Share

Chapter 2

Penulis: Felicidad
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-22 18:16:34

Faye

Muli ko siyang tinulak.

"Kung alam ko lang na hindi ang fiancé ko ang pumasok dito kagabi, walang mangyayari sa atin."

Puno ng pait ko siyang tinitigan.

"Alam ng Diyos kung paano nadudurog ang puso ko ngayon, pero hindi ko na maibabalik ang lahat ng nangyari."

Nameywang siya sa harapan ko.

"Sa sinasabi mo, para talagang pinapalabas mo na pinagsamantalahan kita."

"Hindi ba? Nang yinakap at hinalikan kita kagabi, sana tinulak mo ako. Kung matino kang lalaki, sana pinigilan mo ako—"

"I was drunk. Pareho tayong lasing."

Natigilan ako sa sinabi niya. Pero mapanuri ko ulit siyang tinitigan.

"Paano ka nakapasok sa kwartong ito?" tanong ko.

"Hindi ko alam," sagot niya.

Natawa ako nang mapakla.

Mabigat siyang nagpakawala ng malalim na hininga.

"Gusto kitang kausapin tungkol sa panloloko nila. Kaya gumawa ako ng paraan para makapasok sa kwartong ito. Tapos 'yun nga, bigla ka na lang sumunggab—"

Sumama ang tingin ko sa kanya, pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Umatras ako, huminga nang malalim, at prinoseso ang lahat bago muling kumibo.

"Tell me more about them," wika ko.

"I don't want to talk about them. Let's talk about us."

Dumilim ang paningin ko sa kanya. "Lumayas ka kung ganun."

Bumuga siya at matagal niya akong tinitigan bago sumagot. At sa bawat salita niya tungkol kay Chad at sa babae, nadudurog ako. Pakiramdam ko, bumabaon ang bawat salita niya na parang kutsilyo sa puso ko.

"Maghihiganti ako sa kanila—kasama ka."

Pinalis ko ang mga luhang pumatak sa pisngi ko at matatag ko siyang tinitigan.

"Wala akong balak maghiganti," sabi ko sa mahina kong tinig.

Hindi lang ako ang maaapektuhan dito kundi pati na rin ang pamilya ko.

"Maghihiganti tayo."

"Mas marami akong dapat gawin kaysa diyan."

Anong mapapala ko sa paghihiganti? Malulusaw ba ang sakit na dinulot nila sa akin?

Mas lalo ko lang papahirapan ang sarili ko.

Isa pa, mas iniisip ko ngayon kung paano ko ito ipapaliwanag sa pamilya ko. Kung paano ako magsisimula ulit.

"Gusto mo man o hindi, kukunin kita," wika niya.

Bumalik ang atensyon ko sa kanya.

"Ewan ko sa iyo. Pwede ba, lumabas ka na lang? At sana ito na ang huli nating pagkikita," pagtataboy ko sa kanya.

Wala ako sa tamang pag-iisip para problemahin pa ang lalaking ito.

Binuksan ko ang pinto. "Alis—"

Sinara niya ito, at inilagay ang kamay niya sa gilid ko para ikulong ako.

Sa hindi ko malamang dahilan, bumilis ang pintig ng puso ko. Umakto naman ako na parang hindi ako naaapektuhan sa ginawa niya.

"Umabot na tayo sa ganito. Sa tingin mo, aatras pa ako, Faye," sabi niya na parang pamilyar na pamilyar sa akin.

Nakatingin ako diretso sa dibdib niya, at nalalanghap ko ang pabango niya. Kumalat ito sa sistema ko na para bang nahihipnotismo na ako.

"You can't force me to back out," dagdag pa niya.

Tuluyan na akong napipi dahil nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Magpapakasal tayo."

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya.

"Ang kapal ng mukha mo! Bakit naman ako magpapakasal sa iyo?!"

"Dahil iyon ang gusto ko. Magpapakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo."

Nanggigigil ko siyang tinitigan. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng lalaki—napakadominante!

"May fiancé ako!"

"Tapos na kayo."

