UNA: PUTING VAN
Madaling araw pa lang ay umalis na ako ng bahay. Nakasuot ako ng puting damit at itim na pants. Ayon lang kasi ang pang-alis na mayroon ako. Dahil inayos ko na ang gamit kagabi, wala na ako masyadong niligpit ngayon. Nang matapos ang mga dapat gawin at matignan ang mga dapat dalhin ay napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Anton.
Kumirot ang puso ko habang tinitignan ang maamo niyang mukha. Hindi ko na pigilan ang mga luha na umagos sa mga pisnge ko nang umupo ako sa tabi. Dahan-dahan na umupo ako sa gilid niya at dahan-dahan na niyakap siya. Umiiyak na niyakap ko siya na walang kamalay-malay.
"B-Babalikan kita. Magpakabait ka na muna rito kina Tiya..." bulong ko.
Nagising si Tiya bago pa ako makaalis. Nagkasalubong kami sa kusina. Bumaba ang tingin niya sa mga gamit na hawak ko bago ako tinignan.
Ngumiti siya sa akin at naglakad palapit.
"Mag-iingat ka roon, ha?" Bakas sa tono niya ang lungkot. "Ayaw ko man na paalisin ka rito pero hindi ko naman hawak anh desisyon mo."
Hindi ko na naman mapigilan ang maiyak.
Hinawakan niya ako sa pisnge.
"Huwag kang mag-aalinlangan na tumawag sa akin kung may mangyaring masama sa 'yo sa manila, ha?" Nabasag ang boses niya.
Sunod-sunod na tumango ako.
"Mahal na mahal kita, Jossa." Niyakap niya ako. "Parang anak na ang turing ko sa 'yo, sa inyo ni Anton. Huwag mong papabayaan ang sarili doon, okay?"
Tumango ulit ako habang naiyak pa rin.
"Maraming-maraming salamat po sa lahat, Tiya..." Bulong ko habang naiyak. "Sobrang salamat po sa mga nagawa niyo sa amin ng kapatid ko. Tatanawin ko po itong utang na loob, Tiya."
Inalis niya ang pagkakayakap sa akin.
"Napag-usapan na na 'tin ito, hindi ba?" Aniya. "Huwag mong isipan na pinatuloy ko kayo rito para magkaroon ka sa akin ng utang na loob, okay? Pamilya ko kayo kaya nararapat lang na tulungan ko kayo."
Tumango nalang ulit ako.
"Napakaswerte namin sa inyo, Tiya. Salamat po ng marami." Bulong ko.
Ngumiti ito.
Hinabilin kong muli si Anton sa kaniya bago ko tuluyan lisanin ang bahay nila.
"O, sya, tama na ang drama." Humiwalay ito sa akin at pinunasan ang sariling luha. "Umalis ka na at baka hindi ka pa makaalis."
Pinunasan ko rin ang luha at nakangiti na tumitig sa kaniya.
"A-Aalis na po ako, Tiya..."
Ngumiti siya pero muling umagis nag luha sa mga pisnge niya.
"M-Mag-iingat ka roon, Jossa..."
Umalis ako ng bahay na umiiyak. Masakit man sa akin na umalis pero kailangan. Ayoko nang dumagdag pa sa problema nina Tiya. Kaya naman magsasakripisyo ako sa manila.
Sumakay ako ng tricyle palabas ng bayan. Nang marating namin ang bayan, bumungad sa akin ang napakaraming tao na nagsisipamalengke. Naglakad ako patungo sa sa istasiyon ng mga bus.
Nakakapanibago ang lugar na ito. Mas maingay, maraming tao at napakaraming mga bahay at naglalakihang mga gusali. Ganito na ang hitsura ng bayan? Matagal-tagal na rin nang makapunta ako rito. Ang hitusra nito noon noong huling punta ko ay may mga puno pa ng niyog ang paligid at kakauntinf nagtitinda lamang. Pero ngayon halos wala nang espasyo at puro na tindahan saka wala na rin ang mga puno ng niyog.
Ang laking pagbabago.
Natigilan ako sa pagmamasdi nang may sumigaw kundoktor ng bus. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bus istasyon. Masyado akong nawili sa pagmamasid.
"Oh, isa na lang kulang!" Sigaw ng konduktor.
Lumapit ako roon at nagtanong.
"Kuya, saan po ba papunta 'yan?"
Nilingon niya ako.
"Sa manila, hija, sasakay ka ba?"
Tumango ako. "Opo."
"O, sige, sakay na. Sa bandang likod ang bakanteng upuan." Anito bago kinausap ang driver.
Pumasok ako sa bus at agad na nahiya ako dahil lahat sila ay sa akin nakatingin. Nahihiyang naglakad ako patungo sa bandang likuran. Nang makita ko ang bakanteng upuan na sinasabi ng konduktor ay agad na akong naupo. Katabi ko si Lola na medyo may katandaan na.
Ngumiti ito sa akin bago itinuro ang upuan sa tabi niya.
Ngumiti rin ako at umupo sa tabi niya.
"Magandang umaga po, lola," bati ko sa kaniya.
"Magandang umaga rin, hija." Sagot niya. "Saan ang punta mo?"
"Sa manila po."
"Makikipagsapalaran din?"
Tumango ako.
"Opo, kailangan, e."
Gusto kong bigyan ng marangyang buhay si Anton. Ayokong ganito lamang kami habang buhay. Ang pangako ko nga kay Nanay na gagawin ko ang lahat para makaahon kami sa hirap. Kahit na kakailanganin kong magtrabaho buong araw at magdamag ay gagawin ko mabigyan lamang sila ng magandang buhay. Ngunit ngayong wala na sila, kay Anton ko na lamang itutupad ang mga pangarap kong iyon. Para ito sa amin ng kapatid ko.
Nag-aalalang ngumiti ito sa akin. "Mag-iingat ka, hija. Maraming mapagpanggap na mga tao sa manila. Lalo't mag-isa ka lamang at babae ka pa. Madalas mabodus ang mga katulad mo kaya naman mabuting obserbahan mong mabuti ang mga taong makakasalamuha mo."
Ngumiti ako.
"Sa Tiyahin ko naman po ako pupunta." Sagot ko.
Hindi na ito nagsalita at tumanaw nalang sa labas nang umandar ang bus paalis.
Ito na. Simula na nang buhay manila ko. Tay, Nay, gabayan niyo po ako. Kahit ano po ang mangyari ay sana maging maayos ang kalabasan. Ayoko pong biguin kayo. Ayoko pong biguin si Anton. Ayoko pomg biguin si Tiya Joan.
Sa sobrang haba ng biyahe, nakatulog ako. Kung hindi pa ako ginising ni Lola na katabi ko ay hindi pa ako magigising. Nakita ko na kaunti na lamang ang narito sa bus.
"Saan ba ang baba mo, hija?" Tanong ni Lola.
"A-Ah, nakalimutan kong itanong kay Tiya."
Kinuha ko ang telepono ni Nanay sa bulsa ng bag na dala ko at nakita ko na may text si Tiya roon. Hindi rin nito alam ang lugar na nakasulat sa mensahe ni Tiya kaya nahihiya na binalik ko sa bag ang telepono. Sinabihan niya ako na hintayin ko nalang daw ang pagtawag ng konduktor sa lugar na bababaan ko.
Pinagmasdan ko ang mga naglalakihang mga gusali. Habang umaandar ang sasakyan, lalong dumadami ang mga gusaling malalaki at nawawala ang mga puno at damuhan sa paligid. Napapalitan ito ng patag na kalsada at mga kumpol-kumpol na mga bahay na gawa sa bato.
Napalaki ng pagkakaiba ng probinsiya sa hitsura nitong nakikita ko.
Nasa manila na ba ako?
Lumipas ang mga oras na hindi pa binabanggit ng konduktor ang lugar na pagbababaan ko. Medyo nakaramdaman ako ng antok kaya nakatulog ulit ako. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman ko na gumalaw ang tao na nasa tabi ko. Nakangiti si Lola sa akin at napansin ko na paalis na ito. Nagpaalam ito sa akin bago umalis.
Wala naman akong ibang nagawa kundi sundan siya ng tingin.
Nasaan na ba kami?
Nauna nang bumaba si Lola sa akin kaya medyo kinakabahan na ako nang halos wala na sa sampu kaming natira rito.
"Oh, rito na ang huling destinasiyon nitong bus." Ani ng kundoktor nang muli kaming huminto.
Nagulat ako sa sinabi nito. Kaya mabilis ako na tumayo at lumapit sa kaniya habang dala-dala ang mga bagahe.
"Ah, Manong pwede pong magtanong."
Tinignan ako nito. "Ano 'yon, hija?"
