Limang taon na nakulong si Brianna at inakusahan na manloloko ng pamilya Smith at ng fiance nito na si David. Pagkalabas ng kulungan ay pinilit itong mag-donate ng kidney para sa anak ng mga Smith na nauwi sa isang trahedya. Buong akala niya ay tuluyan nang nawalan ng pakielam si David sa kanya ngunit sa burol ni Brianna ay labis ang naging pag-iyak at pagwawala ng lalaki na taliwas sa inaasahan ng lahat na magsasaya siya. At pagkatapos ng tatlong taon, nagulat ang lahat nang makita nila si Brianna, ngayon ay fiance na ng kapatid ni David, buhay at ibang-iba na sa Brianna na nakilala ng lahat. David and the Smiths are all mad... ngunit nagulat ang lahat nang halos magmakaawa si David para lang balikan siya ng dalaga. Ngunit paano gagawin iyon ni Brianna kung halos lahat ng trauma na dinanas niya ay nagmula nang makilala niya ang lalaki?
View More"HI, MOMMY!!" Naiiyak si Yanna habang nakatingin sa tablet niya. Ka-video call nito ngayon ang anak na si Nate, nakasuot pa ng uniform ang bata at kagagaling lang sa school.Nagi-guilty siya na hindi niya nakakasama ang anak."Hi, baby," aniya at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata. "Kumusta ang school?""Okay naman po. Nag-play kami ng ball kanina. And tomorrow, may school program kami. Pwede magsama ng guardian, sasamahan daw ako ni Tito Paulo."Siya dapat ang gumagawa no'n at hindi si Paulo. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang mag-book ng flight patungo sa anak. But she needs to do this. She needs to clean her name.Dahil doon ay naglakas-loob siyang alamin kung nasaan si Hiraya. Unang beses niyang makikita ang babae, sa kanyang pagkakaalam. Dahil ang mga nauna nilang pagkikita ay hindi na niya maalala.Nang malaman kung nasaan ang babae ay hindi na siya nagsabi sa kahit na sino, maging kay Kristoff. Alam niyang pipigilan siya nito at idadahila
UMINIT ANG PUSO NI YANNA nang mabasa ang e-mail na kaka-send lang ngayong umaga. Nasa restaurant siya ngayon at nag-aayos ng mga records ng sales nila habang nagre-reply na rin sa ibang e-mails. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ay ang mag-message sa kanya ang isang sikat na hotel and resort owner. Mag-o-open ito ng branch sa Cebu, nakahanda na ang lahat, at gusto nila na ang restaurant niya ang mag-cater dahil gusto nila ang mga menu niya. It's a big project for Yanna. At malaking bagay rin iyon para sa team niya sa manila."Aahhh, hindi ako makapaniwala. Talaga po bang special request nila na tayo ang mag-cater doon?" tanong ni Myla, isa sa mga chef niya."Juskooo! Mga milyonaryo ang mga bisita roon," kinikilig na sabi ni Kendra."Malandi ka, lalaki na naman nasa isip mo," sabi ng isa pa.Masayang nakitawa si Yanna sa mga sinasabi nila. The meeting isn't dull. Bagaman wala siyang maalala na nakausap niya na ang mga ito dahil ang naaalala niya lang ay umuwi sila rito ni Kristoff pa
HINDI MAPIGILAN NI DAVID ang ngiti habang nasa passenger seat ng sasakyan niya si Yanna. Habang ang babae naman ay nakabusangot at halatang nakaupo lang doon dahil wala siyang choice. "Music?" tanong ni David para hindi sobrang awkward sa loob ng sasakyan. Hindi umimik si Yanna at sa halip ay pinokus ang atensyon sa cellphone nito. Pasimpleng sinilip ni David iyon at nakitang pa-lowbatt na ang babae. "Gusto mo ng charger?" Lumingon sa kanya si Yanna na may tingin na parang gusto na siyang sakalin. "Alright, pauwi ka na rin naman," ani David na siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong. Hindi na ulit siya umimik pagkatapos no'n dahil baka mabwisit pa lalo sa kanya. Sa halip ang ginawa niya ay binagalan niya ang mag-drive. Every minute counts for him right now. Hindi niya alam kung mauulit pa ba ang pagkakataon na ito at kung kailan pa ba ulit mangyayari iyon. For now, he's happy to be in the same place with her. At ang maihatid ito ng maayos sa bahay nito. "Ganito k
NAKALABAS NA SI YANNA mula sa hospital. Maayos na ang lagay nito pero katulad noong nagising ito ay hindi pa rin niya naaalala ang mga huling nangyari sa kanya. Ngayon ay nakatanaw si David kay Yanna at Kristoff. Masaya ang dalawa na kumakain sa park, nagkwekwentuhan at halatang komportable sa isa't isa. Kristoff took care of Yanna, katulad ng ipinangako nito kay David. Pero hindi niya iyon gusto. He wants to be the one to take care of her. Pero pinagbigyan niya ang gusto ni Paulo na 'wag na munang biglain si Yanna. Pero hanggang kailan niya ba kakayanin iyon? "Bumalik na siya kung saan siya nanggaling." Napalingon si David nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. It's Fiona. Nakasuot ito ng dress at sunglasses. "Ano'ng ginagawa mo rito?" iritadong sabi ni David. Malinaw na sa kanila na aksidente ang nangyari pero sa isipan ni David ay may kasalanan pa rin doon si Fiona. Ayaw magsabi nito at si Yanna naman ay hindi makaalala kaya hindi nila alam kung ano nga ba ang n
NANGHINA SI FIONA nang makita ang video mula kay David. CCTV iyon sa labas ng hospital kung saan pumasok si Fiona at ilang segundo lang ay pumasok din si Yanna. Pagkatapos ay nakitang lumabas si Yanna, galit, umiiyak, at nagmamadali.Napanganga siya at nanginig ang buong katawan. Ang mga salitang sinabi niya noon kay Hiraya habang galit siya... ibig sabihin ay narinig iyon lahat ni Yanna?"What?" malakas na sabi ni David. "Sabihin mo ngayon na wala kang kinalaman dito."Umiling si Fiona at kita ang kaba sa mukha nito. Yanna probably knew by now."H-hindi ko alam, hindi kami nagkita--""Oh, shut up!" putol ni David. "Alam naman nating lahat na ikaw lang ang gumagawa ng mga ganitong palabas. Now what? Ano na naman ang sinabi mong paninira?"Tumingin siya kay Brent, nanghihingi ng tulong."K-kuya, I... I didn't. Hindi talaga kami nagkita ni Yanna." Humarap siya kay David. "P-pwede niyong tanungin si Hiraya. Nasa loob ako ng hospital room niya nang mga oras na iyan at hindi ko nakita si Y
"Y-YANNA, may narinig ka ba bago ka maaksidente?" Kumuyom ang kamao ni Paulo. "Dapat talaga hindi ka na nagtiwala ulit diyan sa David na iyan, siya na naman ba ang dahilan kung bakit nangyari ito?" Kumunot ang noo ni Yanna sa mga salita ni Paulo. "Na naman?" nagtataka niyang tanong. "Hindi na ako magtitiwala talaga ulit doon sa taong iyon, Kuya. Remember everything he did? Pinabugbog niya pa nga ako sa kulungan hindi ba? That jerk." Napaatras si Paulo at tila nawalan ng lakas. Lumakas ang kabog sa dibdib niya at may kabang namumuo roon. Nanginginig ang mga labi nito bago muling nagsalita. "H-hindi ba at tapos na kayo sa isyu na iyan? Akala ko ba--" Umiling si Yanna. "Kahit pa matagal na iyon ay ginawa niya pa rin iyon. Bakit niyo pa ba pinapunta ang lalaki na iyon dito? Akala ko ba lahat tayo ay galit sa kanya?" Napahawak sa bibig si Paulo at nanlalaki ang mga mata nang magkaroon ng ideya sa nangyayari. Tumingin siya sa doctor na tahimik lang na nakikinig sa kanilang magkapatid.
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mata si Yanna, nagtataka nitong tiningnan ang paligid na halos nagkakagulo sa paggising niya. Bumaba ang tingin niya sa mga nakatusok sa kanyang kamay at agad napagtanto na nasa hospital siya. "Oh my God," tila nakahinga nang maluwag na bulalas ni Paulo at agad dumalo kay Yanna. "Pinag-alala mo kami ng sobra. May masakit ba sa'yo?" Umingit siya at pinakiramdaman ang sarili. "Nanghihina lang pero wala namang masakit. Wait, what happened?" Lumapit si Kristoff sa kanya, kita rin ang pag-aalala sa mukha ng lalaki. "Car accident," sagot nito. "Sigurado ka walang masakit sa iyo?" Sa halip na sagutin iyon ay agad niyang hinanap ang anak. "Nasaan si Nate? Sinong kasama niya?" "Don't worry, nasa parents siya ni Kristoff. Hindi ko na muna sinabi ang aksidente dahil baka magwala ang bata, bawal din naman siya rito." Nakahinga nang maluwag si Yanna, ayaw niya rin sabihin sa anak ang sitwasyon. 'Car accident'? Bakit hindi niya maalala ang nangyari? Pareh
"Sir..." Tumingin si David sa assistant niya at nagtaka sa expression na pinapakita nito. "Bakit? May nangyari ba? You can go if it's an emergency. Wala naman na masyadong gagawin," sabi nito. "Uhh..." Huminga nang malalim ang lalaki bago lumapit at unti-unting hinarap ang tablet na hawak kay David. "What's that?" tanong ni David bago tiningnan ang nakalagay sa tablet. Article iyon ng isang sikat at reliable na pahayagan. May aksidente raw na naganap sa hindi kalayuan sa isang hospital. The victim is a woman in her late twenties. "Uso talaga aksidente sa bandang iyan," sabi ni David. "Sir..." muling tawag ng assistant niya. "Tingin ko ay kailangan niyo pong basahin ang pangalan ng biktima." Kumunot ang noo ni David bago sinunod ang sinabi nito. Nanlamig ang buong katawan niya sa nabasa. Hindi siya agad nakakilos na para bang nasemento na siya sa kinauupuan. At nang lumipas ang dalawang minuto ay nagmamadali niyang kinuha ang susi ng sasakyan at tumakbo palabas ng o
"MAGMAKAAWA? NAHIHIBANG NA BA SILA? I can just pay that lawyer or whatever! Damn it!" Galit na galit si Fiona na lumabas ng bahay. Nakasalubong niya si Brent pero maging ito ay hindi niya pinansin. Abala ang utak niya sa pag-iisip kung sino marahil ang witness na sinasabi ni David. "Jaewon Hospital," sabi niya sa taxi driver ng taxi na sinakyan. Isa pang nagpapainit ng ulo niya ay walang available na driver sa bahay nila. May lakad ang mag-asawa at sa hiwalay na lugar kaya walang driver na pwedeng maghatid sa kanya ngayon. "At gusto pa nilang papuntahin ako sa Yanna na iyon na walang sasakyan?" iritadong sabi niya sa sarili. Napatingin ang driver sa kanya, nagtataka at napapaisip kung siya ba ang kausap ni Fiona o hindi. Inirapan naman ito ni Fiona kaya hindi na umimik ang driver. Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa pupuntahan. The hospital were Hiraya stays in. Gusto niyang maglabas ng galit at sama ng loob at ito ang una niyang naisip. Nagmamadali siyang lumabas ng taxi
Huminga nang malalim si Brianna pagkalabas na pagkalabas ng kulungan. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mata at bumungad ang ilang puno at ang kalsada sa harap niya.Limang taon...Limang taon siyang nabilanggo.Limang taon siyang naghirap.Limang taon ang kinuha sa kanyang buhay para pagsisihan ang isang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa."Lalayo na ako sa pamilyang iyon..." aniya sa sarili habang sumisikip ang dibdib. "Kahit masakit."Pumara ng taxi ang dalaga, mabuti na lang ay may dumaan."Manong, sa may Dosco Condominium po," sambit niya sa driver na hindi naman tumugon sa sinabi niya.Hinayaan na lamang iyon ng dalaga at tumingin sa labas ng bintana.Nakakapanibago, ibang-iba talaga ang hangin sa labas. Napangiti siya dahil sa kabila ng hirap na dinanas, ngayon ay makakahinga na siya ng mas maluwag."Grabe po, ano? May mga hotel na rin po palang nakatayo rito?" daldal niya sa driver. "Dati po ay mga lumang bahay na may kaliitan lang ang nakatayo diyan."Muli ay hindi...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments