Alas-tres na ng hapon at dahil iilan lang naman sila sa bahay na iyon ay tahimik ang lugar. Malamig ang simoy ng hangin dahil nakabukas ang bintana sa kwarto ni Brianna upang makasinghap ng sariwang hangin ang dalaga.Nagising siya sa marahang pagpupunas ng bimpo sa kanya ng kung sino. Unti-unti niyang minulat ang mga mata at nakita si Manang Rose na bakas ang pag-aalala."Gising ka na," sabi ng kasambahay. "Kumusta ang pakiramdam mo? Bumangon ka na muna nang makakain ka..."Nanghihina siyang umupo at inalalayan naman siya ni Manang Rose."A-ano pong nangyari?""Naku! Bigla ka nalang hinimatay, alalang-alala nga si Sir David, nagpatawag pa ng doctor."Hindi siya naniniwalang nag-aalala si David pero hindi nalang niya pinuna. Medyo naalala niya na ang nangyari, nag-aaway sila ni David at biglang hindi na maganda ang pakiramdam niya."Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Manang Rose sa kanya. "Nagluto ako ng sopas para sa'yo. Kukunin ko lang ha."Tumango siya
Nang mahimatay si Brianna ay hindi akalain ni David na sobra siyang mag-aalala pero inisip na lamang niya na ayaw niya lang may mangyari rito dahil kailangan siya ni Fiona."Bawat myembro ng pamilya Smith ay may naka-assign na doctor at ako ang personal na doctor ni Brianna, mabuti naman at ako ang natawagan niyo..."Iyon ang panimulang sabi ng doctor na tinawagan nila pagkalabas na pagkalabas sa kwarto ng dalaga. Brianna is sleeping soundly inside the room while David is having a doctor's meeting in the living room."Ano ba ang nangyari? Nahimatay dahil sa pagod?" tanong ni David na talagang walang alam sa sakit na mayroon ang dalaga.Makabuluhan siyang tinapunan ng tingin ng doktor bago bumuntong-hininga."May nangyari ba bago siya mawalan ng malay? Hindi ba siya umiiyak o kaya ay emosyonal?"Bahagyang nalaglag ang panga ni David sa sinabi ng doktor. Paano nito nalaman na medyo nagkasagutan sila ni Brianna bago ito mahimatay? He's sure both of them are emotional earlier."M-medyo n
Dalawang araw ng hindi umuuwi sa rest house si David. Sa condo niya sa Makati ito umuuwi dahil hindi niya pa alam kung paano haharapin si Brianna. Galit pa rin siya rito sa lahat ng panloloko nito pero sobra naman yata na may malalang sakit pala ang dalaga tapos sobra pa siyang nahihirapan.Bumuntong-hininga si David nang biglang pumasok sa isipan niya ang mga posibleng pinagdaanan ni Brianna sa loob ng limang taon sa kulungan. She suffered a lot, probably more than what she owes to David and to Smiths.Kasalukuyan itong may tinatapos na trabaho nang biglang mag-ring ang phone niya at agad sinagot nang makitang si Manang Rose ang tumatawag.David: Yes po?Manang Rose: Ah, eh, Sir... ayos lang po ba na iwan si Ma'am Brianna dito?David: Bakit? Nandiyan naman ang mga guards, hindi ba?Manang Rose: Meron naman po. Bibili lang sana ako ng prutas para kay Ma'am, at saka kaunting grocery, wala na kasing stocks dito.David: Ano'ng ginagawa ni Brianna?Manang Rose: Naku, hindi ko alam, Sir, n
"Anong nangyari?" Isa-isang nagsidatingan ang mga Smith ngunit hindi sila masagot ng maayos ni David, tulala pa rin ito at hindi maproseso ang mga nangyari.Wala ng apoy at mga pulis na nag-iimbestiga sa nangyari na lamang ang mga naroon."I thought you're checking on Brianna, David?" galit na sabi ni Wilson Smith. Lahat sila galit, lahat gustong magwala. Pero hindi malaman kung alin doon ang totoo, kung may nag-aalala ba talaga o may nasaktan sa nangyari.Tahimik lamang si David, ayaw niyang sabayan ang galit nila pero gusto niya ring mainis sa kanila. Anong karapatan nilang magalit kung sila ang dahilan kung ba't nangyari ito?Si Manang Rose ay tulala lang sa gilid at hindi na malaman ang gagawin. Sa loob-loob niya ay gusto niyang sisihin ang sarili dahil iniwan niyang mag-isa si Brianna.Lahat ay naroon. Ilang oras nag-aabang kung ano ang sasabihin ng mga pulis."Hindi pa rin po namin mahanap ang katawan, baka kasama itong sumabog at naghiwa-hiwalay ang mga--"Pumula ang tainga n
Yumakap ang malamig na hangin sa kanyang balat habang tanaw-tanaw ang tanawin ng siyudad na punong-puno ng ilaw. Madilim na ang gabi at tahimik na ang paligid, payapa na ang lahat.It's been days since she was gone. Oo, hindi siya namatay sa sunog at pagsabog.Brianna is all well. Kasama na niya ngayon ang anak na kasalukuyang natutulog nang mahimbing sa kwarto ng tinutuluyan nilang rest house."I booked the flight already. That's scheduled the day after tomorrow. May mga gusto ka bang gawin bago umalis?" tanong ng kapatid niyang si Paulo.Hindi niya ito nilingon pero tinanggap niya ang inaabot nitong kape. "Thank you... for everything."Humalakhak ang lalaki. "Now, that sounds like you're a permanent goodbye. Magkasama naman tayong aalis, hindi ba?""Tss." She stifled a smile. "Pero seryoso, Pau, I know how hard it is for you to really fight for me." Nilingon niya ito at hindi napigilan ang luha sa pagpatak. "Akala ko talaga wala ng pag-asa.... akala ko bilang nalang talaga ang mga
"They did what?"Halos nabingi si Brianna sa nalamang impormasyon na nagsagawa ng burol ang mga Smith para sa kanya. Nakasakay siya ngayon sa passenger seat ng kotse ni Kristoff at ito ang driver niya. Papunta sila ngayon sa condo niya upang kunin ang ilang gamit at mag-ayos na rin dahil iiwanan niya ng matagal-tagal na panahon ang unit.Hindi niya pwedeng ibenta iyon sa ngayon bagaman nakapangalan sa kanya at hindi niya pa rin kayang i-let go ito ng tuluyan."Don't worry, your death wasn't announce publicly. Pribado rin ang burial na ginawa nila, at hanggang ngayong araw nalang iyon," sambit ni Kristoff na nakatutok ang mata sa kalsada.Napanganga siya ng tuluyan at tumingin sa bintana ng sasakyan. Hindi niya ma-proseso sa utak ang ginawa nila. "Para saan?" natatawa pero malungkot niyang sabi. "Nagsisisi ba sila? Naaawa? Or was it because of the guilt na kaya naman nangyari iyon ay dahil kinulong nila ako? Or was it for their name and dignity? Para hindi maakusahan? I mean, what fo
"Are you sure you'll go alone?"Tumango si Brianna bago binuksan ang pintuan ng sasakyan. Kinakabahan siya, sobra. Baka bigla na lang siyang may makabunggo tapos makilala siya.Ingat na ingat siya sa bawat hakbang at dumoble ang kabog ng dibdib niya nang makita ang ilang pamilyar na mukha na batid niyang mga business partners ng mga Smith.Abala ang lahat kaya hindi siya gaanong napansin kaya medyo kumalma siya kahit papaano pero naagaw agad ng naka-display sa harap na larawan niya ang kanyang atensyon. Tumaas ang balahibo niya at hindi siya makapaniwala na nakatayo siya ngayon sa sarili niyang burol.Everyone's wearing black. Wala ang mga Smith sa pagkakataong iyon pero naroon si David."Miss, coffee po." May lumapit sa kanyang babae at nag-abot ng baso ng kape at para hindi na ito magtagal pa ay kinuha na lamang niya iyon.Her eyes are glued at David. Ang mga tao sa paligid ay abala sa pag-uusap-usap habang si David ay nakaupo lamang sa gilid, tulala sa larawan ni Brianna habang tum