Pinakita ko sa kaniya ang mensahe ni Tiya.
"Saan po ito?"
Binasa niya ang nakasulat sa telepono ko. Ilang saglit niya itong binasa bago ako tinignan.
"Naku, hija, lagpas na tayo riyan." Anito.
Nanlaki ang mga mata ko. "Po?!"
"Oo, hija."
Paano na 'to! Bakit kasi nakatulog pa ako!
"Sumakay ka nalang ng bus ulit doon sa kabilang kanto sa tabi ng jollibee para nakapunta ka riyan. Bumaba ka na at isasara ko na ito." Huling sabi nito bago bumaba.
Wala naman akong choice kundi bumaba. Bitbit-bitbit ko ang bag na itim habang naglalakad at sinusubukan hanapin ang sinabi niyang istasiyon ng bus.
Huminto ako sa tapat nang simabahan. Nakaramdam na ako ng pagod at uhaw dahil tirik na ang araw. Pumasok ako ng simbahan at napukaw ang tingin ko sa gilid na maraming puting van. Papasok na sana para magdasal at magpahinga muna sa loob ng simbahan nang matigilan ako.
Nasa bungad pa lang ako ng simbahan nang magsilabasan ang mga nakaputi at nakaitim na mga tao. Napagilid ako nang dumaan sa harap ko ang kabaong.
Sumagi sa isipan ko ang araw nang pagkawala nila Nanay at Tatay habang sinusundan ko ng tingin ang kabaong. Hindi gano'n kaganda ang kinalagyan nila pero alam kong naintindihan nila iyon. Napapunas ako nang biglang tumulo ang luha ko. Hindi ito ang oras para panghinaan ng loob, Jossa. Kaya mo 'yan! Kakayanin na'tin 'to!
Sumunod ang mga taong nagsisiiyakan sa kabaong na iyon. Hindi ko nga alam kung kanino ako titingin dahil sa mga iyak nila. Napasabay na lang ako sa kanila palakad palabas para hindi ko sila maistorbo.
Nang lumabas kami ng simbahan, nakita ko na nagkaniya-kaniya silang sakay sa mga van na nakaparada lamang sa labas. Aalis na sana ako dahil mukhang libing ata itong nadaluhan ko. Pero natigilan ako sa paglalakad nang may sumigaw.
"Hoy, saan ka pupunta!"
Napalingon ako sa gawi ng mga van at tumingin sa matandang babae na nakatingin din sa akin. Nalilitong tinignan ko ito. Hindi ko alam kung ako ba ang tinawag nito.
"Hali ka na at maiiwan tayo!" Sigaw na naman nito.
Lumingon-lingon ako pero wala akong ibang nakita bukod sa sarili ko. Muli ko siyang tinignan. Atsaka nalilitong tinuro ang sarili.
"A-Ako po?"
"Aba'y sino pa ba ang tao riyan kundi ikaw lamang! Hali ka na!" Inuwestra niya pa na lumapit ako sa kaniya.
Nag-aalinlangan na humakbang ako palapit sa kaniya. Anong kailangan niya sa'kin? Kinabahan tuloy ako.
"H-Hindi ko po kayo kilala—"
Hindi ko pa tapos ang sasabihin nang hawakan niya ako sa pulso at hinigit ako papunta sa puting van na nag-iisa na lamang. Nagsialisan na kasi ang iba.
"Ang dami mong sinasabi. Magagalit si Sir Cuenca sa atin nito!" Aniya habang higit-higit ako. Dumiretso kami sa van.
Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko siyang higitin ako. Nang buksan niya ang pinto ay walang ibang nakasakay roon kundi ang driver na medyo may katandaan din.
Napalingon ito sa amin at napatitig sa akin.
"Hali ka na, Kaloy, baka nasa sementeryo na sila Sir." Ani ng matanda sa lalaki. At hinigit ako papasok ng van.
Natahimik ako sa bilis ng pangyayari. Hindi pa nagpa-process sa akin nang umaandar ang puting van.
"Saan ka ba pupunta at mali ng daan ang dinaanan mo?" Ani ng matandang babae sa akin.
"A-Ah..."
Hindi ako nakasagot dahil naudlot nang may tumawag sa telepono na hawak nito. Nakipag-usap siya rito at hinayaan ko na lamang siya.
Tumanaw ako sa labas at nakita ang paglagpas namin sa mga matataas na building. Ilang saglit pa nang huminto kami. Nakita ko na nasa sementeryo na kami.
Hinawakan ako ng matandang babae at dinala kung nasaan ang mga kapareho namin damit. Tumayo kami sa pinakalikod. Habang naririnig ko ang iyakan ng mga tao habang binababa ang kabaong sa lupa ay napatitig ako sa dalawang bata na hawak ng isang lalaki.
Pinipigilan nito na tumakbo ang batang lalaki at batang babae papunta sa kabaong.
"Kawawa naman ang mga alaga ko. Namatayan ng mommy." Bulong nitong matanda na nagsama sa akin dito.
"Ano pong nangyari?"
Tinignan ako nito. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bakit? E, hindi ko alam anong nangyayari? Hindi ko rin alam kung bakit ako narito gayong hindi ko naman kilala ang iniiyakan nila.
"Hindi mo alam ang nangyari sa amo mo? Sa amo na'tin?" tanong nito sa akin gamit ang pananalita na para bang hindi siya makapaniwala.
Tinignan ko siyang mabuti. Sa tingin ko ay hindi pa naman siya gano'n katanda para hindi ako makilala na hindi talaga ako kasama rito. Pero bakit ganito siya umasta? Bakit pinipilit niyang kasama ako rito? May kamukha ba ako sa mga kasama niya?
"H-Hindi ko po sila kilala..." Mahina na sabi ko.
"Huwag mo nga akong niloloko, itong batang ito oo." Ani nito saka muling tinignan ang nag-iiyakan na nasa unahan.
Napatingin nalang din tuloy ako roon. Paano ko ba makukumbinsi itong si Nanay na hindi ako kasama rito? Hays! Baka hinahanap na ako ni Tiya!
___
DB
DALAWA: KAKILALANatapos ang seremonya at tuluyan nang ibinaba ang kabaong sa ilalim ng lupa. Lalong lumakas ang iyakan ng dalawang puslit na nasa bisig ng binata. Hindi ko man kita ang mga mukha nila ngunit alam kong puno iyon ng luha dahil sa pagluluksa. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay naluluha sa nakikita. Hindi ko sila kilala ngunit nararamdaman ko ang nararamdaman nila ngayon. Alam kong sobrang sakit nawalan ng mahal sa buhay. Sobra na para bang ikamamatay mo.Ngunit hindi tayo aahon sa kalungkutan na iyon kung hindi na'tin hahayaan ang sarili na mag-move on. Kailangan na'tin tanggapin na wala na sila para makausad tayo. Kailangan na'tin iyon para makapagpatuloy sa buhay.Natigilan ako at nawala ang atensiyon sa mga nag-iiyakan na kumpol na mga tao nang maradaman ko at narinig kong tumunog ang telepono na nasa bulsa ng bag na dala ko.Mabilis ko itong kinuha at nakita na
TATLO: NATAPUNANTanghali ako gumising kinabukasan. Namahay kasi ako kaya hindi agad ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang ulit akong sinuway ni Manang Loyda dahil ang likot ko raw katabi. Kaya kinabukasan, alas nuebe na ako nagising. Kung hindi pa nga pumasok si Manang sa loob ng kwarto para balikan ako ay hindi pa ako magigising."Hay naku ka, Jossa! Pati ako ay hindi mo pinatulog nang maayos kagabi. Mabuti na lamang ay nagising pa rin ako nang maaga." Anito habang nakatayo sa labas ng pinto. "O, sya, maligo ka na muna. Nariyan sa kabinet na pangalawa ang naiwang maid's outfit no'ng umalis na kasambahay dito. Sana ay sumakto sa iyo. Pagtapos mo dumiretso ka na sa kusina. Okay?"Aalis na sana siya nang pigilan ko."Uhm, Manang..."Muli niya akong hinarap. "Bakit?""H-Hindi ko po alam kung nasaan ang kusina." Sabi ko."Ay
APAT: Sir Cuenca"S... Sir?"Literal na napanganga ako sa ginawa kong katangahan. Nakita ko na napapikit pa ang taong sinabuyan ko ng tubig bago nagmulat at masamang tumingin sa akin. Nanlambot ang mga tuhod nang makita ang madidilim niyang mga mata. Pero kahit na gano'n siya tumingin sa akin, hindi nakaligtas sa akin ang itim sa ilalim ng mga mata niya.Agad kong binaba ang baso na hawak at natataranta na kumuha ako ng tissue na nasa tabi ng lagayan ng plato. Mabilis pa sa alas kwarto akong tumakbo roon at bumalik kay sa kaniya para punasan siya."P-Pasensiya na po, sir... H-Hindi ko po sinasadya..." Mahinang bulong ko habang patuloy na pinunasan siya.Unang dumapo ang mga palad ko sa leeg niya. Kahit na may tissue ang palad ko at basa ang leeg niya ay dama ko sa mga palad ang init na nagmumula sa leeg niya.Sunod kong pinunasan ang dibdi
LIMA: NAGLALASING"Hello, Anton, kumusta ka na?"Hapon nang araw na hinatid namin si Tina sa eskwela ay napagpasyahan kong tumawag kay Tiya Joan sa probinsiya. Kakatapos ko lamang magwalis sa labas ng bahay. Nakaupo ako rito sa garden habang kausap sa kabilang linya si Anton at si Tiya."Ate, kailan ka po babalik?"Natawa ako.Nakaramdam din ako nang kaunting kalungkutan nang marinig ang boses niya. Na-mi-miss ko na siya. Dalawang araw na rin matapos kong makarating dito sa manila. Sapat na mga araw iyon para mangulila ako sa kaniya. Malalim na bumuntong hininga ako. Kauntin tiis nalang, Jossa, makakasama mo rin si Anton. Mag hintay ka lamang. "Hindi na ako uuwi riyan, Anto—"Agad siyang nagreak bago ko pa matapos ang sasabihin."Ano, Ate?!" Gulat na aniya. "P-Paano ako, Ate, kung hindi ka na babalik? I-Iiwan mo na rin ba ako, Ate, katulad nang pag-iwan sa atin nila N-Nanay at Tatay...? Ate, sabi
ANIM: MGA BISITA"Jossa."Dahan-dahan akong humarap sa kaniya nang muli niya akong tawagin. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang makita na nasa pinto na siya at malaki na ang bukas ng pinto. Paanong naroon na agad siya? Ni hindi ko narinig ang mga yabag niya?"S-Sir..." Mahina na sabi ko. "M-May kailangan po kayo?"Pinagsaklob ko ang mga palad sa likuran. Naramdaman ko ang pagnginig ng mga tuhod dahil sa titig niya. Mas nakakatakot ang hitsura niya ngayon.Tanaw ko ang mamasa-masa niyang mga mata at namumulang ilong. Mas lalo akong nanghina nang makita ang lungkot sa itim niyang mga mata. Bukod ro'n, hindi rin maayos ang buhok niya: magulo ang mga ito. Hindi rin nakaayos ang polo na suot niya: ang tatlong butones ay nakabukas at magusot."Kanina ka pa rito?" malamig na tanong niya.
PITO: YAKAP"Wala pa rin ang mga alaga ko?"Nagtipon-tipon kami rito sa mahabang mesa. Nagluto kasi si Manang Loyda ng adobong pusit.Ala siete na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi sila Tina at Tj. Ang sabi ni Ma'am Ana ay bago magdilim uuwi na sila pero bakit wala pa rin sila?"Ang sabi ni Madam, baka roon na raw niya sa bahay nila patulugin ang dalawa." Sagot ni Cecille sa tanong ni Manang.Napatingin ako sa kaniya. Busy na naman siya sa cellphone nito.Nasa kaliwang bahagi ako at si Mel. Nasa kanan na bahagi si Cecille katabi niya si Mang Kanor, Mang Kaloy at Joshua. Matutulog sa bahay nila? Saan ba ang bahay nila? Alam na kaya ni Sir Cuenca ito?"Kailan sinabi?" Tanong ni Manang Loyda. Nilagay niya sa gitnang mesa ang niluto."Mukhang masarap 'yan, ah!" Komento ni Mang Kanor."Ako nagluto, siyempre masarap talaga!" Nagmamalaki na sabi ni Manang. "Kailan sinabi, Cecille?""Ka-text
WALO: PINAPANOODNagising ako nang maramdaman na may mabigat na bagay na dumadaan sa bandang tiyan ko. No'ng una ay binalewala ko lamang iyon dahil akala ko si Manang Loyda lamang ang nakadaan sa akin. Ngunit hindi kalauna'y sumagi sa aking isipan ang nangyari kagabi. Napabalikwas ako nang tayo nang maalala ang nangyari kagabi. "Hmm..." ungol ng katabi ko nang biglang tumilapon ang kamay niya pabalik sa kaniya. Nanigas ako sa kinauupuan nang marinig na hindi iyon boses ni Manang Loyda. Dahan-dahan kong binalingan ang katabi at nanlaki ang mga mata ko sa nakita! 'S-Sir!' Sigaw ko sa isipan. Nakapikit pa ang mga mata nito. Gano'n pa rin ang suot niya ngunit mas nawindang ako dahil ngayon ay lahat ng butones niya ay nakabukas na. Malaya kong nakikita ang magandang niyang katawan. 'Tila ba sadyang nakahain ito sa akin. Halos maglaway ako sa ganda ng katawan niya. Ukit na ukit ang anim niyang mga pandesal
SIYAM: KAIN SA LABASIlang linggo na ang nakalilipas nang manatili at nagsimula akong magtrabaho rito sa manila, sa mansion ni Sir Cuenca, bilang isang katulong. Hindi ko inakala na gano'n ako kabilis makakahanap ng trabaho na hindi katulad ng mga naririnig ko noon sa probinsiya namin. Madalas ko kasing marinig na mahirap daw ang buhay dito sa manila. Mahirap daw makahanap ng trabaho at amo na mabait lalo pa kung mahina ang kukote mo na katulad ko. Sa kabutihang palad, pinalad ako na mabubuti ang mga tao na naging kasama ko sa pagtatrabaho. Mabilis na napalagay ang loob ko sa kanila pati sa mga anak ng amo ko. Laking pasasalamat ko kay Manang Loyda dahil nakilala niya ako no'ng araw na 'yon. At kay Sir Cuenca dahil tinanggap niya ako na maging katulong dito sa bahay nila."Aba'y kailan mo ba balak bumisita rito, Jossa?" tanong ni Tiya Lorna sa kabilang linya.Alas dies na ng gabi nang tumawag siya. Mabuti na lamang ay napatulog ko na si Tin
SPECIAL CHAPTER #3 PART TWO TYSON’S POINT OF VIEW: “FVCK!” Binato ko ang cellphone sa pader nitong opisina ko. Malakas na tumunog iyon bago bumagsak sa sahig. Malamang nasira sa sobrang lakas nang pagkakabato ko. I don’t fvcking care! Anong silbi ng cellphone kung ni isang greetings from the people I treasure the most ay wala akong natanggap! “D*MN THIS!” I looked at the wall clock and saw it’s almost 12 midnight. But I received nothing! It’s eleven fvcking fifty-eight! Two minutes before my birthday but no one message to greet me?! The fvck?!“D*MN!” malakas kong sinuntok ang table sa harap ko. Sinadya kong hindi agad umuwi para hintayin ang mga bati nila sa akin. Kahit kaninang umaga pag-alis ko ng bahay, ni hindi nila ako sinabihan o binati. Wala. Maaga kong pinauwi ang mga employees ko ngayon to celebrate my birthday but I think walang selebrasyon na magaganap. I waited and stayed here for so damn many hours to received nothing! Inis na tumayo ako at dinampot ang gamit.
SPECIAL CHAPTER #3 PART ONE"Jossa."Hindi ko alam ngunit hindi pa rin ako mapalagay at hindi pa rin ako komportable sa tuwing nakikita ko si Ma'am Ana, ang ina ni Tyson.Pilit kong inayos ang pagkakaupo at tinignan siya. Kita kong nakatingin siya sa akin gamit ang masayang mukha. Simula noong kinasal kami ni Tyson ay wala na siyanh ibang naging tutol pa kundi ay tanggapin kami.Masaya ako sa wakas na tinanggap niya na ako para sa anak niya. Ngunit hindi ko talaga maalis sa aking sarili at isipan na sa tuwing nakikita siya ay naalala ko ang gabing dinukot niya ang kapatid ko at pinapili niya ako."M-Ma'am..." tawag ko sa kaniya."Hindi ba't sabi ko ay mama na rin ang itawag mo sa akin," nakangiting saad niya. Naalala ko noong pagkatapos ng kasal namin ay nagkausap na kami tungkol doon. Hinayaan niya na akong tawagin siyang mama. "You look... uncomfortable. Am I making you uncomfortable?"Dahan-dahan akong tumango."S-Sorry po... ma..." mahinang sabi ko. "H-hindi ko lang po talaga maa
SPECIAL CHAPTER #2"Ang taray mo na talaga, Jo. Hindi na ikaw ang Jo na kilala namin."Natawa ako sa sinabi ni Tisoy. Napatakip pa siya sa bibig habang nanlalaking mga matang pinagmamasdan ako."Mala-prinsesa ang datingan, 'di ba?" Dagdag ni Klay. "Hindi na'tin ma-reach ang kaniyang life."Napailing na ako sa mga reaction nila. Nandito kami ngayon sa isa sa kainin dito sa hotel. May ginagawa rin kasi si Tyson na kailangan ipasa ngayong araw kaya nagpaalam ako na makikipagkita sa dalawang ito. Mabuti nalang at pinayagan sila nila ma'am na magpahinga ng isang oras para makausap ako."Pasensiya na pala kayo't hindi ko kayo naimbintahan sa kasal," paghihingi ko ng tawad. "Sobra-sobra na kasi ang pumunta.""Wala na magtatampo na kami niyan." Sabi ni Tisoy.Nakatanggap siya ng hampas kay Klay."Ano ka ba, ayos lang," ani Klay. "Naintindihan naman namin at least umabot sa amin ang food niyo."Nandoon kasi sila Tiya Joan kaya pinadalhan ko nalang sila ng pagkain dahil nga hindi rin sila nakab
SPECIAL CHAPTER #1READ AT YOUR OWN RISK! "This is our time, darling."Hindi ko pa nagagawang sumagot ay bigla niya nalang akong siniil ng halik. Dama ko ang pangigigil sa bawat hagod ng labi niya sa mga labi ko. Alam kong kanina niya pa gusto gawin ito. Alam kong kanina pa siya nagtitiis. Kaya naman, sino ako para pigilan pa siya ngayon?Nandito kami sa resort na pinagtatrabahuhan ko sa probinsiya. Sinalubing nga kami ng mga katrabaho ko at ng mga dati kong amo kanina sa bungad nitong hotel bago kami pumunta rito sa kwarto. Iba sa pakiramdam ang makita ang mga nakangiti nilang mukha kanina. Tuwang-tuwa sila habang pinapanood kami. Lalong-lalo na nag dalawa kong kaibigan na si Tisoy at Klay. Hindi ko pa sila nakakausap pero kakausapin ko sila bago kami umuwi ng maynila.Tatlong araw lang kami rito dahil kailangan na talagang bumalik ni Tyson sa trabaho. Ang dami niya na kasing tambak na gawain.Napasandal ako sa pader nang lumalim ang halik niya. Dama ko ang pagpasok ng dila niya sa
FINALE"Congratulations to Mr. and Mrs. Cuenca!"Naramdaman ko ang pagpulot ng kamay ni Tyson sa bewang ko at marahan na nilapit sa kaniya. Inangat ko ang tingin sa kaniya at malawak na ngumiti. Asawa ko na nga talaga siya. Sa wakas...Ngumiti rin siya at saka ako hinalikan sa gilid ng ulo. "I'm so happy, Mrs. Cuenca," bulong niya. "Finally, you're mine."Napahawak ako sa dibdib niya atsaka sinandal ang ulo sa kaniya. "Sobrang saya ko rin, darling... I love you.""I love you, too."Dahan-dahan na lumapit ang mukha niya sa akin at bumaba sa mga labi ko. Napapikit ako at naramdaman ang paggalaw ng labi niya. Dama ko ang pangigigil sa labi niya at ang paghigpit ng hawak niya sa beywang ko. Napahawak nalang ako sa kaniya nang mawalan ng lakas dahil sa halik niya. "Mamaya na 'yan, sir! Kumain muna tayo bago 'yan!" dinig kong sigaw ni Manang.Nagtawanan ang lahat ng tao rito sa simbahan sa sinabi niya.Nagdilat ako ng mga mata at nakita ang ngiti sa mga labi niya. "Well, I can wait for t
79"Let's talk."Ilang beses niya akong sinubukan kausapin sa dalawang araw na nagdaan. Puro iwas at tago ang ginawa ko. Nagtataka na nga ang mga katrabaho ko sa ginawa ko pero wala akong pake. Basta mataguan ko siya at hindi kami magkita. "Just give me a minute to talk to you." Hindi ko siya pinansin at mabilis na tinalikuran. Kanina niya pa ako sinusubukan na kausapin pero pinapabayaan ko lang siya. Ngayong araw ay ilang beses niya na naman akong kinulit. Hindi ba siya napapagod? Sabing ayoko nga, e. Ano bang gusto nitong pag-usapan? Matapos niya akong sabihin ng mga gano'ng bagay ay lalapit siya bigla? Bakit? Para saan? At bakit niya ako gusto makausap? Hindi naman siguro dahil kay Teinia, 'di ba?"Hey!" Naramdaman kong sumunod siya sa akin. "I said, let's talk." "Busy ako, sir." Sabi ko habang mabilis na humahakbang palayo sa kaniya. "Sa iba nalang po kayo magtanong.""Give me five minutes, hey." Hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kaniya. "Just five minutes."Hindi ko
78THIRD PERSON POINT OF VIEWTumakbo palapit si Teinia kay Jossa. Yumakap siya sa ina at doon nawala ang pokus ni Jossa kay Tyson. Umupo siya at hinawakan ang mukha ng anak."O-Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. "Sorry kung napabayaan kita. Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang?"Ngumiti naman si Teinia atsaka tumango. "Opo, ma! Okay lang po ako. Tinulungan po ako ni kuya, e!" Tinuro niya si Tyson na ngayon ay nakatulala pa rin habang nakatingin sa dalawa. "Mabait po siya, 'no, ma?"Napatitig ulit si Jossa kay Tyson. Nakita niya kung paano tumitig ito sa kanila. Naalala na naman niya ang huling pag-uusap nila. Sinubukan niyang kausapin ito ngunit sadyang ayaw ni Tyson. Pero ngayon na nandito siya ay 'tila nawala lahat ng nais niyang sabihin. Lalo pa't nandito rin si Teinia."Ma?""H-Ha?" Napatingin siya kay Teinia. "A-Ah, oo... ang bait niya nga. Nagpasalamat ka na ba? Magpasalamat ka."Humarap si Teinia at ngumiti kay Tyson. "Kuya, salamat po ulit." Yumuko pa siya. "Nandito n
77THIRD'S POINT OF VIEW:"Happy fiesta, mga ka-barangay!"Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay maingay na ang bayan nila Jossa. Bawat tao mapasa-loob man ng bahay, labas, kalsada at mga bubong ay iisa ang isinisigaw. Lahat ay may magagandang ngiti sa kanilang mga labi na siyang nagpapakita kung gaano sila kasaya. Lahat ay tuwang-tuwa habang binabati ang isa't isa ng happy fiesta.Sa bahay ng tiyahin ni Jossa ay gano'n din. Masaya silang nagbatian at nagyakapan. "Hali na't maghain na tayo." Nakangiting sabi ni Joan, ang tiyahin ni Jossa. "Pagsaluhan na na'tin ang hinanda ko habang mainit pa."Silang pamilya lang ang naroon. Bukod sa may handa rin ang mga kapitbahay nila kaya hindi nila inimbita, malalayo rin ang iba nilang kamag-anak katulad nalang ni Lorna na nasa maynila pa nakatira.Umupo sila at pinagsaluhan ang pagkain sa hapag. Masaya at tuwang-tuwa ang mga bata habang sila ay nagkukuwento habang nagsasalo-salo.Ito ang masaya sa tuwing sasapit ang piyesta. Halos lahat a
76Magulo ang isip ko. Hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko pag-alis ni Tyson. Akala niya ba'y nagsisinungaling ako? Anong sinasabi niyang kamukha ko ang darling niya? E, ako naman talaga 'to?Saka...Ano raw?Patay na ako? Patay na ako sabi ng mama niya? Paanong patay na ako, e, ito nga ako?"A-At... naniwala siya ro'n?" mahinang bulong ko sa sarili. "K-kasinungalingan... hindi ko akalain na magagawa ni Ma'am Ana ang lahat nang ito... napakagaling niya...""Sino?"Napitlag ako at agad na humarap sa likuran. Nakita ko si Tisoy na nakatingin sa akin."I-Ikaw pala...""Sinong kausap mo?" takang tanong niya. "May kinakausap ka bang hindi ko nakikita, Jo? Hoy! Iba na 'yan, ah?"Hindi ako nakasagot."Biro lang," tumawa siya at bahagya pa akong hinampas sa braso. "Ayos ka lang ba? Nakatulala ka rito at may kung ano-anong sinasabi. Okay ka lang?"Mahinang tumango ako."Sigurado ka?" Nag-aalala ang tono niya. "Alam mo, hindi man tayo gano'n kalapit sa isa't isa, pwede mo parin sabihin