"You look really well. Bakit kailangan pang i-postpone ang operation para sa iyo? Sabihin mo sa akin, umaarte ka lang na may sakit para hindi ka matuloy ang operasyon?"
Iyon ang naging bungad Brent pagpasok na pagpasok niya sa kwarto ni Brianna. Mabuti na lamang at nakaalis na si Paulo bago pa man dumating si Brent, at agad namang naitago ni Brianna ang keypad na phone. "Hindi ako umaarte, Kuya, hindi ko talaga kaya..." "You have to be well, then. Hindi pwedeng hindi matuloy ang operasyon dahil lang sa kaartehan mo." Kinagat ni Brianna ang ibabang labi at hindi na napigilang itanong ang naglalarong bagay sa kanyang isipan. "Bakit kailangang ako ang maging donor ni Fiona? With the money and power, you can easily get a donor for her--" "Ngayon nagrereklamo ka pa? Didn't you just had a deal with us? At ano? Easily get a donor? Sa tingin mo ba laro-laro lang ito? Fiona's life is at stake! Nakasalalay ang buhay ng totoo kong kapatid at tingin mo paglalaruan namin iyon?" Hindi ang buhay ni Fiona, kung hindi ang buhay ni Brianna ang malamang na nais nilang paglaruan. Hindi siya tanga para hindi malaman ang bagay na iyon. They specifically want her so she can give an important piece of her to their precious heiress. "Do you... really want me to die?" nanginginig ang boses na tanong ni Brianna. "Do you really wish for me to suffer to death, Kuya?" Matalim ang titig na pinukol ni Brent sa kanya pero sa pagkakataong iyon ay hindi siya natakot, walang bahid ng ano mang takot o pangamba na baka saktan siya nito... "Hindi pa ba sapat lahat ng kinuha at inagaw mo sa kanya? Hindi ka man lang ba nagi-guilty, ha?" galit na sabi ni Brent. "You stole her life! Tapos ngayon kukwestyunin mo kami gayong kidney lang naman ang kailangan niya sa'yo! After all, hindi naman siya magkakasakit ng ganoon kung hindi mo inagaw ang buhay niya!" A tear fell from her eyes. Hindi na matapos-tapos ang pagluha niya. Hindi rin matapos-tapos ang sakit na nararamdaman niya. Kung pwede lang talagang umalis na lang, kung pwede lang talagang piliin na lang na ibigay ang buhay niya... Kaso may buhay siyang maiiiwan, may munting bata na wala namang kinalaman sa away nila ang posibleng madamay. She needs to live for her son. "Hindi ko naman sinasadya iyon, K-kuya... I really don't know anything--" "Shut up! Sinadya mo man o hindi, kasalanan mo pa rin! Don't give me stupid excuse! Don't go back with your words, alam mo kung ano ang kaya naming gawin. I'm sure you know that really well, after all, you lived as one of us for quite some time, my fake sis!" Iyon at iniwan na siyang mag-isa sa kwarto ni Brent. Nakahinga lang siya nang maayos paglabas nito subalit naninikip pa rin ang dibdib niya. At hindi pa man siya nakakaayos ay may pumasok nang muli. "What do you mean you're not doing the operation anytime soon?" May mas isasakit pa ba ang araw na ito para sa kanya? Isa na namang taong mahalaga sa buhay niya ang muling mananakit ng kanyang damdamin. "David, hindi ko naman ginusto iyon--" "Ang sabihin mo ay ayaw mo lang talagang gawin! Bakit? Ano ba ang pinagmamalaki mo? Ano ba ang pinaglalaban mo? Fiona's life is important!" "At sa akin ba hindi? David, alam ko na marami akong kasalanan sa'yo at kina Mommy pero hindi lang naman buhay ni Fiona ang pinag-uusapan natin dito..." Hindi na napigilan ni Brianna na hindi sumagot. Bahagyang natigilan naman si David sa emosyonal na pagbitaw ng dalaga ng mga salita. Pero agad ding nakabawi ang lalaki at galit siyang hinarap. "What's important about that pathetic life of yours, anyway? Ano naman ang ipagmamalaki mo? Wala namang kwenta ang buhay mo, Brianna. Nabuhay ka lang dahil sa panloloko. And you don't even regret a bit." "May anak ako, David--" "Oh? At hindi ko ba iyon alam? Kailangan mo bang ipamukha sa akin ang bunga ng panloloko at panlalalaki mo? Do you really have the guts to be this proud, huh?" Naiinis na kinuyom ni Brianna ang kamao. Gusto niya ng sumabog pero pinilit niyang wag nalang sumagot. Kaya naman nang medyo natahimik ang dalaga ay lumapit si David sa kanya at hinawakan ang braso niya. Medyo mahigpit iyon na dahilan para mapaaray siya. "Dare to do anything stupid and I'll make sure you won't see your stupid bastard ever again. Do you get that?" "A-aray, nasasaktan ako, David--" "Do you get that?" pag-uulit nito na may halong diin at galit. "O-oo... n-naiintindihan ko." Marahas siyang binitawan ng lalaki at agad napahawak si Brianna sa braso niya. Halos tumaas ang balahibo niya sa kaba na naramdaman. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kabayolente si David sa kanya. "Siguraduhin mong mapapabilis ang operasyon kung hindi ay alam mo na ang mangyayari," pagbabanta ni David sa kanya. Matalim pa rin ang titig sa kanya ng lalaki samantalang si Brianna ay nakayuko na lamang at lumuluha. Hindi siya makasagot ng pabalang dahil baka magkamali pa siya ng sasabihin at madamay pa ang kanyang anak. Isa pa, hindi niya naman yata kaya na makipagsagutan ng masasakit na salita kay David, ang lalaking katangi-tangi niyang minamahal, sa kabila ng lahat ng hirap at sakit na dinanas niya. "At huwag mo na ring subukan pang tumakas, you won't be able to, anyway," dagdag pa ni David habang suot ang nakakalokong ngisi sa labi niya, halong sarkasmo, yabang, at kasamaan. "Anong ibig mong sabihin?" "Napagdesisyonan namin na mag-stay ka muna sa private rest house ko. You will be locked in there, after all, hindi ka naman pwedeng mag-stay ng matagal dito. You will stay there for a week or two para magpalakas at pagkatapos ay itutuloy ang operasyon..." "What?" bayolenteng sagot ni Brianna sa gulat. "Ikukulong niyo ako?" "Ano pa bang bago? Sanay ka naman sa kulungan, hindi ba?" His words hurt so much. Tila hinihiwa ang puso niya at bahagyang nanikip ang dibdib. "Ouch," daing niya habang nakahawak sa kanyang dibdib. "Don't fake it in front of me. Hindi ako maaawa sa isang katulad mo."Nanginginig na nagtipa ng mensahe si Brianna para kay Paulo, agad niyang pinaalam ang balak ng mga Smith at ni David na pansamantala siyang ikulong.Bumalik lahat ng alaala niya sa kulungan, lahat ng sampal, tadyak, at masasakit na salita na halos mas gustuhin niya pang mamatay na lang. At ngayon, makukulong na naman siya, ikukulong na naman siya ng mga taong iyon.Paulo: Kailan ka nila balak kunin?Brianna: Hindi ko alam, pero posible na kung hindi ngayon ay bukas. Alam kong hindi nila hahayaang magtagal ako rito.Paulo: Buy me some time, Brianna. Gagawan ko ng paraan.Brianna: Paano kung hindi na tayo makapag-usap pa kapag nandoon na ako?Paulo: Hindi tayo pwedeng kumilos basta-basta. You know the Smiths, Brianna, tayo ang dehado sa kanila. Pero pangako hindi kita pababayaan. Trust me on this one, alright? Hindi agad nakapag-reply ang dalaga at tumitig na lamang sa screen ng keypad na cellphone. Naniniwala naman siya na gagawin ni Paulo ang best niya na tulungan siya pero paano kun
Sa hospital room ni Fiona ay naroon silang lahat, si Brent, ang mag-asawang Smith, at si David. "Are you sure you're okay? Don't you need anything?" malambing na tanong ni Elizabeth Smith sa anak habang sinusuklay ang buhok ng dalaga gamit ang kanyang kamay. "My poor daughter, hindi mo deserve ang ganiting kalagayan."Matamis na ngumiti si Fiona sa ina ngunit halata ang paghihirap at panghihina. Bagaman nakakakilos naman kahit papaano ay bakas pa rin na hindi sapat ang lakas na mayroon ito ngayon."I'm okay, Mom, and I will be because you're here. Kuya's here, Dad, and..." sumulyap ito kay David at ngumiti, "David's here, too."Sinuklian naman ng binata ang ngiti ng dalaga. Nagtinginan ang mga Smith at napagpasyahang iwanan muna ang dalawa para pribadong makapag-usap."Bibili lang muna kami ng pagkain," sabi ng nakakatandang lalaking Smith. Lumapit ito at tinapik ang balikat ni David, "Ikaw na muna ang bahala sa anak ko, hijo."Magalang na ngumiti at tumango si David at hinintay na m
"Mag-ayos ka na. We'll leave in fifteen minutes..."The Smiths didn't even bother to say goodbye to her. Ang naroon lang ay si David na wala din namang choice dahil ito ang may-ari ng resthouse."Pwede ko bang makita ang anak ko bago tayo... pumunta sa pupuntahan natin," mahinang pakiusap ni Brianna, may takot sa boses niya na baka kung ano na naman ang isipin ni David.At hindi nga siya nagkamali..."Are you that dumb, Brianna? Kailangan mo bang ipilit sa akin, sa amin, araw-araw iyang anak mo? Who cares about your bastard? Wala kaming pakielam doon at sa'yo.""David, gusto ko lang naman makita ang anak--""Makikita mo naman siya pagkatapos ng operasyon, hindi ba?! Unless may plano kang gumawa ng katangahan at natatakot kang hindi na siya makita kahit kailan."Sobrang sama na ng tingin ni David sa kanya at sa puso ni Brianna ay unti-unti nang nawawala ang magagandang alaala niya sa lalaki.Paano niya nagustuhan ang ganitong klaseng lalaki? Ni kaunting awa ay walang maipakita ito sa k
"Ito ang magiging kwarto mo, may makakasama ka rito para magluto at maglinis. You won't do anything aside from eating and sleeping."Napanganga siya sa sinabi ni David. "Wait, what? Maski ang manood ng TV ay hindi pwede?" agad na reklamo niya."No, at hindi ka rin pwedeng lumabas ng bahay na 'to.""Ano bang sinasabi mo? Mamatay ako rito! Wala man lang sariwang hangin?"Matalim siyang tinignan ni David kaya agad niyang tinikom ang bibig."Wala ka rito para magbakasyon, Brianna, nandito ka para magpalakas at para maisagawa na ang operasyon kay Fiona."Napangiti siya ng mapait, oo nga pala, bakit ba siya umaasa.Inikot niya ng tingin ang kabuuan ng kwarto at palihim siyang nagpasalamat dahil kahit papaano ay malinis naman iyon at katamtaman lang ang luwang, may bintana rin pero maliit lang, halatang doon talaga siya nilagay para hindi siya makalabas gamit ang bintana."Kung may kailangan ka, pakisabi nalang kay Manang. I will be staying here for a while, too, making sure you won't do a
"Kristoff Walton? May kapatid si David?"Bahagyang nagulat ang kasambahay sa naging tanong niya. At maski siya ay nagulat sa sarili.She dated David for a year, at ngayon ay na-realize niya na wala nga siyang halos alam sa lalaki. Kung may kapatid ba ito o wala. Ang alam niya lang ay galing ito sa maimpluwensyang angkan."Woah! Kung gano'n, alam ba ito ng mga Smith?" tanong niya sa kaharap bagaman batid niyang hindi naman nito maibibigay ang kasagutang hinihingi niya."Hindi niyo po kilala si Sir Kristoff? Siya ang mas nakakatakot na bersyon ni Sir David, seryoso at istrikto. Ang sabi-sabi pa nila ay wala itong pakielam sa kahit na ano at sino, ang mahalaga sa kanya ay ang negosyo nila at mag ari-ariang pag-aari niya," pahayag ng babae."Kung ganon ay madalas ba siya rito? Si Kristoff..."Hindi niya mapigilang hindi makuryoso. Bago sa pandinig niya ang pangalan na iyon at bakit parang pangalan palang nito ay nasisindak na silang lahat.Masungit din naman si David at nakakatakot pero m
"Wow? Marunong ho kayo magluto, Ma'am?"Nakangiting inangat ni Brianna ang ulo upang matingnan si Manang Rose. Kasalukuyang nagluluto ang dalaga dahil nalaman niyang pauwi na si David. Kahit matagal na panahon na mula nang ipagluto niya ito ay alam na alam niya kung ano ang lutong gusto ni David."Yes, I used to cook for David," masayang sabi niya na tila inaalala ang mga nakaraan."Kay Sir David po?" tila gulat na sabi ng babae. "Kung ganoon ay malapit kayo sa isa't isa?"Nabawasan ang ngiti ni Brianna sa narinig. A bitter memory flashed on her mind. Alam niyang kailanman hindi na sila babalik sa ganoong klaseng closeness ni David at hindi na rin niya gugustuhin pang bumalik rito kung sakali man.He hurt her too much already that she only wants freedom from him and nothing more."Noon po iyon pero ngayon ay hindi na gaano.""Pero ipagluluto niyo pa rin siya ngayon," sambit ni Manang Rose. "Tiyak na matutuwa iyon si Sir David.""Sana nga po."Ang totoo ay masaya siyang nagluluto, hind
"Sayang naman ang niluto mo. 'Di bale, ubusin nalang natin..."Maikling ngiti lamang ang sinagot ni Brianna sa sinabi ni Manang Rose habang ang mga mata niya ay naroon pa rin kung saan nagtungo si David.Will it really hurt his pride to try and eat her cooking?Tahimik na lamang siyang kumain na masama pa rin ang loob. Gusto niyang magalit at mainis pero ano nga bang karapatan niya. Isa pa, ginagawa niya ito para makuha ang loob ni David, hindi siya pwedeng gumawa ng maaaring ikapahamak niya.Pagkatapos kumain ay umakyat na rin siya sa kwarto at nagpahinga.Kinabukasan ay naabutan niya si David na nagkakape habang may hawak na dyaryo. Tahimik niyang pinagmasdan ang lalaki. Dati lang ay masaya na siya sa ganito, na kasama ang lalaki. Pero ngayon napakalayo na nito sa kanya, napakalabo na nila."Quit starring."Nagulat siya at bahagyang nahiya. Tahimik siyang naglakad palapit at umupo sa harap nito."Wala kang trabaho?" tanong niya sa seryosong mukha ng lalaki. "Or pupuntahan?"David's
Alas-tres na ng hapon at dahil iilan lang naman sila sa bahay na iyon ay tahimik ang lugar. Malamig ang simoy ng hangin dahil nakabukas ang bintana sa kwarto ni Brianna upang makasinghap ng sariwang hangin ang dalaga.Nagising siya sa marahang pagpupunas ng bimpo sa kanya ng kung sino. Unti-unti niyang minulat ang mga mata at nakita si Manang Rose na bakas ang pag-aalala."Gising ka na," sabi ng kasambahay. "Kumusta ang pakiramdam mo? Bumangon ka na muna nang makakain ka..."Nanghihina siyang umupo at inalalayan naman siya ni Manang Rose."A-ano pong nangyari?""Naku! Bigla ka nalang hinimatay, alalang-alala nga si Sir David, nagpatawag pa ng doctor."Hindi siya naniniwalang nag-aalala si David pero hindi nalang niya pinuna. Medyo naalala niya na ang nangyari, nag-aaway sila ni David at biglang hindi na maganda ang pakiramdam niya."Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Manang Rose sa kanya. "Nagluto ako ng sopas para sa'yo. Kukunin ko lang ha."Tumango siya