"Sa akin mapupunta ang bata dahil mas makakaya ko siyang bigyan ng magandang pamumuhay. Bukod sa oras, alam kong kapos ka sa pinansyal, Alona. Huwag mo ng subukan na umangal pa dahil masasayang lang ang laway mo."
Nakita ni Alona kung paano tumaas ang gilid ng labi ni Kenneth matapos ipamukha na walang magandang kinabukasan na mararanasan si Cleo kapag sa kanya ito mapupunta.Ang yabang ng lalaking 'to. Hindi naman siya magiging mayaman kung hindi siya umutang ng puhunan sa kaibigan nitong CEO. Napakakapal ng mukha niyang magyabang."Excuse me lang po, attorney. Alam ko po na kapos po ako sa pinansyal atleast po kaya ko pong pagtrabahuan ang mga pangangailangan ni Cleo kapag nagkataon nang hindi umuutang." Pagpaparinig nito, nang balingan niya ng tingin si Kenneth ay napansin nito na uusok na ang ilong nito sa galit."Tsk! Attorney, wala siyang stable na source of income, malaking rason po iyon para masabi na hindi magiging maganda ang buhay ng bata sa poder niya. Alam naman natin na sa pagpapalaki ng bata ay magastos kung kaya kinakailangan ng stable na source of income para hindi ito mapabayaan." Depensa niya, napatango-tango ang attorney na ikinainis ni Alona dahil mukhang nakukuha ni Kenneth ang loob nito."Attorney, call center agent po ako, siguro naman stable na source of income na po 'yon para masabi na safe si Cleo sa akin at masisiguro na maganda ang buhay na maibibigay ko." Tugon naman niya, napansin niya na napapailing si Kenneth kaya mas lalong kumukulo ang dugo nito.Ano bang ipinaglalaban ng kumag na ito? Hindi porket may negosyo siya't stable ang source of income niya na ipinaglalaban ay kinakailangan na niyang umasta ng ganito sa harapan ko."Let's not jump to a conclusion, Alona. What if night shift ka, edi maiiwan mag-isa ang bata sa bahay mo, gawain ba 'yon ng mabuting tatayong ina. Hmm?" Taas-kilay na tanong ni Kenneth."Edi gagawan ko ng paraan, hindi naman 'yon problema e. Tsaka, ano bang alam mo? Ano bang alam ng isang playboy sa pag-aalaga ng bata? Baka nga imbes na magandang asal ang ituro mo sa bata ay puro mga kalokohan na ginawa mo nong kabataan mo. Valid na reason 'yon, Attorney. Hindi siya safe kay Kenneth knowing na dakila siyang playboy." Patutsada nito dahil hindi siya makakapayag na kay Kenneth ito mapupunta. Wala siyang magandang kinabukasan kapag sa kumag siya mapupunta."Playboy ako pero hindi ako masamang tao." Depensa nito na animoy aping-api sa sinabi ni Alona. "Huwag mo ngang idamay 'yong personal na problema mo sa akin sa pagpapalaki ko sa bata. Sa ating dalawa, sa akin siya dapat mapunta.""Anong sa'yo? Sa'kin! Ako ang babae kaya sa akin siya mapupunta!" Napatayo na si Alona sa inis dahil sa komprontasyon nila ni Kenneth. Napatayo na rin si Attorney at ipinagitna nito ang kanyang kamay upang patigilin ang dalawa."Bakit ba kailangan niyong mag-agawan kay Cleo kung nakasaad sa last will ng mag-asawa na kayong dalawa mismo ang mag-aalaga sa kanya?"Natahimik silang dalawa ni Kenneth sa sinabing iyon ni Attorney. Napaupo si Alona at napabuntong-hininga ng malalim. Walang saysay na makipagsagutan siya sa lalaki maghapon dahil hiling ng mag-asawa na silang dalawa ni Kenneth ang mag-alaga sa anak nila."Sa ngayon, mukhang hindi pa kayo nagkakasundo kaya sa seguridad ng bata, sa amin muna siya mapupunta. Kinakailangan niyong ayusin muna ang personal niyong problema sa isa't isa bago namin ibigay ang bata sa inyo. Makakaapekto sa bata kapag nakikita niya kayong ganyan." Paliwanag ni Attorney.Matapos ang diskurso kasama si Attorney ay nagpaalam na ito kasama ang kawani ng DSWD na pansamantala munang mag-aalaga kay Cleo habang hindi pa sila nagkakaayos ni Kenneth.Nang maiwan silang dalawa ni Kenneth ay nagmadali itong lumabas dahil ayaw niyang pumirmi sa isang lugar na kasama ito."Hanggang ngayon, may galit ka pa rin sa'kin ah."Napahinto si Alona sa paglalakad matapos marinig ang tinig na iyon mula sa likod niya.Kabisadong-kabisado niya ang may-ari nong boses na 'yon.Paano ko naman makakalimutan ang boses na minsan ay nagparanas ng trauma sa akin?Hinarap niya ito ng buong tapang habang mahigpit na nakahawak sa strap ng shoulder bag niya."Psh! Inilalayo ko lang si Cleo sa taong magaling lang sa umpisa at sa salita."Nakita nito kung paano siya pagtawanan ng mapakla ni Kenneth habang nakapamulsang naglakad palapit sa kanya. Para bang may matibay na pandikit sa paa nito at hindi na niya iyon maigalaw paalis."Inilalayo ko naman siya sa taong hindi marunong magpatawad kahit paulit-ulit ka na ngang humingi ng sorry sa kanya."Napahinto si Alona sa sinabi nito.Muntik na siyang maiyak nang bumalik sa ala-ala niya ang mga panahon na halos umiyak siya ng dugo sa mga ginawa ni Kenneth sa kanya. Hindi sapat ang isang case ng alak para makalimutan iyong mga mapapait na alaala na binigay nito sa kanya. Nakatanim pa rin ito sa kanyang puso na kailanman hindi kayang alisin ng isang sorry ang sakit."Wala kang alam sa pagpapalaki ng bata kaya huwag ka ng umangal pa at hayaan na ako ang mag-alaga kay Cleo." Pag-iiba nito sa usapan bago pa sila mag-ungkatan ng nakaraan."Who you? Sino ka para sundin ko?" Nang-aasar na tugon nito. "Let's fix everything about our past then I'm going to let Cleo go with you."Pagpapatuloy ni Kenneth at dahan-dahan na lumapit sa kanya hanggang sa maramdaman niya sa kanyang teinga iyong init ng hininga ng lalaki."Makipagbati ka muna sa akin at pagbibigyan kita sa gusto mo. Think about it, baby." Malumanay nitong sagot at bago ilayo ang mukha nito sa kanya ay naramdaman niya na hinalikan nito ang teinga niya dahilan para agresibo niya itong itinulak palayo sa kanya."Tangina non!" Pagmumura nito nang tuluyan na itong mawala sa paningin nya. Pinunasan niya iyong teinga niya na hinalikan ni Kenneth kanina dahil diring-diri ito sa ginawa niya.Hindi ako uto-uto para makipagbati sa kumag na 'yon. Walang kapatawaran 'yong ginawa niya sa akin. Kahit Diyos pa ang mag-utos sa akin, hinding-hindi ko siya mapapatawad."E ano ng balak mo ngayon? Paano ang aregluhan niyo ngayon ni Kenneth nyan? Panigurado ako, hindi 'yon magpapatalo sa'yo." Komento ng kanyang kaibigan na si Clariza. Nasa tapat sila ng kumpanya na kanilang pinagtratrabahuan, abalang kumakain ng tusok-tusok kagaya ng fishball at kikiam dahil breaktime nila."Aba! Hindi rin ako magpapatalo no. Wala akong tiwala sa lalaking 'yon. Psh! Ano naman ang alam non sa pag-aalaga ng bata." Umikot ang mga mata ni Alona sa inis. Naalala na naman niya ang kayabangan ni Kenneth noong huli na nakapag-usap sila patungkol sa pag-aalaga kay Cleo."Malay mo naman marunong talaga." Depensa ni Klariza.Nakakunot-noo si Alona na tumitig sa kanyang kaibigan. "Sus! Bes, huwag ka magpapaniwala sa Kenneth na 'yon, gumagawa lang 'yon ng paraan para magpapansin dahil gusto niyang makipag-ayos sa akin. As if naman tanga ako at papayag ako sa gusto non. Yuck!" Patutsada ni Alona, nandiri pa siya nong maalala ang pag-uusap nila ni Kenneth."Bes, ang tagal naman na k
"Anong ginagawa mo dito kumag ka? Tsaka, paano ka nakapasok?" Tanong ni Alona, puno ng pagtataka sa kanyang mukha na tanging si Kenneth lamang ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanya. Ngiting aso ang iginawad ni Kenneth kay Alona na gulat na gulat pagkakita sa kanya. Inaasahan na ni Kenneth na ganoon ang makikita niyang reaksyon mula sa babae. Sinadya niyang isurprise ito para naman kahit papaano ay matuwa sa kanya si Alona. "Binuksan ko yong pinto syempre." Piloposong tugon ni Kenneth kaya naman nakatanggap siya ng malakas na hampas sa braso mula kay Alona. "Aray naman! Ba't nanghahampas ka dyan." Reklamo nito, hinimas-himas niya abg brasi na bahagyang namula. "Nagtatanong ako ng maayos kaya huwag mo 'kong dinadaan sa kanal humor mo." Singhal ni Alona. "Eto naman highblood agad e, ang aga-aga. Kumain ka kaya muna. Sigurado ako pagod ka lang galing work. Tara, saktong-sakto nakapagluto na 'ko." Anyaya ni Kenneth sa kanya, mayabang na itinuro ng lalaki ang kanyang mga nilutong pag
"Yes! Out na naman. Thank you, Lord." Nag-inat ng braso si Alona dahil tapos na naman ang kanyang duty sa may call center. Matapos mag-inat ng braso ay inalis na niya ang head phone na nakasalpak sa kanyang teinga.Inayos niya ang mga kalat sa kanyang desk. Nagspray siya ng alcohol sa ibabaw nito pagkatapos ay inilagay sa basurahan na nakapwesto sa ilalim ng kanyang desk ang mga pinagbalatan niya ng candy. Pagkatapos ay kinuha niya ang tasa na ginamit niya kaninang madaling araw na pinagtimplahan niya ng kape pampawala ng antok. Pumunta siya sa sariling kusina ng kanilang opisina at hinugasan iyong tasa at iba pang kubyertos na kanyang ginamit.After niyang maghugas ay bumalik na siya sa kanyang desk. Inilabas niya ang kanyang mga kolorete sa bag at sinimulang magretouch. Haggard siyang tignan sa salamin niya kaya naglagay siya ng kaunting foundatin sa mukha nito, konting liptint sa kanyang bibig at pinasadahan niya din ng mascara ang kanyang mga pilikmata para maganda kung tignan. A
"Biglaan itong nangyari kina Benj at Krisha kaya nakakaawa ang kalagayan ng naiwan nilang anak. Kaya napagdesisyunan namin na ibigay ang tiwala sa mga matalik na kaibigan nila upang akuhin iyong responsibilidad na kanilang iniwan."Mangiyak-iyak si Alona dahil sa nangyari kina Benj at Krisha na parehas nitong matalik na kaibigan. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na niya halos matanggap na naiwan ng mag-isa ang kanilang anak na walang kaalam-alam sa nangyari. Hindi halos magsink-in sa utak nito ang napala ng dalawa matapos ang malagim na aksidente na kanilang kinahantungan."Buong puso ko po na tinatanggap si Cleo, aakuhin ko po ang responsibilidad na iniwan ng mga magulang niya. Hindi ibang tao si Cleo sa akin kaya gagawin ko ang lahat para hindi niya maramdaman na nag-iisa siya."Napatingin ito sa batang lalaki na naroon sa sofa, naglalaro sa mini truck nitong hawak habang abala sila ni Attorney na pinag-uusapan ang tungkol sa pang-ampon nito kay Cleo. Mukhang alam na nina Benj

"E ano ng balak mo ngayon? Paano ang aregluhan niyo ngayon ni Kenneth nyan? Panigurado ako, hindi 'yon magpapatalo sa'yo." Komento ng kanyang kaibigan na si Clariza. Nasa tapat sila ng kumpanya na kanilang pinagtratrabahuan, abalang kumakain ng tusok-tusok kagaya ng fishball at kikiam dahil breaktime nila."Aba! Hindi rin ako magpapatalo no. Wala akong tiwala sa lalaking 'yon. Psh! Ano naman ang alam non sa pag-aalaga ng bata." Umikot ang mga mata ni Alona sa inis. Naalala na naman niya ang kayabangan ni Kenneth noong huli na nakapag-usap sila patungkol sa pag-aalaga kay Cleo."Malay mo naman marunong talaga." Depensa ni Klariza.Nakakunot-noo si Alona na tumitig sa kanyang kaibigan. "Sus! Bes, huwag ka magpapaniwala sa Kenneth na 'yon, gumagawa lang 'yon ng paraan para magpapansin dahil gusto niyang makipag-ayos sa akin. As if naman tanga ako at papayag ako sa gusto non. Yuck!" Patutsada ni Alona, nandiri pa siya nong maalala ang pag-uusap nila ni Kenneth."Bes, ang tagal naman na k
"Sa akin mapupunta ang bata dahil mas makakaya ko siyang bigyan ng magandang pamumuhay. Bukod sa oras, alam kong kapos ka sa pinansyal, Alona. Huwag mo ng subukan na umangal pa dahil masasayang lang ang laway mo."Nakita ni Alona kung paano tumaas ang gilid ng labi ni Kenneth matapos ipamukha na walang magandang kinabukasan na mararanasan si Cleo kapag sa kanya ito mapupunta. Ang yabang ng lalaking 'to. Hindi naman siya magiging mayaman kung hindi siya umutang ng puhunan sa kaibigan nitong CEO. Napakakapal ng mukha niyang magyabang."Excuse me lang po, attorney. Alam ko po na kapos po ako sa pinansyal atleast po kaya ko pong pagtrabahuan ang mga pangangailangan ni Cleo kapag nagkataon nang hindi umuutang." Pagpaparinig nito, nang balingan niya ng tingin si Kenneth ay napansin nito na uusok na ang ilong nito sa galit."Tsk! Attorney, wala siyang stable na source of income, malaking rason po iyon para masabi na hindi magiging maganda ang buhay ng bata sa poder niya. Alam naman natin