Share

YAYA MOMMY (TAGALOG)
YAYA MOMMY (TAGALOG)
Author: DBardz

SIMULA

Author: DBardz
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

SIMULA

"Ano, Jo? Napag-isipan mo na ba ang alok ko?"

Natahimik ako. Tahimik akong nakatanaw sa dagat at sa araw na halos lumubog na. May kadiliman na ang paligid at lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Nakaupo ako sa may tumbang puno na malapit lang sa bahay namin. 

Kanina pa ako rito nakaupo. Kanina pa ako hindi ujmiik. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na tumawag si Tyang Lorna. Kapatid siya ni Nanay at nakatira siya sa manila. 

Noong namatay sila Nanay at Tatay sa dagat ay sobrang nagluksa kami ng kapatid ko. Sila lang ang mayroon kami tapos kinuha pa. Hindi pa kami handa kaharapin ang mundo sa sarili namin mga paa. Ngunit wala kaming magagawa kundi magpatuloy. 

Wala akong natapos, aaminin ko 'yon kaya natatakot ako sa inaalok ni Tiya. Matagal na noong nakapunta ako ng manila, siguro ay walong taon gulang pa ako. Hindi ko maiwasan matakot. Natatakot ako na iniwan ang kapatid ko rito mag-isa at natatakot ako magtrabaho sa manila mag-isa. Hindi ko alam ang buhay mayroon doon. Hindi ko alam anong klase tao ang pwedeng makasalamuha ko roon. Hindi ko alam. 

Inaalok ako ni Tiya na may kapitbahay daw siyang naghahanap ng magbabantay sa anak nitong kakaisang taon lamang. Wala naman akong alam sa pagbabantay ng sanggol. Paano kung mapabayaan ko iyon? 

"Jossa, nariyan ka pa ba?" sambit ni tiya sa kabilang linya. 

Natauhan ako. "O-Opo, Tyang..." Mahinang usal ko. 

"Ay naku! Jo, sabihin mo kung ayaw mo!" Naiinis na tono na sabi niya. "Ayokong mag-aksaya ng oras sa iyo! Bahala ka nang mabulok diyan sa probinsiya! Manang-mana ka sa ina mo!" 

Napatitig ako sa telepono na si Nanay pa ang nagmamay-ari. Pinatay ni Tiya ang tawag. 

Napabuntong-hininga ako at muling tumanaw sa dagat. 

"Nay, Tay, ano pong gagawin ko..." bulong ko sa hangin. 

Nang mamatay sila no'ng isang buwan, halos hindi ko alam ang gagawin para mabuhay kami ng kapatid ko. Sumubok ako na pumasok sa iba't ibang trabaho na pwede kong mapasuka dito sa amin. Sinubukan kong magtinda ng mga gulay na tanim namin sa likod bahay ngunit hindi pa rin sapat iyon sa araw-araw namin. Lalo pa't nag-aaral ang kapatid kong si Anton sa ikatlong baitang ng elementarya. Sinubukan ko rin pumasok sa iba pang trabaho katulad ng paglalaba, pagtitinda, paglilinis ng mga bangka, paghuhuli ng isda. Pero hindi pa rin sapat. Kulang pa. 

Pinalayas na kami sa bahay na tinitirhan namin dahil kulang talaga ang nakukuha kong pera sa mga trabaho na pinasukan at hindi ko nababayaran si Aling Kuntsing sa upa namin. Mabuti na lamang ay nariyan si Tiya Joan, ang nag-iisang kapatid ni Tatay dito sa probinsiya. Pinatuloy niya muna kami sa bahay nila. 

Ngunit hindi man sabihin ni Tiya, alam kong nahihirapan siyang pakainin ang lima niyang anak tapos ay dumagdag pa kami. Parati kong naririnig tuwing gabi na nag-aaway sila ni Tiyo Lando, ang asawa niya, tungkol sa mga gastusin sa bahay. At hindi ko man nais marinig, laging dinadamay ni Tiyo ang pagtuloy namin sa kanila. Gayong sampid lamang kami ng kapatid ko sa pamilya nila at nakadadagdag daw kami sa gastusin. Pinagtatanggol kami ni Tiya na lalong nakadadagdag sa kahihiyan ko. Parati silang nag-aaway at isa kami sa dahilan.

Muli akong napabuntong-hininga ako. 

Wala na talaga akong alam kung paano kami mabubuhay. 

"Ate Jossa, kakain na raw po!" 

Napalingon ako sa bandang likuran nang marinig ang boses ng kapatid ko. Nakatayo siya sa labas ng bahay. 

Tumayo ako at naglakad patungo sa kaniya. Nang makalpait ay inakbayan ko siya. 

"Nandiyan na ba si Tiyo?" tanong ko sa kaniya habang papasok kami. 

"Opo, ate. May dala pong isda si Tiyo para sa gabihan na'tin." 

Tumango ako at ginulo ang buhok niya. 

Pumasok kami at bumungad sa akin ang nag-aayos ng mesa na si Tiya habang nakaupo na ang mga anak niya. Si Tiyo naman ay hindi ko nakita. Mukhang nasa kwarto pa nila. 

"O, Jo, hali na kayo. Maupo na kayo. May dala ang Tiyo mong isda. Hali na kayo at kumain na tayo." Tawag sa amin ni Tiya. 

Umupo kami ng kapatid ko sa tabi ng panganay niyang si Clara. Labing limang taon gulang na ito. 

Tinignan ako nito habang paupo ako sa tabi niya. Umirap siya nang mahuli na nakatingin din ako sa kaniya. 

Sa lahat ng anak ni Tiya, si Clara ang alam kong nakakaalam na naghihirap din sila. At alam kong galit siya sa amin dahil dumadagdag kami sa paghihirap nila. Ang apat niya naming mga kapatid na nasa edad pagitan lima hanggang sampu ay masasayang naghihintay kay Tiya. 

Napatingin ako sa kwarto nila Tiya nang lumabas doon si Tiyo. Nakabihis na ito ng puting sando at itim na short. 

"Nakakapagod magtrabaho!" Aniya saka umupo sa gitna. 

Sinandukan naman ni Tiya ang mga anak niya. 

"Sige na, Jo. Kumuha na kayo." Aniya sa akin. 

Ngumiti ako kay Tiya. 

"Konting kain lang, ate, ha," ani ng kapatid ko. 

"Kumain ka ng marami, Tonton. Ang payat-payat mo na," sabi naman ni Tiya. 

Sumimangot ang kapatid ko. 

"Paanong hindi papayat, e, wala namang kinakain." Bakas sa tono niya ang pagngiwi. 

Natigilan ako sa sinabi ni Tiyo. Alam ko na agad ang nais niyang sabihin. Parati naman itong nangyayari. At hindi ko siya masisisi. Hinahayaan ko nalang. May karapatan siyang magreklamo gayong siya iyong mag-isa lamang ang naghahanapbuhay sa pamilyang ito. 

"Lando," pigil ni Tiya sa kaniya nakuha na rin ata ni Tiya ang pinapahiwatig ng asawa. 

"Bakit, Joan? Totoo naman, hindi ba?" Sambit ni Tiyo. "Hoy, ikaw, Jossa."

Nahihiyang hininto ko ang paglalagay ng kanin sa plato ko at tinignan siya.

"P-Po?"

"Bakit hindi mo nalang tanggapin ang alok ng Tiyahin mo na nasa manila? Anong gusto mo? Mabuhay nalang dito sa probinsiya at mamatay din dito? Aba'y huwag mo kaming idamay! Wala kang mapapala kung parati ka lamang tatambay diyan sa labas ng bahay at tumunganga sa dagat maghapon! Kahit anong hintay mo riyan ay hindi aahon ang nanay at tatay mo! Ano ka ba—" sigaw nito. 

"Lando, ano ka ba naman!" Sigaw ni Tiya.

Hinarap siya ni Tiyo. 

"Joan, hindi magigising itong pamangkin mo kung hindi na'tin pagsasabihan." Galit na sabi ni Tiyo.

"Nasa hapag tayo—"

"Tumahimik ka na!" Sigaw din ni Tiyo. "Huwag mo kong pakialaman. Sa ating dalawa ako ang mas may karapatan na sumbatan iyang mga pamangkin mo dahil ako ang nahihirapan kumayod sa pamilyang ito!"

"Lando, umayos ka!" sigaw ni Tiya. 

Mas lalo akong nararamdaman ng hiya. Heto na naman sila. Nagtatalo nang dahil sa amin. 

"Ikaw ang umayos, Joan! Hahayaan mo nalang ba 'yang dalawang 'yan dito! Ako ang nagtatrabaho sa ating dalawa! Ako ang naghihirap para may kainin tayo! Tapos dadagdag pa itong mga 'to!" Sigaw niya. 

Tinignan kami ni Tiyo. Masamang tingin.

"Palibhasa'y hindi niyo alam ang hirap na ginagawa ko dahil puro lamang kayo kain!" Dagdag niya. 

"Nasa hapag tayo, Lando!" Galit na ani Tiya pero hindi siya pinansin ni Tiyo.

"Ate..."

Yumakap sa akin si Anton. Niyakap ko rin siya habang nakayuko.

"Tanggapin mo na ang alok ng Tiyahin mo, Jossa! Nang magkasilbi ka naman dito sa bahay! Hindi lang puro ako! Hindi lang puro asa sa Tiya Joan mo! Aba'y hindi ka na dalaga, matanda ka na! May kapatid kang umaasa sa 'yo! Galaw-galaw baka sumunod ka sa mga magulang mo!"

Padabog na tinapon ni Tiya ang sandok sa gawi ni Tiyo. Mabuti na lamang ay hindi tumama kay Tiyo, nilagpasan lamang siya nito. 

Napapikit naman ako habang yakap si Anton. Sobrang nahihiya ako.

"Sumosobra ka na!" Sigaw ni Tiya. 

Hindi natapos ang sigawan nila Tiya at Tiyo. Umalis si Tiyo ng bahay at sinubukan siyang habulin ni Tiya ngunit hindi ito bumalik. Bumalik si Tiya sa hapag at kumain kami. Todo hingi nang paumanhin si Tiya na lalong ikinahiya ko. 

Nang matapos kami kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Huling natapos si Clara. Pabalang na nilagay niya sa lababo ang plato niya. 

"Mga sampid." Dinig kong sabi niya bago ako iniwan. 

Napabuntong-hininga ako.

Lumipas pa ang mga araw. Paulit-ulit lamang ang nangyayari. Lagi akong kinakausap ni Tita sa tuwing natatapos ang pag-aaway nila ni Tiyo. Lagi niyang sinasabi na ayos lamang iyon kahit alam kong hindi naman talaga. Hindi ko rin masisisi si Tiyo. Mahirap talaga kumita ng pera rito sa probinsiya. Tapos marami pa ang kaniyang pinapakain.

Hanggang dumating ang gabi na nakapagdesisiyon na ako. Kailangan kong maghanapbuhay hindi dahil sinabi ni Tiyo kundi para sa kapatid kong si Anton. Malapit na muli ang pasukan. Kakailanganin na ng mga gamit nito. Kaya kailangan kong maghanap ng trabaho para sa pag-aaral niya. Ayoko naman i-asa nalang pati iyon kina Tiya. 

"Opo, Tyang, sigurado na po ako." Buong loob na sagot ko.

"O, sya, kailan ka luluwas ng manila?" Tanong ni Tiya Lorna sa kabilang linya.

"Pwede po bang bukas agad?"

"May pamasahe ka ba?" Tanong niya. 

Tinignan ko ang hawak na limang daan. Sakto na ba ito? O kulang ba? 

"Opo, nakapag-ipon po ako sa mga paglalaba ko." Sagot ko. 

"O, sya, alam mo na naman ang bahay ko rito hindi ba?"

"Ah, medyo hindi na po."

"O, sya, sya tatawagan nalang kita para matulungan kita papunta rito. Mag-iingat ka bukas."

"Opo, Tyang, salamat po."

Tumanaw ako sa dagat nang mamatay ang tawag. 

"Nay, Tay, gabayan niyo po ako sa buhay na kakaharapin ko sa manila. Para po ito sa amin ni Anton." Bulong ko sa hangin. 

Nang matapos kaming maghapunan. Kinausap ako ni Tiya. Nabanggit ko kasi kanina habang nakain kami na tutuloy ako sa pagpunta ng manila. Natuwa naman si Tiyo sa balita ko na iyon. 

"Sigurado ka na ba talaga, Jo?" Pang-sampung tanong sa akin ni Tiya. 

Tumango ako. 

"Opo, Tiya. Para po ito sa amin ni Anton at para po makatulong ako sa inyo kahit papaano sa pagpapatuloy niyo po sa amin dito." 

Niyakap niya ako. 

"Huwag mong alalahanin iyon. Mga pamangkin ko kayo kaya ko iyon ginagawa hindi para isumbat sa iyo." 

"Maraming-maraming salamat sa mga ginagawa niyo ni Tiyo sa aming magkapatid, Tiya." Taos pusong pasasalamat ko. 

"Wala iyon, Jossa. Mag-iingat ka sa manila, ha? Balitaan mo nalang kami." Anito saka humiwalay sa akin. "Paano pala si Anton?" 

"P-Pwede ko ba muna siyang iwan dito? Kapag nakaluwag-luwag po ako sa mapapasukan kong trabaho ay isasama ko siya."

Tumango si Tiya atsaka ngumiti. 

"Oo naman! Huwag kang mag-aalala, ako na muna ang bahala kay Anton."

Ngumiti ako. 

"Magpapadala na lang po ako." 

Mahabang pag-uusap ang napag-usapan namin ni Tiya. May mga binanggit siya sa akin na makikita ko raw sa terminal ng bus. Hindi ko man naintindihan pero isinaulo ko pa rin baka sakaling makatulungan sa akin. 

Nasa kwarto ako habang nagliligpit ng mga gamit. Si Anton ay walang tigil sa pag-iyak habang nakayakap sa akin. Kanina niya pa ako pinipigilan na huwag umalis. 

"A-Ate, huwag ka na p-pong umalis... Wala na po a-akong ate..." Umiiyak niyang sabi. Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin. 

Pinigilan ko ang luha na nagbabalak umagos sa mga mata ko. Kailangan kong magpakatatag. Para ito sa amin. Para ito sa kinabukasan mo, Anton. 

"Anton, saglit lang naman tayong magkakahiwalay. Kapag nakasahod na si Ate kukuhain din kita rito." Marahan na hinimas ko ang buhok niya. 

Umiling-iling siya. 

"A-Ayoko po, ate! H-Huwag ka na pong umalis!" Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko ang pamamasa ng damit ko kung saan niya isiniksik ang mukha niya. 

Tinigil ko ang ginagawa at hinarap siya. Hinawakan ko ang pisnge niya at inaangat ang ulo sa akin. Basang-basa ang mga pisnge niya ng luha, may tumutulong sipon na rin sa ilong niya. 

"A-Ate, huwag ka na pong...umalis..." 

Tumitig ako sa mga mata niya. Naramdaman kong kumawala na sa mga mata ko ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha. Masakit din itong gagawin ko, Anton. Pero para sa iyo ito kaya kahit masakit, okay lang. Basta ikaw ang pag-uusapan, gagawin ko ang lahat. Pinangako ko kina Nanay at Tatay na bubuhayin kita kaya naman gagawin ko ito. 

"Babalikan kita, Anton. B-Babalik ako." 

___

DB

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Pearla Victoria
update po author...
goodnovel comment avatar
Ebhor Aznetac
wla pa update
goodnovel comment avatar
Rohan Carl Tornito
update plss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    UNA: PUTING VAN

    UNA: PUTING VANMadaling araw pa lang ay umalis na ako ng bahay. Nakasuot ako ng puting damit at itim na pants. Ayon lang kasi ang pang-alis na mayroon ako. Dahil inayos ko na ang gamit kagabi, wala na ako masyadong niligpit ngayon. Nang matapos ang mga dapat gawin at matignan ang mga dapat dalhin ay napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Anton.Kumirot ang puso ko habang tinitignan ang maamo niyang mukha. Hindi ko na pigilan ang mga luha na umagos sa mga pisnge ko nang umupo ako sa tabi. Dahan-dahan na umupo ako sa gilid niya at dahan-dahan na niyakap siya. Umiiyak na niyakap ko siya na walang kamalay-malay."B-Babalikan kita. Magpakabait ka na muna rito kina Tiya..." bulong ko.Nagising si Tiya bago pa ako makaalis. Nagkasalubong kami sa kusina. Bumaba ang tingin niya sa mga gamit na hawak ko bago ako tinignan.Ngumiti siya sa akin at naglakad pa

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    DALAWA: KAKILALA

    DALAWA: KAKILALANatapos ang seremonya at tuluyan nang ibinaba ang kabaong sa ilalim ng lupa. Lalong lumakas ang iyakan ng dalawang puslit na nasa bisig ng binata. Hindi ko man kita ang mga mukha nila ngunit alam kong puno iyon ng luha dahil sa pagluluksa. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay naluluha sa nakikita. Hindi ko sila kilala ngunit nararamdaman ko ang nararamdaman nila ngayon. Alam kong sobrang sakit nawalan ng mahal sa buhay. Sobra na para bang ikamamatay mo.Ngunit hindi tayo aahon sa kalungkutan na iyon kung hindi na'tin hahayaan ang sarili na mag-move on. Kailangan na'tin tanggapin na wala na sila para makausad tayo. Kailangan na'tin iyon para makapagpatuloy sa buhay.Natigilan ako at nawala ang atensiyon sa mga nag-iiyakan na kumpol na mga tao nang maradaman ko at narinig kong tumunog ang telepono na nasa bulsa ng bag na dala ko.Mabilis ko itong kinuha at nakita na

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    TATLO: NATAPUNAN

    TATLO: NATAPUNANTanghali ako gumising kinabukasan. Namahay kasi ako kaya hindi agad ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang ulit akong sinuway ni Manang Loyda dahil ang likot ko raw katabi. Kaya kinabukasan, alas nuebe na ako nagising. Kung hindi pa nga pumasok si Manang sa loob ng kwarto para balikan ako ay hindi pa ako magigising."Hay naku ka, Jossa! Pati ako ay hindi mo pinatulog nang maayos kagabi. Mabuti na lamang ay nagising pa rin ako nang maaga." Anito habang nakatayo sa labas ng pinto. "O, sya, maligo ka na muna. Nariyan sa kabinet na pangalawa ang naiwang maid's outfit no'ng umalis na kasambahay dito. Sana ay sumakto sa iyo. Pagtapos mo dumiretso ka na sa kusina. Okay?"Aalis na sana siya nang pigilan ko."Uhm, Manang..."Muli niya akong hinarap. "Bakit?""H-Hindi ko po alam kung nasaan ang kusina." Sabi ko."Ay

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    APAT: Sir Cuenca

    APAT: Sir Cuenca"S... Sir?"Literal na napanganga ako sa ginawa kong katangahan. Nakita ko na napapikit pa ang taong sinabuyan ko ng tubig bago nagmulat at masamang tumingin sa akin. Nanlambot ang mga tuhod nang makita ang madidilim niyang mga mata. Pero kahit na gano'n siya tumingin sa akin, hindi nakaligtas sa akin ang itim sa ilalim ng mga mata niya.Agad kong binaba ang baso na hawak at natataranta na kumuha ako ng tissue na nasa tabi ng lagayan ng plato. Mabilis pa sa alas kwarto akong tumakbo roon at bumalik kay sa kaniya para punasan siya."P-Pasensiya na po, sir... H-Hindi ko po sinasadya..." Mahinang bulong ko habang patuloy na pinunasan siya.Unang dumapo ang mga palad ko sa leeg niya. Kahit na may tissue ang palad ko at basa ang leeg niya ay dama ko sa mga palad ang init na nagmumula sa leeg niya.Sunod kong pinunasan ang dibdi

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    LIMA: Naglalasing

    LIMA: NAGLALASING"Hello, Anton, kumusta ka na?"Hapon nang araw na hinatid namin si Tina sa eskwela ay napagpasyahan kong tumawag kay Tiya Joan sa probinsiya. Kakatapos ko lamang magwalis sa labas ng bahay. Nakaupo ako rito sa garden habang kausap sa kabilang linya si Anton at si Tiya."Ate, kailan ka po babalik?"Natawa ako.Nakaramdam din ako nang kaunting kalungkutan nang marinig ang boses niya. Na-mi-miss ko na siya. Dalawang araw na rin matapos kong makarating dito sa manila. Sapat na mga araw iyon para mangulila ako sa kaniya. Malalim na bumuntong hininga ako. Kauntin tiis nalang, Jossa, makakasama mo rin si Anton. Mag hintay ka lamang. "Hindi na ako uuwi riyan, Anto—"Agad siyang nagreak bago ko pa matapos ang sasabihin."Ano, Ate?!" Gulat na aniya. "P-Paano ako, Ate, kung hindi ka na babalik? I-Iiwan mo na rin ba ako, Ate, katulad nang pag-iwan sa atin nila N-Nanay at Tatay...? Ate, sabi

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    ANIM: Mga Bisita

    ANIM: MGA BISITA"Jossa."Dahan-dahan akong humarap sa kaniya nang muli niya akong tawagin. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang makita na nasa pinto na siya at malaki na ang bukas ng pinto. Paanong naroon na agad siya? Ni hindi ko narinig ang mga yabag niya?"S-Sir..." Mahina na sabi ko. "M-May kailangan po kayo?"Pinagsaklob ko ang mga palad sa likuran. Naramdaman ko ang pagnginig ng mga tuhod dahil sa titig niya. Mas nakakatakot ang hitsura niya ngayon.Tanaw ko ang mamasa-masa niyang mga mata at namumulang ilong. Mas lalo akong nanghina nang makita ang lungkot sa itim niyang mga mata. Bukod ro'n, hindi rin maayos ang buhok niya: magulo ang mga ito. Hindi rin nakaayos ang polo na suot niya: ang tatlong butones ay nakabukas at magusot."Kanina ka pa rito?" malamig na tanong niya.

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    PITO: Yakap

    PITO: YAKAP"Wala pa rin ang mga alaga ko?"Nagtipon-tipon kami rito sa mahabang mesa. Nagluto kasi si Manang Loyda ng adobong pusit.Ala siete na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi sila Tina at Tj. Ang sabi ni Ma'am Ana ay bago magdilim uuwi na sila pero bakit wala pa rin sila?"Ang sabi ni Madam, baka roon na raw niya sa bahay nila patulugin ang dalawa." Sagot ni Cecille sa tanong ni Manang.Napatingin ako sa kaniya. Busy na naman siya sa cellphone nito.Nasa kaliwang bahagi ako at si Mel. Nasa kanan na bahagi si Cecille katabi niya si Mang Kanor, Mang Kaloy at Joshua. Matutulog sa bahay nila? Saan ba ang bahay nila? Alam na kaya ni Sir Cuenca ito?"Kailan sinabi?" Tanong ni Manang Loyda. Nilagay niya sa gitnang mesa ang niluto."Mukhang masarap 'yan, ah!" Komento ni Mang Kanor."Ako nagluto, siyempre masarap talaga!" Nagmamalaki na sabi ni Manang. "Kailan sinabi, Cecille?""Ka-text

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    WALO: PINAPANOOD

    WALO: PINAPANOODNagising ako nang maramdaman na may mabigat na bagay na dumadaan sa bandang tiyan ko. No'ng una ay binalewala ko lamang iyon dahil akala ko si Manang Loyda lamang ang nakadaan sa akin. Ngunit hindi kalauna'y sumagi sa aking isipan ang nangyari kagabi. Napabalikwas ako nang tayo nang maalala ang nangyari kagabi. "Hmm..." ungol ng katabi ko nang biglang tumilapon ang kamay niya pabalik sa kaniya. Nanigas ako sa kinauupuan nang marinig na hindi iyon boses ni Manang Loyda. Dahan-dahan kong binalingan ang katabi at nanlaki ang mga mata ko sa nakita! 'S-Sir!' Sigaw ko sa isipan. Nakapikit pa ang mga mata nito. Gano'n pa rin ang suot niya ngunit mas nawindang ako dahil ngayon ay lahat ng butones niya ay nakabukas na. Malaya kong nakikita ang magandang niyang katawan. 'Tila ba sadyang nakahain ito sa akin. Halos maglaway ako sa ganda ng katawan niya. Ukit na ukit ang anim niyang mga pandesal

Pinakabagong kabanata

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    SPECIAL CHAPTER #3 - Part 2 (Last Part)

    SPECIAL CHAPTER #3 PART TWO TYSON’S POINT OF VIEW: “FVCK!” Binato ko ang cellphone sa pader nitong opisina ko. Malakas na tumunog iyon bago bumagsak sa sahig. Malamang nasira sa sobrang lakas nang pagkakabato ko. I don’t fvcking care! Anong silbi ng cellphone kung ni isang greetings from the people I treasure the most ay wala akong natanggap! “D*MN THIS!” I looked at the wall clock and saw it’s almost 12 midnight. But I received nothing! It’s eleven fvcking fifty-eight! Two minutes before my birthday but no one message to greet me?! The fvck?!“D*MN!” malakas kong sinuntok ang table sa harap ko. Sinadya kong hindi agad umuwi para hintayin ang mga bati nila sa akin. Kahit kaninang umaga pag-alis ko ng bahay, ni hindi nila ako sinabihan o binati. Wala. Maaga kong pinauwi ang mga employees ko ngayon to celebrate my birthday but I think walang selebrasyon na magaganap. I waited and stayed here for so damn many hours to received nothing! Inis na tumayo ako at dinampot ang gamit.

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    SPECIAL CHAPTER #3 - Part 1

    SPECIAL CHAPTER #3 PART ONE"Jossa."Hindi ko alam ngunit hindi pa rin ako mapalagay at hindi pa rin ako komportable sa tuwing nakikita ko si Ma'am Ana, ang ina ni Tyson.Pilit kong inayos ang pagkakaupo at tinignan siya. Kita kong nakatingin siya sa akin gamit ang masayang mukha. Simula noong kinasal kami ni Tyson ay wala na siyanh ibang naging tutol pa kundi ay tanggapin kami.Masaya ako sa wakas na tinanggap niya na ako para sa anak niya. Ngunit hindi ko talaga maalis sa aking sarili at isipan na sa tuwing nakikita siya ay naalala ko ang gabing dinukot niya ang kapatid ko at pinapili niya ako."M-Ma'am..." tawag ko sa kaniya."Hindi ba't sabi ko ay mama na rin ang itawag mo sa akin," nakangiting saad niya. Naalala ko noong pagkatapos ng kasal namin ay nagkausap na kami tungkol doon. Hinayaan niya na akong tawagin siyang mama. "You look... uncomfortable. Am I making you uncomfortable?"Dahan-dahan akong tumango."S-Sorry po... ma..." mahinang sabi ko. "H-hindi ko lang po talaga maa

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    Special Chapter #2

    SPECIAL CHAPTER #2"Ang taray mo na talaga, Jo. Hindi na ikaw ang Jo na kilala namin."Natawa ako sa sinabi ni Tisoy. Napatakip pa siya sa bibig habang nanlalaking mga matang pinagmamasdan ako."Mala-prinsesa ang datingan, 'di ba?" Dagdag ni Klay. "Hindi na'tin ma-reach ang kaniyang life."Napailing na ako sa mga reaction nila. Nandito kami ngayon sa isa sa kainin dito sa hotel. May ginagawa rin kasi si Tyson na kailangan ipasa ngayong araw kaya nagpaalam ako na makikipagkita sa dalawang ito. Mabuti nalang at pinayagan sila nila ma'am na magpahinga ng isang oras para makausap ako."Pasensiya na pala kayo't hindi ko kayo naimbintahan sa kasal," paghihingi ko ng tawad. "Sobra-sobra na kasi ang pumunta.""Wala na magtatampo na kami niyan." Sabi ni Tisoy.Nakatanggap siya ng hampas kay Klay."Ano ka ba, ayos lang," ani Klay. "Naintindihan naman namin at least umabot sa amin ang food niyo."Nandoon kasi sila Tiya Joan kaya pinadalhan ko nalang sila ng pagkain dahil nga hindi rin sila nakab

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    Special Chapter #1

    SPECIAL CHAPTER #1READ AT YOUR OWN RISK! "This is our time, darling."Hindi ko pa nagagawang sumagot ay bigla niya nalang akong siniil ng halik. Dama ko ang pangigigil sa bawat hagod ng labi niya sa mga labi ko. Alam kong kanina niya pa gusto gawin ito. Alam kong kanina pa siya nagtitiis. Kaya naman, sino ako para pigilan pa siya ngayon?Nandito kami sa resort na pinagtatrabahuhan ko sa probinsiya. Sinalubing nga kami ng mga katrabaho ko at ng mga dati kong amo kanina sa bungad nitong hotel bago kami pumunta rito sa kwarto. Iba sa pakiramdam ang makita ang mga nakangiti nilang mukha kanina. Tuwang-tuwa sila habang pinapanood kami. Lalong-lalo na nag dalawa kong kaibigan na si Tisoy at Klay. Hindi ko pa sila nakakausap pero kakausapin ko sila bago kami umuwi ng maynila.Tatlong araw lang kami rito dahil kailangan na talagang bumalik ni Tyson sa trabaho. Ang dami niya na kasing tambak na gawain.Napasandal ako sa pader nang lumalim ang halik niya. Dama ko ang pagpasok ng dila niya sa

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    FINALE

    FINALE"Congratulations to Mr. and Mrs. Cuenca!"Naramdaman ko ang pagpulot ng kamay ni Tyson sa bewang ko at marahan na nilapit sa kaniya. Inangat ko ang tingin sa kaniya at malawak na ngumiti. Asawa ko na nga talaga siya. Sa wakas...Ngumiti rin siya at saka ako hinalikan sa gilid ng ulo. "I'm so happy, Mrs. Cuenca," bulong niya. "Finally, you're mine."Napahawak ako sa dibdib niya atsaka sinandal ang ulo sa kaniya. "Sobrang saya ko rin, darling... I love you.""I love you, too."Dahan-dahan na lumapit ang mukha niya sa akin at bumaba sa mga labi ko. Napapikit ako at naramdaman ang paggalaw ng labi niya. Dama ko ang pangigigil sa labi niya at ang paghigpit ng hawak niya sa beywang ko. Napahawak nalang ako sa kaniya nang mawalan ng lakas dahil sa halik niya. "Mamaya na 'yan, sir! Kumain muna tayo bago 'yan!" dinig kong sigaw ni Manang.Nagtawanan ang lahat ng tao rito sa simbahan sa sinabi niya.Nagdilat ako ng mga mata at nakita ang ngiti sa mga labi niya. "Well, I can wait for t