Umurong ako nang ilapit niya lalo ang mukha niya sa akin.

"May balak ka pang ikasal sa kanya?" tanong niya.

Nakagat ko ang gilid ng labi ko nang gumapang ang kamay niya sa bewang ko.

"It's none of your business," sagot ko sa bumubuhol kong boses.

Nakapinid na ako sa likuran ng pinto dahil muli siyang humakbang palapit.

Ano ba itong lalaking ito? Hindi na ako makapag-isip nang tama dahil damang-dama ko ang presensya niya.

"Hindi kita kilala," sabi ko.

"Kilalanin mo na ako ngayon. We have all the time in the world, Faye."

Tumingala ako sa kanya.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" tanong ko.

Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. At hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin.

Hindi siya sumagot. Tinitigan lang niya ako. Bumaba ang ulo niya, at konti na lang, madidikit na ang mga labi namin—

"Stop—"

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko nang bahagyang magdikit ang mga labi namin.

Nangusap ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

Pakiramdam ko, nakikipagkarera ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Ayokong maapektuhan, pero may kakaiba sa kanyang haplos at titig.

Iniharang ko ang kamay ko nang tinangka niyang ilapit ulit ang labi niya.

Bumaba ang mga mata niya sa kamay ko.

"As if that could really stop me, Faye," sabi niya.

"Tumigil ka—"

Bigla niya akong siniil ng halik—mainit at marubdob.

Gumalugad ang kanyang labi kasabay nang paggalaw ng kanyang mga kamay, hinahaplos ang bewang ko.

Tumaas ang kanyang mainit na palad sa likod ko upang yakapin niya ako ng tuluyan.

Alam kong hindi dapat ako naaapektuhan, hindi dapat ako nadadala pero bakit.....

Unti-unti kong sinuklihan ang mainit niyang halik.

Ayokong maalala ang nangyari pero bumabalik ang naramdaman ko sa bisig ng lalakeng ito kagabi.

A night with him felt so raw, yet so real.

It was....passionate.

Tumagal ang paniniil niya sa labi ko, hanggang sa nagkaroon ng intensidad ang pinagsasaluhan namin.

Yumakap ako sa leeg niya at tumugon sa parehong paraan.

"Miss Faye?"

Mabilis ko siyang naitulak nang may kumatok sa pinto at tinawag ako.

Para akong nabuhusan ng tubig.

What the hell I'm doing right now?

Pero imbes na maalarma rin ang lalakeng nasa harapan ko, inilapit niya lang ulit ang labi niya sa akin at muli niya itong sinakop.

Umaapura siya na mas lalong nagpadala sa akin.

Pakiramdam ko nagliliyab na ang katawan ko sa mainit niyang halik at haplos.

Pero muli akong nakarinig ng katok mula sa pinto.

Lumipat na siya sa taenga ko, "See you later,"

Napasinghap ako nang maramdaman ko pang hinalikan niya ako sa leeg.

Tsaka siya tumalikod, at nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niyang tinawid ang kwarto papunta sa balkonahe at basta-basta na lang siyang tumalon mula dito.

Dali-dali naman akong tumakbo papunto sa balkonahe. At tinignan ko ang baba.

Naitakip ko ang bibig ko nang nakatingala na siya sa akin mula sa balkonahe ng ikalawang palapag.

"Miss Faye!"

Lumingon ako sa pintuan nang marinig ko ulit ang katok. Tsaka ko rin binalik ang paningin ko sa baba pero wala na ang lalake.

Sino ba talaga ang lalakeng iyon?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 3

    Faye Pinipisil ko ang mga daliri ko habang nakaharap sa salamin. Luminga ako sa paligid ng kwarto, iniisip kung may hindi pa ako naayos. Naitago ko na ang mga bote ng alak, mga larawan, damit ko, pati na rin ang kumot. Mayroon pa ba akong hindi naitago? Sa kaisipang ito, lumukob ang sakit sa buong pagkatao ko. Pakiramdam ko, nakagawa ako ng kasalanan. Para akong naibaon sa lupa at parang hindi na ako makakaahon pa. "Miss Faye, ayos ka lang?" tanong ng wedding coordinator. "Oo nga, Ma'am, balisang-balisa ka," puna naman ng make-up artist. "I'm fine," tipid kong ngiti sa dalawa. Faye, umayos ka! Kailangan kong mag-isip nang tama ngayon. Inaayusan na ako para sa kasal namin ni Chad, pero pakiramdam ko, mali na ituloy ito nang hindi ko siya nakakausap nang masinsinan. Gusto kong malaman kung ano bang nagawa kong mali para maghanap siya ng iba. Hindi puwede na umasta ako na para bang walang nangyari. Ang gulo na ng lahat, lalo na't naipagkaloob ko na sa iba ang sarili ko. "Mi

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-22
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 4

    Faye Sinara ng wedding coordinator ang pinto. "Miss Faye, kumalma kayo—" Hinarap ko siya. "Paano ako kakalma? My groom is nowhere to be found," pigil kong sabi. "He's on his way—" "Call him then. I want to talk to him." Hindi siya nakasagot. Huminga ako nang malalim at muling hinarap ang wedding coordinator. "Sabihin mo sa akin ang totoo. Papunta na ba rito si Chadrick? May plano pa ba siyang ituloy ito?" mariin kong tanong. Gusto kong makausap siya bago pa magkagulo ang bawat pamilya namin. Napangiwi ang coordinator at umiwas ng tingin. "Ano na? Bakit hindi ka makasagot?" "Miss Faye, please calm down. I've got this. My team is working to find Sir Chad—" Pagak akong tumawa at umiling. "Hindi niyo siya mahahanap, unless pumunta kayo sa babae niya." Gulat na gulat niya akong tiningnan. "Miss Faye, anong sinasabi mo—" Pareho kaming napatingin sa baba nang makarinig kami ng sigawan. Kumalabog ang dibdib ko sa nerbiyos nang makita si Daddy na sinusugod si Tito Rick. Mabilis ak

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-22
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 5

    Faye Nagising ako sa pag-uga ng katawan ko. Ilang ulit akong kumurap sa liwanag na bahagyang nakikita ko sa harapan. Hanggang sa tuluyang naka-adjust ang mga mata ko, napagtanto ko na nakasakay ako sa sasakyan. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang kirot mula rito. “May gamot at tubig diyan sa gilid mo. Inumin mo ’yan para gumaan ang pakiramdam mo,” aniya. Bumuga ako ng hangin bago ginilid ang ulo ko. Prenteng nagmamaneho ang hudas na lalaki. “Ang bait naman pala ng kidnapper ko,” mapang-uyam kong saad. Umismid siya. “You’re welcome,” tipid niyang sagot. Umawang ang labi ko dahil sa namumuong inis ko sa kanya. “Pwede ba, pakawalan mo na ako.” “Sure ka? Pulos bundok ang tinatahak nating daan. Maraming nilalang ang naninirahan sa mga kagubatan na ’yan.” “Hindi ako takot sa multo.” “Tao ang tinutukoy ko, Faye.” “Wala akong pakialam, pakawalan mo ako ngayon din.” Saglit siyang bumaling sa akin bago muling ibinalik ang mata sa daan. Kapagkuwan, bumagal ang sasakyan.

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-22
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 6

    FayeInirapan ko siya sa tinuran niya, saka ako umiwas ng tingin."Relax, Faye. Ayos lang naman sa akin kung titignan mo ako magdamag. Sanay na ako."Napabaling ako sa kanya. Grabe, ang yabang pala ng lalaking ito."Sa kaka-ignore mo sa tunay na nararamdaman mo ngayon, kung ano-ano na ang ginagawa mo," wika ko."Alam kong nasasaktan ka rin sa ginawa ng dalawa—""I'm not," mabilis niyang tanggi."In denial," sagot ko.Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago itinuon muli ang paningin niya sa daan."Hindi ako nasasaktan. Wala sa bokabularyo ko ang masaktan dahil sa isang babae."Napatitig ako sa kanya."Nagbabago ang nararamdaman ng isang tao. Gusto ka niya ngayon, bukas pwedeng hindi na. Iyon ang realidad ng buhay."This man… He has more scars than I do.Punong-puno ang kanyang salita, pero napakagaan ng kanyang tono—walang emosyon. Sa tingin ko, may malalim siyang pinagdaanan kaya ganito siya mag-react sa ganitong sitwasyon."If you keep getting hurt from the people you meet, how wi

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-26
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 7

    Faye "Okay ako, pinipilit kong iwinawaglit sa isipan ko pero itong puso ko..." Hindi ko naituloy, itinikom ko ng mariin ang labi ko. Nalilito na. Hindi talaga ako makapaniwala na ganun na lang aabot ang ilang taon naming relasyon ni Chadrick. Tinuring namin ang isa't-isa na bahagi na ng panghabang buhay namin, wala na 'yun, tapos na ang sa amin. At ang lalakeng ito na ngayon ko lang nakatagpo ay nagkakaroon na ng epekto sa akin. It bothers me. It bothers me more than the cheating issue of Chadrick. Iniwas ko ang mga mata ko. Hindi rin naman siya kumibo pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Kapagkuwan, umandar na rin ang sasakyan. Nakakabinging katahimikan na ang bumalot hanggang sa dalawin na rin ako ng antok. Pumupungas pungas ako nang makaramdam ako ng ingay sa labas. Kinukusot ko pa ang mga mata ko ng bumaling ako kay Lorenzo- Madilim ang kanyang mukha, kunot ang noo. Tumikhim ako pero hindi siya natinag. Tumingin na ako sa labas ng bintana, naamoy ko ang h

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-28
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 8

    Faye"Talagang binalak mo akong kidnapin?" deretsahan kong tanong Kay Lorenzo."Yes," masungit niyang sagot.Dumilim ang paningin ko sa kanya, saka ako humarap sa dalawang lalaki."Nasaan ang sakayan dito? May malapit bang airport? O kahit bus terminal na lang?" sunod-sunod kong tanong.Si Doc Arthur ang sumagot. "We don’t have an airport here. The bus terminal is also far, but we have jeepneys you can take to get there—"Pinatigil siya ni Zachary De Guzman. "Miss, bago pa lang kayo, lalayasan mo na siya."Nagtimpi ako at tiningnan siya nang masama. "Mr. De Guzman, hindi mo ba narinig?" Itinuro ko si Lorenzo. "Kinidnap niya ako. Wala kaming relasyon. Ni hindi nga kami magkakilala—"Napatingin ako kay Lorenzo, at namutla ako.Hindi kaya… ikinuwento niya sa kanila ang nangyari sa amin?Mukha naman silang closes sa isa't-isa.Napapikit ako sa sobrang inis. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinanlalakihan siya ng mata."Are you okay?" tanong ni Doc Arthur. "Zach kasi—""What? Eh may kid

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-29
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 9

    FayeNasa La Montañosa nga ako, at ang lalaking nasa tabi ko ay isang bilyonaryo. He’s not an ordinary man. Kaya pala puno siya ng kumpiyansa sa paghihiganti at malakas ang loob niyang kunin ako.Pero mas nagulat ako nang bumungad sa akin ang bako-bakong daan, malalawak na taniman, at mumunting kabahayan.Nagtaka ako. Sa lahat ng social gatherings na nadaluhan ko, palaging sinasabi ng mga tao na moderno at progresibo ang La Montañosa—punô ng matataas na gusali at malalawak na mansyon.But this is different from what I’m seeing right now.Isang ordinaryong nayon lamang.Tumingin ako sa rearview mirror. Totoo nga ang sinasabi nilang may mga bilyonaryo sa La Montañosa.Makalipas ang tatlumpung minuto, natanaw ko ang isang kulay puting gate.Ah, so hindi pa ito mismo ang village ng La Montañosa. Napatango ako sa sarili ko. Kunsabagay, napaka-imposible namang ganito lang ang misteryosong village ng mga bilyonaryo.Nang marating namin ang harapan ng gate, bumaba si Nardo at tinungo ang guar

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-30
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 10

    Faye Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Para bang may kabayong nakikipagkarera na sa dibdib ko. Ramdam ko ang hininga niya sa gilid ng leeg ko pero ayaw naman kumilos itong mga paa ko. Para bang nakadikit na sa lupa. Muli ako napalunok nang humaplos ang palad niya sa balat ko. Wala naman talaga siyang ginagawa pero nag-iinit ako. "Sir! Iyang baboy at nang maihanda ko na po!" Mariin siyang nagmura pagkatapos naming narinig si Nardo. Nakahinga ako ng maluwag nang humiwalay rin siya sa likod ko. Inayos ko ang buhok ko. Something's wrong with me. Sobra na akong naaapektuhan sa kanya. Sumunod ako sa kanya nang maglakad na siya palapit sa cabin. Paminsan-minsan lumilingon siya sa akin pero umiiwas ako ng tingin. Hanggang sa makarating na rin kami sa cabin. Sinalubong kami ni Nardo, mabilis niyang kinuha ang basket kay Lorenzo. Madilim ang tingin ni Lorenzo kay Nardo. "Just prepare the ingredients, I'll be the one to cook," utos niya.

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-31

Bab terbaru

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 58

    FayeIkinubli ko ang sakit sa binitwan niyang salita at kalmado ko pa rin siyang tinitigan.“I know, ginagawa ko rin ito para sa pamilya ko–”Mapakla siyang tumawa, “Para sa sarili mo, Faye. Huwag mong gamiting dahilan ang pamilya mo.”Nagtitimpi ko siyang sinagot. “Renz, my dad is in the hospital, and our company has been stolen from us.”“And that’s enough to discard me?” masakit niyang tanong sa akin. Sa boses pa lang niya, alam kong puno siya ng hinanakit at galit sa akin.“Faye, may pera ako. Kaya kitang tulungan. Kung tungkol sa hospitalization ng tatay mo, tutustusan ko. Kung sa kumpanya niyo, kaya kitang tulungan na bawiin iyon.”“What are you saying? Ni hindi mo nga kayang isalba ang sarili mong kumpanya, ni hindi mo kayang protektahan ang sarili mo?”Umawang ang labi niya at hindi na siya makapaniwala sa akin. “So minamaliit mo ako?” tanong niya sa nagtitimpi niyang boses.“Alam mo ba kung bakit tuluyang bumagsak ang kumpanya ko dahil pinili kong makasama ka. At nanatili ak

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 57

    Faye "I don't know what you're saying," matigas ko pa rin namang sagot sa kanya. Kailangan kong panindigan itong desisyon ko, or else magiging katawa-tawa talaga ako sa lahat lalo na kay Renz. Pinili ko ang pamilya ko. Kailangan kong tanggapin ang kinalabasan nito. Haharapin ko kahit pa ang galit sa akin ni Renz. "Really?" mapang-uyam niyang tanong. Bumaling naman ako sa kanya. "Yes," deretsahan kong sagot. "Galingan mo sa larong ito, Faye." Nginitian ko siya kaya mas lalo lang na kumulo ang dugo niya sa akin. Sa buong party, puro pang-iinsulto ang natanggap ko mula kay Renz pero hindi ako nagpatinag. Lalo na't nakita ko si mommy na kinakausap siya ng marami.Pinakilala naman kami ni Don Esquivel sa mga bisita niya. Alam kong may ibang nakakakilala sa amin pero lahat sila piniling manahimik. Kahit nga ang pamilya ni Chadrick, kita ko sa mga mata nila ang inis pero naging pipi sila sa harap ni Don Esquivel.Ganito ka-impluwensiya ang pangalang Esquivel. Lahat napapayu

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 56

    FayeMula sa madilim na kwarto na kinatatayuan namin, natanaw ko si Don Esquivel sa entablado. Nagbigay siya ng ilang salitang pagbati at pasasalamat sa mga bisita. Narinig ko naman ang palakpakan ng lahat sa ibaba.“Ang totoo’y, matagal ko ng pinapangarap ang gabing ito,” saglit na umikot ang tingin ni Don Esquivel at malungkot siyang ngumit.“Madalas naming pinag-uusapan ng kaibigan kong si Vicente ang pag-uugpong ng aming mga pamilya sa pamamagitan ng aming mga apo,” pagpapatuloy ni Don Esquivel.Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Habang napuno na ng usapan ang bulwagan. Tumigil lang sila ng muling magsalita si Don Esquivel."Ngunit ito’y nanatiling aking pangarap dahil maagang binawian ng buhay ang kaibigan ko... at ang kanyang apo— ay ipinagkasundo sa ibang pamilya para sa isang kasal... kaya akala ko'y tapos na ang lahat,” may bahid na lungkot sa boses ni Don Esquivel habang kinukwento niya ito.Naalala ko naman ang araw na namatay si Lolo. Isang taon lamang na nawala si

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 55

    FayeSandali kong naipikit ang mga mata ko ng nagmura siya bago ko nagawa sinalubong ang mga mata niyang puno ng galit.“Kaya pala ganun ang mga binitawan mong salita sa akin nang dumalaw ka dahil plano mong magpakasal sa iba. Sana sinabi mo na lang sa akin ang totoo kesa iyong nagmukha pa akong tanga.”“I don’t owe you any explanation, Mr. Del Mundo. Umalis ka na at huwag mo na akong guluhin pa,” wika ko. Kailangan kong magpakatatag sa harapan niya at paalisin siya sa mas madaling panahon dahil nanghihina na ako at konti na lang bibigay na ako. Hindi ko kinakaya ang galit sa akin ngayon ni Renz.Mapakla siyang tumawa. “You just threw me out of your life, just like that.”Kinagat ko ang gilid ng pisngi ko habang pinilit ko ang sarili kong tignan siya ng diretso, at walang emosyon sa mga mata ko.“Were you expecting that I’ll throw my life away for a man I’d just met and only spent days with him.”Umatras si Renz, napansin ko kaagad ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata.“Since naka

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 54

    FayeHinihingal akong nakarating sa labas pero hindi ko na naabutan si Renz. Luminga ako sa paligid pero hindi ko na siya makita.Tumakbo na naman ulit ako para hanapin siya. Pero hindi ko pa rin talaga siya makita.Tumigil ako at ilang ulit akong huminga. Nasapo ko ang noo ko.Namalik-mata lang ba ako kanina? Pero nakita ko talaga siya kanina, mukha niya at tindig niya ang nakita ko, hindi ako pwedeng magkamali.“How did you get out of the detention facility?”Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa gawi ng parking lot. Mabilis akong lumapit ng makita ko si Renz kaharap si Chadrick.“I don’t have time for you, bastard,” malutong na mura sa kanya ni Renz at akmang aalis na sana siya ng muling magsalita si Chadrick.“You’re not only a kidnapper, you turned into a criminal on the run. Look, you’ll not get away from your crime,” wika pa niya at inilabas na niya ang cellphone niya at plano yatang tumawag ng pulis.Lumapit ako at mabilis kong inagawa sa kanya ang cellphone niya.“Ganito

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 53

    FayeWala akong mahanap sa salita, at nanatili akong tahimik.“Mas mabuting isuot mo ito mamaya, Ate. Baka plinano ring imbitahin ni Don Esquivel ang mga Villanueva.”“Tapusin lang namin iyon, at aalis na tayo, Ate.”Tumitig ako sa singsing. Esquivel is a prominent and a respectable name in industry. At kapag sinuot ko ito, walang magtatangkang ipahiya ako sa harap ng lahat. Kahit ang mga Villanueva ay hindi tatangkain na banggain kami.Naiintindihan ko na ngayon ang tinutukoy ni Don Esquivel na regalo sa akin.“Tapusin lang namin iyon, at aalis na tayo, Ate.”Tumango ako sa kapatid ko.Muli kong tinitigan ang singsing, kapag dumalo ako sa party na suot ito, tuluyan na akong hindi makakaatras. At ang kinakatakutan ko ngayon ay ang kalimutan si Renz.He’s the person I don’t want to forget.Hinila ko ang sketchbook ko at nagsimula akong magsulat. Gusto kong itanim si Renz sa buong pagkatao ko. Nang matapos kong isulat ito, tinanggal ko ang papel sa sketchbook at tinupi ito tsaka ko inil

