Faye "Hmmm..." Napabuntong-hininga ako nang malalim at yumakap sa sarili dahil sa lamig na naramdaman ko. Napamulat ako at agad kong napansin ang hubo't hubad kong katawan. Tunay ngang naipagkaloob ko na ang sarili ko sa fiancé ko. Agad kong kinapa ang gilid ng kama upang hanapin ang kumot. "Mahal-" tawag ko kay Chad, pero wala siya sa tabi ko. Napabangon ako bigla. Luminga ako sa paligid ng kwarto. Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig. Napangiwi ako nang makita ang kalat. Naparami yata ang nainom ko kagabi. Natakot ako dahil hindi siya dumating sa hotel sa oras na napag-usapan namin, at hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko. Mabilis kong hinanap ulit ang kumot nang biglang bumukas ang pinto. "Mahal, anong oras na? Dumating na ba ang wedding coordinator natin-" "Gising ka na." Napatigil ako. Mabilis akong bumaling sa nagsalita, at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang estrangherong lalaki na nakatayo sa pintuan. Agad ko ring tinakpan ang katawan ko habang mabi
Faye Muli ko siyang tinulak. "Kung alam ko lang na hindi ang fiancé ko ang pumasok dito kagabi, walang mangyayari sa atin." Puno ng pait ko siyang tinitigan. "Alam ng Diyos kung paano nadudurog ang puso ko ngayon, pero hindi ko na maibabalik ang lahat ng nangyari." Nameywang siya sa harapan ko. "Sa sinasabi mo, para talagang pinapalabas mo na pinagsamantalahan kita." "Hindi ba? Nang yinakap at hinalikan kita kagabi, sana tinulak mo ako. Kung matino kang lalaki, sana pinigilan mo ako—" "I was drunk. Pareho tayong lasing." Natigilan ako sa sinabi niya. Pero mapanuri ko ulit siyang tinitigan. "Paano ka nakapasok sa kwartong ito?" tanong ko. "Hindi ko alam," sagot niya. Natawa ako nang mapakla. Mabigat siyang nagpakawala ng malalim na hininga. "Gusto kitang kausapin tungkol sa panloloko nila. Kaya gumawa ako ng paraan para makapasok sa kwartong ito. Tapos 'yun nga, bigla ka na lang sumunggab—" Sumama ang tingin ko sa kanya, pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Umatras
Faye Pinipisil ko ang mga daliri ko habang nakaharap sa salamin. Luminga ako sa paligid ng kwarto, iniisip kung may hindi pa ako naayos. Naitago ko na ang mga bote ng alak, mga larawan, damit ko, pati na rin ang kumot. Mayroon pa ba akong hindi naitago? Sa kaisipang ito, lumukob ang sakit sa buong pagkatao ko. Pakiramdam ko, nakagawa ako ng kasalanan. Para akong naibaon sa lupa at parang hindi na ako makakaahon pa. "Miss Faye, ayos ka lang?" tanong ng wedding coordinator. "Oo nga, Ma'am, balisang-balisa ka," puna naman ng make-up artist. "I'm fine," tipid kong ngiti sa dalawa. Faye, umayos ka! Kailangan kong mag-isip nang tama ngayon. Inaayusan na ako para sa kasal namin ni Chad, pero pakiramdam ko, mali na ituloy ito nang hindi ko siya nakakausap nang masinsinan. Gusto kong malaman kung ano bang nagawa kong mali para maghanap siya ng iba. Hindi puwede na umasta ako na para bang walang nangyari. Ang gulo na ng lahat, lalo na't naipagkaloob ko na sa iba ang sarili ko. "Mi
Faye Sinara ng wedding coordinator ang pinto. "Miss Faye, kumalma kayo—" Hinarap ko siya. "Paano ako kakalma? My groom is nowhere to be found," pigil kong sabi. "He's on his way—" "Call him then. I want to talk to him." Hindi siya nakasagot. Huminga ako nang malalim at muling hinarap ang wedding coordinator. "Sabihin mo sa akin ang totoo. Papunta na ba rito si Chadrick? May plano pa ba siyang ituloy ito?" mariin kong tanong. Gusto kong makausap siya bago pa magkagulo ang bawat pamilya namin. Napangiwi ang coordinator at umiwas ng tingin. "Ano na? Bakit hindi ka makasagot?" "Miss Faye, please calm down. I've got this. My team is working to find Sir Chad—" Pagak akong tumawa at umiling. "Hindi niyo siya mahahanap, unless pumunta kayo sa babae niya." Gulat na gulat niya akong tiningnan. "Miss Faye, anong sinasabi mo—" Pareho kaming napatingin sa baba nang makarinig kami ng sigawan. Kumalabog ang dibdib ko sa nerbiyos nang makita si Daddy na sinusugod si Tito Rick. Mabilis ak
Faye Nagising ako sa pag-uga ng katawan ko. Ilang ulit akong kumurap sa liwanag na bahagyang nakikita ko sa harapan. Hanggang sa tuluyang naka-adjust ang mga mata ko, napagtanto ko na nakasakay ako sa sasakyan. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang kirot mula rito. “May gamot at tubig diyan sa gilid mo. Inumin mo ’yan para gumaan ang pakiramdam mo,” aniya. Bumuga ako ng hangin bago ginilid ang ulo ko. Prenteng nagmamaneho ang hudas na lalaki. “Ang bait naman pala ng kidnapper ko,” mapang-uyam kong saad. Umismid siya. “You’re welcome,” tipid niyang sagot. Umawang ang labi ko dahil sa namumuong inis ko sa kanya. “Pwede ba, pakawalan mo na ako.” “Sure ka? Pulos bundok ang tinatahak nating daan. Maraming nilalang ang naninirahan sa mga kagubatan na ’yan.” “Hindi ako takot sa multo.” “Tao ang tinutukoy ko, Faye.” “Wala akong pakialam, pakawalan mo ako ngayon din.” Saglit siyang bumaling sa akin bago muling ibinalik ang mata sa daan. Kapagkuwan, bumagal ang sasakyan.
FayeInirapan ko siya sa tinuran niya, saka ako umiwas ng tingin."Relax, Faye. Ayos lang naman sa akin kung titignan mo ako magdamag. Sanay na ako."Napabaling ako sa kanya. Grabe, ang yabang pala ng lalaking ito."Sa kaka-ignore mo sa tunay na nararamdaman mo ngayon, kung ano-ano na ang ginagawa mo," wika ko."Alam kong nasasaktan ka rin sa ginawa ng dalawa—""I'm not," mabilis niyang tanggi."In denial," sagot ko.Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago itinuon muli ang paningin niya sa daan."Hindi ako nasasaktan. Wala sa bokabularyo ko ang masaktan dahil sa isang babae."Napatitig ako sa kanya."Nagbabago ang nararamdaman ng isang tao. Gusto ka niya ngayon, bukas pwedeng hindi na. Iyon ang realidad ng buhay."This man… He has more scars than I do.Punong-puno ang kanyang salita, pero napakagaan ng kanyang tono—walang emosyon. Sa tingin ko, may malalim siyang pinagdaanan kaya ganito siya mag-react sa ganitong sitwasyon."If you keep getting hurt from the people you meet, how wi
Faye "Okay ako, pinipilit kong iwinawaglit sa isipan ko pero itong puso ko..." Hindi ko naituloy, itinikom ko ng mariin ang labi ko. Nalilito na. Hindi talaga ako makapaniwala na ganun na lang aabot ang ilang taon naming relasyon ni Chadrick. Tinuring namin ang isa't-isa na bahagi na ng panghabang buhay namin, wala na 'yun, tapos na ang sa amin. At ang lalakeng ito na ngayon ko lang nakatagpo ay nagkakaroon na ng epekto sa akin. It bothers me. It bothers me more than the cheating issue of Chadrick. Iniwas ko ang mga mata ko. Hindi rin naman siya kumibo pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Kapagkuwan, umandar na rin ang sasakyan. Nakakabinging katahimikan na ang bumalot hanggang sa dalawin na rin ako ng antok. Pumupungas pungas ako nang makaramdam ako ng ingay sa labas. Kinukusot ko pa ang mga mata ko ng bumaling ako kay Lorenzo- Madilim ang kanyang mukha, kunot ang noo. Tumikhim ako pero hindi siya natinag. Tumingin na ako sa labas ng bintana, naamoy ko ang h
Faye"Talagang binalak mo akong kidnapin?" deretsahan kong tanong Kay Lorenzo."Yes," masungit niyang sagot.Dumilim ang paningin ko sa kanya, saka ako humarap sa dalawang lalaki."Nasaan ang sakayan dito? May malapit bang airport? O kahit bus terminal na lang?" sunod-sunod kong tanong.Si Doc Arthur ang sumagot. "We don’t have an airport here. The bus terminal is also far, but we have jeepneys you can take to get there—"Pinatigil siya ni Zachary De Guzman. "Miss, bago pa lang kayo, lalayasan mo na siya."Nagtimpi ako at tiningnan siya nang masama. "Mr. De Guzman, hindi mo ba narinig?" Itinuro ko si Lorenzo. "Kinidnap niya ako. Wala kaming relasyon. Ni hindi nga kami magkakilala—"Napatingin ako kay Lorenzo, at namutla ako.Hindi kaya… ikinuwento niya sa kanila ang nangyari sa amin?Mukha naman silang closes sa isa't-isa.Napapikit ako sa sobrang inis. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinanlalakihan siya ng mata."Are you okay?" tanong ni Doc Arthur. "Zach kasi—""What? Eh may kid
FayeIkinubli ko ang sakit sa binitwan niyang salita at kalmado ko pa rin siyang tinitigan.“I know, ginagawa ko rin ito para sa pamilya ko–”Mapakla siyang tumawa, “Para sa sarili mo, Faye. Huwag mong gamiting dahilan ang pamilya mo.”Nagtitimpi ko siyang sinagot. “Renz, my dad is in the hospital, and our company has been stolen from us.”“And that’s enough to discard me?” masakit niyang tanong sa akin. Sa boses pa lang niya, alam kong puno siya ng hinanakit at galit sa akin.“Faye, may pera ako. Kaya kitang tulungan. Kung tungkol sa hospitalization ng tatay mo, tutustusan ko. Kung sa kumpanya niyo, kaya kitang tulungan na bawiin iyon.”“What are you saying? Ni hindi mo nga kayang isalba ang sarili mong kumpanya, ni hindi mo kayang protektahan ang sarili mo?”Umawang ang labi niya at hindi na siya makapaniwala sa akin. “So minamaliit mo ako?” tanong niya sa nagtitimpi niyang boses.“Alam mo ba kung bakit tuluyang bumagsak ang kumpanya ko dahil pinili kong makasama ka. At nanatili ak
Faye "I don't know what you're saying," matigas ko pa rin namang sagot sa kanya. Kailangan kong panindigan itong desisyon ko, or else magiging katawa-tawa talaga ako sa lahat lalo na kay Renz. Pinili ko ang pamilya ko. Kailangan kong tanggapin ang kinalabasan nito. Haharapin ko kahit pa ang galit sa akin ni Renz. "Really?" mapang-uyam niyang tanong. Bumaling naman ako sa kanya. "Yes," deretsahan kong sagot. "Galingan mo sa larong ito, Faye." Nginitian ko siya kaya mas lalo lang na kumulo ang dugo niya sa akin. Sa buong party, puro pang-iinsulto ang natanggap ko mula kay Renz pero hindi ako nagpatinag. Lalo na't nakita ko si mommy na kinakausap siya ng marami.Pinakilala naman kami ni Don Esquivel sa mga bisita niya. Alam kong may ibang nakakakilala sa amin pero lahat sila piniling manahimik. Kahit nga ang pamilya ni Chadrick, kita ko sa mga mata nila ang inis pero naging pipi sila sa harap ni Don Esquivel.Ganito ka-impluwensiya ang pangalang Esquivel. Lahat napapayu
FayeMula sa madilim na kwarto na kinatatayuan namin, natanaw ko si Don Esquivel sa entablado. Nagbigay siya ng ilang salitang pagbati at pasasalamat sa mga bisita. Narinig ko naman ang palakpakan ng lahat sa ibaba.“Ang totoo’y, matagal ko ng pinapangarap ang gabing ito,” saglit na umikot ang tingin ni Don Esquivel at malungkot siyang ngumit.“Madalas naming pinag-uusapan ng kaibigan kong si Vicente ang pag-uugpong ng aming mga pamilya sa pamamagitan ng aming mga apo,” pagpapatuloy ni Don Esquivel.Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Habang napuno na ng usapan ang bulwagan. Tumigil lang sila ng muling magsalita si Don Esquivel."Ngunit ito’y nanatiling aking pangarap dahil maagang binawian ng buhay ang kaibigan ko... at ang kanyang apo— ay ipinagkasundo sa ibang pamilya para sa isang kasal... kaya akala ko'y tapos na ang lahat,” may bahid na lungkot sa boses ni Don Esquivel habang kinukwento niya ito.Naalala ko naman ang araw na namatay si Lolo. Isang taon lamang na nawala si
FayeSandali kong naipikit ang mga mata ko ng nagmura siya bago ko nagawa sinalubong ang mga mata niyang puno ng galit.“Kaya pala ganun ang mga binitawan mong salita sa akin nang dumalaw ka dahil plano mong magpakasal sa iba. Sana sinabi mo na lang sa akin ang totoo kesa iyong nagmukha pa akong tanga.”“I don’t owe you any explanation, Mr. Del Mundo. Umalis ka na at huwag mo na akong guluhin pa,” wika ko. Kailangan kong magpakatatag sa harapan niya at paalisin siya sa mas madaling panahon dahil nanghihina na ako at konti na lang bibigay na ako. Hindi ko kinakaya ang galit sa akin ngayon ni Renz.Mapakla siyang tumawa. “You just threw me out of your life, just like that.”Kinagat ko ang gilid ng pisngi ko habang pinilit ko ang sarili kong tignan siya ng diretso, at walang emosyon sa mga mata ko.“Were you expecting that I’ll throw my life away for a man I’d just met and only spent days with him.”Umatras si Renz, napansin ko kaagad ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata.“Since naka
FayeHinihingal akong nakarating sa labas pero hindi ko na naabutan si Renz. Luminga ako sa paligid pero hindi ko na siya makita.Tumakbo na naman ulit ako para hanapin siya. Pero hindi ko pa rin talaga siya makita.Tumigil ako at ilang ulit akong huminga. Nasapo ko ang noo ko.Namalik-mata lang ba ako kanina? Pero nakita ko talaga siya kanina, mukha niya at tindig niya ang nakita ko, hindi ako pwedeng magkamali.“How did you get out of the detention facility?”Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa gawi ng parking lot. Mabilis akong lumapit ng makita ko si Renz kaharap si Chadrick.“I don’t have time for you, bastard,” malutong na mura sa kanya ni Renz at akmang aalis na sana siya ng muling magsalita si Chadrick.“You’re not only a kidnapper, you turned into a criminal on the run. Look, you’ll not get away from your crime,” wika pa niya at inilabas na niya ang cellphone niya at plano yatang tumawag ng pulis.Lumapit ako at mabilis kong inagawa sa kanya ang cellphone niya.“Ganito
FayeWala akong mahanap sa salita, at nanatili akong tahimik.“Mas mabuting isuot mo ito mamaya, Ate. Baka plinano ring imbitahin ni Don Esquivel ang mga Villanueva.”“Tapusin lang namin iyon, at aalis na tayo, Ate.”Tumitig ako sa singsing. Esquivel is a prominent and a respectable name in industry. At kapag sinuot ko ito, walang magtatangkang ipahiya ako sa harap ng lahat. Kahit ang mga Villanueva ay hindi tatangkain na banggain kami.Naiintindihan ko na ngayon ang tinutukoy ni Don Esquivel na regalo sa akin.“Tapusin lang namin iyon, at aalis na tayo, Ate.”Tumango ako sa kapatid ko.Muli kong tinitigan ang singsing, kapag dumalo ako sa party na suot ito, tuluyan na akong hindi makakaatras. At ang kinakatakutan ko ngayon ay ang kalimutan si Renz.He’s the person I don’t want to forget.Hinila ko ang sketchbook ko at nagsimula akong magsulat. Gusto kong itanim si Renz sa buong pagkatao ko. Nang matapos kong isulat ito, tinanggal ko ang papel sa sketchbook at tinupi ito tsaka ko inil
Faye Mariin ang pagkakakuyom ng mga kamay ko habang deretso ko ng sinalubong ang mga mata ni Don Esquivel. “Tutulungan niyo ba talaga siya?” “Kung gusto mo, gumawa tayo ng kontrata, iha. Kung hindi ko tutuparin ang pangako ko, malaya mong putulin ang ugnayan natin. But still, you’ll still be our supplier of boxes,” wika ni Don Esquivel. Kumilos naman ang sekretaryo, umupo siya sa kanyang sarili lamesa at nagsimula na siyang magtipa sa laptop niya. Mbailis ang mga kamay ng sekretaryo na tinipa ang mga sinabing kondisyon ni Don Esquivel kasama na ang mga kondisyon ko rin. Ilang sandali lamang, natapos na ng sekretaryo ang kontrata. Naunang pumirma si Don Esquivel tsaka binigay sa akin ng sekretaryo. Binasa ko naman ang papel, nakita ko naman ang nakasaad na magiging supplier nila ang shop namin. Tutulungan din kami ni Don Esquivel na mabawi ang kumpanya. Nabanggit din ang pangalan ni Renz. Tapos ko ng basahin ito pero nanatili akong nakatitig dito. Kapag pinirmahan ko
Faye Pagkatapos niyang tanungin ito, bigla na lang siyang tumayo at humakbang paalis. “Renz, saan ka pupunta?” tanong ko. “Let’s talk about this later, this is not the right time for it. Mag-isip ka munang mabuti, Faye,” sabi niya. “Renz, stay. This might be the last time I’ll see you–” Hinarap niya ako ako at mapakla siya tumawa, “So you’re here to cut me.” Hindi ako kaagad nakasagot, tumango siya. “Okay, then, I hope this is the last time we’ll see each other,” pahayag niya at tinalikuran na niya ulit ako. Mabilis naman akong tumayo at hinawakan ang kamay niya. “Renz, mag-usap muna tayo, wala pa namang thirty minutes–” Tinignan niya ako, “Iba ka rin talaga, gusto mong kausapin pa rin kita pagkatapos ng mga sinabi mo sa akin. Do I look like a pushover person to you, Faye?” tanong niya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit. Binitiwan ko ang kamay niya, “I’m sorry,” “I was a fool to believe your words,” saad niya. “I don’t have a choice, Renz,” nagsusumamo kon
Faye“Anak..”“Mom, hayaan niyo na ako.”Hinawakan ni mommy ng mahigpit ang kamay ko, “Paano ang lalaking iyon?” tanong sa akin ni mommy.Umiwas ako ng tingin pero muli akong pinaharap ni mommy, “Faye, you need to think again, or else you’ll regret this everyday.”Mapait akong ngumiti, “Akala ko ba ayaw niyo sa lalaking hindi ko kilala,”Nangungusap ang mga mata ni mommy na tumitig sa akin, “Alam mo ba kung gaano ako nagulat ng lumuhod ka sa Daddy mo para sa lalaking iyon. Ilang araw kaming hindi nakatulog ng Daddy mo dahil sa ginawa mo,”“Kaya nga mommy, nagsisisi ako na ginawa ko iyon, lalo ko lang kayong sinaktan. Hindi ko dapat iyon ginawa, mali ako–”Umiling sa akin si mommy, “Unang beses ka naming nakita ka sa ganoong estado, puno ng emosyon ang mga mata at kayang gawin ang lahat para sa isang tao. Siguro hindi mo pa napapagtanto ngayon pero sinasabi ko sa iyo anak, may malaking parte na ang lalaking iyon sa puso mo.”Ako naman ang napailing sa sinabi ni mommy, “Nahumaling lang