"Are you sure about this?" tanong ni Paulo sa balak gawin ni Brianna.Isang linggo na ang lumipas mula nang makaalis sila ng Pilipinas. Nate is already enrolled and studying for first grade. Medyo nahirapan itong makisama sa mga kaklase dahil ibang lenggwahe ang nakasanayan pero sanay naman kahit papaano na makipagkaibigan. He grew from the orphanage anyway.Tahimik ang mga nagdaang araw. Kapwa tinatantya ni Paulo at Brianna ang mga bagay-bagay at hindi nila gustong magkamali."Pakiramdam ko ay mas okay iyon para hindi rin nila ako ma-trace. Isa pa, kung magbi-business ako at bibili ng properties under Brianna Smith, hindi iyon magiging madali," aniya sa kapatid.Nasa pool side sila ngayon ng tinitirhang bahay. Magkakalayo ang mga bahay roon at kahit pa sumigaw siya at lumalabas-labas ng bahay ay wala namang makakaalam na nandoon siya."Alright. May naisip ka na bang pangalan?"Brianna tilts her head. Wala naman siyang plano na palitan ng tuluyan ang pangalan. Ngumuso siya. "Can we s
Ilang taon at panahon nga ba ang sinayang niya dahil naniwala siya sa ibang tao at hindi sa taong mahal niya?Labis ang pagsisisi ni David nang makauwi siya ng Pilipinas. Kumukulo ang dugo niya sa galit pero ang unang taong gusto niyang makita sa mga oras na iyon ay si Yanna.Namumungay ang mga mata na binuksan ni Yanna ang pintuan ng unit niya. Pagbukas ng pintuan ni Yanna ay bumalik sa isipan ni David yung araw na nakita niya ang babae na may ibang kasamang lalaki sa kama. Lahat ng mga masasakit na salitang sinabi ni David kay Yanna ay nanumbalik sa kanyang isipan.Hindi niya namalayang tumulo na pala ang kanyang luha habang nakatingin sa mukha ni Yanna na ngayon ay kunot ang noo at medyo nag-aalala."Ano'ng nangyari sa'yo?" nagtatakang tanong ni Yanna at binuksan pa ang pintuan para makapasok si David.Nang maisara ang pintuan ay hinigit ni David si Yanna at niyakap mula sa likuran nito. Ang mga luha niya ay isa-isang pumapatak sa balikat ni Yanna."I'm sorry," garalgal ang boses n
MAGANDA ANG GISING NI YANNA. Pagkatapos niyang tawagan ang anak kaninang madaling-araw, ngayon naman ay katatapos niya mag-jogging. Umupo ito sa isang bench sa may park para magpahinga at uminom ng baon niyang tubig. Mag-isa niya lang ngayon at payapa ang kapaligiran. May mga bata sa paligid, mga aso kasama ang kanilang mga amo, at mga nagbebenta ng pandesal, kakanin, at palamig. Sa hindi kalayuan ay may natanaw siyang shop na mukhang nagtitinda ng mga bulaklak base sa makulay nitong harapan at ilang mga bulaklak sa labas. Nag-stretching lang siya sandali bago lumakad patungo roon. "This great day deserves some flowers," maligayang wika niya sa sarili. At tama nga siya, flower shop iyon at medyo may kalakihan. "Magandang umaga po," bati ng nagbabantay. Tumingin siya sa paligid, wala pang tao na bumibili maliban sa isang lalaki na ngayon ay ine-entertain pa ng isang nagbebenta roon. "Ang aga niyo pong nagbukas," puna niya at ngumiti sa babaeng nasa harapan. Paglingon niya ay na
PINIGILAN NI DAVID ang sarili na suntukin ang lalaking nasa harapan. Nakaupo ito sa upuan at may posas ang dalawang kamay. Hindi na siya nahirapang hanapin ang lalaki dahil accurate ang nasagap nilang impormasyon tungkol sa lokasyon niya ngunit nang mamukhaan siya ay sinubukang tumakas nito. Mabuti na lamang ay prepared siya roon at nakaikot na ang mga tao niya sa mga posibleng takbuhan nito. Kevin Alejandro... That was his real name. The man behind Yanna's sufferings. And the one who ruined them. "I can kill you right at this moment," nagngangalit na sabi ni David habang masama ang tingin sa lalaki na nakangisi pa sa kanyang harapan ngayon. Kevin laughed like a mad man. "Bakit? Ano ba ang ginawa ko?" Tila inosenteng sabi nito habang nakangisi. Kinuyom ni David ang dalawang kamao at hinampas ng malakas ang mesa na nasa pagitan nila. "I want to hear the truth from you," mariing sabi ni David. "Eight years ago..." Umigting ang panga niya nang maalala ang mga nangyari. "Were
"WALA PA RIN BANG USAD ANG IMBESTIGASYON?" Nasapo ni Yanna ang noo habang ka-meeting ngayong araw ang mga kasama niya sa pag-iimbestiga sa kaso niya. "Hindi kami makakuha ng matinong sagot sa mga nakasama mo sa kulungan, Ma'am, hindi rin daw nila kilala ng personal ang nag-utos," sabi ng isang lalaki. Kristoff patted her back. "Relax, alright? Matatapos din ito." Nagbuga ng hininga si Yanna at agad inayos ang sarili. Dali-dali siyang humingi ng sorry sa mga kaharap dahil sa inasal. Pakiramdam kasi niya ay nauubusan na siya ng oras at habang tumatagal ay mas lalong wala silang nakukuha. "Yanna's biological mother, may bago ba kayong impormasyon sa kanya?" tanong ni Kristoff at noon lang muling naalala ni Yanna na hindi pa nga pala niya nakakaharap ang babae. "She's a liar," mapait na sambit ni Yanna. "Lahat ng sinabi niya sa kanila ay puro kasinungalingan. I'm sure she knows someting- kung hindi man siya ang pinaka-mastermind." "Ayon sa doctor ay totoo na may sakit ito at ang ma
DAVID EXPLORED HER body like he's trying to memorize every inch of it. Lahat na yata ng sulok ng katawan niya ay nadaanan ng kamay ng lalaki. Bumaba ang labi ni David sa collar bone niya. He sniffed and tasted her skin like it's the best dish he'd ever tasted. Napasinghap si Yanna at pumikit nang mariin. Pinigilan niya ang sarili na umungol dahil ayaw niyang malaman ng lalaki kung gaano siya kasabik sa katawan nito. Napaliyad siya nang bumaba ang dila ni David sa kanyang dibdib hanggang sa tinunton nito ang kaliwang nipples niya na naghihintay ng matikman kanina pa. He licked it like an icing. Ang isang kamay ni David ay nakahawak sa isa niya pang kabundukan. A soft moan came from her lips. Tumigil si David at inangat ang ulo upang makita ang mukha ni Yanna. "That's it?" anito at nanlaki ang mga mata ni Yanna sa gulat nang dakmain ng lalaki ang perlas niya. Sakop na sakop ng malaking kamay nito ang pagkababae niya na ngayon ay basang-basa na rin. "AAAHH," napaliyad ito nang
SININDI NI YANNA ang ilaw at bumungad sa kanila ang isang double size na bed. Tumikhim siya at inikot ang mata sa kabuuan ng kwarto. May dalawang upuan at isang mesa pero walang sofa na pwedeng tulugan ng isa sa kanila. "Sino'ng mauuna mag-shower?" "Are you going to shower first?" Nagkatinginan sila dahil sabay silang nagsalita. Kapwa sila natigilan at sabay rin na nag-iwas ng tingin. "Y-you go first," sabi ni David. "H-hindi, ikaw na muna," saad naman ni Yanna at naglalad palapit sa cabinet upang ilagay ang bag niya. "Ikaw na, magpapatuyo ka pa ng buhok." Hindi na nakipagtalo pa si Yanna at kinuha na ang mga gamit. Naligo ito habang ang utak ay nasa taong nasa labas ng banyo. Malakas ang dagundong ng dibdib niya at hindi kayang alisin ng malamig na tubig ang init ng pisngi niya. Pagkatapos maligo at saka niya lang na-realize na wala siyang dalang tuwalya sa loob. "Shit," tarantang sabi niya. Huminga ito nang malalim at kumatok sa pinto mula sa loob. "David?" "Wh
