author-banner
Lexa Jams
Lexa Jams
Author

Nobela ni Lexa Jams

The Billionaire's Wife is an Ex-convict

The Billionaire's Wife is an Ex-convict

“I only needed to be married to you for three months. Pero hindi ibig sabihin noon ay aasta kang asawa ko, because I will never treat you as one.” Akala ni Jyla ay wala nang mas lalala pa sa buhay niya sa selda at ang sunod-sunod na trahedyang napagdaanan niya, not until Zion Calvino, a sociopathic bastard, bailed her out. Nagkanda letse-letse na nga ang buhay niya simula nang mag-krus ang landas nila at kailangan pa niya itong pakasalan at pakisamahan bilang asawa sa loob ng tatlong buwan kahit gaano pa sila nasusuklam sa isa’t isa.
Basahin
Chapter: Chapter 99
Nanumbalik na naman ang dating malamig at hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha ni Jyla. Kaagad na nawala ang malapad niyang ngiti at ang maningning niyang mga mata. All because of Zion. Hindi niya alam na ganun na pala siya kadaling maapektuhan ng lalaki. Nasiyahan naman si Andrew nang magbalik ang kaawa-awang mukha ni Jyla. He likes her better that way, when she’s desperate and vulnerable. Dahil mas kainteres-interes naman talaga ang isang babae kapag ang alam lang nitong gawin ay itulak ka palayo.“Gee. I was wondering why you’ve been so happy these days. Akala ko talaga ay may bago ka nang sugar-daddy. ‘Yon pala ay pinahagingan ka lang ni Zion ng kaunting bagay. Now you dare challenged his real woman. Were you always that naive, Miss Probi?” pagpapatuloy pa ni Andrew sa panglalait sa kanya.Wala siyang balak na sumagot sa mga pang-iinsulto nito. Hihintayin niya na lang na matapos muna ang pagbisita ng pamilya ni Zion kay Zoey bago siya pumasok doon. Napansin niya sa gilid
Huling Na-update: 2025-01-20
Chapter: Chapter 98
GabbyNaglahong bigla ang kumpiyansa ni Gabby sa sarili at nakaramdam siya ng pagkapahiya sa reaksyon ni Manuel Calvino pagkakita sa kanya. Dahan-dahan siyang umatras palapit kay Zion, humihingi ng saklolo. “That’s enough,” sita ni Zion sa lolo nito. “Hindi nakakabuti sa kanya at sa dinadala niya ang stress, lo. I would appreciate it if you treat her nicely.”Napanganga naman si Manuel sa ginawang pagkampi ni Zion kay Gabby at napatingin ito kay Agnes bago muling binalingan si Zion. Magsasalita pa nga sana ang matanda pero naunahan ito ng apo.“Kaya ko siya pinapunta ngayon dito ay para ipakilala siya sa ‘yo. Well, she’s the woman I’m going to marry, no matter what,” mariing pag-imporma ni Zion kay Manuel.“Masyado kang nagmamadali, Zion. Hindi porke’t nabuntis mo siya ay pakakasalan mo kaagad siya. We can just find someone better an—”Kaagad na pinutol ni Zion ang ideya ni Manuel. “I am marrying her for that very reason. Because she’s the mother of my child. So stop setting me up w
Huling Na-update: 2025-01-20
Chapter: Chapter 97
JylaHindi na alam ni Jyla kung paano pa magpapaliwanag kay Zion. Umurong na ang dila niya pagkatapos ng retorika nitong pahayag. Hindi niya alam kung ipagtatanggol pa ba niya ang sarili. Lalo namang hindi niya alam kung paano pa gagawin ‘yon, lalo pa’t halatang mas pinapanigan ni Zion si Gabby. Kahit naman siguro magdahilan siya, hindi siya nito papaniwalaan. Napakislot si Jyla nang maramdaman ang kung anong kumurot sa puso niya. Hindi na siya sanay na makita ang nakasanayan naman niyang salbaheng ugali ni Zion, noong para pa silang aso’t pusa. Akala niya ay okay na sila, pagkatapos siya nitong bilhan ng kung ano-ano, pagkatapos siya nitong alagaan, pagkatapos siya nitong pakitaan ng kabutihan.Nalimutan niya ang tunay niyang lugar sa puso nito. Kailanman, hinding-hindi nga pala siya ituturing nitong asawa. Guni-guni lang niya ang lahat. Pero mabuti na lang at nahimasmasan siya ngayon. Nagbaba siya ng tingin. Kagaya ng dati, hindi na lang siya ulit magsasalita. Kagaya ng dati, haha
Huling Na-update: 2025-01-17
Chapter: Chapter 96
ZionKakatapos lang ng meeting ni Zion kaninang mga alas nuwebe nang bigla siyang tawagan ni Manuel Calvino.“Zion, iho!” pagbati ng matanda sa kanya. Kaagad namang naningkit ang mga mata niya. Alam niya naman kasi ang pakay ng matanda sa tuwing tatawagan siya nito. “I realized you are right, iho. I am really sorry for what happened in the past. Ginawa lang namin ang kailangang gawin para maging maayos ang pamilya natin. Pasensya na kung pinatapon ka na lang namin sa kung saang bansa nang basta-basta. You didn’t deserve that. Your mother didn’t deserve to be separated from you. Kaya sana, bigyan mo kami ng pagkakataon na makausap si Zoey.”Hindi naman kaagad nakapagsalita si Zion sa narinig. Si Manuel Calvino ba talaga ang kausap niya? Napatingin tuloy siyang muli sa pangalang nakarehistro sa cellphone niya. It was really his grandfather’s number. Where the fúck is he going with this?“At dahil alam ko namang kaunting panahon na lang ang nalalabi kay Zoey, please give me the chance
Huling Na-update: 2025-01-16
Chapter: Chapter 95
Sa videong pinakita ni Gabby sa kanya ay merong grupo ng mga lalaki na naghuhukay ng isang puntod. At sa lapida na makikita ay nakaukit ang pangalan ng nanay niya.Totoo man ito o hindi, hindi mapigilan ni Jyla ang mawala sa sarili kaya nagawa niyang sampalin si Gabby nang sobrang lakas. Kung lumaban nga lang si Gabby sa kanya ay baka ito na ang pinaglalamayan ngayon. “Asawa ko si Zion. At ako lang ang babaeng gusto ni Zoey para kay Zion. Hangga’t kasal kami, isa ka lang kabit sa mga mata ko at sa mata ng ibang tao! Huwag mo akong subukan, Gabriella! Hindi pa patay ang biyenan ko. Isang salita ko lang sa kanya, baka ipapatay pa niya kayong lahat! banta ni Jyla kay Gabby, pulang-pula na ang buong mukha sa galit.Walang katotohanan ang mga binanggit niya dahil wala siyang balak na ipaalam kay Zoey na patuloy pa rin siyang ginugulo ng may pagka-demonyong pamilya na ‘yon. She just wanted to scare them off. Nakakasura na kasi ang paulit-ulit na pananakot ng mga ito. Napakahirap bang magh
Huling Na-update: 2025-01-16
Chapter: Chapter 94
Halos abot tenga ang pagkakangiti ni Jyla habang pinagmamasdan ang mga pagkain. Parang ayaw na nga niyang bawasan ito.Ganito pala ang pakiramdam pag inaalagaan. Gusto man niyang kuhanan ng litrato muna ang mga ito bago kainin ay hindi niya magawa dahil sa estado ng cellphone niya ngayon. Luminga-linga siya sa paligid at napansin ang pagtingin ng ibang katrabaho sa gawi niya. Dali-dali niyang binalik sa paper bag ang mga pagkain. Imbes na kainin sa cubicle, nagpasya na lang siyang pumunta ngayon sa kantina para hindi siya usisain ng ibang ka-departamento niya. Sa opisina kasi kumakain ang mga ito. Pagkarating niya sa kantina ay agad siyang nakakita ng mauupuan. Kakaunti lamang ang tao rito dahil halos lahat nga ay sa opisina lang kumakain. Paupo na sana siya sa isang bakanteng mesa nang bigla may brasong umakbay sa kanya. Kakaripas na sana siya ng takbo pero pagtingin niya ay si Andrew pala ito. “Wow! Sinong nagpadala niyan sa ‘yo? May bagong sugar-daddy ka na ba, Jyla?” pang-aalask
Huling Na-update: 2025-01-13
The Billionaire's Wife is a Fraud

The Billionaire's Wife is a Fraud

Para maikasal sa makapangyarihang bilyonaryo na si Ezekiel 'Kiel' Torellino III, ginawa ni Verina ang lahat para mapikot ang lalaki. Mabilis siyang nagtagumpay sa layunin, pero isang malaking kasinungalingan lang pala ang lahat. Dahil hindi pala ito ang napikot niya kung hindi ang kakambal nitong si Zade.
Basahin
Chapter: Chapter 6
Kuyom ang mga palad, nagsimula na sanang humakbang si Verina papunta sa kinaroroonan nina Hannah at Kiel na halos ilang dipa lang naman mula sa kanya. Pero hindi pa rin siya nagawang mapansin ng dalawa na parang may sariling mundo. Biglang hinawakan ni Analyn ang pulsuhan niya dahilan para matigilan siya. Pero isa pang rason kung bakit siya huminto ay dahil biglang humilab na naman nang matindi ang tiyan niya. Nasapo niya ang tiyan at napakislot na sa sakit na mabilis din namang nawala. Pagkatapos indahin ang sakit ay saka niya sinimangutan si Analyn na mariin siyang inilingan para lang pigilan siyang magkamali. Imbes na magreklamo ay nagpatianod na lang siya sa kagustuhan ni Analyn at nagpa-akay dito nang marahan siyang hilahin nito papasok sa loob ng bridal suite. Malaki ang kwarto, at ang unang-unang napansin ni Verina sa loob ay ang puting wedding gown na suot ng isang mannequin. Naka-display ito sa pinaka gitnang parte ng kwarto, at ang gown na ito ay kakaiba sa suot niya
Huling Na-update: 2025-01-20
Chapter: Chapter 5
Hindi pa man lumulubog ang araw sa mga ulap, pakiramdam ni Verina ay para na siyang nabuhay ng isang buong dekada sa loob lamang ng araw na iyon. Ang pilit na ngiting nakaguhit sa kanyang mukha ay naging mas mabigat sa bawat segundo, parang maskara na gustong-gusto na niyang tanggalin. Sa kabila ng lahat, isang matinding damdaming ang pumupuno sa kanya—isang bulong sa kanyang isipan na paulit-ulit sumisigaw. Paghihiganti. Gusto niyang gumanti. Gusto niyang sampalin si Kiel, ang lalaking nasa tabi niya ngayon, gusto niya itong gilitan sa leeg, lalo pa at nakikita niya ang ngiti sa mga labi nito— na para bang walang itong anumang nagawang masama; na para bang hindi nito pinagtangkaan ang buhay niya kanina lamang. Pero dahil nasa harapan sila ng madla, batid ni Verina na hindi iyon ang tamang panahon. Mamaya na sila maghaharap. Mamaya na niya ito titirisin, gaya ng gagawin din niya sa babae nito. Mabuti na lang at nawala si Hannah sa paningin niya; baka kasi mas lalong hindi siya
Huling Na-update: 2025-01-18
Chapter: Chapter 4
Nakahinga nang maluwag si Verina nang mawala ang matinding paghilab ng tiyan niya. Pinakiramdaman niya ang sarili at nang hindi na ito muling sumakit pa ay nag-umpisa na siyang maglakad. She marches gracefully before everyone, akala mo ay hindi siya nag-agaw-buhay kanina lang. Bigla na lang siyang naging emosyonal. Siguro dahil biglang tumugtog ang paborito niyang musika gamit lang ang violin at piano. Namasa bigla ng luha ang mga mata niya. Ganito pala ang pakiramdam ng kinakasal. Pakiramdam niya ay totoo ito, na para bang hindi lang siya nagpapanggap. All those pain, all those sleepless nights, near-death experiences, and sacrifices she made, now she’s a step closer to Ezekiel Torellino. Just one step closer. She feels everyone’s curious gaze on her. Narito na rin yata ang mga popular na babaeng mga personalidad na nagpunta noong huling party ng mga Torellino. Batid niyang wala siyang binatbat sa kagandahan ng mga ito, but Kiel personally chose her that night. Pero sino n
Huling Na-update: 2025-01-14
Chapter: Chapter 3
Halos sasabog na ang puso ni Verina sa bilis ng pagtibok nito dahil sa sobrang kaba at kasabikan habang nakatayo siya sa labas ng malalaking kahoy na mga pintuan ng St. James Cathedral. In her hand is a bouquet of white and rustic pink peonies, na halos durugin na niya dahil nga sa sobrang kaba. Today is her big day. She is wearing a white strapless floral-applique ball gown with swarovski crystals, and a tulle veil is swathed over her head, na siya ring nagsilbing wedding trail niya. Pinasadya ng mga Torellino ang wedding gown niyang nagkakahalaga ng sandaang milyon sa isang sikat na Italian fashion designer na kaibigan ng maimpluwensyang pamilya. This is it. Finally, everything is slowly falling into place. Pagkatapos ng ilang taong pagpaplano at pagtitiis niya, kaunting minuto na lang ay makakamit na niya ang minimithi. Pero hindi niya maiwasang mag-alala, lalo pa’t halos isang oras na rin yata nang mag-umpisa ang pagmartsa ng entourage kanina galing sa pintuan sa magkabilan
Huling Na-update: 2025-01-13
Chapter: Chapter 2
Pagmulat ni Verina ng mga mata ay agad niyang napansin ang kakaibang kisame na may nakalambiting babasaging aranya na may malamlam na mga ilaw sa bawat bumbilya. Paulit-ulit siyang napakurap at saka nagkasalubong ang mga kilay. Nasaan ako? Matapos ang ilang segundo, naalala niya rin sa wakas na ito ang unit na nirentahan niya ngayong araw sa La Torre. Awtomatikong napapihit siya ng tingin sa bandang kanan niya at noon lang niya napansin ang pamilyar na mukhang nakatitig sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Verina nang mapagtanto niya kung sino ang lalaking nakaupo sa sofa sa gilid lang ng higaan. Kiel Torellino. Malinaw na sa kanya ang lahat ngayon. Ang lalaking pumasok sa elevator kanina ay si Kiel. Ito rin ang pinagsabihan niya tungkol sa room number niya at sa epipen. Sa ilang daang tao na naroon ngayong gabi, what are the odds na ito pa pala ang magliligtas sa kanya sa kapahamakang bunga ng katangahan niya. Agad siyang napabangon at saka napakapit sa kumot na naka-talukbong sa k
Huling Na-update: 2025-01-13
Chapter: Chapter 1
Verina’s POVI need to find him. And I need to fück him tonight.Parang mantrang inulit-ulit ni Verina sa isipan ang mga katagang ‘yan habang humihigop ng mala-dugong alak sa babasaging kopitang tangan niya. Mapait ang ngiting pinakawalan niya at halos mabasag na nga ang kopita dahil sa higpit nang pagkakahawak niya rito habang pinagmamasdan ang kalakhan ng Maynila sa pinakamataas na bulwagan ng La Torre na nasa ibaba lang ng helipad ng gusali.Ang La Torre ang pinakamataas na gusali sa buong bansa, at pakiramdam ni Verina ay tanaw na niya ang mga karatig-bansa dahil sa abot-langit na taas nito. Nagmistulang langgam tuloy ang iba pang mga gusali sa Roxas Boulevard kumpara sa La Torre dahil sa isang daan nitong palapag.Hindi niya maiwasang mabighani, at kung nasa ibang sitwasyon lang siya ngayon, panigurado ay hindi na siya aalis sa kinatatayuan ngayon at buong gabi niyang pagmamasdan ang mga pailaw ng mga gusali na siyang nagpaningning ng mapolusyong kadiliman ng Maynila.Pero masya
Huling Na-update: 2025-01-13
Maaari mong magustuhan
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status