Her Possessive Billionaire (TAGALOG)

Her Possessive Billionaire (TAGALOG)

last updateLast Updated : 2023-03-20
By:   B.NICOLAY/Ms.Ash  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.5
19 ratings. 19 reviews
120Chapters
223.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Buong akala ni Devina ay pananagutan siya ni Valentine dahil na ‘rin sa pangako nito sa kaniya. Ngunit hindi sumipot ang lalaki, ang ama ng kaniyang mga anak. Kung kaya nag decide siya na hinding-hindi niya ipapakilala ang mga bata kay Valentine at palalabasin na patay na ang kanilang ama. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Makalipas ang pitong taon ay dadalo siya sa kasal ng kaniyang half-sister at ang mapapangasawa nito? Walang iba kundi ang ama ng kaniyang mga anak.

View More

Latest chapter

Free Preview

SIMULA

SA isang malaking kwarto na mayroong katamtamang bukas na ilaw, nakatayo si Devina sa dulo ng higaan habang nakatingin sa dalawang tao na nasa ibabaw. Abot-abot ang kaba sa kaniyang dibdib dahil alam niya na sa mga susunod na segundo ay siya na ang papalit sa ginagawa ng babae—ang kaniyang half-sister na si Kristin. Mayroong milagrong ginagawa ang dalawa habang ang lalaki naman ay kilalang-kilala niya—si Valentine Montoya—ang tagapagmana ng Montoya Empire. Matangkad ito at makising ang pangangatawan. Mayroong maputing balat at itim na itim na buhok na bagay na bagay sa kaniya. Matangos ang ilong at makakapal na kilay. Ang mga mata niya ay nanlilisik kapag tinitigan ka ngunit ngayon na wala ito sa sarili ay wala na ang ganoong lalaking nakilala ni Devina. Gustong niyang ipikit ang kaniyang mga mata upang hindi makita ang unti-unting pagkawala ng saplot ng dalawa ngunit hindi magbabago ang katotohanan na kailangan niya ‘rin gawin ang ginagawa ng mga ito. Wala na ‘din siyang suot n...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
maden_027
Very interesting story
2024-10-23 18:52:59
0
user avatar
Liceram Onicrot Bio
thank you author sa mgandang kwento mo...️...️...️
2024-07-09 10:08:04
0
user avatar
Bern Senolos
sad lang wala ako pambayad for the next chapter
2023-08-26 08:54:38
1
user avatar
Jesolyn Sarmuyan Dela Rosa
Parang pilikula... Napakaganda
2023-05-14 13:47:21
2
user avatar
Ja De
Bago ko simulan basahin.. Happy ending ba to? Kase kotang kota na ko sa bidang namamatay sa huli. (ಥ_ಥ)
2023-05-14 03:58:08
15
user avatar
Ylrig Adan Sajar
pa unlock naman po
2023-04-28 11:06:59
3
user avatar
Monica Antones Caguicla
Pa unlocked po plsss
2023-04-28 07:43:47
2
user avatar
Maryrose Espinola
ang ganda ng kwento na to kapopolotan mo ng aral sayang kc na lock nag iinjoy ako sa pag babasa kaya lng nakaka inis din c divina masyado mahina dapat nging palaban sya yong tipo na hindi cia talo gustong gusto ko ang kwentong to kahit ksisimula ko pa lng magbasa medyo matagal ko atah to matatapos..
2023-04-25 22:11:07
1
user avatar
allisha mataban (LISH)
pa unlock po
2023-04-22 16:40:22
1
user avatar
De Guzman Judelyn
pa unlock po
2023-04-21 13:48:37
2
user avatar
Claire Evoces
I like the story...very interesting ....
2023-04-21 09:44:31
1
default avatar
J0yc3 Slvdr
interesting story
2023-03-09 17:53:36
4
user avatar
Rhea Grace Santos
sobrang bigat sa dibdib ng story n to...
2023-03-02 20:27:13
1
user avatar
Shaira Tanya
Bagong aabangan ko na naman dagdag sa listahan ng mga inaabangan
2023-02-13 20:50:16
1
user avatar
Cristine May
ito nanaman Ang aabang ko grabe ang ganda ng mga story mo Ms A ... Kaya guys basahin n'yo na mga gawa ni Ms Author sulit puyat n'yo d2 promise
2022-12-17 18:19:00
3
  • 1
  • 2
120 Chapters
SIMULA
SA isang malaking kwarto na mayroong katamtamang bukas na ilaw, nakatayo si Devina sa dulo ng higaan habang nakatingin sa dalawang tao na nasa ibabaw. Abot-abot ang kaba sa kaniyang dibdib dahil alam niya na sa mga susunod na segundo ay siya na ang papalit sa ginagawa ng babae—ang kaniyang half-sister na si Kristin. Mayroong milagrong ginagawa ang dalawa habang ang lalaki naman ay kilalang-kilala niya—si Valentine Montoya—ang tagapagmana ng Montoya Empire. Matangkad ito at makising ang pangangatawan. Mayroong maputing balat at itim na itim na buhok na bagay na bagay sa kaniya. Matangos ang ilong at makakapal na kilay. Ang mga mata niya ay nanlilisik kapag tinitigan ka ngunit ngayon na wala ito sa sarili ay wala na ang ganoong lalaking nakilala ni Devina. Gustong niyang ipikit ang kaniyang mga mata upang hindi makita ang unti-unting pagkawala ng saplot ng dalawa ngunit hindi magbabago ang katotohanan na kailangan niya ‘rin gawin ang ginagawa ng mga ito. Wala na ‘din siyang suot n
last updateLast Updated : 2022-11-08
Read more
KABANATA 1
DEVINA PAIKA-IKA akong naglakad papunta sa lamesa kung saan i-seserve ko ang pagkain na aming hinanda para sa mga bisita. “This is embarrassment Valentine! How could you do this to my daughter?! You two are not even in a relationship! Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao?! Isa itong scandal!” Hysterical na sabi ni daddy na nakatayo sa gitna ng lamesa. Nakayuko kong inilagay ang huling pagkain sa gitna ng mesa at hindi sinasadyang nagtagpo ang mata namin ni Valentine na hindi ko alam kung kanina pa ba nakatingin saakin? Dali-dali ko namang iniwas ang aking mata at mabilis na naglakad palayo doon. Napasandal ako sa pader dito sa dirty kitchen dahil sa kaba. Sinong hindi kakabahan eh nakatitigan ko ang lalaking kumuha ng pagkababae ko?! Nakilala niya kaya ako? Hindi naman siguro dahil hindi niya ako tinawag! Arghh! “Devina, hija ayos ka lang ba?” napatayo ako ng maayos ng magsalita si nanang Ita. Binigyan ko siya ng isang ngiti at tumango. “Opo, nanang. Nakakasakal lang doon sa d
last updateLast Updated : 2022-11-08
Read more
KABANATA 2
“S-SALAMAT ho, sir Valentine.” Tango lang ang naisagot ni Valentine ng pasalamatan siya ng ina ni Devina. Gusto pa sana niyang makasiguro kung ayos lang ba ang babae ngunit hinarahangan na siya ng mga katulong sa pinto palang ng dirty kitchen. Nagkibit balikat nalamang siya at agad na bumalik sa park kung saan andoon si Carlos Valderama. Pero malayo pa siya ay tanaw na niya ang ambulance at pulis kasama na ang kumpulan ng mga tao. Pagkababa niya ay agad siyang lumapit doon at natigilan ng makitang iniaakyat na sa ambulance si Carlos. Nakita niya ang isang lalaki na hawak ng mga pulis, si Devino. Tila wala ito sa sarili niya dahil tulala. “G-Grandpa…” ***“WASSUP Valentine? May problema kayo ni Kristin noh?” agad na salubong sa kaniya ng kaibigan na si Travis Ruiz. Katulad niya ay tagapagmana ‘din ito ng Ruiz Clan at ang susunod na magpapalago ng kanilang mga negosyo. Mayroon pa silang isang kaibigan, si Vincent Williams. “I want you to investigate what happened earlier Travis
last updateLast Updated : 2022-11-08
Read more
KABANATA 3
