Faye
Nagising ako sa pag-uga ng katawan ko. Ilang ulit akong kumurap sa liwanag na bahagyang nakikita ko sa harapan. Hanggang sa tuluyang naka-adjust ang mga mata ko, napagtanto ko na nakasakay ako sa sasakyan. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang kirot mula rito. “May gamot at tubig diyan sa gilid mo. Inumin mo ’yan para gumaan ang pakiramdam mo,” aniya. Bumuga ako ng hangin bago ginilid ang ulo ko. Prenteng nagmamaneho ang hudas na lalaki. “Ang bait naman pala ng kidnapper ko,” mapang-uyam kong saad. Umismid siya. “You’re welcome,” tipid niyang sagot. Umawang ang labi ko dahil sa namumuong inis ko sa kanya. “Pwede ba, pakawalan mo na ako.” “Sure ka? Pulos bundok ang tinatahak nating daan. Maraming nilalang ang naninirahan sa mga kagubatan na ’yan.” “Hindi ako takot sa multo.” “Tao ang tinutukoy ko, Faye.” “Wala akong pakialam, pakawalan mo ako ngayon din.” Saglit siyang bumaling sa akin bago muling ibinalik ang mata sa daan. Kapagkuwan, bumagal ang sasakyan. “Okay, sabi mo ’yan, eh,” wika niya at iginilid ang sasakyan. “Go,” iminuwestra niya ang kamay niya sa pinto ng sasakyan. Lumukot ang labi ko sa galit ko sa kanya. Tumingin ako sa labas ng bintana—masukal na gubat at matataas na bundok sa malayo. Bumaling ako sa kanya. “Ibalik mo ako sa Manila.” “Ayoko nga.” Kinapa ko ang bote ng tubig sa gilid ko, binuhat ito, at hinampas sa kanya. “Kinuha mo ako, tapos pabababain mo ako dito! Demonyo ka talaga! Wala kang puso!” Sinalag niya ang bote ng tubig. “Ikaw ang gustong bumaba. Mahirap naman kung pipigilan kita.” Idiniin ko ang kamay ko sa bote. “Matapang kang sabihin ’yan dahil alam mong hindi ko makakayanang bumaba sa liblib na lugar na ito!” “Alam mo naman pala.” Nanggigil ako sa bote bago ko ito binitawan. “Sana makarating ka sa patutunguhan mo at makatulog ka ng payapa pagkatapos mong kunin ang isang babae at abandunahin sa gitna ng kabundukan!” sigaw ko bago marahas na binuksan ang pinto ng sasakyan. Nagmartsa ako palayo. Tumigil lang ako nang marinig ko ang tunog ng sasakyan na papalayo. Nakagat ko ang labi ko sa galit. Mangiyak-ngiyak akong luminga sa paligid ko. Pero hinakbang ko rin ang mga paa ko. Kayang-kaya mo ’to, Faye! Matapang ka! Wala kang inuurungan— Muli akong napatigil nang makarinig ako ng kaluskos sa gilid. “Hangin lang ’yan, Faye… Hangin lang…” ilang ulit kong sinabi sa sarili ko habang pinagpatuloy ko ang paglalakad. “God, please, protect me.” Yinakap ko ang sarili ko dahil ramdam ko ang lamig. Pero tuluyan akong napatigil nang makarinig ng sipol. Kasunod nito ang yabag sa likuran ko— “Tulungan n’yo ako!!!” sigaw ko at mabilis akong tumakbo. Naiyak ako nang maabutan ako ng kung sino at mahigpit na hinawakan ang pulsuhan ko. “Tulungan n’yo ako!!!” sigaw ko habang nagpupumiglas. “Hey, it’s me.” Natigil ako at napatingin sa kanya. Hindi ako nakapagsalita dahil hinahabol ko pa ang hininga ko. Humugot ako ng malalim na hininga, bumwelo, at sinuntok ko siya ng paulit-ulit. “Gago ka! Bwisit ka!” “Hoy-hoy! Bakit ka na naman nananakit?!” “Kinuha mo na nga ako, pinaglalaruan mo pa ako!” Hindi ako nakapagpigil; natadyakan ko rin siya. “Akala ko umalis ka na talaga.” Sinalag niya ang kamay ko. “I just wanted you to taste your own medicine. Ang tigas kasi ng ulo mo.” Tumigil ako at tiningnan siya ng masama. “Ako pa talaga ang matigas ang ulo? Ikaw nga itong sapilitan akong kinuha! Sino ka ba, ha?! Ang lakas ng loob mong gawin ’to!” “I’m Lorenzo Del Mundo. I’m twenty-eight years old, and I own L.D.M. Logistics. And I’m currently living at La Montañosa.” Tameme ako sa sinabi niya. Tinakpan ko ang noo ko sa inis bago ko siya tiningnan ulit. “Seryoso ka? Nagpakilala ka pa talaga sa gitna ng kagubatan? Anong ine-expect mo?” Nagkibit-balikat siya. “Nice to meet you, Mr. Lorenzo Del Mundo of La Montañosa. Ganun ba?” mapang-uyam kong saad. Natigil ako. La Montañosa? Ang eksklusibong village ng mga bilyonaryo? “Ganyan ka kadesperadong maghiganti? Gagamitin mo pa ang La Montañosa?” Hinilot niya ang sentido niya. “Nauubos na ang pasensya ko.” “Ako rin! Ubos na ang pasensya ko sa ’yo! Alam ko, broken ka, nasaktan ka at naloko ka! Pero ba’t mo ako idadamay, ha?!” Muli akong umipon ng hininga at binuga ito. “Naloko rin ako, and take note, nalaman ko pa ang panloloko niya sa mismong araw ng kasal namin. Sino sa atin ngayon ang mas broken?!” Nanggigigil ko siyang tiningnan, dahil tuluyan na akong sumabog. “Tapos heto ako, nasa gitna ng kabundukang ito. Sige, sabihin mo sa akin kung sino ang nakakaubos ng pasensya?” “Pumasok ka na sa sasakyan, o iiwan kita rito.” Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Sa dami ng sinabi ko, iyon lang ang sinabi niya. “Ano ’yun?” turo niya sa likuran ko. Mabilis akong napakapit sa kanya. Maikli siyang natawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Sige na, umuwi ka na sa inyo. Bigyan kita ng pamasahe mo.” “Bwisit ka talaga! Kidnapper ka!” “Kidnapper? Kapit na kapit ka nga sa akin.” Binitawan ko siya. Sumabay naman ang malakas na ihip ng hangin na sumisipol pa ito. Kaya mabilis din akong kumapit sa kanya. “Bumalik na tayo sa loob ng sasakyan,” untag niya sa akin. Humakbang na siya; humakbang din ako na nakakapit pa rin sa kanya. “Kita mo na, gusto mo lang yata akong mayakap,” puna niya. “Excuse me! Nakakatakot lang dito sa lugar na pinaglagyan mo sa akin!” “All right, para wala kang masabi,” wika niya sabay ikot ng kamay niya sa bewang ko. Natigil ako sa ginawa niya. “You don’t need to do that,” utal ko. “Ano sabi mo?” lapit niya ng mukha niya sa akin. Tinulak ko siya at dali-dali na akong pumasok sa loob ng sasakyan. “Ngayon lang ako nakakita ng taong nakidnap na malayang nakakagalaw,” narinig kong sabi niya. Inirapan ko siya. Nagitla ako nang dumukwang siya at hilain ang seatbelt na nasa gilid ko. “I can do it myself,” sabi ko habang inaayos niya ito. “Alam ko,” sagot niya. Tumingin siya sa akin. Napaatras ako nang magkalapit ang mga mukha namin. Nagdikit ang labi ko nang bumaba ang tingin niya rito. Humugot siya ng malalim na hininga habang titig na titig siya sa labi ko. Nakahinga ako ng malalim nang umayos na rin siya ng upo. Tahimik naman akong napatingin sa labas. Kapagkuwan, bumaling din ako sa kanya. Nakatuon ang kanyang atensyon sa daan. Para bang hindi siya naaapektuhan sa panloloko sa kanya ng dalawa. He keeps moving forward— "Baka matunaw na ako niyan."FayeInirapan ko siya sa tinuran niya, saka ako umiwas ng tingin."Relax, Faye. Ayos lang naman sa akin kung titignan mo ako magdamag. Sanay na ako."Napabaling ako sa kanya. Grabe, ang yabang pala ng lalaking ito."Sa kaka-ignore mo sa tunay na nararamdaman mo ngayon, kung ano-ano na ang ginagawa mo," wika ko."Alam kong nasasaktan ka rin sa ginawa ng dalawa—""I'm not," mabilis niyang tanggi."In denial," sagot ko.Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago itinuon muli ang paningin niya sa daan."Hindi ako nasasaktan. Wala sa bokabularyo ko ang masaktan dahil sa isang babae."Napatitig ako sa kanya."Nagbabago ang nararamdaman ng isang tao. Gusto ka niya ngayon, bukas pwedeng hindi na. Iyon ang realidad ng buhay."This man… He has more scars than I do.Punong-puno ang kanyang salita, pero napakagaan ng kanyang tono—walang emosyon. Sa tingin ko, may malalim siyang pinagdaanan kaya ganito siya mag-react sa ganitong sitwasyon."If you keep getting hurt from the people you meet, how wi
Faye "Okay ako, pinipilit kong iwinawaglit sa isipan ko pero itong puso ko..." Hindi ko naituloy, itinikom ko ng mariin ang labi ko. Nalilito na. Hindi talaga ako makapaniwala na ganun na lang aabot ang ilang taon naming relasyon ni Chadrick. Tinuring namin ang isa't-isa na bahagi na ng panghabang buhay namin, wala na 'yun, tapos na ang sa amin. At ang lalakeng ito na ngayon ko lang nakatagpo ay nagkakaroon na ng epekto sa akin. It bothers me. It bothers me more than the cheating issue of Chadrick. Iniwas ko ang mga mata ko. Hindi rin naman siya kumibo pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Kapagkuwan, umandar na rin ang sasakyan. Nakakabinging katahimikan na ang bumalot hanggang sa dalawin na rin ako ng antok. Pumupungas pungas ako nang makaramdam ako ng ingay sa labas. Kinukusot ko pa ang mga mata ko ng bumaling ako kay Lorenzo- Madilim ang kanyang mukha, kunot ang noo. Tumikhim ako pero hindi siya natinag. Tumingin na ako sa labas ng bintana, naamoy ko ang h
Faye"Talagang binalak mo akong kidnapin?" deretsahan kong tanong Kay Lorenzo."Yes," masungit niyang sagot.Dumilim ang paningin ko sa kanya, saka ako humarap sa dalawang lalaki."Nasaan ang sakayan dito? May malapit bang airport? O kahit bus terminal na lang?" sunod-sunod kong tanong.Si Doc Arthur ang sumagot. "We don’t have an airport here. The bus terminal is also far, but we have jeepneys you can take to get there—"Pinatigil siya ni Zachary De Guzman. "Miss, bago pa lang kayo, lalayasan mo na siya."Nagtimpi ako at tiningnan siya nang masama. "Mr. De Guzman, hindi mo ba narinig?" Itinuro ko si Lorenzo. "Kinidnap niya ako. Wala kaming relasyon. Ni hindi nga kami magkakilala—"Napatingin ako kay Lorenzo, at namutla ako.Hindi kaya… ikinuwento niya sa kanila ang nangyari sa amin?Mukha naman silang closes sa isa't-isa.Napapikit ako sa sobrang inis. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinanlalakihan siya ng mata."Are you okay?" tanong ni Doc Arthur. "Zach kasi—""What? Eh may kid
FayeNasa La Montañosa nga ako, at ang lalaking nasa tabi ko ay isang bilyonaryo. He’s not an ordinary man. Kaya pala puno siya ng kumpiyansa sa paghihiganti at malakas ang loob niyang kunin ako.Pero mas nagulat ako nang bumungad sa akin ang bako-bakong daan, malalawak na taniman, at mumunting kabahayan.Nagtaka ako. Sa lahat ng social gatherings na nadaluhan ko, palaging sinasabi ng mga tao na moderno at progresibo ang La Montañosa—punô ng matataas na gusali at malalawak na mansyon.But this is different from what I’m seeing right now.Isang ordinaryong nayon lamang.Tumingin ako sa rearview mirror. Totoo nga ang sinasabi nilang may mga bilyonaryo sa La Montañosa.Makalipas ang tatlumpung minuto, natanaw ko ang isang kulay puting gate.Ah, so hindi pa ito mismo ang village ng La Montañosa. Napatango ako sa sarili ko. Kunsabagay, napaka-imposible namang ganito lang ang misteryosong village ng mga bilyonaryo.Nang marating namin ang harapan ng gate, bumaba si Nardo at tinungo ang guar
Faye Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Para bang may kabayong nakikipagkarera na sa dibdib ko. Ramdam ko ang hininga niya sa gilid ng leeg ko pero ayaw naman kumilos itong mga paa ko. Para bang nakadikit na sa lupa. Muli ako napalunok nang humaplos ang palad niya sa balat ko. Wala naman talaga siyang ginagawa pero nag-iinit ako. "Sir! Iyang baboy at nang maihanda ko na po!" Mariin siyang nagmura pagkatapos naming narinig si Nardo. Nakahinga ako ng maluwag nang humiwalay rin siya sa likod ko. Inayos ko ang buhok ko. Something's wrong with me. Sobra na akong naaapektuhan sa kanya. Sumunod ako sa kanya nang maglakad na siya palapit sa cabin. Paminsan-minsan lumilingon siya sa akin pero umiiwas ako ng tingin. Hanggang sa makarating na rin kami sa cabin. Sinalubong kami ni Nardo, mabilis niyang kinuha ang basket kay Lorenzo. Madilim ang tingin ni Lorenzo kay Nardo. "Just prepare the ingredients, I'll be the one to cook," utos niya.
FayeLumukot ang labi ko sa narinig ko mula kay Lorenzo."Wala ka ba talagang matinong sasabihin, ha?" inis kong tanong.Kumunot ang noo niya. "Nagtatanong lang ako—"Buong lakas ko siyang tinulak, lalo na’t nabibigatan na rin ako. Umangat siya at bumaba mula sa kama."Nagtatanong ka, pero kabastusan naman 'yung tanong mo," puna ko habang naupo na rin."Kabastusan?"Naningkit ang mga mata ko sa kanya."Alam ko na ang sunod mong sasabihin," turo ko sa kanya. "Tatanungin mo kung puwede kang sumama sa akin sa banyo, 'di ba?""Ha? Bakit ko naman 'yun sasabihin? Tinanong lang naman kita kung maliligo ka na para sabihin sa’yo na nasa sofa ang mga damit na puwede mong gamitin, pati na rin toiletries mo."Tinitigan ko siya, kita sa mukha niya ang pagkakunot ng noo.Napahinto ako. Mali yata ang iniisip ko.Shocks, nakakahiya! Eh kasi naman, sa paraan ng kilos at tingin niya, talagang kung ano-ano ang maiisip ko!Tumikhim ako. "Sinasabi mo lang 'yan, pero alam ko ang susunod mong gagawin," pang
FayeTumingin sa akin si Manang Josie, alam kong ramdam niyang marami akong katanungan.Umiwas siya ng tingin.At alam ko rin na wala siyang balak sagutin kung anuman ang gusto kong tanungin sa kanya."Iha, nasa likod si Lorenzo. Kung gusto mo ay puntahan mo siya."Tumango ako. Kunsabagay siya ang dapat kong tanungin sa lahat ng katanungan ko.I urged to know more about him. Hindi ako matatahimik kung panay ang hula ko sa katauhan niya.If he planned to keep me here, then I must know him. All of him.Nang lumabas ako, kaagad na nagtagpo ang kilay ko nang makita ko siyang abalang nagluluto sa kalan de kahoy.Gayunpaman, lumapit na ako sa kubo na wala man lang dingding at bintana. Open lang talaga ito. At hindi ko maintindihan. Nakakita naman ako ng stove sa loob ng kusina pero bakit naghihirap pa siyang magluto diyan."Lorenzo," tawag ko sa kanya.Lumingon siya sa akin, napansin ko kaagad ang pagpasada ng mga mata niya sa kabuuan ko.Nagulat ako ng ngumiti siya sa akin."You look be
Faye "Hmmm.."Napahinga ako ng malalim hanggang sa unti-unti kong imulat ang mga mata ko.Napatingin ako sa bintana ng kwarto at ilang ulit akong kumurap."Maggagabi na," nasabi ko dahil nakita kong kalulubog lang ng araw.Umupo na ako kahit gusto ko pang matulog dahil alam kong tatamarin ang katawan ko kapag nakahiga ako ng mahabang oras.Inayos ko na ang unan ko—Nahigit ko ang hininga ko nang makita ko si Lorenzo na mahimbing na natutulog sa tabi ko.Hangal talaga ang lalakeng ito!Iaamba ko na sana ang kamay ko pero napatigil ako at napatitig sa mukha niya.At hindi ko namalayan na tahimik ko na siyang pinagmamasdan.Akmang-akma talaga ang kanyang kilay, pilik-mata, ilong, at labi—Napalunok ako nang sumentro ang mga mata ko sa labi niya.That lips...Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko nang bumalik sa isipan ko kung paano galugarin ng labi niya ang katawan ko.And now that we're on the same bed—natapik ko ang pisngi ko.Napasok na ng kahalayan itong utak ko.Ang mabuti pa l
FayeIkinubli ko ang sakit sa binitwan niyang salita at kalmado ko pa rin siyang tinitigan.“I know, ginagawa ko rin ito para sa pamilya ko–”Mapakla siyang tumawa, “Para sa sarili mo, Faye. Huwag mong gamiting dahilan ang pamilya mo.”Nagtitimpi ko siyang sinagot. “Renz, my dad is in the hospital, and our company has been stolen from us.”“And that’s enough to discard me?” masakit niyang tanong sa akin. Sa boses pa lang niya, alam kong puno siya ng hinanakit at galit sa akin.“Faye, may pera ako. Kaya kitang tulungan. Kung tungkol sa hospitalization ng tatay mo, tutustusan ko. Kung sa kumpanya niyo, kaya kitang tulungan na bawiin iyon.”“What are you saying? Ni hindi mo nga kayang isalba ang sarili mong kumpanya, ni hindi mo kayang protektahan ang sarili mo?”Umawang ang labi niya at hindi na siya makapaniwala sa akin. “So minamaliit mo ako?” tanong niya sa nagtitimpi niyang boses.“Alam mo ba kung bakit tuluyang bumagsak ang kumpanya ko dahil pinili kong makasama ka. At nanatili ak
Faye "I don't know what you're saying," matigas ko pa rin namang sagot sa kanya. Kailangan kong panindigan itong desisyon ko, or else magiging katawa-tawa talaga ako sa lahat lalo na kay Renz. Pinili ko ang pamilya ko. Kailangan kong tanggapin ang kinalabasan nito. Haharapin ko kahit pa ang galit sa akin ni Renz. "Really?" mapang-uyam niyang tanong. Bumaling naman ako sa kanya. "Yes," deretsahan kong sagot. "Galingan mo sa larong ito, Faye." Nginitian ko siya kaya mas lalo lang na kumulo ang dugo niya sa akin. Sa buong party, puro pang-iinsulto ang natanggap ko mula kay Renz pero hindi ako nagpatinag. Lalo na't nakita ko si mommy na kinakausap siya ng marami.Pinakilala naman kami ni Don Esquivel sa mga bisita niya. Alam kong may ibang nakakakilala sa amin pero lahat sila piniling manahimik. Kahit nga ang pamilya ni Chadrick, kita ko sa mga mata nila ang inis pero naging pipi sila sa harap ni Don Esquivel.Ganito ka-impluwensiya ang pangalang Esquivel. Lahat napapayu
FayeMula sa madilim na kwarto na kinatatayuan namin, natanaw ko si Don Esquivel sa entablado. Nagbigay siya ng ilang salitang pagbati at pasasalamat sa mga bisita. Narinig ko naman ang palakpakan ng lahat sa ibaba.“Ang totoo’y, matagal ko ng pinapangarap ang gabing ito,” saglit na umikot ang tingin ni Don Esquivel at malungkot siyang ngumit.“Madalas naming pinag-uusapan ng kaibigan kong si Vicente ang pag-uugpong ng aming mga pamilya sa pamamagitan ng aming mga apo,” pagpapatuloy ni Don Esquivel.Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Habang napuno na ng usapan ang bulwagan. Tumigil lang sila ng muling magsalita si Don Esquivel."Ngunit ito’y nanatiling aking pangarap dahil maagang binawian ng buhay ang kaibigan ko... at ang kanyang apo— ay ipinagkasundo sa ibang pamilya para sa isang kasal... kaya akala ko'y tapos na ang lahat,” may bahid na lungkot sa boses ni Don Esquivel habang kinukwento niya ito.Naalala ko naman ang araw na namatay si Lolo. Isang taon lamang na nawala si
FayeSandali kong naipikit ang mga mata ko ng nagmura siya bago ko nagawa sinalubong ang mga mata niyang puno ng galit.“Kaya pala ganun ang mga binitawan mong salita sa akin nang dumalaw ka dahil plano mong magpakasal sa iba. Sana sinabi mo na lang sa akin ang totoo kesa iyong nagmukha pa akong tanga.”“I don’t owe you any explanation, Mr. Del Mundo. Umalis ka na at huwag mo na akong guluhin pa,” wika ko. Kailangan kong magpakatatag sa harapan niya at paalisin siya sa mas madaling panahon dahil nanghihina na ako at konti na lang bibigay na ako. Hindi ko kinakaya ang galit sa akin ngayon ni Renz.Mapakla siyang tumawa. “You just threw me out of your life, just like that.”Kinagat ko ang gilid ng pisngi ko habang pinilit ko ang sarili kong tignan siya ng diretso, at walang emosyon sa mga mata ko.“Were you expecting that I’ll throw my life away for a man I’d just met and only spent days with him.”Umatras si Renz, napansin ko kaagad ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata.“Since naka
FayeHinihingal akong nakarating sa labas pero hindi ko na naabutan si Renz. Luminga ako sa paligid pero hindi ko na siya makita.Tumakbo na naman ulit ako para hanapin siya. Pero hindi ko pa rin talaga siya makita.Tumigil ako at ilang ulit akong huminga. Nasapo ko ang noo ko.Namalik-mata lang ba ako kanina? Pero nakita ko talaga siya kanina, mukha niya at tindig niya ang nakita ko, hindi ako pwedeng magkamali.“How did you get out of the detention facility?”Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa gawi ng parking lot. Mabilis akong lumapit ng makita ko si Renz kaharap si Chadrick.“I don’t have time for you, bastard,” malutong na mura sa kanya ni Renz at akmang aalis na sana siya ng muling magsalita si Chadrick.“You’re not only a kidnapper, you turned into a criminal on the run. Look, you’ll not get away from your crime,” wika pa niya at inilabas na niya ang cellphone niya at plano yatang tumawag ng pulis.Lumapit ako at mabilis kong inagawa sa kanya ang cellphone niya.“Ganito
FayeWala akong mahanap sa salita, at nanatili akong tahimik.“Mas mabuting isuot mo ito mamaya, Ate. Baka plinano ring imbitahin ni Don Esquivel ang mga Villanueva.”“Tapusin lang namin iyon, at aalis na tayo, Ate.”Tumitig ako sa singsing. Esquivel is a prominent and a respectable name in industry. At kapag sinuot ko ito, walang magtatangkang ipahiya ako sa harap ng lahat. Kahit ang mga Villanueva ay hindi tatangkain na banggain kami.Naiintindihan ko na ngayon ang tinutukoy ni Don Esquivel na regalo sa akin.“Tapusin lang namin iyon, at aalis na tayo, Ate.”Tumango ako sa kapatid ko.Muli kong tinitigan ang singsing, kapag dumalo ako sa party na suot ito, tuluyan na akong hindi makakaatras. At ang kinakatakutan ko ngayon ay ang kalimutan si Renz.He’s the person I don’t want to forget.Hinila ko ang sketchbook ko at nagsimula akong magsulat. Gusto kong itanim si Renz sa buong pagkatao ko. Nang matapos kong isulat ito, tinanggal ko ang papel sa sketchbook at tinupi ito tsaka ko inil
Faye Mariin ang pagkakakuyom ng mga kamay ko habang deretso ko ng sinalubong ang mga mata ni Don Esquivel. “Tutulungan niyo ba talaga siya?” “Kung gusto mo, gumawa tayo ng kontrata, iha. Kung hindi ko tutuparin ang pangako ko, malaya mong putulin ang ugnayan natin. But still, you’ll still be our supplier of boxes,” wika ni Don Esquivel. Kumilos naman ang sekretaryo, umupo siya sa kanyang sarili lamesa at nagsimula na siyang magtipa sa laptop niya. Mbailis ang mga kamay ng sekretaryo na tinipa ang mga sinabing kondisyon ni Don Esquivel kasama na ang mga kondisyon ko rin. Ilang sandali lamang, natapos na ng sekretaryo ang kontrata. Naunang pumirma si Don Esquivel tsaka binigay sa akin ng sekretaryo. Binasa ko naman ang papel, nakita ko naman ang nakasaad na magiging supplier nila ang shop namin. Tutulungan din kami ni Don Esquivel na mabawi ang kumpanya. Nabanggit din ang pangalan ni Renz. Tapos ko ng basahin ito pero nanatili akong nakatitig dito. Kapag pinirmahan ko
Faye Pagkatapos niyang tanungin ito, bigla na lang siyang tumayo at humakbang paalis. “Renz, saan ka pupunta?” tanong ko. “Let’s talk about this later, this is not the right time for it. Mag-isip ka munang mabuti, Faye,” sabi niya. “Renz, stay. This might be the last time I’ll see you–” Hinarap niya ako ako at mapakla siya tumawa, “So you’re here to cut me.” Hindi ako kaagad nakasagot, tumango siya. “Okay, then, I hope this is the last time we’ll see each other,” pahayag niya at tinalikuran na niya ulit ako. Mabilis naman akong tumayo at hinawakan ang kamay niya. “Renz, mag-usap muna tayo, wala pa namang thirty minutes–” Tinignan niya ako, “Iba ka rin talaga, gusto mong kausapin pa rin kita pagkatapos ng mga sinabi mo sa akin. Do I look like a pushover person to you, Faye?” tanong niya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit. Binitiwan ko ang kamay niya, “I’m sorry,” “I was a fool to believe your words,” saad niya. “I don’t have a choice, Renz,” nagsusumamo kon
Faye“Anak..”“Mom, hayaan niyo na ako.”Hinawakan ni mommy ng mahigpit ang kamay ko, “Paano ang lalaking iyon?” tanong sa akin ni mommy.Umiwas ako ng tingin pero muli akong pinaharap ni mommy, “Faye, you need to think again, or else you’ll regret this everyday.”Mapait akong ngumiti, “Akala ko ba ayaw niyo sa lalaking hindi ko kilala,”Nangungusap ang mga mata ni mommy na tumitig sa akin, “Alam mo ba kung gaano ako nagulat ng lumuhod ka sa Daddy mo para sa lalaking iyon. Ilang araw kaming hindi nakatulog ng Daddy mo dahil sa ginawa mo,”“Kaya nga mommy, nagsisisi ako na ginawa ko iyon, lalo ko lang kayong sinaktan. Hindi ko dapat iyon ginawa, mali ako–”Umiling sa akin si mommy, “Unang beses ka naming nakita ka sa ganoong estado, puno ng emosyon ang mga mata at kayang gawin ang lahat para sa isang tao. Siguro hindi mo pa napapagtanto ngayon pero sinasabi ko sa iyo anak, may malaking parte na ang lalaking iyon sa puso mo.”Ako naman ang napailing sa sinabi ni mommy, “Nahumaling lang