The Billionaire's Captivated Bride

The Billionaire's Captivated Bride

last updateHuling Na-update : 2025-02-04
By:   Felicidad  In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
15Mga Kabanata
6views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Si Lorenzo Del Mundo, isang makapangyarihang bilyonaryo na nababalot ng galit at paghihiganti. Matapos siyang pagtaksilan ng kanyang kasintahan, itinakda niyang sirain ang buhay ng karibal niyang si Chadrick Villanueva—sa pamamagitan ng pag-angkin sa pinakamamahal nito, ang fiancée niyang si Faye Salvacion. Sa isang iglap, nagkagulo ang tahimik na mundo ni Faye nang matuklasan ang pagtataksil ng kanyang fiancé kay Elara Reyes, ang babaeng hindi niya akalaing konektado rin kay Lorenzo. Ngunit ang pagsagip ni Lorenzo sa kanyang nasirang puso ay may kapalit—isang nakakalunod na laro ng pang-aakit at panlilinlang. Alam niyang delikado ang mahulog sa bitag ng bilyonaryo. Pero paano siya lalaban kung ang kanyang puso ay unti-unting bumibigay? "I'm stealing you from him."

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Prologue

Ang buwan na sumisilip sa nakabukas na bintana ng hotel ang tanging nagbibigay-liwanag, subalit ramdam ko ang matinding pagnanasa ng fiancé ko sa akin.Sa bawat pagsusugpong ng aming mga labi, hatid nito’y init at kiliti sa akin.Ang halik niya ngayon ay tunay na kakaiba kumpara sa karaniwang ginagawad niya sa akin.At mas nagugustuhan ko ito. Hindi ko akalaing ganito pala ang tunay niyang paraan ng paghalik—nakakapaso!Pareho kaming naghahabol ng hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Ngunit bago pa man makalipas ang isang segundo, muli niyang inangkin ang labi ko—mas mainit, mas mapusok. Ginalugad ng kanyang dila ang bawat sulok, at saka niya marahan ngunit marubdob na sinipsip ang dila ko.At ayokong biguin siya kaya mas ginanahan ko pang tugunin ito pero sadyang hindi ko talaga alam dahil nagbabanggaan na ang mga ngipin namin.Tumigil ako at inilayo ko ang labi ko pero hinabol niya ito.Nabigla ako nang maging maingat siya. Mabagal ang galaw ng kanyang labi at pinapasunod ang...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
15 Kabanata
Prologue
Ang buwan na sumisilip sa nakabukas na bintana ng hotel ang tanging nagbibigay-liwanag, subalit ramdam ko ang matinding pagnanasa ng fiancé ko sa akin.Sa bawat pagsusugpong ng aming mga labi, hatid nito’y init at kiliti sa akin.Ang halik niya ngayon ay tunay na kakaiba kumpara sa karaniwang ginagawad niya sa akin.At mas nagugustuhan ko ito. Hindi ko akalaing ganito pala ang tunay niyang paraan ng paghalik—nakakapaso!Pareho kaming naghahabol ng hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Ngunit bago pa man makalipas ang isang segundo, muli niyang inangkin ang labi ko—mas mainit, mas mapusok. Ginalugad ng kanyang dila ang bawat sulok, at saka niya marahan ngunit marubdob na sinipsip ang dila ko.At ayokong biguin siya kaya mas ginanahan ko pang tugunin ito pero sadyang hindi ko talaga alam dahil nagbabanggaan na ang mga ngipin namin.Tumigil ako at inilayo ko ang labi ko pero hinabol niya ito.Nabigla ako nang maging maingat siya. Mabagal ang galaw ng kanyang labi at pinapasunod ang
last updateHuling Na-update : 2025-01-22
Magbasa pa
Chapter 1
Faye "Hmmm..." Napabuntong-hininga ako nang malalim at yumakap sa sarili dahil sa lamig na naramdaman ko. Napamulat ako at agad kong napansin ang hubo't hubad kong katawan. Tunay ngang naipagkaloob ko na ang sarili ko sa fiancé ko. Agad kong kinapa ang gilid ng kama upang hanapin ang kumot. "Mahal-" tawag ko kay Chad, pero wala siya sa tabi ko. Napabangon ako bigla. Luminga ako sa paligid ng kwarto. Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig. Napangiwi ako nang makita ang kalat. Naparami yata ang nainom ko kagabi. Natakot ako dahil hindi siya dumating sa hotel sa oras na napag-usapan namin, at hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko. Mabilis kong hinanap ulit ang kumot nang biglang bumukas ang pinto. "Mahal, anong oras na? Dumating na ba ang wedding coordinator natin-" "Gising ka na." Napatigil ako. Mabilis akong bumaling sa nagsalita, at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang estrangherong lalaki na nakatayo sa pintuan. Agad ko ring tinakpan ang katawan ko habang mabi
last updateHuling Na-update : 2025-01-22
Magbasa pa
Chapter 2
Faye Muli ko siyang tinulak. "Kung alam ko lang na hindi ang fiancé ko ang pumasok dito kagabi, walang mangyayari sa atin." Puno ng pait ko siyang tinitigan. "Alam ng Diyos kung paano nadudurog ang puso ko ngayon, pero hindi ko na maibabalik ang lahat ng nangyari." Nameywang siya sa harapan ko. "Sa sinasabi mo, para talagang pinapalabas mo na pinagsamantalahan kita." "Hindi ba? Nang yinakap at hinalikan kita kagabi, sana tinulak mo ako. Kung matino kang lalaki, sana pinigilan mo ako—" "I was drunk. Pareho tayong lasing." Natigilan ako sa sinabi niya. Pero mapanuri ko ulit siyang tinitigan. "Paano ka nakapasok sa kwartong ito?" tanong ko. "Hindi ko alam," sagot niya. Natawa ako nang mapakla. Mabigat siyang nagpakawala ng malalim na hininga. "Gusto kitang kausapin tungkol sa panloloko nila. Kaya gumawa ako ng paraan para makapasok sa kwartong ito. Tapos 'yun nga, bigla ka na lang sumunggab—" Sumama ang tingin ko sa kanya, pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Umatras
last updateHuling Na-update : 2025-01-22
Magbasa pa
Chapter 3
Faye Pinipisil ko ang mga daliri ko habang nakaharap sa salamin. Luminga ako sa paligid ng kwarto, iniisip kung may hindi pa ako naayos. Naitago ko na ang mga bote ng alak, mga larawan, damit ko, pati na rin ang kumot. Mayroon pa ba akong hindi naitago? Sa kaisipang ito, lumukob ang sakit sa buong pagkatao ko. Pakiramdam ko, nakagawa ako ng kasalanan. Para akong naibaon sa lupa at parang hindi na ako makakaahon pa. "Miss Faye, ayos ka lang?" tanong ng wedding coordinator. "Oo nga, Ma'am, balisang-balisa ka," puna naman ng make-up artist. "I'm fine," tipid kong ngiti sa dalawa. Faye, umayos ka! Kailangan kong mag-isip nang tama ngayon. Inaayusan na ako para sa kasal namin ni Chad, pero pakiramdam ko, mali na ituloy ito nang hindi ko siya nakakausap nang masinsinan. Gusto kong malaman kung ano bang nagawa kong mali para maghanap siya ng iba. Hindi puwede na umasta ako na para bang walang nangyari. Ang gulo na ng lahat, lalo na't naipagkaloob ko na sa iba ang sarili ko. "Mi
last updateHuling Na-update : 2025-01-22
Magbasa pa
Chapter 4
Faye Sinara ng wedding coordinator ang pinto. "Miss Faye, kumalma kayo—" Hinarap ko siya. "Paano ako kakalma? My groom is nowhere to be found," pigil kong sabi. "He's on his way—" "Call him then. I want to talk to him." Hindi siya nakasagot. Huminga ako nang malalim at muling hinarap ang wedding coordinator. "Sabihin mo sa akin ang totoo. Papunta na ba rito si Chadrick? May plano pa ba siyang ituloy ito?" mariin kong tanong. Gusto kong makausap siya bago pa magkagulo ang bawat pamilya namin. Napangiwi ang coordinator at umiwas ng tingin. "Ano na? Bakit hindi ka makasagot?" "Miss Faye, please calm down. I've got this. My team is working to find Sir Chad—" Pagak akong tumawa at umiling. "Hindi niyo siya mahahanap, unless pumunta kayo sa babae niya." Gulat na gulat niya akong tiningnan. "Miss Faye, anong sinasabi mo—" Pareho kaming napatingin sa baba nang makarinig kami ng sigawan. Kumalabog ang dibdib ko sa nerbiyos nang makita si Daddy na sinusugod si Tito Rick. Mabilis ak
last updateHuling Na-update : 2025-01-22
Magbasa pa
Chapter 5
Faye Nagising ako sa pag-uga ng katawan ko. Ilang ulit akong kumurap sa liwanag na bahagyang nakikita ko sa harapan. Hanggang sa tuluyang naka-adjust ang mga mata ko, napagtanto ko na nakasakay ako sa sasakyan. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang kirot mula rito. “May gamot at tubig diyan sa gilid mo. Inumin mo ’yan para gumaan ang pakiramdam mo,” aniya. Bumuga ako ng hangin bago ginilid ang ulo ko. Prenteng nagmamaneho ang hudas na lalaki. “Ang bait naman pala ng kidnapper ko,” mapang-uyam kong saad. Umismid siya. “You’re welcome,” tipid niyang sagot. Umawang ang labi ko dahil sa namumuong inis ko sa kanya. “Pwede ba, pakawalan mo na ako.” “Sure ka? Pulos bundok ang tinatahak nating daan. Maraming nilalang ang naninirahan sa mga kagubatan na ’yan.” “Hindi ako takot sa multo.” “Tao ang tinutukoy ko, Faye.” “Wala akong pakialam, pakawalan mo ako ngayon din.” Saglit siyang bumaling sa akin bago muling ibinalik ang mata sa daan. Kapagkuwan, bumagal ang sasakyan.
last updateHuling Na-update : 2025-01-22
Magbasa pa
Chapter 6
FayeInirapan ko siya sa tinuran niya, saka ako umiwas ng tingin."Relax, Faye. Ayos lang naman sa akin kung titignan mo ako magdamag. Sanay na ako."Napabaling ako sa kanya. Grabe, ang yabang pala ng lalaking ito."Sa kaka-ignore mo sa tunay na nararamdaman mo ngayon, kung ano-ano na ang ginagawa mo," wika ko."Alam kong nasasaktan ka rin sa ginawa ng dalawa—""I'm not," mabilis niyang tanggi."In denial," sagot ko.Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago itinuon muli ang paningin niya sa daan."Hindi ako nasasaktan. Wala sa bokabularyo ko ang masaktan dahil sa isang babae."Napatitig ako sa kanya."Nagbabago ang nararamdaman ng isang tao. Gusto ka niya ngayon, bukas pwedeng hindi na. Iyon ang realidad ng buhay."This man… He has more scars than I do.Punong-puno ang kanyang salita, pero napakagaan ng kanyang tono—walang emosyon. Sa tingin ko, may malalim siyang pinagdaanan kaya ganito siya mag-react sa ganitong sitwasyon."If you keep getting hurt from the people you meet, how wi
last updateHuling Na-update : 2025-01-26
Magbasa pa
Chapter 7
Faye "Okay ako, pinipilit kong iwinawaglit sa isipan ko pero itong puso ko..." Hindi ko naituloy, itinikom ko ng mariin ang labi ko. Nalilito na. Hindi talaga ako makapaniwala na ganun na lang aabot ang ilang taon naming relasyon ni Chadrick. Tinuring namin ang isa't-isa na bahagi na ng panghabang buhay namin, wala na 'yun, tapos na ang sa amin. At ang lalakeng ito na ngayon ko lang nakatagpo ay nagkakaroon na ng epekto sa akin. It bothers me. It bothers me more than the cheating issue of Chadrick. Iniwas ko ang mga mata ko. Hindi rin naman siya kumibo pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Kapagkuwan, umandar na rin ang sasakyan. Nakakabinging katahimikan na ang bumalot hanggang sa dalawin na rin ako ng antok. Pumupungas pungas ako nang makaramdam ako ng ingay sa labas. Kinukusot ko pa ang mga mata ko ng bumaling ako kay Lorenzo- Madilim ang kanyang mukha, kunot ang noo. Tumikhim ako pero hindi siya natinag. Tumingin na ako sa labas ng bintana, naamoy ko ang h
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa
Chapter 8
Faye"Talagang binalak mo akong kidnapin?" deretsahan kong tanong Kay Lorenzo."Yes," masungit niyang sagot.Dumilim ang paningin ko sa kanya, saka ako humarap sa dalawang lalaki."Nasaan ang sakayan dito? May malapit bang airport? O kahit bus terminal na lang?" sunod-sunod kong tanong.Si Doc Arthur ang sumagot. "We don’t have an airport here. The bus terminal is also far, but we have jeepneys you can take to get there—"Pinatigil siya ni Zachary De Guzman. "Miss, bago pa lang kayo, lalayasan mo na siya."Nagtimpi ako at tiningnan siya nang masama. "Mr. De Guzman, hindi mo ba narinig?" Itinuro ko si Lorenzo. "Kinidnap niya ako. Wala kaming relasyon. Ni hindi nga kami magkakilala—"Napatingin ako kay Lorenzo, at namutla ako.Hindi kaya… ikinuwento niya sa kanila ang nangyari sa amin?Mukha naman silang closes sa isa't-isa.Napapikit ako sa sobrang inis. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinanlalakihan siya ng mata."Are you okay?" tanong ni Doc Arthur. "Zach kasi—""What? Eh may kid
last updateHuling Na-update : 2025-01-29
Magbasa pa
Chapter 9
FayeNasa La Montañosa nga ako, at ang lalaking nasa tabi ko ay isang bilyonaryo. He’s not an ordinary man. Kaya pala puno siya ng kumpiyansa sa paghihiganti at malakas ang loob niyang kunin ako.Pero mas nagulat ako nang bumungad sa akin ang bako-bakong daan, malalawak na taniman, at mumunting kabahayan.Nagtaka ako. Sa lahat ng social gatherings na nadaluhan ko, palaging sinasabi ng mga tao na moderno at progresibo ang La Montañosa—punô ng matataas na gusali at malalawak na mansyon.But this is different from what I’m seeing right now.Isang ordinaryong nayon lamang.Tumingin ako sa rearview mirror. Totoo nga ang sinasabi nilang may mga bilyonaryo sa La Montañosa.Makalipas ang tatlumpung minuto, natanaw ko ang isang kulay puting gate.Ah, so hindi pa ito mismo ang village ng La Montañosa. Napatango ako sa sarili ko. Kunsabagay, napaka-imposible namang ganito lang ang misteryosong village ng mga bilyonaryo.Nang marating namin ang harapan ng gate, bumaba si Nardo at tinungo ang guar
last updateHuling Na-update : 2025-01-30
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status