“HINDI ko pwedeng iwan sila mama, papa at Adeline, Valentine!” “Devina, babalikan natin sila. Ang mahalaga ngayon ay maitago kita dahil baka mapahamak ang anak natin.” Sunod-sunod na umiling si Devina dahil sa sinabi ni Valentine. Inihahatid na siya nito pauwi sa mansion ng mga Valderama dahil naibigay na ‘din ng doctor ang vitamins niya at nakabili na sila. “Kahit pa Valentine. Pamilya ko ang mahalaga saakin, sila nalang ang meron ako. Kung sa inyo mahalaga ang yaman at pangalan niyo saakin ang pamilya ko, Valentine.” Napabuntong hininga nalang si Valentine at hindi na sumagot pa sa sinabi ng babae. Pinipilit niya kasi ito na sumama sa kaniya at ilalayo niya ito sa lugar na hindi malalaman ng mga Valderama at Montoya ang tungkol sa pinagbubuntis niya. Balak niya na kapag nailipat na sa kaniya ang title bilang bagong namumuno sa Montoya Empire ay tyaka niya ilalabas ang mag-ina upang wala ng makapigil sa kanila. Alam niya kasi na pipigilan siya ng magulang lalo na ng ama nito
last updateLast Updated : 2022-11-08
Read more
KABANATA 4
NIWAN na kakaluhod si Devina sa lupa nang umalis si Kristin. Luhaan at hindi alam ang gagawin. “Devina…” Kusa siyang napahinto sa pag-iyak dahil sa narinig at napalingon sa kaniyang likuran. Nakita niya doon si Travis at nilapitan siya nito’t tinulungan na tumayo. “T-Travis… Anong ginagawa mo dito?” hindi nito sinagot ang tanong niya dahil tinulungan siya nitong makatayo. “’Wag mo nang hintayin si Val, dahil hindi na ‘yun babalik dito.” Napakunot ang noo ni Devina sa kaniyang narinig at napailing kasabay ng pag-alis ng kaniyang braso na hawak ng lalaki. “H-Hindi ako naniniwala… Dito ang usapan namin ni Valentine… At anong sinasabi mo na hindi na babalik? G-Galing na ba siya dito?” tumango sa kaniya si Travis na ikinatigil niya. “Oo, Devina. Galing na siya dito at kitang-kita ko kung paano mamuo ang galit sa kaniya’t luhaan na umalis.” ***DEVINA “I-IMPOSSIBLE ‘yang sinasabi mo Travis! Hindi ko ‘yan magagawa!” Frustrated kong sabi at napatayo sa aking kinauupuan pero na
last updateLast Updated : 2022-11-28
Read more
KABANATA 5
“SIGURADO po ba kayo na ayos na kayong tatlo dito? May isa pa naman pong kwarto doon,” Nakangiting tumango ang mama ni Devina kay Travis ng magtanong itong muli habang nasa hamba ng pinto at papalabas na sana ng kanilang kwarto. “Hijo, ayos na ayos. Maraming salamat sa tulong mo, baka sa kalsada kami pulutan kung wala ka.” “Walang ano man po tita, magsabi lang po kayo saakin kung may kailangan kayo.” Isinara na ni Travis ang pinto ng kanilang kwarto kung kaya napatingin ang mama ni Devina sa kaniya. “Anong tingin ‘yan?” natatawa niyang tanong sa kaniyang ina at kay Adeline na nakaupo sa isang single sofa na nasa gitna. “Anong meron sa inyo ni kuya Travis ate? Ikaw ah! Akala ko pa naman si sir Valentine ang gusto mo?” Napataas ang kilay ni Devina ng marinig ang sinabi ng kapatid lalo na ng mabanggit ang pangalan ng ama ng kaniyang anak. “Si Valentine? Never akong nagkagusto doon at hinding-hindi talaga. After what he did to me and my child? No, thanks.” Naupo ang mama niy
last updateLast Updated : 2022-11-29
Read more
KABANATA 6
“M-MISS, ako ‘yung kamag-anak nung naaksidente na mag-ina. ‘Yung nabangga sa truck, saan dito ang OR?” Nanlalamig ang kamay ko sa kaba, feeling ko ano mang oras ngayon ay babagsak na ako dahil sa panginginig ng aking tuhod. “Doon po ang daan papunta sa OR pero hindi po kayo—” hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng nurse na nakausap ko at dali-dali na akong pumunta sa tinuro niyang daan. “Ma’am! Ma’am hindi po maaaring pumasok jan!” hindi ko siya pinakinggan at ng makarating ako sa pinakang pintuan ay bubuksan ko na sana iyon ngunit mayroong pumigil saakin. “Ma’am! Hindi po talaga pwedeng pumasok sa loob, kapag pumasok po kayo ay matitigil ang operasyon.” Natigilan ako sa kaniyang sinabi at napaiyak nalamang. “N-Nurse, sabihin mo magiging ayos ‘din ang mama at kapatid ko hindi ba? Hindi naman sila napuruhan hindi ba?” “Opo ma’am. Magiging ayos lang sila, magagaling po ang doctor dito. Halika, sumama ka po saakin para maupo. Buntis ka pa naman ma’am.” Tumango ako ng dahan-daha
last updateLast Updated : 2022-11-29
Read more
KABANATA 7
“NANDITO na pala ang prinsesa!” ‘Yan ang unang bungad kay Devina nang pumasok siya sa loob ng bahay na tinitirhan nila ngayon. “Oh? Nasaan na ang ambag mo?” taas kilay na sabi ng palamuning anak ng matandang nagmagandang loob na kupkupin si Devina. Ngunit hindi iyon pinansin ni Devina dahil ang unang hinanap ng kaniyang mga mata ay ang kaniyang mga anak. “Kita mo bastos!” “Tumigil ka nga! Ite-tape ko ang bibig mo eh!” suway na sabi ng matanda sa kaniyang anak at lumapit kay Devina. Nakahinga ng maluwag si Devina nang makitang andoon ang dalawang anak niya at natutulog. Kusang napatulo ang luha niya dahil doon at feeling niya ay babagsak na siya sa sobrang takot na naramdaman niya. Ang akala niya ay hindi na niya aabutanang mga anak niya. “Devina ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?” napalingon siya sa matanda at agad na napayakap dito. Hinagod naman ng babae ang likuran niya na siyang hindi ikinatuwa ng anak nito. “Sus! Pabebe! May paiyak-iyak pang nalalaman! Siguradong wal
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more
KABANATA 8
“A-Anak ko, patawarin mo si mommy! Patawarin mo ako kung gagawin ko ito, pangako ko sa’yo babalikan kita! Babalikan kita anak!” hinalikan ko ang pisnge nito at lumabas ng silid na iyon kahit na sobrang lakas na ng iyak ng babae ko. Pakiramdam ko ay alam niya ang gagawin ko, ipapamigay ko siya. Ang sakit. Sobrang saakit para saakin ng katotohanan na ito pero anong magagawa ko? Isa nalang akong mahirap na tao at hindi na kakayaning palakihin ang dalawang bata. “Devina, maraming salamat. Kung alam mo lang kung gaano kami kasaya ng asawa ko ngayon.” Hindi ako nakasagot sa sinabi ni aling Salome at mukang napansin naman niya na umiiyak ako. Hinagod niya ang aking likuran at niyakap upang samahan ako sa aking lungkot. Si David ay tahimik nalang na natutulog habang akay ko sa aking harapan. “A-Aling Salome, pangako ko po na babalikan ko ang anak ko. Pangako ko po na kapag umayos na ang buhay ko ay kukunin ko ulit siya. Please ‘wag niyo po siyang ituring na tunay na anak, hindi ko kaya
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more
KABANATA 9
“A-ANONG sinasabi mo po? Sa kaniya ko iniwan ang anak kong si Arabelle! Ang sabi niya saakin ay naghahanap sila ng ma-aapon ng asawa niya!” “Devina, kumalma ka lang.” pigil na sabi ni Jeydon ngunit umiling sa kaniya ang babae. “Paano ako kakalma Jeydon? Anak ko ang pinag-uusapan dito!” “Sandali, ikaw ba si Devina?” natigilan ang dalawa ng marinig nila ang sinabi ng babae. “O-Oo, ako nga ho.” “Tama! Sabi saakin ni Salome ay ibigay ko sa’yo ang address na ito. Sandali kukunin ko lang.” Umalis sandali ang babae upang pumunta sa loob at kunin ang address na sinasabi nito. Nagkatinginan pa si Jeydon at Devina. Hindi naman nagtagal at nakabalik ‘din ito at iniabot kay Devina ang isang papel. “Ang sabi niya ay ibigay ko sa’yo ‘yan.” Nanlaki ang mata ni Devina ng mabasa ang address na naroroon. “S-Sigurado po ba kayo?!” tumango ang babae sa kaniya kung kaya napatingin si Devina kay Jeydon na nagtataka. “J-Jeydon, ito ang address ng bahay ko dati sa mga Valderama!” Dahil sa
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more
DMCA.com Protection Status