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    79

    79"Let's talk."Ilang beses niya akong sinubukan kausapin sa dalawang araw na nagdaan. Puro iwas at tago ang ginawa ko. Nagtataka na nga ang mga katrabaho ko sa ginawa ko pero wala akong pake. Basta mataguan ko siya at hindi kami magkita. "Just give me a minute to talk to you." Hindi ko siya pinansin at mabilis na tinalikuran. Kanina niya pa ako sinusubukan na kausapin pero pinapabayaan ko lang siya. Ngayong araw ay ilang beses niya na naman akong kinulit. Hindi ba siya napapagod? Sabing ayoko nga, e. Ano bang gusto nitong pag-usapan? Matapos niya akong sabihin ng mga gano'ng bagay ay lalapit siya bigla? Bakit? Para saan? At bakit niya ako gusto makausap? Hindi naman siguro dahil kay Teinia, 'di ba?"Hey!" Naramdaman kong sumunod siya sa akin. "I said, let's talk." "Busy ako, sir." Sabi ko habang mabilis na humahakbang palayo sa kaniya. "Sa iba nalang po kayo magtanong.""Give me five minutes, hey." Hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kaniya. "Just five minutes."Hindi ko

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    78

    78THIRD PERSON POINT OF VIEWTumakbo palapit si Teinia kay Jossa. Yumakap siya sa ina at doon nawala ang pokus ni Jossa kay Tyson. Umupo siya at hinawakan ang mukha ng anak."O-Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. "Sorry kung napabayaan kita. Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang?"Ngumiti naman si Teinia atsaka tumango. "Opo, ma! Okay lang po ako. Tinulungan po ako ni kuya, e!" Tinuro niya si Tyson na ngayon ay nakatulala pa rin habang nakatingin sa dalawa. "Mabait po siya, 'no, ma?"Napatitig ulit si Jossa kay Tyson. Nakita niya kung paano tumitig ito sa kanila. Naalala na naman niya ang huling pag-uusap nila. Sinubukan niyang kausapin ito ngunit sadyang ayaw ni Tyson. Pero ngayon na nandito siya ay 'tila nawala lahat ng nais niyang sabihin. Lalo pa't nandito rin si Teinia."Ma?""H-Ha?" Napatingin siya kay Teinia. "A-Ah, oo... ang bait niya nga. Nagpasalamat ka na ba? Magpasalamat ka."Humarap si Teinia at ngumiti kay Tyson. "Kuya, salamat po ulit." Yumuko pa siya. "Nandito n

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    77

    77THIRD'S POINT OF VIEW:"Happy fiesta, mga ka-barangay!"Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay maingay na ang bayan nila Jossa. Bawat tao mapasa-loob man ng bahay, labas, kalsada at mga bubong ay iisa ang isinisigaw. Lahat ay may magagandang ngiti sa kanilang mga labi na siyang nagpapakita kung gaano sila kasaya. Lahat ay tuwang-tuwa habang binabati ang isa't isa ng happy fiesta.Sa bahay ng tiyahin ni Jossa ay gano'n din. Masaya silang nagbatian at nagyakapan. "Hali na't maghain na tayo." Nakangiting sabi ni Joan, ang tiyahin ni Jossa. "Pagsaluhan na na'tin ang hinanda ko habang mainit pa."Silang pamilya lang ang naroon. Bukod sa may handa rin ang mga kapitbahay nila kaya hindi nila inimbita, malalayo rin ang iba nilang kamag-anak katulad nalang ni Lorna na nasa maynila pa nakatira.Umupo sila at pinagsaluhan ang pagkain sa hapag. Masaya at tuwang-tuwa ang mga bata habang sila ay nagkukuwento habang nagsasalo-salo.Ito ang masaya sa tuwing sasapit ang piyesta. Halos lahat a

  • YAYA MOMMY (TAGALOG)    76

    76Magulo ang isip ko. Hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko pag-alis ni Tyson. Akala niya ba'y nagsisinungaling ako? Anong sinasabi niyang kamukha ko ang darling niya? E, ako naman talaga 'to?Saka...Ano raw?Patay na ako? Patay na ako sabi ng mama niya? Paanong patay na ako, e, ito nga ako?"A-At... naniwala siya ro'n?" mahinang bulong ko sa sarili. "K-kasinungalingan... hindi ko akalain na magagawa ni Ma'am Ana ang lahat nang ito... napakagaling niya...""Sino?"Napitlag ako at agad na humarap sa likuran. Nakita ko si Tisoy na nakatingin sa akin."I-Ikaw pala...""Sinong kausap mo?" takang tanong niya. "May kinakausap ka bang hindi ko nakikita, Jo? Hoy! Iba na 'yan, ah?"Hindi ako nakasagot."Biro lang," tumawa siya at bahagya pa akong hinampas sa braso. "Ayos ka lang ba? Nakatulala ka rito at may kung ano-anong sinasabi. Okay ka lang?"Mahinang tumango ako."Sigurado ka?" Nag-aalala ang tono niya. "Alam mo, hindi man tayo gano'n kalapit sa isa't isa, pwede mo parin sabihin

DMCA.com Protection Status