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 52

    Faye Mariin ang pagkakakuyom ng mga kamay ko habang deretso ko ng sinalubong ang mga mata ni Don Esquivel. “Tutulungan niyo ba talaga siya?” “Kung gusto mo, gumawa tayo ng kontrata, iha. Kung hindi ko tutuparin ang pangako ko, malaya mong putulin ang ugnayan natin. But still, you’ll still be our supplier of boxes,” wika ni Don Esquivel. Kumilos naman ang sekretaryo, umupo siya sa kanyang sarili lamesa at nagsimula na siyang magtipa sa laptop niya. Mbailis ang mga kamay ng sekretaryo na tinipa ang mga sinabing kondisyon ni Don Esquivel kasama na ang mga kondisyon ko rin. Ilang sandali lamang, natapos na ng sekretaryo ang kontrata. Naunang pumirma si Don Esquivel tsaka binigay sa akin ng sekretaryo. Binasa ko naman ang papel, nakita ko naman ang nakasaad na magiging supplier nila ang shop namin. Tutulungan din kami ni Don Esquivel na mabawi ang kumpanya. Nabanggit din ang pangalan ni Renz. Tapos ko ng basahin ito pero nanatili akong nakatitig dito. Kapag pinirmahan ko

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 51

    Faye Pagkatapos niyang tanungin ito, bigla na lang siyang tumayo at humakbang paalis. “Renz, saan ka pupunta?” tanong ko. “Let’s talk about this later, this is not the right time for it. Mag-isip ka munang mabuti, Faye,” sabi niya. “Renz, stay. This might be the last time I’ll see you–” Hinarap niya ako ako at mapakla siya tumawa, “So you’re here to cut me.” Hindi ako kaagad nakasagot, tumango siya. “Okay, then, I hope this is the last time we’ll see each other,” pahayag niya at tinalikuran na niya ulit ako. Mabilis naman akong tumayo at hinawakan ang kamay niya. “Renz, mag-usap muna tayo, wala pa namang thirty minutes–” Tinignan niya ako, “Iba ka rin talaga, gusto mong kausapin pa rin kita pagkatapos ng mga sinabi mo sa akin. Do I look like a pushover person to you, Faye?” tanong niya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit. Binitiwan ko ang kamay niya, “I’m sorry,” “I was a fool to believe your words,” saad niya. “I don’t have a choice, Renz,” nagsusumamo kon

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 50

    Faye“Anak..”“Mom, hayaan niyo na ako.”Hinawakan ni mommy ng mahigpit ang kamay ko, “Paano ang lalaking iyon?” tanong sa akin ni mommy.Umiwas ako ng tingin pero muli akong pinaharap ni mommy, “Faye, you need to think again, or else you’ll regret this everyday.”Mapait akong ngumiti, “Akala ko ba ayaw niyo sa lalaking hindi ko kilala,”Nangungusap ang mga mata ni mommy na tumitig sa akin, “Alam mo ba kung gaano ako nagulat ng lumuhod ka sa Daddy mo para sa lalaking iyon. Ilang araw kaming hindi nakatulog ng Daddy mo dahil sa ginawa mo,”“Kaya nga mommy, nagsisisi ako na ginawa ko iyon, lalo ko lang kayong sinaktan. Hindi ko dapat iyon ginawa, mali ako–”Umiling sa akin si mommy, “Unang beses ka naming nakita ka sa ganoong estado, puno ng emosyon ang mga mata at kayang gawin ang lahat para sa isang tao. Siguro hindi mo pa napapagtanto ngayon pero sinasabi ko sa iyo anak, may malaking parte na ang lalaking iyon sa puso mo.”Ako naman ang napailing sa sinabi ni mommy, “Nahumaling lang

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status