24"Ate, miss na miss na po kita. Uwi ka na po, ah?"Gumuhit sa akin ang lungkot nang marinig ang pagmamakaawa sa boses ni Anton. Nandito ako kina Tiya Lorna. Kanina pa ako rito, sabado naman kaya walang pasok ang mga bata at nagpalaam din ako na buong ako rito ngayon kina Tiya."Miss na rin kita," sambit ko. "Hindi pa pwede, Anton, e. Alam mo naman iyon, hindi ba?""H-hindi mo na ba ko mahal, ate? Bakit... Bakit natitiis mo kong m-malayo sa iyo?"Kusang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko man siya nakikita ngunit alam umiiyak siya ngayon na katulad ko. Kung alam niya lang kung gaano ko na kagusto umuwi para makasama siya. Ngunit para sa kaniya rin ito. Para sa kinabukasan niya."Anton—""Hindi mo na ko m-mahal, ate...?" hikbing tanong niya. "T-totoo ba iyong sabi ni tiyo? Na iiwanan mo na rin ako katulad... katulad nina Inay at Itay, ate? Hindi naman, hindi ba, a-ate? M-mali si tiyo, 'di ba?"Napatakip ako ng bibig para hindi niya marinig ang hikbi ko. Nakara
Last Updated : 2022-09-25 Read more