Si Natasha Marie Garcia ay napasok sa isang sitwasyon na hindi niya akalain na mangyayari sa kanya. Inakala niyang pupunta siya sa Silvestre Mansion para maging isang kasambahay. Ngunit nagkaroon ng setup si Don Juanito. Gusto niyang mapalapit si Natasha sa kanyang apo, kaya gumawa siya ng paraan para magkalapit sila at magpakasal. Hindi sana papayag si Natasha, pero wala siyang nagawa kundi magpakasal. Inakala niyang ikakasal lang siya sa isang mayaman, arogante, at nakakainis na lalaki. But she didn't know she was getting married to the leader of the most powerful hidden mafia in the country. Mapaglaro ang tadhana; habang tumatagal ang araw na kasama niya ang kanyang asawa, lalong nahuhulog ang kanyang loob dito. Hanggang isang araw, natuklasan ni Natasha ang lihim ng kanyang asawa. Behind his sweet and loving smile was a dangerous and powerful mafia boss. Sa una, natakot siya, pero nangibabaw ang pagmamahal niya sa kanyang asawa, kaya tinanggap niya ito ng buong puso sa kabila ng madilim nitong buhay. Masaya sila, ngunit dumating ang isang trahedya na nagbago ng kanilang masayang pagsasama. Namatay ang ina ni Natasha sa isang ambush at sinisi niya si Giovanni. She left her husband without a word because of the anger she felt. Binalot ng galit si Natasha, at nagdesisyon siyang maghiganti. Paano mapapatawad ni Natasha ang kanyang asawa kung ang sugat ng nakaraan ay masyadong malalim? Mananaig ba ang kanyang pagmamahal sa lalaking una niyang minahal? Maibabalik pa kaya ang kanilang masayang relasyon? Ano ang gagawin ni Giovanni para mabawi ang babaeng mahal niya? Babalik ba si Natasha sa kanya? O ang kanyang minamahal na asawa ay magiging kanyang kaaway?
view moreGIOVANNI'S POV “Hubby, busy ka?” Lumingon ako sa aking asawa. “Not really, why?” Malambing kong sagot na siyang kinalawak ng ngiti nito. Actually, may importante akong binabasa na documents para sa isang project ng kompanya. Mahalaga iyon pero mas mahalaga ang asawa ko. Simula ng malaman kong buntis si Natasha pinili ko ng dalhin ang trabaho ko dito sa mansyon at napunta lang ako sa kumpanya kapag may meeting o importanteng kliente. “Uhm, can you make a pizza? I want a homemade pizza, hubby..pretty please?" I smiled and nod saka tumayo para lapitan siya at gawaran muna ng halik. “Alright, gagawa ako ng pizza for you. what flavor do you want?” Nangislap naman ang mga mata nito. “Beef mushroom pizza hubby, with hot sauce ah?” Parang bata nitong sambit. “Okay, I'll make you a pizza, just wait for me here.” “Okay!” Lumabas na ako ng kwarto namin at nag tungo sa kusina para gawin ang request niyang pizza. Iba pala talaga ang mood ng isang buntis.
“I'm sorry again.” “Ssshh, stop crying, It's over. This time sigurado na ako na tapos na ang lahat. Mamumuhay na tayo ng maayos at masaya.” Tumango tango naman ako. “Dad talk to mom later, we need to go to the hospital, She has a gunshot, she was also pale.” Seryosong singit ni Ares. Doon lang bumalik sa aking isip na may tama nga pala ako ng bala. “Shit.” Mura ni Hubby saka mabilis na tumayo saka binuhat ako pa bridal style. Pagkalabas namin ng kwartong iyon nandoon pala si Kiel at Sean naghihintay at nagbabantay. “Let's go! May tama ng bala ang asawa ko, kailangan madala agad siya sa hospital.” Mabilis na sambit nito at nagmamadaling naglakad. Nakasunod naman sila sa amin. Pagkarating sa labas ng bahay naabutan namin na nakikipag bangayan si Rose kay Ellaine. Hindi pa rin pala tumitigil ang babae, habang si Giselle nakatalikod sa kanilang dalawa at tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Dumeretso naman si Kiel at Sean sa pwesto ng mga ito habang ka
PAGKARATING sa kwartong pinag dalhan sa akin kanina ay walang pakundangan akong tinulak sa loob ng dalawang lalaking may hawak sa akin, napaluhod ako at napangiwi dahil malakas iyon, isabay pa na nagsisimula na ako makaramdam ng panghihina dahil sa tama ng bala. Shit! “Now, let's start.” Agad akong napalingon kay Ellaine na sumunod din pala agad sa amin. Nakangisi ito habang hawak hawak ang isang latigo. Napalunok ako. Delikado ito. May tama ako ng bala at nanghihina na, baka hindi kayanin ng katawan ko ang gagawin sa akin ng demonyong ito! Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko, hindi biro ang dugong nawawala sa akin. Hubby, nasaan na kayo? Sana makarating kayo sa tamang oras. “Scared? Siguradong sa gagawin ko hinding hindi kana makakatayo pa at makakatakas! Papahirapan kita hanggang sa unti unti ng bumigay ang katawan mo at maging dahilan ng kamatayan mo! Ibabalik ko sa ‘yo ang lahat ng ginawa mo sa akin!” Galit nitong turan sabay taas ng kamay na may hawak n
“Sige na anak, baka maabutan pa tayo ng mga tauhan ni Ellaine dito. Tumalon kana anak, be careful ok? I hope you can do the first mission I gave to you, son. I believe in you, Go!” Hinarap kona siya sa bintana, kumapit ito sa magkabilaang kahoy saka lumingon sa akin. “I will do what you gave me on my first mission mom, I will not dissapoint you, I will hide and they will not find me. I will also call dad.. but please mom, promise me you will be ok and you will follow me. Alright?” Seryosong turan nito pero nakikita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. My baby is big boy na talaga. “I will son, go now baka dumating na ang mga kalaban. Mag-iingat ka ha?” “Yes, mom.” Bago siya tumalon ay ginawaran ko muna ito ng halik sa ulo. Maging ligtas lang siya ay mapapanatag na ako. Ilang sandali pa tumalon na ito, nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang pagkakabaksak niya. Tumingala siya sa akin na siyang sinagot ko naman ng tango. Tumakbo na it
Ngayon naiintindihan kona si Hubby. Ito ang sinasabi niyang napapansin niya kay Rachel parang may kakaiba. Iyon pala ang babaeng business partner na naman niya ay walang iba kung hindi si Ellaine! Napaka laking katanungan ang nasa aking isip. Papaano siya nakaligtas? Mali lang ba ako ng nakita? Sino ang tumulong sa kanya? Marahas niyang binitawan ang aking buhok saka iyon inayos-ayos. “Nagtataka ka ba paano ako nabuhay? Simple lang. Niligtas ako ni Logan, pagkaalis na pagkaalis niyo dumating si Logan at mga tauhan niya para iligtas ako. Sa likod lang kami dumaan at kayo sa pinaka entrance. Siya ang nagtago at nagpagamot sa akin. Hindi niyo nahalata diba? Matalino din naman kasi ang isang ‘yun. Nabobo lang pag dating sa pag ibig. Tsk!” So, si Logan ang nagligtas sa kanya. Kaya pala..Mas naiintindihan kona ang lahat ngayon. “Anyway, ngayon na kilala mo na ako. Alam mona ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi nitong turan. Shit, ngayon pa lang alam kong
“Hey, wife ok ka lang?” Napakurap kurap ako saka binalingan si Hubby. “Yeah, ok lang ako. Aakyat muna ako sa taas. Mas gusto ko muna mapag isa. Ayoko rin maka-istorbo kela Sean.” Mahina kong sambit. “Alright, mabuti pa nga magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito. Kapag may balita ay sasabihin ko rin sa ‘yo agad.” Humakbang siya saka ako niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng halik sa aking noo. Gusto kong maiyak at magsabi sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Ares. Akala ko malakas at matapang na ako pero lahat iyon nawala ng anak kona ang pinag uusapan. Lumayo na rin ako kaagad saka nagpaalam sa kanya na aakyat na. Baka tumatawag na si Rachel. Iniwan ko pa naman sa kwarto ang phone. Sakto na kailangan na rin siya nila Sean kaya hinayaan na niya ako at bumalik na sa sala. Umakyat na rin naman ako agad. Sinigurado ko munang abala silang lahat saka dali-daling bumalik sa kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng sakton
Isa pa patay na si Logan, kaya sino ang gumawa non? May iba pa ba kaming kalaban? O, may iba pa bang kalaban si Hubby? “P-pero sino ang kukuha sa anak natin? Patay na si Logan, May iba ka pa bang naiisip na pwede gumawa nito?” Naguguluhan kong tanong. “Wala na, Wife. Wala naman akong ibang kalaban na matindi. Siguro isa ito sa utos ni Logan, Baka isa sa tauhan niya ang inutusan niya para kunin si Ares. Hindi pa ata nila alam na patay na ang boss nila.” Napatango naman ako. Pwede, baka kasama ito sa plano nila. “Let's go downstair, kailangan ko makausap si Sean at Kiel. Kailangan nilang ma-hack ang CCTV's sa labas ng subdivision para malaman kung mga tauhan ba ni Logan ang mga iyon at ma locate din kung saan sila dumeretso. Pati ang CCTV ng mansyon ay ipapa review ko rin.” Tumango naman ako saka kami sabay bumaba. Naabutan namin silang apat na mahinang nag uusap. Napatingin ako kela Lolo J na wala pa ring malay. Sana gumising na sila. Lumapit ako k
“Shit! Saan nang galing iyon?!” Galit na sigaw ni Logan. “Mga snipper, boss!” Oh my gosh! Nandito rin sila Giselle at Rose! “Shit! Nasaan ang ibang tauhan natin? At nasaan na ba ang chopper?!” Naging aligaga si Logan. “Wala ng darating na chopper dahil pinasabog kona..” Walang emosyong singit ni Hubby. “Hindi mo na rin makikita ang mga tauhan mo, Logan dahil kasama na nila si Santanas.” Nakangising turan naman ni Kiel. Humigpit ang hawak sa akin ni Logan. “Mga hayop kayo!” Gigil na sigaw niya saka ako mas hinapit at diniin sa akin ang hawak na baril. “Hindi niyo ako agad agad mapapatay! Tara, Melvin sa likod! Subukan niyong sumunod. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo, Giovanni.” Habang umaatras kami, nakipag titigan ako kay Hubby. Nag-uusap ang aming mga mata bago siya bahagyang tumango. Malapit na kami sa pinto ng bumuwelo ako at sinipa patalikod si Logan kung saan natamaan na naman ang kanyang iniingatan na alaga. Tsk, lamog ang
“Where do you think your going, Miss? Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito na hindi kasama si Boss.” Nakangisi nitong turan. Who is this guy? Bagong alalay ni Logan? “Melvin!” Sabay kaming napalingon sa hagdan. Shit! Naabutan na niya ako. Mabilis na bumaba ng hagdan si Logan habang iika ika. Sana pala pinuruhan kona ang pag sipa sa ari niya para hindi na siya naka bangon pa! “Boss, anong nangyari sa ‘yo?” Tanong nung Melvin. “Wala ito, Kunin mo siya at itali ang mga kamay. Nasaan na ang chopper?” Seryoso nitong tanong habang napapangiwi. “Malapit na daw boss, konting hintay na lang.” Sagot nung Melvin saka lumapit sa akin. Umatras naman ako at akmang tatalikod ng mabilis nitong nahablot ang buhok ko saka hinila. “Bitawan mo ako!” Hiyaw ko kaso napatigil ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking sintido. “Ibaba mo ‘yan Melvin, ‘wag na ‘wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko.” Narinig ko namang sambit ni Logan. Gusto kong mas
GIOVANNI'S point of view (PRESENT) “Any update?” Malamig kong tanong sa tauhan na inutusan kong hanapin ang aking asawa. “I found her Boss, I know where she is staying and her sister now.” Lihim akong napangisi. Found you, Wife. I told you, you can't hide from me. “Where?” “Sa palawan boss, sa isang tagong isla sa palawan pero..” Nangunot ang aking noo. “But what?”Malamig kong tanong. “Hindi natin mapapasok ang isla na iyon boss ng basta-basta dahil kuta iyon ng kalaban. Nasa pangangalaga siya ni Logan Acosta.” “What?!” Dumagundong ang galit na boses ko sa buong silid dahil sa narinig. Papaanong napunta sa kuta ng kalaban ang aking asawa? papaano niya nakilala si Logan?! I gritted my teeth out of anger. Now I understand. That is why no matter what I do to search for my wife, I cannot find her because Logan is hiding her from me! That bastard! “Get ready! We are going to Palawan tonight, call Zamora and Vasquez! I will tak...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments