In a terrible tragedy, Alona did not expect to meet Kenneth again, the man she fell in love with a year ago. A big responsibility will be given to both of them where they will take care of a child and become its parents. Will Alona be able to avoid the playful whip of fate on them or will she let fate make a way to resume her love with Kenneth that was cut off due to a delusion. Did she survive co-parenting with a playboy?
View More"Yes! Out na naman. Thank you, Lord." Nag-inat ng braso si Alona dahil tapos na naman ang kanyang duty sa may call center. Matapos mag-inat ng braso ay inalis na niya ang head phone na nakasalpak sa kanyang teinga.Inayos niya ang mga kalat sa kanyang desk. Nagspray siya ng alcohol sa ibabaw nito pagkatapos ay inilagay sa basurahan na nakapwesto sa ilalim ng kanyang desk ang mga pinagbalatan niya ng candy. Pagkatapos ay kinuha niya ang tasa na ginamit niya kaninang madaling araw na pinagtimplahan niya ng kape pampawala ng antok. Pumunta siya sa sariling kusina ng kanilang opisina at hinugasan iyong tasa at iba pang kubyertos na kanyang ginamit.After niyang maghugas ay bumalik na siya sa kanyang desk. Inilabas niya ang kanyang mga kolorete sa bag at sinimulang magretouch. Haggard siyang tignan sa salamin niya kaya naglagay siya ng kaunting foundatin sa mukha nito, konting liptint sa kanyang bibig at pinasadahan niya din ng mascara ang kanyang mga pilikmata para maganda kung tignan. A
"Anong ginagawa mo dito kumag ka? Tsaka, paano ka nakapasok?" Tanong ni Alona, puno ng pagtataka sa kanyang mukha na tanging si Kenneth lamang ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanya. Ngiting aso ang iginawad ni Kenneth kay Alona na gulat na gulat pagkakita sa kanya. Inaasahan na ni Kenneth na ganoon ang makikita niyang reaksyon mula sa babae. Sinadya niyang isurprise ito para naman kahit papaano ay matuwa sa kanya si Alona. "Binuksan ko yong pinto syempre." Piloposong tugon ni Kenneth kaya naman nakatanggap siya ng malakas na hampas sa braso mula kay Alona. "Aray naman! Ba't nanghahampas ka dyan." Reklamo nito, hinimas-himas niya abg brasi na bahagyang namula. "Nagtatanong ako ng maayos kaya huwag mo 'kong dinadaan sa kanal humor mo." Singhal ni Alona. "Eto naman highblood agad e, ang aga-aga. Kumain ka kaya muna. Sigurado ako pagod ka lang galing work. Tara, saktong-sakto nakapagluto na 'ko." Anyaya ni Kenneth sa kanya, mayabang na itinuro ng lalaki ang kanyang mga nilutong pag
"E ano ng balak mo ngayon? Paano ang aregluhan niyo ngayon ni Kenneth nyan? Panigurado ako, hindi 'yon magpapatalo sa'yo." Komento ng kanyang kaibigan na si Clariza. Nasa tapat sila ng kumpanya na kanilang pinagtratrabahuan, abalang kumakain ng tusok-tusok kagaya ng fishball at kikiam dahil breaktime nila."Aba! Hindi rin ako magpapatalo no. Wala akong tiwala sa lalaking 'yon. Psh! Ano naman ang alam non sa pag-aalaga ng bata." Umikot ang mga mata ni Alona sa inis. Naalala na naman niya ang kayabangan ni Kenneth noong huli na nakapag-usap sila patungkol sa pag-aalaga kay Cleo."Malay mo naman marunong talaga." Depensa ni Klariza.Nakakunot-noo si Alona na tumitig sa kanyang kaibigan. "Sus! Bes, huwag ka magpapaniwala sa Kenneth na 'yon, gumagawa lang 'yon ng paraan para magpapansin dahil gusto niyang makipag-ayos sa akin. As if naman tanga ako at papayag ako sa gusto non. Yuck!" Patutsada ni Alona, nandiri pa siya nong maalala ang pag-uusap nila ni Kenneth."Bes, ang tagal naman na k
"Sa akin mapupunta ang bata dahil mas makakaya ko siyang bigyan ng magandang pamumuhay. Bukod sa oras, alam kong kapos ka sa pinansyal, Alona. Huwag mo ng subukan na umangal pa dahil masasayang lang ang laway mo."Nakita ni Alona kung paano tumaas ang gilid ng labi ni Kenneth matapos ipamukha na walang magandang kinabukasan na mararanasan si Cleo kapag sa kanya ito mapupunta. Ang yabang ng lalaking 'to. Hindi naman siya magiging mayaman kung hindi siya umutang ng puhunan sa kaibigan nitong CEO. Napakakapal ng mukha niyang magyabang."Excuse me lang po, attorney. Alam ko po na kapos po ako sa pinansyal atleast po kaya ko pong pagtrabahuan ang mga pangangailangan ni Cleo kapag nagkataon nang hindi umuutang." Pagpaparinig nito, nang balingan niya ng tingin si Kenneth ay napansin nito na uusok na ang ilong nito sa galit."Tsk! Attorney, wala siyang stable na source of income, malaking rason po iyon para masabi na hindi magiging maganda ang buhay ng bata sa poder niya. Alam naman natin
"Biglaan itong nangyari kina Benj at Krisha kaya nakakaawa ang kalagayan ng naiwan nilang anak. Kaya napagdesisyunan namin na ibigay ang tiwala sa mga matalik na kaibigan nila upang akuhin iyong responsibilidad na kanilang iniwan."Mangiyak-iyak si Alona dahil sa nangyari kina Benj at Krisha na parehas nitong matalik na kaibigan. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na niya halos matanggap na naiwan ng mag-isa ang kanilang anak na walang kaalam-alam sa nangyari. Hindi halos magsink-in sa utak nito ang napala ng dalawa matapos ang malagim na aksidente na kanilang kinahantungan."Buong puso ko po na tinatanggap si Cleo, aakuhin ko po ang responsibilidad na iniwan ng mga magulang niya. Hindi ibang tao si Cleo sa akin kaya gagawin ko ang lahat para hindi niya maramdaman na nag-iisa siya."Napatingin ito sa batang lalaki na naroon sa sofa, naglalaro sa mini truck nitong hawak habang abala sila ni Attorney na pinag-uusapan ang tungkol sa pang-ampon nito kay Cleo. Mukhang alam na nina Benj
"Biglaan itong nangyari kina Benj at Krisha kaya nakakaawa ang kalagayan ng naiwan nilang anak. Kaya napagdesisyunan namin na ibigay ang tiwala sa mga matalik na kaibigan nila upang akuhin iyong responsibilidad na kanilang iniwan."Mangiyak-iyak si Alona dahil sa nangyari kina Benj at Krisha na parehas nitong matalik na kaibigan. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na niya halos matanggap na naiwan ng mag-isa ang kanilang anak na walang kaalam-alam sa nangyari. Hindi halos magsink-in sa utak nito ang napala ng dalawa matapos ang malagim na aksidente na kanilang kinahantungan."Buong puso ko po na tinatanggap si Cleo, aakuhin ko po ang responsibilidad na iniwan ng mga magulang niya. Hindi ibang tao si Cleo sa akin kaya gagawin ko ang lahat para hindi niya maramdaman na nag-iisa siya."Napatingin ito sa batang lalaki na naroon sa sofa, naglalaro sa mini truck nitong hawak habang abala sila ni Attorney na pinag-uusapan ang tungkol sa pang-ampon nito kay Cleo. Mukhang alam na nina Benj...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments