akin.Yumuko ako at iniwasan ang mga titig ni sir. Bakas sa tono niya ang pagtataka at pagkalito. Alam ko kung anong rason no'n. Inayos ko ang pagkakahawak sa basket na may laman na damit na labahan nina Tina at Tj. Nandito kami nakatayo sa tapat ng kwarto ni Tj. Paglabas ko kasi ay siya ang bumungad sa akin. "Sir, ibababa ko po muna itong mga labahan ng mga bata para maisabay na ni Manang sa paglalaba." Hindi ko pa rin siya tinignan sa mukha. "Baba na po ako."Humakbang ako ng is
36WARNING: READ AT YOUR OWN RISK! SPG! THIRD PERSON POINT OF VIEW:"Sir, tulog lang, ah?"Tinawanan lamang ni Tyson ang sinabi ni Jossa. Bakas kasi sa pananalita nito ang kaba. Halata rin sa mukha ng babae ang kaba. Sinilip muna nilang dalawa si Tina bago pumasok ng kwarto ni Tyson. Hindi man gustuhin ni Jossa na kabahan ngunit kinakabahan talaga siya. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil muli silang magtatabi ni Tyson sa iisang kama.Pagpasok palang sa kwarto ng amo ay dama ni Jossa ang kabog ng dibdib niya. Umupo si Jossa sa dulo ng kama ni Tyson. Si Tyson naman ay naglakad patungo sa kabinet para kumuha ng susuotin. Tinitigan ni Jossa ang naka-side view na amo. "I'll take shower first." Sabi ni Tyson habang kumukuha ng susuotin ng boxer. "You can lay down first, saglit lang naman ako maliligo. Or..." Lumingon siya kay Jossa suot ang nakalolokong ngisi. "Or wait for me then we'll sleep together." Mas lumawak ang ngisi niya. "Just sleep."Mas kumabog ang tibok ng puso ni Joss
37"How's your sleep, Jossa?" Hindi ko ang isasagot sa simpleng ranong na iyan ni sir. Hindi ko alam kung inaasar ba talaga ako ni sir o ano. Nang nagising ako kanina ay wala na siya sa tabi ko. Hindi agad ako tumayo dahil naalala ko kung ano ang nangyari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwalan na tinulugan niya ako matapos gawin ang bagay na iyon sa akin! Ngayon naman na narito kami sa hapag. Kumakan siya habang sinusubuan ko si Tina ng agahan ay paulit-ulit ang tanong niya sa akin kung kumusta raw ang tulog ko.Hindinko siya sinagot kahit ilang beses niya na akong tinanong. Ni tignan siya ay hindi ko rin ginawa. Inis ako sa kaniya! Inis ako sa ginawa niya kagabi! Talagang tinulugan niya ako, e! Bahala siya riyan! Patuloy lang ako sa pag-aasikaso kay Tina. "Here, Tina, oh." Sinubuan ko ulit si Tina. Sinadya kong bahagyang itagilid ang katawan para hindi ko makita si sir. Naiinis talaga ako sa kaniya! "Here pa." Sinubuan ko ulit si Tina. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko, J
38"Ate, kailan ka po ba babalik dito? Misa na miss na talaga kita."Malungkot na ngumiti ako.Nakakalungkot tignan ang hitsura niyang malungkot. Maski ako ay miss na miss na rin siya. Sobra-sobra. Kung pwede ko nga lang sunduin siya roon at dalhin dito ngunit hindi pa pwede."Huwag kang mag-alala, sabi ko naman sa iyo dadalhin kita rito sa maynila kapag nakaipon na ako, hindi ba? Para magkasama na ulit tayo."Tumango siya at ngumiti ngunit may lungkot pa rin sa kaniyang mga mata. Panigurado'y sawa na siya a ganiyang dahilan ko."Opo, ate." Sagot niya. "Kumusta ka na po diyan? Hindi ka naman po ba nahihirapan diyan? Hindi ka po sinasaktan? Masaya ka po ba diyan?"Nakangiting tumango ako. Nakagagaan sa loob ang mga tanong niya. Hindi man kami magkasama sa ngayon ngunit parang kasama ko na rin siya dahil sa mga ganiyan klase niyang tanong. Tila tunog matanda siya keysa sa akin."Ayos naman ako rito, Anton," saad ko. "Maganda ang trato ng mga tao rito sa akin. Ikaw? Kumusta ka riyan? Kum
39BUONG MAGDAMAG ako hindi pinatulog ng isip. Hindi ako gano'n nakatulog kakaisip sa huling sinabi ni sir. Tinitigan ko lamang siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko habang ako'y nilalamon ng mga tanong sa isipan.Akala niya ako si Ma'am Claire? Dahil ba lasing siya kaya niya iyon nasabi? Baka nga sa kalasingan kaya niya iyon nasabi. Kasi nitong mga nagdaang araw ay hindi ko narinig na lumabas sa bibig niya ang pangalan ni Ma'am Claire. Noong umuwi kami ay hindi ko na narinig na binanggit niya ang pangalan ni Ma'am Claire. Pero kagabi sinabi niya.Bakit kaya?"Ayos ka lang ba?" Anang boses ni Manang.Natigilan ako sa pagliligpit ng pingkainin nang marinig ang boses ni Manang. Sumulpot siya sa tabi ko at kinuha ang mga pinagpatong-patong kong mga plato."Parang puyat na puyat ka, ah?" Aniya. "Hindi ka na naman ba pinatulog ng maayos ni Tina?" Naku, ang batang talagang iyon."Umiling ako at dinampot ang mga baso. Hinarap ko siya. "May tanong ako, Manang."Tinignan niya ako. "Bakit?
40WARNING: READ AT YOUR OWN RISK! SPG!THIRD PERSON POINT OF VIEW:NASA KALAGITNAAN sa pagtulog si Jossa nang naalimpungatan siya dahil may kung anong kumakagat sa tenga. Hindi siya nagmulat mga mata at hindi iyon pinansin sa pag-aakalang ang batang si Tina lamang iyon at kinukulit siya. Akala ni Jossa ay tumigil na ito sa pagkagat sa tenga niya ngunit maya-maya lang ay may kumagat na naman."Tina, matulog pa tayo." Mahinang saad niya.Napatawa si Tyson sa reaksiyon niya. Hindi siya naglikha ng ingay upang hindi magising ang babae. Kinagat niya muli ang tenga nito at saka bumulong."I'm not Tina." Bulong niya.Mabilis na nagmulat si Jossa ng mga mata nang marinig iyon. At doon bumungad sa kaniya ang amo na suot pa ang office attire nito na bahagyang nakayukod sa kaniya. Ngumiti ito."Sorry, sinadya kong gisingin ka talaga." Nakangiting saad ni Tyson. "Are you tired already? You can go back and sleep again. Sorry if I disturb your sleep."Umiling si Jossa at saka nagtanggal ng muta sa
SPECIAL CHAPTER #3 PART TWO TYSON’S POINT OF VIEW: “FVCK!” Binato ko ang cellphone sa pader nitong opisina ko. Malakas na tumunog iyon bago bumagsak sa sahig. Malamang nasira sa sobrang lakas nang pagkakabato ko. I don’t fvcking care! Anong silbi ng cellphone kung ni isang greetings from the people I treasure the most ay wala akong natanggap! “D*MN THIS!” I looked at the wall clock and saw it’s almost 12 midnight. But I received nothing! It’s eleven fvcking fifty-eight! Two minutes before my birthday but no one message to greet me?! The fvck?!“D*MN!” malakas kong sinuntok ang table sa harap ko. Sinadya kong hindi agad umuwi para hintayin ang mga bati nila sa akin. Kahit kaninang umaga pag-alis ko ng bahay, ni hindi nila ako sinabihan o binati. Wala. Maaga kong pinauwi ang mga employees ko ngayon to celebrate my birthday but I think walang selebrasyon na magaganap. I waited and stayed here for so damn many hours to received nothing! Inis na tumayo ako at dinampot ang gamit.
SPECIAL CHAPTER #3 PART ONE"Jossa."Hindi ko alam ngunit hindi pa rin ako mapalagay at hindi pa rin ako komportable sa tuwing nakikita ko si Ma'am Ana, ang ina ni Tyson.Pilit kong inayos ang pagkakaupo at tinignan siya. Kita kong nakatingin siya sa akin gamit ang masayang mukha. Simula noong kinasal kami ni Tyson ay wala na siyanh ibang naging tutol pa kundi ay tanggapin kami.Masaya ako sa wakas na tinanggap niya na ako para sa anak niya. Ngunit hindi ko talaga maalis sa aking sarili at isipan na sa tuwing nakikita siya ay naalala ko ang gabing dinukot niya ang kapatid ko at pinapili niya ako."M-Ma'am..." tawag ko sa kaniya."Hindi ba't sabi ko ay mama na rin ang itawag mo sa akin," nakangiting saad niya. Naalala ko noong pagkatapos ng kasal namin ay nagkausap na kami tungkol doon. Hinayaan niya na akong tawagin siyang mama. "You look... uncomfortable. Am I making you uncomfortable?"Dahan-dahan akong tumango."S-Sorry po... ma..." mahinang sabi ko. "H-hindi ko lang po talaga maa
SPECIAL CHAPTER #2"Ang taray mo na talaga, Jo. Hindi na ikaw ang Jo na kilala namin."Natawa ako sa sinabi ni Tisoy. Napatakip pa siya sa bibig habang nanlalaking mga matang pinagmamasdan ako."Mala-prinsesa ang datingan, 'di ba?" Dagdag ni Klay. "Hindi na'tin ma-reach ang kaniyang life."Napailing na ako sa mga reaction nila. Nandito kami ngayon sa isa sa kainin dito sa hotel. May ginagawa rin kasi si Tyson na kailangan ipasa ngayong araw kaya nagpaalam ako na makikipagkita sa dalawang ito. Mabuti nalang at pinayagan sila nila ma'am na magpahinga ng isang oras para makausap ako."Pasensiya na pala kayo't hindi ko kayo naimbintahan sa kasal," paghihingi ko ng tawad. "Sobra-sobra na kasi ang pumunta.""Wala na magtatampo na kami niyan." Sabi ni Tisoy.Nakatanggap siya ng hampas kay Klay."Ano ka ba, ayos lang," ani Klay. "Naintindihan naman namin at least umabot sa amin ang food niyo."Nandoon kasi sila Tiya Joan kaya pinadalhan ko nalang sila ng pagkain dahil nga hindi rin sila nakab
SPECIAL CHAPTER #1READ AT YOUR OWN RISK! "This is our time, darling."Hindi ko pa nagagawang sumagot ay bigla niya nalang akong siniil ng halik. Dama ko ang pangigigil sa bawat hagod ng labi niya sa mga labi ko. Alam kong kanina niya pa gusto gawin ito. Alam kong kanina pa siya nagtitiis. Kaya naman, sino ako para pigilan pa siya ngayon?Nandito kami sa resort na pinagtatrabahuhan ko sa probinsiya. Sinalubing nga kami ng mga katrabaho ko at ng mga dati kong amo kanina sa bungad nitong hotel bago kami pumunta rito sa kwarto. Iba sa pakiramdam ang makita ang mga nakangiti nilang mukha kanina. Tuwang-tuwa sila habang pinapanood kami. Lalong-lalo na nag dalawa kong kaibigan na si Tisoy at Klay. Hindi ko pa sila nakakausap pero kakausapin ko sila bago kami umuwi ng maynila.Tatlong araw lang kami rito dahil kailangan na talagang bumalik ni Tyson sa trabaho. Ang dami niya na kasing tambak na gawain.Napasandal ako sa pader nang lumalim ang halik niya. Dama ko ang pagpasok ng dila niya sa
FINALE"Congratulations to Mr. and Mrs. Cuenca!"Naramdaman ko ang pagpulot ng kamay ni Tyson sa bewang ko at marahan na nilapit sa kaniya. Inangat ko ang tingin sa kaniya at malawak na ngumiti. Asawa ko na nga talaga siya. Sa wakas...Ngumiti rin siya at saka ako hinalikan sa gilid ng ulo. "I'm so happy, Mrs. Cuenca," bulong niya. "Finally, you're mine."Napahawak ako sa dibdib niya atsaka sinandal ang ulo sa kaniya. "Sobrang saya ko rin, darling... I love you.""I love you, too."Dahan-dahan na lumapit ang mukha niya sa akin at bumaba sa mga labi ko. Napapikit ako at naramdaman ang paggalaw ng labi niya. Dama ko ang pangigigil sa labi niya at ang paghigpit ng hawak niya sa beywang ko. Napahawak nalang ako sa kaniya nang mawalan ng lakas dahil sa halik niya. "Mamaya na 'yan, sir! Kumain muna tayo bago 'yan!" dinig kong sigaw ni Manang.Nagtawanan ang lahat ng tao rito sa simbahan sa sinabi niya.Nagdilat ako ng mga mata at nakita ang ngiti sa mga labi niya. "Well, I can wait for t
79"Let's talk."Ilang beses niya akong sinubukan kausapin sa dalawang araw na nagdaan. Puro iwas at tago ang ginawa ko. Nagtataka na nga ang mga katrabaho ko sa ginawa ko pero wala akong pake. Basta mataguan ko siya at hindi kami magkita. "Just give me a minute to talk to you." Hindi ko siya pinansin at mabilis na tinalikuran. Kanina niya pa ako sinusubukan na kausapin pero pinapabayaan ko lang siya. Ngayong araw ay ilang beses niya na naman akong kinulit. Hindi ba siya napapagod? Sabing ayoko nga, e. Ano bang gusto nitong pag-usapan? Matapos niya akong sabihin ng mga gano'ng bagay ay lalapit siya bigla? Bakit? Para saan? At bakit niya ako gusto makausap? Hindi naman siguro dahil kay Teinia, 'di ba?"Hey!" Naramdaman kong sumunod siya sa akin. "I said, let's talk." "Busy ako, sir." Sabi ko habang mabilis na humahakbang palayo sa kaniya. "Sa iba nalang po kayo magtanong.""Give me five minutes, hey." Hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kaniya. "Just five minutes."Hindi ko
78THIRD PERSON POINT OF VIEWTumakbo palapit si Teinia kay Jossa. Yumakap siya sa ina at doon nawala ang pokus ni Jossa kay Tyson. Umupo siya at hinawakan ang mukha ng anak."O-Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. "Sorry kung napabayaan kita. Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang?"Ngumiti naman si Teinia atsaka tumango. "Opo, ma! Okay lang po ako. Tinulungan po ako ni kuya, e!" Tinuro niya si Tyson na ngayon ay nakatulala pa rin habang nakatingin sa dalawa. "Mabait po siya, 'no, ma?"Napatitig ulit si Jossa kay Tyson. Nakita niya kung paano tumitig ito sa kanila. Naalala na naman niya ang huling pag-uusap nila. Sinubukan niyang kausapin ito ngunit sadyang ayaw ni Tyson. Pero ngayon na nandito siya ay 'tila nawala lahat ng nais niyang sabihin. Lalo pa't nandito rin si Teinia."Ma?""H-Ha?" Napatingin siya kay Teinia. "A-Ah, oo... ang bait niya nga. Nagpasalamat ka na ba? Magpasalamat ka."Humarap si Teinia at ngumiti kay Tyson. "Kuya, salamat po ulit." Yumuko pa siya. "Nandito n
77THIRD'S POINT OF VIEW:"Happy fiesta, mga ka-barangay!"Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay maingay na ang bayan nila Jossa. Bawat tao mapasa-loob man ng bahay, labas, kalsada at mga bubong ay iisa ang isinisigaw. Lahat ay may magagandang ngiti sa kanilang mga labi na siyang nagpapakita kung gaano sila kasaya. Lahat ay tuwang-tuwa habang binabati ang isa't isa ng happy fiesta.Sa bahay ng tiyahin ni Jossa ay gano'n din. Masaya silang nagbatian at nagyakapan. "Hali na't maghain na tayo." Nakangiting sabi ni Joan, ang tiyahin ni Jossa. "Pagsaluhan na na'tin ang hinanda ko habang mainit pa."Silang pamilya lang ang naroon. Bukod sa may handa rin ang mga kapitbahay nila kaya hindi nila inimbita, malalayo rin ang iba nilang kamag-anak katulad nalang ni Lorna na nasa maynila pa nakatira.Umupo sila at pinagsaluhan ang pagkain sa hapag. Masaya at tuwang-tuwa ang mga bata habang sila ay nagkukuwento habang nagsasalo-salo.Ito ang masaya sa tuwing sasapit ang piyesta. Halos lahat a
76Magulo ang isip ko. Hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko pag-alis ni Tyson. Akala niya ba'y nagsisinungaling ako? Anong sinasabi niyang kamukha ko ang darling niya? E, ako naman talaga 'to?Saka...Ano raw?Patay na ako? Patay na ako sabi ng mama niya? Paanong patay na ako, e, ito nga ako?"A-At... naniwala siya ro'n?" mahinang bulong ko sa sarili. "K-kasinungalingan... hindi ko akalain na magagawa ni Ma'am Ana ang lahat nang ito... napakagaling niya...""Sino?"Napitlag ako at agad na humarap sa likuran. Nakita ko si Tisoy na nakatingin sa akin."I-Ikaw pala...""Sinong kausap mo?" takang tanong niya. "May kinakausap ka bang hindi ko nakikita, Jo? Hoy! Iba na 'yan, ah?"Hindi ako nakasagot."Biro lang," tumawa siya at bahagya pa akong hinampas sa braso. "Ayos ka lang ba? Nakatulala ka rito at may kung ano-anong sinasabi. Okay ka lang?"Mahinang tumango ako."Sigurado ka?" Nag-aalala ang tono niya. "Alam mo, hindi man tayo gano'n kalapit sa isa't isa, pwede mo parin sabihin