Share

Chapter 1

Author: Seera Mei
last update Last Updated: 2022-09-04 23:48:26

   SIMULA 

  NATASHA point of view

    Nang-hihina akong naupo sa gilid ng may makita akong ma-uupuan para magpahinga saglit. Tagaktak ang pawis ko sa paglalakad. Sabayan pa ng gutom na nararamdaman. Kanina pa ako palakad-lakad sa kung saan-saan para maghanap ng trabahong pwedeng applyan.

    At mukhang minamalas talaga ako ngayon dahil lahat ng puntahan ko laging sagot sa akin may nakakuha na daw sila, ang iba naman kailangan tapos sa pag-aaral o kaya walang hiring.

   Ang hirap talaga maghanap ng trabaho kapag hindi ka nakatapos. 

   Napabuntong hininga nalang ako bago tumingin sa mga sasakyan na dumadaan. Nagiisip kung saan ba ako pwedeng makahanap ng trabaho. Kahit ano ok lang papatusin ko, basta magkaroon lang ako ng pera. Hindi ako pwedeng nakatengga lang sa bahay dahil puro sermon na naman ni Tiya Marites ang maririnig ko. Paniguradong susumbatan na naman niya kaming nakikitira lang at palamunin. 

    Kung may iba lang sana kaming kamag-anak hindi kami magtitiis sa poder ng impakta kong tiya. Grabe ang pinag-dadaanan namin sa kanya, Isama pa ‘yong anak niya na maarte, feeling mayaman. Nasa squater na nga nakatira, mahirap na nga ang buhay, aba! napaka-arte pa! Feeling princesa. Mukha namang palaka. 

   Manang-mana sa nanay niya na walang ibang ginawa kung hind makipag-tsismisan sa kapit bahay o di kaya magsugal. Mga pasarap buhay, sa amin nila mama inaasa ang lahat.

    Napailing na lang ako. Kailangan makahanap na ako ng trabaho ngayon o bukas dahil kung hindi kami ng pamilya ko na naman ang pag-bubuntungan ng galit ng tiya ko. Baka palayasin na kami ng tuluyan sa bahay niya at sa kalsada na kami pulutin. 

  Akma na akong tatayo ng may humawak sa aking balikat. Isang matandang babae na may dala-dalang bag at mahabang kahoy ang bumungad sa akin. Malawak ang pagkakangiti nito. 

    “Alam mo bang darating na ang swerte sa ‘yo, Iha? Nakikita-kita ko na ang kapalaran mo." 

   Nakangiting sabi ng matanda. Napalabi naman ako dahil sa tinuran nito. 

   “Talaga nay? Sana mag dilang anghel ang inyong sinabi.” 

   Pagpatol ko naman sa sinabi nito.

   “Maniwala ka, Iha. Hindi matatapos ang araw na ito na darating na ang iyong swerte.”

    “Sana nga nay, ‘yang swerteng sinasabi niyo makahanap na ako ng trabaho. Iyon ang kailangan ko ngayon.” 

    “Wag kang panghinaan ng loob, Iha. Magandang kapalaran mo ay papalapit na. Sobra sobra pa sa hinahangad mong trabaho ang iyong makakamit. Maniwala ka sa akin.”

  Napangiti naman ako sa matanda. Nakakatuwa lang na masyadong positive thinking ito. 

    “Ngunit, Iha...Nakikita ko rin na may ka-akibat ang ma-swerteng kapalaran mo. Isang matinding pighati at kabiguan. Alam kong magiging napakahirap nito sa ‘yo, pero tatagan mo ang iyong loob at maniwala ka sa kanya...Siya ang magiging sandalan mo sa lahat at tutulong sa iyo.” 

  Huh? kanino? Mukhang gumagawa na ng kwento si nanay. 

  Napailing na lang ako sa matanda bago tuluyang tumayo. 

   “O, siya nay, mauuna na po ako. Susubukan ko po ulit maghanap ng trabaho. Baka nga po swertehin na ako ngayon. Maiwan ko na kayo.”

   Ngumiti at tumango muna ako sa matanda bago lumakad palayo para sumubok ulit maghanap ng trabaho. 

   Tumigil ako sa isang mamahaling restaurant, napatingin ako sa loob no‘n. Ang swe-swerte ng mga mayayaman. Hindi problemado sa pang-araw-araw nila at pagkain. Napahawak ako sa aking tiyan ng kumulo iyon. Gutom na gutom na ako pero wala akong extra pera para makabili man lang kahit biscuit. 

   Bumuntong hininga ako, kaya mo ito Natasha, Ikaw pa ba? Para sa kapatid at nanay mo. Aja! 

   Huminga ako ng malalim sabay ngiti. Muli kong binalingan ang restaurant sa aking harap.

    “Balang araw makakain din kami nila mama sa ganitong klaseng kainan hindi m—” Napatigil ako sa pagdadrama ng mapansin ang lalaking nanguha ng bag sa loob ng restaurant sabay takbo palabas.

    Saktong sa dereksyon ko ito tumakbo, Hinanda ko naman ang sarili para umaksyon.

    Bago makalampas sa pwesto ko ang lalaki ay naging mabilis ang kilos ko, agad kong hinarang ang aking isang paa para patidin ito tapos pinag-sisipa para hindi makatayo agad.

    Gigil na gigil ako sa aking ginagawa, kung hindi pa ako pinigilan ng guard ay baka ano na ang nagawa ko. 

    Nakakainis ang mga ganitong klaseng tao ‘e! Ang lalakas pa pero hindi magbanat ng buto at gusto pa ang maling gawain!

   Matatalim ang tingin na ginawad ko sa lalaking nasa sahig bago dinampot ang itim na bag. Saktong nakalapit na rin sa amin ang matandang may ari ng bag.

  Hindi ako nagdalawang isip na i-abot agad bag dito.

   “Heto po ang bag niyo, Lolo.” Nakangiti kong sabi. 

 

    “Thank you for helping, Iha. Napakahalaga ng bag na ito. You are a very brave and good person, You were not afraid of what that man could do to you.” 

  Mahabang pahayag ng matanda, ngumiti lang naman ako. 

     “Nako, wala po iyon lolo. Maliit na bagay lang naman po iyong nagawa ko. Nagkataon lang po na sa dereksyon ko pumunta ang lalaki kaya nakagawa agad ako ng aksyon.”

    Napatango-tango naman ito tapos ay binuksan ang bag at may kinuhang lilibuhin doon. Nanlaki ang mga mata ko dahil pera pala ang laman ng bag! Hindi basta basta dahil nasa isang milyon ata ang laman no‘n! 

     “Here, tanggapin mo ito, Iha. Pasasalamat ko sa ginawa mo. Kung wala ka ay siguradong natangay na ang pasahod ng mga empleyado sa mga restaurants ko.. Here, take it.”

     Nilahad ng matanda ang pera sa aking harap, Tinitigan ko iyon maigi. Kailangan ko ng pera ngayon, pero hindi naman ako humihingi ng kapalit sa aking ginawa. Thank you lang ay sapat na sa akin. Masaya rin ako na nakatulong. Malaman na makakasahod ang mga empleyado ng mga restaurant ay sapat na sa akin. 

   Ngumiti ako kay Lolo at umiling-iling. 

    “Okay lang  po, Lo! sapat na po sa akin ang thank you niyo.” 

  “Bakit hindi mo tanggapin? This is your reward for helping me. Iha.” 

    Muli akong umiling. 

   “Bukal po sa aking puso ang ginawa kong pagtulong Lo, Hindi po ako humihingi ng kapalit. Itago niyo na po iyan. Sa susunod po ay mag-iingat na kayo, lalo na po kung ganyang kalaking halaga ang dinadala niyong pera. Marami na po ang masasamang loob ang nagkalat.” 

   Nakangiti kong sabi. Tinitigan ako ng matanda, tila hindi makapaniwala na tinanggihan ko ang gano‘ng kalaking halaga. Maya-maya ay ngumiti ito tapos binalik ang pera sa kanyang bag. 

    “I didn't think there was anyone like you, Iha. You didn't accept the money and thank you is enough for you. You are obviously a good person and not blind by money."

  Nahihiyang napakamot ako sa aking kilay. 

   “Kahit nangangailangan po ako ng pera hindi ko pa rin po matatanggap ang bigay niyo dahil para po sa akin hindi sapat ang aking ginawa para bigyan niyo ako ng ganoong kalaking halaga. Saka pinalaki po ako ng mama ko na ‘wag na ‘wag mag-papasilaw sa pera lalo na kung hindi mo naman pinag-hirapan.” 

  

   “Your parents raised you well to be a good person. Anyway if you don't accept the money I give. Maybe you can join me inside the restaurant?” Nakangiting sambit ni Lolo. “Hindi pa ako kumakain, sabayan mo ako, Iha. Sana mapagbigyan mo ako kahit man lang sa pag-kain ay ma-ilibre kita sa kabutihan na ginawa mo. Okay lang ba?” 

  Napalingon ako sa loob ng restaurant na tinitignan ko kanina. Halos, lahat ng kumakain ay magaganda ang suot na damit at malalaman mo talagang mayayaman. Pasimple naman akong tumingin sa aking suot. Parang nakakahiyang pumasok sa loob na ganito ang suot. 

 ********

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Narissa Malaluan
maging praktikal din natasha pag may time..sumama ka na kumain baka mabigyan ka pa ni lolo ng trabaho...
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
natasha baby yan na siguro yung swerte na sinasabi nung lola sayo
goodnovel comment avatar
Mary Jane Gabutero Honcada
wag kana mahiya natasha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 2

    “I know what you're thinking, Iha. The way you look at the restaurant and at yourself, I know you're thinking you can't go inside dressed like that, Am I right?..Iha, our restaurant is open to everyone. Okay? Come on. Join me. Don't be shy ok?” Woah! ang galing naman ni Lolo, na-gets niya agad ang kinababahala ko. Pero, siya sige na nga. Papayag na ako sa alok ni lolo. Nagugutom na talaga ako. Mahirap tanggihan ang grasya ng pagkain. “Sige po, lolo.” “Great! Follow me, Iha.” Tumango naman ako bago siya sinundan. Pumasok kami sa loob ng restaurant. Grabe! ang bango bango ng loob! Halatang pang-mayayaman! Manghang mangha ako habang nililibot ang tingin sa paligid. Iba pala kapag nandito ka sa loob. Tumigil kami sa isang table. Naunang na-upo si Lolo tapos ay nakangiti siyang nag-angat ng tingin sa akin. “Sit down, Iha.” Sumunod naman agad ako at na-upo sa katapat na silya. “Ito ang menu, bilang pambawi ko sa ‘yo, pumili ka ng pag-kain na gusto mo. okay?”

    Last Updated : 2022-09-05
  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 3

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Nang makalabas ang dalagang si Natasha ay agad sinenyasan ni Don Juanito ang kanyang bodyguard para pasundan ang dalaga. Gusto nitong makauwi ang dalaga ng maayos at ligtas. “Mukhang nag-enjoy po kayong kasama ang dalagang iyon, Don Juanito.” Nakangiting sabi ng kanang kamay ng matanda ng makalapit ito. “Yeah, I like that, girl. I can see the goodness of her heart. She is perfect for my grandson. I know she can tolerate that man's behavior. Larry, finds out more about that girl's personality. Her background. Then send to me. Okay? My search for a woman for my grandson is over. Now, I am sure about Natasha. I will prepare everything..” Nakangiti sabi ng matanda habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang dalaga kanina. Ngayon lang ito naging masaya at magaan ang loob sa isang tao. Ang mga nang-yari kanina ay isang palabas lamang. Ang lalaking tumakbo at kumuha ng bag ay isa sa guards ng Don. Isang test lang nang-yari kaninang eksena. Ku

    Last Updated : 2022-09-05
  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 4

    Matapos maka-paglinis, mag-hugas at maayos ang dapat ayusin ay umakyat na sa taas sila mama, habang ako naman pasimpleng kumuha ng dalawang kutsara at tinidor. Kumuha na rin ako ng malamig na tubig tapos ay dali-daling umakyat sa taas para makakain na sila mama. Nakangiti ako habang nakatingin kela mama. Masaya ako na nakakain na sila ng marami at masarap pa. “Itago niyo iyang tinapay at pizza, Nicole. Para bukas may makain kayo ni mama.” “Opo, ate." “Ikaw ba ay hindi kakain anak?” Mabilis akong umiling. “Busog pa po ako, Ma. Marami po akong nakain kanina. Kumain po kayo ng kumain para makabawi po kayo ng lakas.” “Sige, mag-titira na lang kami para kapag nagutom ka, may makain ka mamaya.” Tumango na lang ako tapos ay tumungo sa aking aparador na sira-sira para ayusin ang isusuot kong damit sa lunes. Kailangan presentable ang aking ayos lalo na at haharap ako sa apo ni Don Juanito. Sandali, hindi ko natanong kung ang Apo ba nito na pauwi galing kor

    Last Updated : 2022-09-05
  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 5

    LUMAPIT ako sa gilid ng gate para mag-doorbell. Maya-maya bumukas ang maliit na pinto sa gilid ko. “Kayo po ba si Natasha Marie Garcia?” Magalang na tanong ng guard. Mabilis naman akong tumango. “Pasok po kayo. Hinihintay na kayo ni Don Juanito sa loob.” “Salamat po.” Pumasok na ako sa loob, namamanghang nilibot ko ang tingin sa paligid. Ang daming puno at bulaklak na halatang alagang-alaga. Tapos sa kaliwa ay may nakita pa akong maliit na bahay kubo kung saan may duyan, lamesa at upuan. Parang tambayan ang dating sa akin no‘n. Napapalibutan pa ng ibang-ibang klaseng halaman at bulaklak. Habang naglalakad nakita ko naman sa kanan ang mga nakaparadang kotse, mahigit sampo ata iyon! Grabe, ang gaganda at halatang mamahalin ang mga iyon! Nakakalula ang aking mga nakikita. Hindi pala talaga basta basta ang yaman ng mabuting Don. Sa gitna naman ay may fountain na nag-lalabas ng tubig sa pinaka-tuktok nito. Ang laki ng Mansion nila Don Juanito! Nang makarating

    Last Updated : 2022-09-06
  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 6

    Nanlaki ang aking mga mata ng makilala ang lalaking nasa aming harapan! Siya iyong nasa malaking picture! Iyong naka suit at seryoso ang mukha tapos kakaiba kung tumingin. Napalunok ako ng pasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito. Naka-suot lang ito ng boxer short, Jusko! Kitang kita tuloy kung gaano kaganda ang katawan ng lalaking ito. May walo itong abs, tapos kitang kita ang V line nito. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Nakasimangot ito, habang walang buhay na nakatingin ang mga mata sa akin. “Giovanni! Ano iyang suot mo? Ikaw talagang bata ka! Nakakahiya sa bisita natin!” Galit na sigaw ni Lolo, kaya medyo napangiwi ako. “I didn't know you had a visitor.” Bored na sagot nito sa kanyang lolo bago sumandal sa mismong pinto habang nakatingin pa rin sa akin ang mga mata niya. Halatang walang pakialam sa kanyang suot, kahit babae pa ang kaharap. Dahil sa kanyang ayos ngayon para tuloy siyang naging modelo sa isang magazine.

    Last Updated : 2022-09-06
  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 7

    Habang nasa biyahe pinaliwanag ko kay mama at Nicole ang lahat. Kung bakit ko sila biglang sinundo at kung ano ang sinabi sa akin ni Don Juanito. Mangiyak ngiyak nga si mama dahil napakabuti daw ng naging amo ko. Masaya din ito dahil naka-alis na kami sa bahay ng kanyang kapatid. Matagal na talagang gusto ni mama na makaalis doon kaso ay wala kaming pera para mangupahan. Malaki ang pasasalamat ko kay Lolo J, dahil sa kanya ay makakasama ko pa rin ang mama at kapatid ko. Atleast mapapayapa ang aking isip na maayos sila at hindi kakawawain ng aking Tiya. Bilang pasasalamat sa kabutihan ni Lolo J, mag-sisipag ako sa trabaho at gagawin ang lahat ng pwede kong gawin masuklian lang lahat ng mabuting ginawa niya para sa amin ng pamilya ko. Nag-papasalamat din ako na nakilala ko siya. Dahil kay Lolo J, nagkaroon ako ng trabaho, nakaalis kami sa bahay ng Tiya ko at may matutuluyan pa sila mama. Hinding hindi ko sisirain ang binigay sa aking tiwala ni Lolo J, Mag-tatrabaho akong m

    Last Updated : 2022-09-07
  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 8

    DON JUANITO's pov Hindi ako nagkamali sa pag-pili kay Natasha. Pati ang ina at kapatid nito ay may mabuting puso. Hindi gahaman sa pera at kapangyarihan. May matirhan lang sila kahit maliit, may makakain sa araw-araw at magkakasama ay kuntento na ang mga ito. Nakangiti akong bumalik sa aking swivel chair at kinuha ang baso na may lamang alak at sinimsim iyon. Isang buwan o dalawang buwan hahayaan ko muna na isipin ni Natasha na katulong talaga siya dito sa mansion, Ayokong biglain ang dalaga. Importante ay pumirma siya sa kontrata na pinapirmahan ko sa kanya kanina. Wala na siyang magagawa pa at hindi na makakaatras sa gusto kong mangyari. Nasa ganoon akong ayos ng biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at niluwa ang aking apo na nanlilisik ang mga mata ng tumingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin bagkus ay isang matamis na ngiti pa ang aking binungad sa kanya. “Apo! What brings you here at this hour? Do you need something?” “Stop the act old man. Your gues

    Last Updated : 2022-09-08
  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 9

    “What are you doing here?” Malamig at galit na tanong niya. Napalunok naman ako. Jusko! Bakit galit siya? Inaayos ko lang naman ang kama niya at tatawagin ko lang naman siya para kumain! Saka ang aga-aga galit agad siya? Mukhang tama nga ang hula ko na pinag-lihi siya sa sama ng loob! Narinig ko ang pag-lalakad nito at ngayon ay ramdam ko na ang kanyang presensya sa aking likod. Pinakikiramdaman ko lang naman siya, Saka ayoko humarap sa kanya! Nagkakasala ang mga mata ko! “I'm asking you, woman!! Answer me!!” “Ay tangina mo!” Gulat na sambit ko ng bigla na lang siyang sumigaw. Nang mapagtanto ko ang aking sinabi ay napahawak ako sa aking bibig. Patay.. “What did you say?! You're cursing me?!” Napapikit na lang ako dahil halatang halata sa boses nito na galit na galit siya. Dahan dahan naman na akong humarap dito. Sumalubong sa akin ang nakakatakot na awra ng boss ko. Salubong na salubong ang makapal nitong kilay. “Get out!!” Muli na naman niyang sigaw. S

    Last Updated : 2022-09-09

Latest chapter

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Epilogue

    GIOVANNI'S POV “Hubby, busy ka?” Lumingon ako sa aking asawa. “Not really, why?” Malambing kong sagot na siyang kinalawak ng ngiti nito. Actually, may importante akong binabasa na documents para sa isang project ng kompanya. Mahalaga iyon pero mas mahalaga ang asawa ko. Simula ng malaman kong buntis si Natasha pinili ko ng dalhin ang trabaho ko dito sa mansyon at napunta lang ako sa kumpanya kapag may meeting o importanteng kliente. “Uhm, can you make a pizza? I want a homemade pizza, hubby..pretty please?" I smiled and nod saka tumayo para lapitan siya at gawaran muna ng halik. “Alright, gagawa ako ng pizza for you. what flavor do you want?” Nangislap naman ang mga mata nito. “Beef mushroom pizza hubby, with hot sauce ah?” Parang bata nitong sambit. “Okay, I'll make you a pizza, just wait for me here.” “Okay!” Lumabas na ako ng kwarto namin at nag tungo sa kusina para gawin ang request niyang pizza. Iba pala talaga ang mood ng isang buntis.

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 139

    “I'm sorry again.” “Ssshh, stop crying, It's over. This time sigurado na ako na tapos na ang lahat. Mamumuhay na tayo ng maayos at masaya.” Tumango tango naman ako. “Dad talk to mom later, we need to go to the hospital, She has a gunshot, she was also pale.” Seryosong singit ni Ares. Doon lang bumalik sa aking isip na may tama nga pala ako ng bala. “Shit.” Mura ni Hubby saka mabilis na tumayo saka binuhat ako pa bridal style. Pagkalabas namin ng kwartong iyon nandoon pala si Kiel at Sean naghihintay at nagbabantay. “Let's go! May tama ng bala ang asawa ko, kailangan madala agad siya sa hospital.” Mabilis na sambit nito at nagmamadaling naglakad. Nakasunod naman sila sa amin. Pagkarating sa labas ng bahay naabutan namin na nakikipag bangayan si Rose kay Ellaine. Hindi pa rin pala tumitigil ang babae, habang si Giselle nakatalikod sa kanilang dalawa at tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Dumeretso naman si Kiel at Sean sa pwesto ng mga ito habang ka

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 138

    PAGKARATING sa kwartong pinag dalhan sa akin kanina ay walang pakundangan akong tinulak sa loob ng dalawang lalaking may hawak sa akin, napaluhod ako at napangiwi dahil malakas iyon, isabay pa na nagsisimula na ako makaramdam ng panghihina dahil sa tama ng bala. Shit! “Now, let's start.” Agad akong napalingon kay Ellaine na sumunod din pala agad sa amin. Nakangisi ito habang hawak hawak ang isang latigo. Napalunok ako. Delikado ito. May tama ako ng bala at nanghihina na, baka hindi kayanin ng katawan ko ang gagawin sa akin ng demonyong ito! Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko, hindi biro ang dugong nawawala sa akin. Hubby, nasaan na kayo? Sana makarating kayo sa tamang oras. “Scared? Siguradong sa gagawin ko hinding hindi kana makakatayo pa at makakatakas! Papahirapan kita hanggang sa unti unti ng bumigay ang katawan mo at maging dahilan ng kamatayan mo! Ibabalik ko sa ‘yo ang lahat ng ginawa mo sa akin!” Galit nitong turan sabay taas ng kamay na may hawak n

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 137

    “Sige na anak, baka maabutan pa tayo ng mga tauhan ni Ellaine dito. Tumalon kana anak, be careful ok? I hope you can do the first mission I gave to you, son. I believe in you, Go!” Hinarap kona siya sa bintana, kumapit ito sa magkabilaang kahoy saka lumingon sa akin. “I will do what you gave me on my first mission mom, I will not dissapoint you, I will hide and they will not find me. I will also call dad.. but please mom, promise me you will be ok and you will follow me. Alright?” Seryosong turan nito pero nakikita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. My baby is big boy na talaga. “I will son, go now baka dumating na ang mga kalaban. Mag-iingat ka ha?” “Yes, mom.” Bago siya tumalon ay ginawaran ko muna ito ng halik sa ulo. Maging ligtas lang siya ay mapapanatag na ako. Ilang sandali pa tumalon na ito, nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang pagkakabaksak niya. Tumingala siya sa akin na siyang sinagot ko naman ng tango. Tumakbo na it

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 136

    Ngayon naiintindihan kona si Hubby. Ito ang sinasabi niyang napapansin niya kay Rachel parang may kakaiba. Iyon pala ang babaeng business partner na naman niya ay walang iba kung hindi si Ellaine! Napaka laking katanungan ang nasa aking isip. Papaano siya nakaligtas? Mali lang ba ako ng nakita? Sino ang tumulong sa kanya? Marahas niyang binitawan ang aking buhok saka iyon inayos-ayos. “Nagtataka ka ba paano ako nabuhay? Simple lang. Niligtas ako ni Logan, pagkaalis na pagkaalis niyo dumating si Logan at mga tauhan niya para iligtas ako. Sa likod lang kami dumaan at kayo sa pinaka entrance. Siya ang nagtago at nagpagamot sa akin. Hindi niyo nahalata diba? Matalino din naman kasi ang isang ‘yun. Nabobo lang pag dating sa pag ibig. Tsk!” So, si Logan ang nagligtas sa kanya. Kaya pala..Mas naiintindihan kona ang lahat ngayon. “Anyway, ngayon na kilala mo na ako. Alam mona ang gagawin ko sa ‘yo.” Nakangisi nitong turan. Shit, ngayon pa lang alam kong

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 135

    “Hey, wife ok ka lang?” Napakurap kurap ako saka binalingan si Hubby. “Yeah, ok lang ako. Aakyat muna ako sa taas. Mas gusto ko muna mapag isa. Ayoko rin maka-istorbo kela Sean.” Mahina kong sambit. “Alright, mabuti pa nga magpahinga ka muna. Ako ng bahala dito. Kapag may balita ay sasabihin ko rin sa ‘yo agad.” Humakbang siya saka ako niyakap ng mahigpit. Ginawaran niya rin ako ng halik sa aking noo. Gusto kong maiyak at magsabi sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Ares. Akala ko malakas at matapang na ako pero lahat iyon nawala ng anak kona ang pinag uusapan. Lumayo na rin ako kaagad saka nagpaalam sa kanya na aakyat na. Baka tumatawag na si Rachel. Iniwan ko pa naman sa kwarto ang phone. Sakto na kailangan na rin siya nila Sean kaya hinayaan na niya ako at bumalik na sa sala. Umakyat na rin naman ako agad. Sinigurado ko munang abala silang lahat saka dali-daling bumalik sa kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng sakton

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 134

    Isa pa patay na si Logan, kaya sino ang gumawa non? May iba pa ba kaming kalaban? O, may iba pa bang kalaban si Hubby? “P-pero sino ang kukuha sa anak natin? Patay na si Logan, May iba ka pa bang naiisip na pwede gumawa nito?” Naguguluhan kong tanong. “Wala na, Wife. Wala naman akong ibang kalaban na matindi. Siguro isa ito sa utos ni Logan, Baka isa sa tauhan niya ang inutusan niya para kunin si Ares. Hindi pa ata nila alam na patay na ang boss nila.” Napatango naman ako. Pwede, baka kasama ito sa plano nila. “Let's go downstair, kailangan ko makausap si Sean at Kiel. Kailangan nilang ma-hack ang CCTV's sa labas ng subdivision para malaman kung mga tauhan ba ni Logan ang mga iyon at ma locate din kung saan sila dumeretso. Pati ang CCTV ng mansyon ay ipapa review ko rin.” Tumango naman ako saka kami sabay bumaba. Naabutan namin silang apat na mahinang nag uusap. Napatingin ako kela Lolo J na wala pa ring malay. Sana gumising na sila. Lumapit ako k

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 133

    “Shit! Saan nang galing iyon?!” Galit na sigaw ni Logan. “Mga snipper, boss!” Oh my gosh! Nandito rin sila Giselle at Rose! “Shit! Nasaan ang ibang tauhan natin? At nasaan na ba ang chopper?!” Naging aligaga si Logan. “Wala ng darating na chopper dahil pinasabog kona..” Walang emosyong singit ni Hubby. “Hindi mo na rin makikita ang mga tauhan mo, Logan dahil kasama na nila si Santanas.” Nakangising turan naman ni Kiel. Humigpit ang hawak sa akin ni Logan. “Mga hayop kayo!” Gigil na sigaw niya saka ako mas hinapit at diniin sa akin ang hawak na baril. “Hindi niyo ako agad agad mapapatay! Tara, Melvin sa likod! Subukan niyong sumunod. Pasasabugin ko ang bungo ng pinakamamahal mo, Giovanni.” Habang umaatras kami, nakipag titigan ako kay Hubby. Nag-uusap ang aming mga mata bago siya bahagyang tumango. Malapit na kami sa pinto ng bumuwelo ako at sinipa patalikod si Logan kung saan natamaan na naman ang kanyang iniingatan na alaga. Tsk, lamog ang

  • I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)    Chapter 132

    “Where do you think your going, Miss? Hindi ka pwedeng umalis sa bahay na ito na hindi kasama si Boss.” Nakangisi nitong turan. Who is this guy? Bagong alalay ni Logan? “Melvin!” Sabay kaming napalingon sa hagdan. Shit! Naabutan na niya ako. Mabilis na bumaba ng hagdan si Logan habang iika ika. Sana pala pinuruhan kona ang pag sipa sa ari niya para hindi na siya naka bangon pa! “Boss, anong nangyari sa ‘yo?” Tanong nung Melvin. “Wala ito, Kunin mo siya at itali ang mga kamay. Nasaan na ang chopper?” Seryoso nitong tanong habang napapangiwi. “Malapit na daw boss, konting hintay na lang.” Sagot nung Melvin saka lumapit sa akin. Umatras naman ako at akmang tatalikod ng mabilis nitong nahablot ang buhok ko saka hinila. “Bitawan mo ako!” Hiyaw ko kaso napatigil ako ng tutukan niya ako ng baril sa aking sintido. “Ibaba mo ‘yan Melvin, ‘wag na ‘wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko.” Narinig ko namang sambit ni Logan. Gusto kong mas

DMCA.com Protection Status