"SAAN TAYO PUPUNTA?" Pagkatapos mag-breakfast ay dinala ni David si Yanna iba pang lugar. Isang magandang resort na maraming activities na pwedeng gawin. Pinagmasdan ni Yanna ang paligid, tulad kahapon ay hindi pamilyar sa kanya ang lugar kung nasaan sila. Nang hindi siya sagutin ni David ay nagsalita itong muli. "Huwag mong sabihin na sa'yo rin ito?" Napahalakhak ang lalaki. "No. Pero alam kong mag-e-enjoy ka rito." Pinaliitan ng mata ni Yanna si David. "Bakit pakiramdam ko ay iniyayabang mo lang sa akin lahat ng ari-arian mo?" Nagpakawala ng maikling ngiti si David at hinawakan ang siko ng babae upang igiya sa pupuntahan nila. "Hindi ko na kailangan gawin iyon." "Huh?" "Mapapa-sa'yo rin naman lahat," mahinang sabi ni David na hindi gaanong narinig ni Yanna. "Ano iyon?" Nakangiting umiling ang lalaki at hindi na sumagot pa. Pagpasok ay nakita agad ni Yanna ang hagdan na pataas, sa isang gilid ay ang pader na ginagamit para sa wall climbing. May malawak din na espasyo
"PWEDE BA AKONG MAGTANONG?" tanong ni David kay Yanna na ngayon ay katabi niya. Nakaupo sila sa tig-isa nilang camping chair habang kumakain ng mga inihaw nila kanina na isda, barbecue, at mga gulay na paborito ni Yanna. Sumulyap si David sa dalaga, hanggang ngayon ay hindi niya lubos akalain na darating muli siya sa ganitong sitwasyon, na nasa tabi niya ang babae, hindi galit o hindi siya pinagtatabuyan. Lahat ay payapa sa kasalukuyan para kay David. At gagawin niya ang lahat para mapanatili ang kapayapaang iyon. "Ano iyon?" sagot ni Yanna bago sumubo ng kanin. "How was it like living like a dead person?" seryosong tanong niya. Matagal na niyang gustong malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Yanna. Kita ang pagkabigla ng babae sa tanong ni David. Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tipid na ngumiti sa lalaki. Bago sumagot ay uminom muna ito ng tubig. "Mahirap," unang salita ni Yanna. Ilang sandali itong tumahimik bago nagpatuloy. "Pero mas okay na iyon sa akin kaysa
"SAAN TAYO PUPUNTA?" pang-limang beses na yatang naitanong iyon ni Yanna pero hanggang ngayon ay hindi iyon masagot ng matino ni David.Kabababa lang nila ng barko at ngayon naman ay may sumundo sa kanila na sasakyan para dalhin sila sa kung saan."Malapit na tayo," ang tanging sinasabi lang ni David.Sumimangot ang babae na hindi na mapakali dahil gustong malaman kung nasaan na sila. Sa halip na magtanong ulit ay lumayo nalang siya kay David at itinuon ang pansin sa labas ng bintana ng sasakyan.Huminto ang sasakyan sa isang kulay dark brown na gate. Sinubukang silipin ni Yanna kung ano ang mayroon sa loob pero wala siyang makita maliban sa mga halaman."We're here," anunsyo ni David at binuksan ang pintuan. Bumaba ito at inalalayan si Yanna sa pagbaba. Nagpasalamat ang lalaki sa driver bago muling bumaling kay Yanna.Muntik ng mahawakan ni David ang kamay niya pero agad iyon inilayo ni David, ayaw niyang mailang sa kanya si Yanna. Sa halip ay iminuwestra na lamang niya ang daan sa d