Para maikasal sa makapangyarihang bilyonaryo na si Ezekiel 'Kiel' Torellino III, ginawa ni Verina ang lahat para mapikot ang lalaki. Mabilis siyang nagtagumpay sa layunin, pero isang malaking kasinungalingan lang pala ang lahat. Dahil hindi pala ito ang napikot niya kung hindi ang kakambal nitong si Zade.
view moreKuyom ang mga palad, nagsimula na sanang humakbang si Verina papunta sa kinaroroonan nina Hannah at Kiel na halos ilang dipa lang naman mula sa kanya. Pero hindi pa rin siya nagawang mapansin ng dalawa na parang may sariling mundo. Biglang hinawakan ni Analyn ang pulsuhan niya dahilan para matigilan siya. Pero isa pang rason kung bakit siya huminto ay dahil biglang humilab na naman nang matindi ang tiyan niya. Nasapo niya ang tiyan at napakislot na sa sakit na mabilis din namang nawala. Pagkatapos indahin ang sakit ay saka niya sinimangutan si Analyn na mariin siyang inilingan para lang pigilan siyang magkamali. Imbes na magreklamo ay nagpatianod na lang siya sa kagustuhan ni Analyn at nagpa-akay dito nang marahan siyang hilahin nito papasok sa loob ng bridal suite. Malaki ang kwarto, at ang unang-unang napansin ni Verina sa loob ay ang puting wedding gown na suot ng isang mannequin. Naka-display ito sa pinaka gitnang parte ng kwarto, at ang gown na ito ay kakaiba sa suot niya
Hindi pa man lumulubog ang araw sa mga ulap, pakiramdam ni Verina ay para na siyang nabuhay ng isang buong dekada sa loob lamang ng araw na iyon. Ang pilit na ngiting nakaguhit sa kanyang mukha ay naging mas mabigat sa bawat segundo, parang maskara na gustong-gusto na niyang tanggalin. Sa kabila ng lahat, isang matinding damdaming ang pumupuno sa kanya—isang bulong sa kanyang isipan na paulit-ulit sumisigaw. Paghihiganti. Gusto niyang gumanti. Gusto niyang sampalin si Kiel, ang lalaking nasa tabi niya ngayon, gusto niya itong gilitan sa leeg, lalo pa at nakikita niya ang ngiti sa mga labi nito— na para bang walang itong anumang nagawang masama; na para bang hindi nito pinagtangkaan ang buhay niya kanina lamang. Pero dahil nasa harapan sila ng madla, batid ni Verina na hindi iyon ang tamang panahon. Mamaya na sila maghaharap. Mamaya na niya ito titirisin, gaya ng gagawin din niya sa babae nito. Mabuti na lang at nawala si Hannah sa paningin niya; baka kasi mas lalong hindi siya
Nakahinga nang maluwag si Verina nang mawala ang matinding paghilab ng tiyan niya. Pinakiramdaman niya ang sarili at nang hindi na ito muling sumakit pa ay nag-umpisa na siyang maglakad. She marches gracefully before everyone, akala mo ay hindi siya nag-agaw-buhay kanina lang. Bigla na lang siyang naging emosyonal. Siguro dahil biglang tumugtog ang paborito niyang musika gamit lang ang violin at piano. Namasa bigla ng luha ang mga mata niya. Ganito pala ang pakiramdam ng kinakasal. Pakiramdam niya ay totoo ito, na para bang hindi lang siya nagpapanggap. All those pain, all those sleepless nights, near-death experiences, and sacrifices she made, now she’s a step closer to Ezekiel Torellino. Just one step closer. She feels everyone’s curious gaze on her. Narito na rin yata ang mga popular na babaeng mga personalidad na nagpunta noong huling party ng mga Torellino. Batid niyang wala siyang binatbat sa kagandahan ng mga ito, but Kiel personally chose her that night. Pero sino n
Halos sasabog na ang puso ni Verina sa bilis ng pagtibok nito dahil sa sobrang kaba at kasabikan habang nakatayo siya sa labas ng malalaking kahoy na mga pintuan ng St. James Cathedral. In her hand is a bouquet of white and rustic pink peonies, na halos durugin na niya dahil nga sa sobrang kaba. Today is her big day. She is wearing a white strapless floral-applique ball gown with swarovski crystals, and a tulle veil is swathed over her head, na siya ring nagsilbing wedding trail niya. Pinasadya ng mga Torellino ang wedding gown niyang nagkakahalaga ng sandaang milyon sa isang sikat na Italian fashion designer na kaibigan ng maimpluwensyang pamilya. This is it. Finally, everything is slowly falling into place. Pagkatapos ng ilang taong pagpaplano at pagtitiis niya, kaunting minuto na lang ay makakamit na niya ang minimithi. Pero hindi niya maiwasang mag-alala, lalo pa’t halos isang oras na rin yata nang mag-umpisa ang pagmartsa ng entourage kanina galing sa pintuan sa magkabilan
Pagmulat ni Verina ng mga mata ay agad niyang napansin ang kakaibang kisame na may nakalambiting babasaging aranya na may malamlam na mga ilaw sa bawat bumbilya. Paulit-ulit siyang napakurap at saka nagkasalubong ang mga kilay. Nasaan ako? Matapos ang ilang segundo, naalala niya rin sa wakas na ito ang unit na nirentahan niya ngayong araw sa La Torre. Awtomatikong napapihit siya ng tingin sa bandang kanan niya at noon lang niya napansin ang pamilyar na mukhang nakatitig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Verina nang mapagtanto niya kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa sa gilid lang ng higaan. Kiel Torellino. Malinaw na sa kanya ang lahat ngayon. Ang lalaking pumasok sa elevator kanina ay si Kiel. Ito rin ang pinagsabihan niya tungkol sa room number niya at sa epipen. Sa ilang daang tao na naroon ngayong gabi, what are the odds na ito pa pala ang magliligtas sa kanya sa kapahamakang bunga ng katangahan niya. Agad siyang napabangon at saka napakapit sa kumot na naka-talukbong sa k
Verina’s POVI need to find him. And I need to fück him tonight.Parang mantrang inulit-ulit ni Verina sa isipan ang mga katagang ‘yan habang humihigop ng mala-dugong alak sa babasaging kopitang tangan niya. Mapait ang ngiting pinakawalan niya at halos mabasag na nga ang kopita dahil sa higpit nang pagkakahawak niya rito habang pinagmamasdan ang kalakhan ng Maynila sa pinakamataas na bulwagan ng La Torre na nasa ibaba lang ng helipad ng gusali.Ang La Torre ang pinakamataas na gusali sa buong bansa, at pakiramdam ni Verina ay tanaw na niya ang mga karatig-bansa dahil sa abot-langit na taas nito. Nagmistulang langgam tuloy ang iba pang mga gusali sa Roxas Boulevard kumpara sa La Torre dahil sa isang daan nitong palapag.Hindi niya maiwasang mabighani, at kung nasa ibang sitwasyon lang siya ngayon, panigurado ay hindi na siya aalis sa kinatatayuan ngayon at buong gabi niyang pagmamasdan ang mga pailaw ng mga gusali na siyang nagpaningning ng mapolusyong kadiliman ng Maynila.Pero masya
Verina’s POVI need to find him. And I need to fück him tonight.Parang mantrang inulit-ulit ni Verina sa isipan ang mga katagang ‘yan habang humihigop ng mala-dugong alak sa babasaging kopitang tangan niya. Mapait ang ngiting pinakawalan niya at halos mabasag na nga ang kopita dahil sa higpit nang pagkakahawak niya rito habang pinagmamasdan ang kalakhan ng Maynila sa pinakamataas na bulwagan ng La Torre na nasa ibaba lang ng helipad ng gusali.Ang La Torre ang pinakamataas na gusali sa buong bansa, at pakiramdam ni Verina ay tanaw na niya ang mga karatig-bansa dahil sa abot-langit na taas nito. Nagmistulang langgam tuloy ang iba pang mga gusali sa Roxas Boulevard kumpara sa La Torre dahil sa isang daan nitong palapag.Hindi niya maiwasang mabighani, at kung nasa ibang sitwasyon lang siya ngayon, panigurado ay hindi na siya aalis sa kinatatayuan ngayon at buong gabi niyang pagmamasdan ang mga pailaw ng mga gusali na siyang nagpaningning ng mapolusyong kadiliman ng Maynila.Pero masya...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments