“HINDI ko pwedeng iwan sila mama, papa at Adeline, Valentine!”
“Devina, babalikan natin sila. Ang mahalaga ngayon ay maitago kita dahil baka mapahamak ang anak natin.”
Sunod-sunod na umiling si Devina dahil sa sinabi ni Valentine. Inihahatid na siya nito pauwi sa mansion ng mga Valderama dahil naibigay na ‘din ng doctor ang vitamins niya at nakabili na sila.
“Kahit pa Valentine. Pamilya ko ang mahalaga saakin, sila nalang ang meron ako. Kung sa inyo mahalaga ang yaman at pangalan niyo saakin ang pamilya ko, Valentine.”
Napabuntong hininga nalang si Valentine at hindi na sumagot pa sa sinabi ng babae. Pinipilit niya kasi ito na sumama sa kaniya at ilalayo niya ito sa lugar na hindi malalaman ng mga Valderama at Montoya ang tungkol sa pinagbubuntis niya. Balak niya na kapag nailipat na sa kaniya ang title bilang bagong namumuno sa Montoya Empire ay tyaka niya ilalabas ang mag-ina upang wala ng makapigil sa kanila.
Alam niya kasi na pipigilan siya ng magulang lalo na ng ama nito dahil isang katulong at labas na anak si Devina. Makalipas ang ilang minuto ay nagpababa si Devina ilang bahay bago dumating sa mansion ng mga Valderama. Hinawakan niya ang kamay ng babae na inaalis ang seat belt nito.
“Please take care Devina. Ayokong may mangyaring masama sa inyong dalawa,” ngumiti ng pilit si Devina at tuluyan ng bumaba. Walang lingon siyang nagpatuloy sa paglalakad dala ang isang paper bag na naglalaman ng kaniyang vitamins.
Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Madami na ngang problema dumagdag pa ang bata na nasa sinapupunan niya. Hindi niya akalain na magbubunga ang isang gabing pagsasama nila ni Valentine at ngayon nga ay alam na nito ang tungkol sa anak nila. Masyadong mabilis para sa kaniya kaya naguguluhan siya sa mga nangyayari.
“Devina anak! Saan ka ba nanggaling?! Nag-alala ako sa’yo!” salubong na sabi ng kaniyang ina kasama si nanang Ita at Ursula. Sa likod kasi siya dumaan upang hindi siya agaw pansin.
“Alam mo bang galit na galit si ma’am Kristin at hinahanap ka? Anong ginawa mo huh!” sabat ni Ursula na ikinatakot ni Devina.
“B-Bakit niya ‘daw ako hinahanap?”
‘Alam niya kayang magkasama kami ni Valentine?’ takot na tanong niya sa isipan.
“Hindi namin alam hija, basta hinahanap ka at sabi nito kapag bumalik ka ay pumunta ka sa kwarto niya.”
***
KINAKABAHAN si Devina habang papaakyat sa silid ng half-sister niya na si Kristin. Kilala niya ang babae, mabigat ang kamay nito katulad ng ina at ama. Hindi isang beses kundi maraming beses na siyang napagbuhatan ng kamay nito. Dati ay ayos lang sa kaniya ngunit ngayon na may baby na sa loob ng tiyan niya ay natatakot siya na madamay ito.“K-Kristin?” katok na tawag niya dito at narinig niya ang sigaw nito na ‘pasok’
Pagkasara na pagkasara niya palang ng pinto at pagharap sa loob ay isang malutong na sampal agad ang natamo niya.
“Napakawalang hiya mo! Kasama mo si Valentine kagabi ano?! Ikaw ang kasama niya kagabi! Walang hiya ka!”
Hindi nasiyahan si Kristin sa pagsampal sa kaniya at sinabunutan pa siya nito. Pero dahil takot nga siya na kung anong mangyari sa anak ay agad niya itong tinulak palayo na ikinabagsak nito sa sahig. Nagulat ‘din siya sa nagawa at nakita niyang ganoon ‘din si Kristin.
“You!” galit na sigaw ni Kristin. “S-Sorry Kristin! Hindi ko sinasadya! Masakit kasi ang sabunot mo!” hindi pinansin ng babae ang sinabi niya at muli na sanang susugod ng naging maagap siya’t muli itong tinulak.
“What are you doing to my daughter?!” nagulat siya ng biglang sumigaw si Cassandra, ang ina ni Kristin at mabilis na nakalapit sa anak at tinulungan itong tumayo.
“M-Mommy! Inaagaw niya saakin si Valentine! Malandi siya!” sumbong na sabi ni Kristin dito.
“H-Hindi totoo ‘yan! Hindi ko kasama si Valentine kagabi!”
“Anong hindi?! Wala si Valentine sa bahay nila at sa mga kaibigan niya! Ikaw lang naman ang alam kong pwedeng sumulot sa kaniya mula saakin!” nanlilisik ang matang sigaw ni Kristin. Nag-isip agad si Devina ng idadahilan, hindi dapat malaman ng kapatid na magkasama sila.
“N-Nasa prisinto ako ng gabing ‘yun! Nagpunta ka ba sa prisinto para tignan ako?!” natigilan si Kristin sa sinabi niya kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang hindi manghinala ang babae. “P-Pilit nila akong pinaamin sa kasalanan hindi naman ginawa ng papa ko dahil ikaw! Ikaw talaga ang bumaril kay grandpa Kristin! Napakasama mong apo!”
“Hoy Devina! ‘Wag mong pagbintangan ang anak ko!” agad na nakalapit si Cassandra kay Devina at hinawakan ang buhok nito't kinaladkad pababa.
“A-Ah! M-Ma’am Cassandra masakit po!” hindi na niya napigilan ang kaniyang mga luha dahil nag-aalala siya pasa sa anak hindi para sa sarili.
“Talagang masasaktan ka saakin!” sigaw nito na siyang ikinalabas ng mga katulong mula sa kusina at nanlaki ang mata ng makitang hila-hila si Devina habang sinasabunutan.
“D-Devina anak!” lalapit na sana ang mama niya upang iligtas siya ngunit pinigilan siya ni nanang Ita.
“Jan! Jan ang nararapat sa mga katulad mong anak sa labas! Dapat noon ka pa namin inalis sa bahay na ito! Kung hindi lang dahil sa papa ay baka pinalayas ka na namin noon pa! Ngayon na wala na dito si papa ay magagawa ko ng palayasin ka! Lumayas ka dito at ‘wag ng babalik Devina!”
Napangiwi si Devina ng maramdaman niya ang sakit sa kaniyang balakang na umikot papunta sa kaniyang tiyan dahil sa pagkakatulak sa kaniya ni Cassandra sa labas ng main door ng mga ito. Muntik na nga siya mahulog sa iilang hakbang na hagdan mabuti nalang at hindi natuloy.
“’Wag na ‘wag niyo ng papapasukin dito ang bastarda na ‘yan!” Sinarado nito ang malaking pintuan habang si Kristin naman ay nakangising nanonood mula sa hagdan. Iyon naman talaga ang nais niya, ang mawala na sa landas nila si Devina. Kaya nga niya nagawa na ipa-rape ito, balak niya talaga tuluyan ng burahin sa mundo si Devina kaso dumating ang lolo niya na ikinainis niya ng sobra.
“Mabulok ka sa labas Devina. Saakin na ang lahat ngayon, wala ng Devina, Devina na sasabihin ni grandpa tsk.” Irap na sabi nito at umakyat na sa taas.
Samantalang agad na umikot sa likod na daan ang mama niya kasama si Ursula at nanang Ita. Naabutan nila itong inaalalayan ng isang lalaki na sa pagkakatanda nila ay kaibigan ni Valentine.
“T-Tulungan mo ako… ang anak ko.” napasinghap sila dahil sa sinabi ni Devina at nakita nila ang dugo sa binti nito.
“Devina! Buntis ka?! Paano?!” gulat na tanong ni Ursula ngunit hindi na nakasagot pa si Devina dahil hinimatay na ito sa sobrang kaba para sa anak.
“T-Tulungan mo ang anak ko! Tulungan mo si Devina!” iyak na sabi ng mama nito na si Adelle kay Travis.
“’Wag po kayong mag-alala, ako na pong bahala sa kaniya.” Agad niya itong binuhat at isinakay sa sasakyan.
Habang nag dadrive ay panaka-naka siyang lumilingon kay Devina na wala pa ‘ring malay at umaagos ang dugo sa binti nito.
“Sh*t!” hindi nito napigilan ang mapamura dahil maging siya ay kinakabahan simula ng malamang buntis ito. Nagpunta siya sa mga Valderama para sana kausapin si Cristopher ukol doon sa kaso ng papa ni Devina. Maging siya ay hindi pinapatahimik ng konsensya dahil alam niya na wala itong kasalanan.
Tama ang kaibigan nitong si Valentine, hindi nila hahayaan na madala nila sa ang maduming kalakaran ng kanilang mga ninuno at magulang para lang mapagtakpan ang kanilang pangalan. Kaya naisip niya na magsalita na at tulungan sila Devina.
***
“LIGTAS ang sanggol. Pero sa oras na maulit pa ito ay hindi ko na sigurado kung kakapit pa ito. Pakiusap bantayan niyo ng mabuti Mr. Pakisabi sa mister niya na maaaring mawala sa kanila ang bata.”“Wait, mister po? Sino po?” naguguluhan na tanong ni Travis sa doctor. Nakita niya na nag-aalangan pa ang doctor kung magsasalita o hindi. “Sabihin niyo na po saakin, kaibigan ko ho si Devina.” Napatango ito dahil sa sinabi niya.
“Si Mr.Valentine Montoya. Actually, wala pang limang oras simula ng ma-discarge si Devina at malaman nilang buntis ito pero eto, nandito nanaman siya.” Napanga-nga si Travis dahil sa kaniyang narinig at nagpaalam na ang doctor dahil marami pa ‘daw itong gagawin.
“A-Anak niyo ni Val?” hindi makapaniwalang sabi ni Travis habang nakatingin kay Devina na wala pa ‘ring malay.
Pumasok sa isip niya ang sobrang pag-care ni Valentine sa babae. Na handa nitong itaya ang mamanahin para lang matulungan ito. Ngayon naiintindihan na niya, naiintindihan na niya na hindi si Kristin ang kasama ni Valentine ng gabing iyon. Ang gabing kinaka-adikan ng kaibigan.
“Anong gulo ang pinasok ni Val?” alalang tanong ni Travis sa sarili.
NAGISING si Devina at ang anak agad ang kaniyang hinanap dahil alalang-alala pa niya ang dugo sa kaniyang binti.
“Hey, kumalma ka lang. Maayos lang ang anak mo. Sabi ng doctor kapag naulit pa ‘daw iyon ay baka nalaglag na ang bata.”
Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Devina pero hindi pa ‘rin niya maiwasan na mag-alala para sa anak. Ayaw niya itong mawala sa kaniya—sa kanila ni Valentine.
“K-Kaibigan ka ni Valentine hindi ba? Salamat sa tulong mo.” Hindi makatingin na sabi niya sa lalaki. “Okay na ako, kailangan ko ng umuwi.” Pinigilan naman siya agad ni Travis.
“Paano ka uuwi kung pinalayas ka ng ina ni Kristin?” natigilan si Devina dahil sa tanong nito pero kalaunan ay tumango ‘din.
‘Gulo talaga ito.’ Namoproblema na sabi ni Travis sa kaniyang isipan.
“Si Valentine, siya ‘dina ng ama niyan hindi ba?” gulat na napatingin si Devina sa lalaki. Wala naman siyang sinabi dito tungkol sa ama ng anak niya kahit sa mama niya ay wala.
“Sinabi saakin ng doctor.” Wala siyang nagawa kundi ang tumango nalamang.
“N-Nagawa ko iyon dahil sa mama ko. May sakit si mama at kailangan ko ng malaking pera. Si sir ang nilapitan ko dahil nahihiya na ako kay grad—I mean sa daddy ni sir sa palagi niyang pagliligtas saakin kapag inaapi ako ng pamilya ng anak niya. Kaso kapalit n’un ay ang pagtabi ko kay Valentine, wala naman akong choice kaya ginawa ko ‘yun. Pero wala ‘din palang silbe dahil nalaman ni Valentine na ako ‘yun.”
“Hindi mo talaga mauutakan si Val, matalino pa sa matalino ‘yun.” Natatawang sabi ni Travis na ikinatingin niya muli dito. “Tutulungan kita Devina, tutulungan kita na makalayo dito.” Umiling siya dahil sa sinabi ng lalaki.
“’Wag na. Bukod sa nakakahiya ay sinabi na saakin ni Valentine na handa niya akong ilayo. ‘Wag mong sasabihin sa kaniya ang tungkol dito okay? Papayag ako sa gusto niya para sa baby, ayoko na mapahamak siya.”
“Pero Devina, malaking gulo sa oras na mahuli kayo.”
“Edi doon mo nalang kami tulungan. Tulungan mo kaming hindi mahuli para makalayo kami ng anak ko.”
***
“DEVINA, anak sigurado ka na ba dito?” nag-aalalang tanong ni Adelle sa kaniyang anak.“Ma, ayokong iwan ka dito pero ito nalang ang alam kong paraan para hindi madamay ang anak ko. Babalikan kita mama ng palihim para maisama ka’t itakas. Sa isang buwan babalik ako, pahuhupain ko lang ang gulo para makuha ko kayo.” Sabi ni Devina habang inaayos ang kaniyang gamit.
Ngayon na ang oras para sa paglayo na napag-usapan nila ni Valentine. Pagtapos ng nangyari kay Devina ay agad niyang kinontak ang lalaki at sinabing handa na siyang lumayo. Tuwang-tuwa pa nga si Valentine sa nalaman at agad na nagplano para sa paglayo niya.
Samantalang si Travis naman ay naging totoo sa kaniyang salita at hindi sinabi sa kaibigan ang pagkakaospital niya. Saktong alas dos ng madaling araw ang oras ng pagkikita nila sa park kung saan sila unang nagkita sa gitna ng daan.
“Hija, mag-iingat ka. Alagaan mo ng mabuti ang anak mo.” Niyakap ni nanang Ita si Devina na ginantihan naman nito. Ganoon ‘din ang ginawa ni Ursula at maging kay Adeline na kahit papaano ay nakakausap na niya ng maayos.
“A-Ate, babalikan mo kami ha?” ngumiti siya kay Adeline at niyakap ito ng mahigpit. Ayaw niya na umiyak sa harap nito dahil alam niyang malaking trauma ang mayroon ang kapatid kung kaya agad na siyang umalis matapos ang yakapan iyon.
Walang lingon siyang lumabas ng mansion ng mga Valderama at tahimik na kalsada ang sumalubong sa kaniya. Pinahid niya ang luha sa kaniyang pisnge, ayaw niyang mahiwalay sa mga ito ngunit wala siyang magagawa. Habang tahimik na naglalakad ay nagulat siya ng mayroong nagtakip na panyo sa kaniyang bibig.
Sinubukan niya na sumigaw at humingi ng tulong ngunit naging dahilan lang iyon para malanghap niya ang kakaibang amoy na siyang ikinatulog niya agad.
PATINGIN-TINGIN si Valentine sa kaniyang relo habang kinakabahan. Kanina pa kasi hindi dumadating si Devina. Hindi ugali ng babae na hindi sumipot sa kanilang usapan. Sa isang linggo na lumipas ay mas nakilala niya ito at ang mga simpleng kilos nito ay kabisado niya kaya nag-aalala na siya dahil wala pa ‘rin ito.
“Mukang may hinihintay ka ata,” gulat na napatingin siya sa nagsalita at nakita niya doon si Kristin kasama ang kaniyang ama!
“Hinihintay mo ba si Devina? Hindi na darating ‘yun.” Napaatras siya dahil sa sinabi ni Kristin at palipat-lipat ang tingin sa ama niya na seryosong nakatingin sa kaniya at walang mababakas na kahit na anong emosyon.
“A-Anong ginagawa niyo dito?! Darating si Devina!” natawa si Kristin sa sinabi niya at sinaboy sa kaniya ang napakaraming pictures.
“’Yan! ‘Yan ang patunay na sa ibang lalaki sumama ang pinakamamahal mo!” sinamaan ng tingin ni Valentine ang babae at hindi kumilos sa kaniyang kinatatayuan ngunit ng mahagip ng kaniyang mata ang isang larawan ay natigilan siya at wala sa sariling dinampot iyon.
Si Devina ito habang papasakay sa isang van. Akay-akay siya ng isang lalaki habang suot nito ang isang bag na siya mismo ang nagbigay upang paglagyan ng gamit nito.
“See? Masyado ka kasing bulag Valentine. Ako ang nagmamahal sa’yo ng totoo pero binaliwala mo ako. Pero ayos lang, patatawarin naman kita.” Tinignan ni Valentine si Kristin at itinapon dito ang nilamukos na picture.
“H-Hindi ako naniniwala sa’yo! Hindi magagawa saakin ‘to ni Devina!”
Nagulat siya ng makatanggap siya ng malakas na suntok mula sa ama na ikinabagsak nito sa sahig.
“Wake up son! Niloloko ka lang niya at hindi ka na niya sisiputin pa dito! Kahit kailan ay hindi na siya sisiputin para sumama sa’yo!” umiling siya sa ama at nagsimula ng umiyak kung kaya napuno na ang kaniyang ama.
“’Yan ang napapala mo sa pagbaba sa mga hindi mo naman kauri Valentine! Kailan man ay pera lang ang habol satin ng mga mahihirap! ‘Wag na wag ko ng malalaman na nakikipag-ugnayan ka sa mga mabababang uri Valentine dahil sa oras na malaman ko ay itataboy na kita sa pamilya!”
***
NAGISING si Devina dahil sa kakaibang feeling sa kaniyang balat at laking gulat niya ng makitang nasa damuhan siya. Agad siyang napabangon at inalala ang nangyari.“Si Valentine!”
Dali-dali siyang umalis sa kinalalagyan at pumunta sa park ngunit wala ng Valentine doon.
“Valentine! Valentine nasaan ka?!” sigaw na tawag niya dito ngunit iba ang sumagot.
“At talagang nag expect ka na sisiputin ka ni Valentine huh?”
“K-Kristin…” naglakad ito sa kaniyang harapan “Ang kapal talaga ng muka mo para mangarap na maging mayaman katulad ko.” umiling siya sa sinabi ni Kristin at nagsimula ng umiyak. Natatakot nanaman siya para sa kaligtasan ng anak niya.
“H-Hindi totoo ‘yan Kristin. Gusto ko lang umalis dito at magpakalayo dahil ang sasama niyo!” natawa ito sa kaniyang sinabi.
“Edi lumayo ka mag-isa. Naniwala ka talaga sa sinabi ni Valentine? Na dahil ang sinabi niya ay mahal ka niya? Haha Hindi totoo ‘yun! Ang totoo ay ako ang nag-utos sa kaniya na paasahin ka. Sige nga! Paano ko nalaman ang plano niyo na ito kung kayong dalawa lang ang nakaka-alam?”
Tuluyan ng napaupo sa damuhan si Devina dahil sa panghihina ng kaniyang tuhod at umiyak na ng umiyak.
“Sa susunod kasi alamin mo ang lugar mo Devina. Pinanganak kang hampas lupa, habang buhay kang magiging hampas lupa.”
NIWAN na kakaluhod si Devina sa lupa nang umalis si Kristin. Luhaan at hindi alam ang gagawin. “Devina…” Kusa siyang napahinto sa pag-iyak dahil sa narinig at napalingon sa kaniyang likuran. Nakita niya doon si Travis at nilapitan siya nito’t tinulungan na tumayo. “T-Travis… Anong ginagawa mo dito?” hindi nito sinagot ang tanong niya dahil tinulungan siya nitong makatayo. “’Wag mo nang hintayin si Val, dahil hindi na ‘yun babalik dito.” Napakunot ang noo ni Devina sa kaniyang narinig at napailing kasabay ng pag-alis ng kaniyang braso na hawak ng lalaki. “H-Hindi ako naniniwala… Dito ang usapan namin ni Valentine… At anong sinasabi mo na hindi na babalik? G-Galing na ba siya dito?” tumango sa kaniya si Travis na ikinatigil niya. “Oo, Devina. Galing na siya dito at kitang-kita ko kung paano mamuo ang galit sa kaniya’t luhaan na umalis.” ***DEVINA “I-IMPOSSIBLE ‘yang sinasabi mo Travis! Hindi ko ‘yan magagawa!” Frustrated kong sabi at napatayo sa aking kinauupuan pero na
“SIGURADO po ba kayo na ayos na kayong tatlo dito? May isa pa naman pong kwarto doon,” Nakangiting tumango ang mama ni Devina kay Travis ng magtanong itong muli habang nasa hamba ng pinto at papalabas na sana ng kanilang kwarto. “Hijo, ayos na ayos. Maraming salamat sa tulong mo, baka sa kalsada kami pulutan kung wala ka.” “Walang ano man po tita, magsabi lang po kayo saakin kung may kailangan kayo.” Isinara na ni Travis ang pinto ng kanilang kwarto kung kaya napatingin ang mama ni Devina sa kaniya. “Anong tingin ‘yan?” natatawa niyang tanong sa kaniyang ina at kay Adeline na nakaupo sa isang single sofa na nasa gitna. “Anong meron sa inyo ni kuya Travis ate? Ikaw ah! Akala ko pa naman si sir Valentine ang gusto mo?” Napataas ang kilay ni Devina ng marinig ang sinabi ng kapatid lalo na ng mabanggit ang pangalan ng ama ng kaniyang anak. “Si Valentine? Never akong nagkagusto doon at hinding-hindi talaga. After what he did to me and my child? No, thanks.” Naupo ang mama niy
“M-MISS, ako ‘yung kamag-anak nung naaksidente na mag-ina. ‘Yung nabangga sa truck, saan dito ang OR?” Nanlalamig ang kamay ko sa kaba, feeling ko ano mang oras ngayon ay babagsak na ako dahil sa panginginig ng aking tuhod. “Doon po ang daan papunta sa OR pero hindi po kayo—” hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng nurse na nakausap ko at dali-dali na akong pumunta sa tinuro niyang daan. “Ma’am! Ma’am hindi po maaaring pumasok jan!” hindi ko siya pinakinggan at ng makarating ako sa pinakang pintuan ay bubuksan ko na sana iyon ngunit mayroong pumigil saakin. “Ma’am! Hindi po talaga pwedeng pumasok sa loob, kapag pumasok po kayo ay matitigil ang operasyon.” Natigilan ako sa kaniyang sinabi at napaiyak nalamang. “N-Nurse, sabihin mo magiging ayos ‘din ang mama at kapatid ko hindi ba? Hindi naman sila napuruhan hindi ba?” “Opo ma’am. Magiging ayos lang sila, magagaling po ang doctor dito. Halika, sumama ka po saakin para maupo. Buntis ka pa naman ma’am.” Tumango ako ng dahan-daha
“NANDITO na pala ang prinsesa!” ‘Yan ang unang bungad kay Devina nang pumasok siya sa loob ng bahay na tinitirhan nila ngayon. “Oh? Nasaan na ang ambag mo?” taas kilay na sabi ng palamuning anak ng matandang nagmagandang loob na kupkupin si Devina. Ngunit hindi iyon pinansin ni Devina dahil ang unang hinanap ng kaniyang mga mata ay ang kaniyang mga anak. “Kita mo bastos!” “Tumigil ka nga! Ite-tape ko ang bibig mo eh!” suway na sabi ng matanda sa kaniyang anak at lumapit kay Devina. Nakahinga ng maluwag si Devina nang makitang andoon ang dalawang anak niya at natutulog. Kusang napatulo ang luha niya dahil doon at feeling niya ay babagsak na siya sa sobrang takot na naramdaman niya. Ang akala niya ay hindi na niya aabutanang mga anak niya. “Devina ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?” napalingon siya sa matanda at agad na napayakap dito. Hinagod naman ng babae ang likuran niya na siyang hindi ikinatuwa ng anak nito. “Sus! Pabebe! May paiyak-iyak pang nalalaman! Siguradong wal
“A-Anak ko, patawarin mo si mommy! Patawarin mo ako kung gagawin ko ito, pangako ko sa’yo babalikan kita! Babalikan kita anak!” hinalikan ko ang pisnge nito at lumabas ng silid na iyon kahit na sobrang lakas na ng iyak ng babae ko. Pakiramdam ko ay alam niya ang gagawin ko, ipapamigay ko siya. Ang sakit. Sobrang saakit para saakin ng katotohanan na ito pero anong magagawa ko? Isa nalang akong mahirap na tao at hindi na kakayaning palakihin ang dalawang bata. “Devina, maraming salamat. Kung alam mo lang kung gaano kami kasaya ng asawa ko ngayon.” Hindi ako nakasagot sa sinabi ni aling Salome at mukang napansin naman niya na umiiyak ako. Hinagod niya ang aking likuran at niyakap upang samahan ako sa aking lungkot. Si David ay tahimik nalang na natutulog habang akay ko sa aking harapan. “A-Aling Salome, pangako ko po na babalikan ko ang anak ko. Pangako ko po na kapag umayos na ang buhay ko ay kukunin ko ulit siya. Please ‘wag niyo po siyang ituring na tunay na anak, hindi ko kaya
“A-ANONG sinasabi mo po? Sa kaniya ko iniwan ang anak kong si Arabelle! Ang sabi niya saakin ay naghahanap sila ng ma-aapon ng asawa niya!” “Devina, kumalma ka lang.” pigil na sabi ni Jeydon ngunit umiling sa kaniya ang babae. “Paano ako kakalma Jeydon? Anak ko ang pinag-uusapan dito!” “Sandali, ikaw ba si Devina?” natigilan ang dalawa ng marinig nila ang sinabi ng babae. “O-Oo, ako nga ho.” “Tama! Sabi saakin ni Salome ay ibigay ko sa’yo ang address na ito. Sandali kukunin ko lang.” Umalis sandali ang babae upang pumunta sa loob at kunin ang address na sinasabi nito. Nagkatinginan pa si Jeydon at Devina. Hindi naman nagtagal at nakabalik ‘din ito at iniabot kay Devina ang isang papel. “Ang sabi niya ay ibigay ko sa’yo ‘yan.” Nanlaki ang mata ni Devina ng mabasa ang address na naroroon. “S-Sigurado po ba kayo?!” tumango ang babae sa kaniya kung kaya napatingin si Devina kay Jeydon na nagtataka. “J-Jeydon, ito ang address ng bahay ko dati sa mga Valderama!” Dahil sa
DEVINA “COME in,” Nakita kong bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok doon si Jeydon, ang aking tito na hindi ko trip na tawaging tito. “Why are you wearing black? It is a wedding not a burial.” Napataas ang sulok ng labi ko dahil doon. “That is my point, it is her wedding but at the same time her burial. It is the start Jeydon, my time has come,” Naglakad pa ito palapit saakin at sumandal sa pader sa gilid ng vanity table ko. “Are you really sure that you are ready enough Devina?” Huminto ako sa paglalagay ng red lipstick at tinignan siya ng walang gana. “Seven years is enough to get ready. Isa pa ang tagal nating inintay ang pagkakataong ‘to, hello? Did you forget that you trained me this way?” “I just did that for you to become stronger and fiercer, kaso mukang napasobra ata. Nag-aalala lang ako na hindi mo kayanin ang kahaharapin mo. Malalaking pamilya ang babanggain mo Devina.” Napairap ako sa sinabi niya. As if naman may pakialam ako kung malalaking pami
KITA ko ang pagkabigla sa muka ni Kristin kung kaya ngumisi ako sa kaniya ng palihim at hinawakan ko ‘din ang braso ng kamay niyang nakahawak saakin. Hindi basta hawak kundi mahigpit ‘din iyon. “May daga! Nakita ni Mrs Montoya kaya siya napatili!” Dahil sa pagturo ko sa isang table ay maging ang nandoon na maaarteng babae ay napatili at nagtatalon. Nagsimula ang komosyon sa paligid nang dahil sa daga habang ako ay hinarap si Kristin at mas hinigpitan ang kapit sa braso niya. “Kung akala mo ay maaapi mo ako at maipapadukot katulad ng ginawa mo saamin ni ate Devina ay nagkakamali ka.” “A-Arghh…” Nabitawan niya ako dahil sa sobrang higpit ng hawak ko. “Are you threated by my presence Mrs.Montoya? Why? Because you thought that I was dead right?” “A-Anong sinasabi mo?! Bitawan mo ako, kundi sisigaw ako!” natawa ako sa sinabi niya at pinanlakihan siya ng mata. “Edi sumigaw ka.” Hindi naman siya nakapalag sa sinabi kong iyon. Alam kong nahihiya na siya dahil sa komosyon na nangyayari
MATAPOS ang nakakabiglang balitang iyon mula kay Devina ay inaya muna ni Valentine ang asawa na lumabas para maglakad-lakad. Pumayag naman ang mga ito at nagkaroon ng mas malaking celebration dahil doon, hinayaan na muna nila ang mga ito na gumawa ng sinasabi nilang celebration. Nang makalabas sila ay napansin nila ang nakatayong bahay sa tabi ng bahay nila Jeydon. Mukang kagagawa lang niyon dahil ngayon lang ito nakita ni Devina. “May nagpatayo na pala ng bahay dito? Akala ko wala ng balak makipag kapitbahay saamin e,” natatawang sabi niya. Wala kasing gustong tumabi sa bahay ng mga Cullen dahil mala Mansion na ang bahay nito at nahihiya sila magtayo ng bahay sa kanikang tabi. “Maganda ba?” napatingin siya kay Valentine dahil sa tanong nito at nakatingin lang ‘din ito sa bungalow na bahay kaya muli niyang tinignan ang bahay at tumango. “Sobra! Naalala mo ganiyang-ganiyan ‘yung sinabi ko sayong gusto kong bahay? Gusto ko talaga katulad nu’ng bahay na tinithan natin sa Paris,” n
MATAPOS ang mahabang byahe ay nakarating sila sa paris na dinner na, halos isang araw ang lumipas dahil sa haba ng byahe. Kaya pagdating nila sa kanilang tutuluyan doon na bahay ‘din ni Valentine sa Paris ay deretsyo agad si Devina sa kwarto nila. Inaantok pa kasi ito kung kaya hinayaan nalang ito ni Valentine at siya nalang ang tumawag sa kambal. Natuwa ang mga ito ng tumawag ang daddy nila at nakipagkwentuhan muna sila dito. Nang malaman nilang tulog ang mommy nila ay hinayaan nalang muna nila ito hanggang sa nagpaalam na sila dahil oras na ng pagtulog nito. Sa ngayon ay su Bettany ang pinakang nag-aalala sa kanila habang nasa bahay nila Jeydon. Nasa iisang bahay pa sila Thomas at Jeydon dahil na ‘rin matagal silang nagkahiwalay at malaki ang bahay nila na iyon ay nagpasya sila na magsama-sama na muna. Dahil na ‘rin malapit ng matapos ang branch nila doon ay madalas na busy ‘din si Jeydon. Kay Thomas kasi napunta ang business nila sa ibang bansa. Yes, nag decide si Jeydon na namu
(AFTER THE WEDDING: Reception) HINDI mapagsidlan ang saya ni Valentine at Devina dahil sa wakas ay kasal na silang dalawa. Nang matapos ang kasal ay nilapitan agad sila ng kambal at binati. After nu’n ay nag picture taking na muna sila, with family, with friends, sila ng kambal at sama-sama silang lahat. “Congratulations ulit sa inyong dalawa! Wala na kaming mai-pang aasar ah?” Masayang bati ni Jeydon at natawa sa huli nitong dinugtong na ikinailing naman ni Adeline. “Hindi kaya kuya Jeydon! Wala pa silang baby, until now wala paring kasunod ang kambal!” Dahil sa sinabi ni Adeline ay nagtawanan ang mga ito at nagsimula nang mang-asar sa dalawa. Si Devina naman ay naiiling nalang ngunit hindi si Valentine. Noong nalaman niya na buntis si Adeline at Sheila ay sinubukan niya talagang humabol sa mga ito until nalaman niya nalang na nag pi-pills pala si Devina. Gulat talaga siya ng malaman iyon at halos itapon na niya ang pills na naroroon ngunit itinago ito ng mabuti ni Devina. “Uyy!
MABILIS na kumalat ang balitang magpapakasal na ‘rin sa wakas si Devina at Valentine. Ang mga kaibigan nila ay nabigla sa nalaman at agad na nagsipuntahan sa bahay nila Valentine upang batiin ito. Hindi pa ‘rin sila humihiwalay sa magulang nila Valentine at balak nila kapag nakasal na sila tyaka lang sila hihiwalay. Nagsagawa sila ng early celebration dahil doon at dineklara nial Valerie at Valeria na uuwi sila agad sa Pilipinas dahil after a week na ang kasal ng dalawa. Katulad noong unang naging kasal nilang hindi natuloy same set-up pa ‘rin ngunit ang pinagkaiba lang ay sa beach naman gaganapin ang kanilang kasal. Sa kanilang lahat, ang kambal ang pinakang tuwang-tuwa at halos hindi makatulog sa araw-araw dahil sa papalapit na araw na tinaktang kasal ng mommy at daddy nila. Nang dahil sa private island na hindi na ito private ngayon dahil si Jeydon at Aria na ang naghahandle doon at ginawa nalamang resort biglaang nagkaroon ng maraming bisita. Mabilis na lumipas ang araw at ngay
(ONE YEAR AFTER) ISANG taon na ang lumipass at sa isang taon na iyon ay marami na ang nangyari. Nabigyan nila ng maayos ang libing ang kanilang lolo Lenard at Carlos na siyang ikinagulat ng marami. Kasabay niyon ay ang balitang hindi talaga totoo na ikinasal sila, minapula nila ang balitang iyon para mailabas ang hindi totoong balita dahil na ‘rin hindi nila pwedeng ipaalam na may nangyaring gulo kaya hindi natuloy ang kasal. At dahil na ‘rin hindi natuloy ang kasal nila ni Valentine ay ikinasal si Adeline at Vincent, after two months sumunod ‘din sila Travis at Vincent. Ang mas ikinatutuwa ng mga ito ay ang pang-aasar kila Devina at Valentine dahil na ‘rin sumunod ikasal si Thomas at Sophia and then sumunod sina Jeydon at Jenjen. Masaya sila para sa kasal ng kanilang mga kaibigan pero ang hindi nila ikinasaya ay ang pang-aasar ng mga ito. Nanganak na ‘din si Adeline at Sheila at parehong lalaki ang mga ito. Ang pangalan ng anak ni Adeline at Travis ay si Andrew Ruiz, sinunod sa pa
Matapos ilagay nila Vincent, Travis, Thomas at Jeydon ang mga pamilya nila sa ligtas na lugar ay lumabas sila upang tulungan sila Devina na talunin ang hindi imbitadong bisita. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi sila nag imbita ng mga press dahil expected na nila na mangyayari iyon, kaya ‘din tanong na tanong sila Adeline kung seryoso sila sa gusto nilang iyon dahil nag-aalala sila sa dalawa lalo na’t alam nilang inaabangan ng mga ito ang kanilang kasal. Hindi naman kasi nila sinabi ang tungkol sa hiling ni Carlos kung kaya walang alam ang mga ito at kahit anong mangyari ay tuloy ang kasal nila kahit na alam nilang lahat na hindi iyon matatapos dahil sa gulo. Lumipas ang halos isang oras ay biglang tumahimik ang paligid at wala ng nagliliparan na bala sa paligid. Kaya ‘din nila pinili ang hotel na iyon dahil alam nilang malayo iyon sa maraming tao at kahit na magpaputok pa ng baril ay walang matataranta lalo na’t inukupa nila iyon ng isang buong araw. Walang ibang guest kundi sila l
Garden wedding ang kasal nila na iyon kaya tinerno nila ang kulay ng damit ng mga abay sa motif nila which is fairy kaya kulay green ang gown ng mga abay nila. Nang lumabas sila ay nakita nila ang kanilang lolo na si Carlos na nakangiting nag-aabang kay Devina. Nang makita niya si Devina suot ang kaniyang wedding gown ay hindi na napigilan pa ni Carlos ang mapaiyak. Pababa palang ng hagdan ang dalawa ay maging sila’y nahawa sa pag-iyak nito. Nasa isang private hotel kasi sila kung kaya walang ibang tao doon kundi sila lamang habang ang sinabi nila kanina na walang iyakan ay hindi natupad dahil sa reaction ng kanilang lolo. “Ang mga apo ko, ang gaganda niyo. Masaya ako na masaksihan ang araw na ito,” Napangiti silang dalawa dahil doon at sabay na niyakap ang kanilang lolo. Gusto pa sanang hayaan ng wedding coordinator ang mga ito ang kaso turn na ni Devina para lumakad sa altar kaya naghiwalay na sila at pinahid ang kanilang mga luha. “Si grandpa naman, nasira ata make-up ko?” nata
NANG dahil sa masasyang balita na buntis si Adeline at Sheila ay nagkaroon sila nang salo-salo nang gabing iyon. At dahil na ‘rin tuwang-tuwa ang mga bata na magkakaroon nang baby sa kanila ay hindi lumayo ang mga ito sa dalawa at pilit na kinakausap ang tiyan ng mga ito na akala mo’y naririnig na sila nito kahit pa na isang buwan palang ang nasa tiyan nila. Natatawa nalang sila sa tatalo at hinahayaan habang sila naman ay nag-iinom at kumakanta sa karaoke na naroroon. Syempre pwera sa mga buntis, at dahil nga sa party na iyon ay late na silang nakatulog at kapwa mga puyat ngunit nagising sila ng bigla nalang mayroon sunod-sunod na kumatok sa pinto ni Devina at Valentine. “Husband may tao,” antok na sabi ni Devina habang niyuyogyog ito. Nagising naman si Valentine dahil doon at hinanap ang kaniyang damit at nagbihis. “What is it, Travis? Madaling araw palang oh,” kunot noong tanong ni Valentine. “May problema tayo Val!” Dahil doon ay napaseryoso si Valentine at tumayo ng maayos.
Bumwelo ang dalawa at sabay na hinagis ang USB sa gitna ng dagat. “Wow! Mas malayo ang kay daddy!” biglang sabi ni Jenjen habang nakatanaw sa pinagbatuhan ng mga ito. “No! Mas malayo ang kay tito Thomas!” sabat ‘din ni Arabelle at nagkatinginan ang dalawa dahil doon. “Hindi si daddy!” pangongontra ni Jenjen. “No! Si tito Thomas!” Natawa sila sa dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito at sumingit nalang bigla si David na ikinahinto ng mga ito. “Nag-aayaw ba kayo?” taas kilay na tanong ni David at kita nila na seryoso ito na ikinatayo ng deretsyo ng dalawa at agad na niyakap ang isa’t-isa. “Hindi ah! Bati kaya kami ni belle!” “Tama si Jenejen, bati kami kuya!” Alanganin na sabi ng dalawa na ikinangiti ni David at tumango. Nagkatinginan nalang sila dahil sa mga bata at sabay-sabay na natawa. Inenjoy nalang nila ang byahe papunta sa private island hanggang sa makarating na sila doon. Tumuloy nalang sila sa isang rest house na naroroon para magkakasama na silang lahat. Pagkarating a