“S-SALAMAT ho, sir Valentine.”
Tango lang ang naisagot ni Valentine ng pasalamatan siya ng ina ni Devina. Gusto pa sana niyang makasiguro kung ayos lang ba ang babae ngunit hinarahangan na siya ng mga katulong sa pinto palang ng dirty kitchen. Nagkibit balikat nalamang siya at agad na bumalik sa park kung saan andoon si Carlos Valderama.
Pero malayo pa siya ay tanaw na niya ang ambulance at pulis kasama na ang kumpulan ng mga tao. Pagkababa niya ay agad siyang lumapit doon at natigilan ng makitang iniaakyat na sa ambulance si Carlos. Nakita niya ang isang lalaki na hawak ng mga pulis, si Devino. Tila wala ito sa sarili niya dahil tulala.
“G-Grandpa…”
***
“WASSUP Valentine? May problema kayo ni Kristin noh?” agad na salubong sa kaniya ng kaibigan na si Travis Ruiz. Katulad niya ay tagapagmana ‘din ito ng Ruiz Clan at ang susunod na magpapalago ng kanilang mga negosyo. Mayroon pa silang isang kaibigan, si Vincent Williams.“I want you to investigate what happened earlier Travis. Hindi ba magaling ka mang hack ng computer? Tulungan mo ako.”
Napakunot ang noo ni Travis dahil sa sinabi ng kaibigan at naupo ito agad sa sofa. “Wait, anong nangyari? Ibig sabihin hindi kayo nag-away ni Kristin?” sa isang buwan na natali si Valentine kay Kristin ay alam na alam ng dalawang kaibigan niya ang reklamo nito kay Kristin. Kweso selosa ‘daw ito at lahat nalang ay inaakala na may karelasyon siya.
Minsan nang naisip ni Valentine kung tama ba siya ng babaeng minahal. Ang gabing nangyari sa kanila ay hindi na maalis sa kaniyang isip, hinahanap-hanap niya ito na parang isang droga—nakaka-adik. Pero sa paglipas ng mga araw ay mayroon siyang napapansin kakaiba na walang ibang makakapagsabi kundi siya lang.
“Seryoso ba ‘yan? Gulo ‘yan Valentine! Sigurado akong magagalit ang papa mo sa oras na malamang makikisawsaw ka sa gulo ng Valderama, alam mo naman ‘yun,”
Tinignan ng masama ni Valentine si Travis matapos niyang ikwento ang nangyari sa lalaki. “Sabi ko nga gagawin ko na,” iling na sabi ni Travis at bumalik sa kaniyang computer. Tumayo si Valentine at lumapit sa kaibigan. Ang negosyo kasi nila Travis ay tungkol sa mga gadgets kaya maraming alam ang lalaki sa pangangalikot basta mga teknolohiya.
Maya-maya pa ay iisang CCTV footage lang ang nakita nila, sa may tapat ng park. “Sino naman ‘yang babae? ‘Yan ba ‘yung Devina na sinasabi mo?” tumango si Valentine sa tanong ni Travis. Nakita nila itong papasok sa loob ng park at ng ifast-forwad nila iyon ay sumunod ang papa nito.
“Stop mo.” Seryosong sabi ni Valentine at ginawa naman nito. “Hindi tugma ang oras na nagpunta si Devina at ang papa niya. Samantalang kami ni grandpa ay dumating halos isang oras na nag nakalipas, kung si grandpa ang target ng papa ni Devina bakit hindi ko alam na pupunta siya doon?” pupunta kasi talaga dapat sila ng matanda sa kanilang bahay upang kausapin ang magulang niya. Ito mismo ang nag request na makausap ang magulang kaya pumayag siya pero dahil nga kay Devina ay nahinto ito.
“What’s happening?” gulat na tanong ni Valentine ng makita nag blur bigla ang video hanggang sa tuluyan itong mawala sa screen. “Sh*t! Binura na ang footage!” tarantang sabi ni Travis at sinubukan pa niyang hanapin ang copy nito ngunit wala na talaga.
“What?! Hindi pwede Travis! ‘Yan lang ang matibay na ebidensya para hindi makulong ang papa ni Devina!” natigilan si Travis sa pagkalikot ng computer dahil sa sinabi ng kaibigan. Paglingon niya dito ay tinignan siya ng nagtataka ni Valentine.
“At bakit mo naman gustong tulungan si Devina? Hindi ba katulong lang ‘yun? Akala ko ba si Kristin ang mahal mo?” hindi agad nakasagot si Valentine sa sinabi ng kaibigan. “May I remind you brad, isa kang Montoya. Sa oras na malaman ng papa mo ang tungkol dito lagot ka. Alam mong mahalaga sa kaniya ang pangalan niyo. ‘Yun ngang nahuli kayo na magkasama ni Kristin sa iisang kama galit na galit at halos ipabagsak na lahat ng kumpanya ng mga reporters na nakahuli sa inyo.”
Napakuyom ng kamao si Valentine dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi siya nagpakita ng kahit na anong emosyon at tinignan lang ng seryoso ito.
“I do not care. Do whatever you can para maibalik ang CCTV, Travis.”
***
DALAWANG araw ang lumipas at maayos na ang lagay ni Devina. Sa mga araw na lumipas ay masyado ng maraming nangyari para kayanin ni Devina. Nalaman niya na nakulong ang kaniyang ama, ang daddy naman niya ay galit na galit sa kaniya dahil pinagbibintangan sila sa nangyari sa kaniyang lolo.Ang kaniyang lolo ay nasa ospital at hindi pa ‘rin nagigising hanggang ngayon. Ang kaniyang kapatid na si Adeline ay out of shock pa ‘rin dahil sa nangyari. Pero kahit ganoon ay nagawang ikwento sa kaniya ng kapatid ang totoong nangyari.
“H-Hindi si papa ang may gawa ate Devina. N-Noong umalis ka ay nagawa kaming itali ni ma’am Kristin. A-Aalis na sana sila para sundan ka ate pero dumating si lolo.
Sinigawan niya si Kristin at nagalit, tinulungan niya kaming kalagan at sabi niya ay aalis na kami doon ngunit nabigla kami ng bigla siyang tutukan ni Kristin ng baril… Sarili niyang apo ate! Wala siyang puso!
Sinubukan ni papa na agawin ang baril kay Kristin pero sa gitna ng pag-aagawan nila ay pumutok ang baril na ikinatama kay lolo. H-Hindi si papa ate! Hinding hindi magagawa ni papa ang pumatay!”
Kapag naaalala niya ang sinabi ng kapatid na si Adeline ay lalo lang sumisiklab ang galit niya para sa mga Valderama. Dahil doon ay naisipan nalang niyang mag-ayos at lumabas upang bisitahin ang ama sa prisinto.
NAPATAYO si Devina at agad na sinalubong ng yakap ang ama ng makita niya itong papalapit sa kaniya. “Shh… Anak, tumahan ka na. Makakalaya ‘din ako dito.” Umiling si Devina dahil sa sinabi nito at tinignan ito sa muka.
“D-Dahil saakin kaya ka nakulong papa. Dahil iniligtas mo kami ni Adeline, alam kong hindi mo magagawang barilin si grandpa.”
“Masaya ako na kahit papaano ay naniniwala ka saakin anak. Mahirap na pagbintangan, ang tingin saakin ng lahat ay mamamatay tao. Pero ano bang magagawa ko? Kalaban ko ang mga Valderama,” Mahihimigan ang lungkot sa boses nito kahit pa na nakangiti ito sa kaniya. Iniangat ni Devino ang kaniyang kamay upang punasan ang luha ni Devina.
“G-Gagawa ako ng paraan para makatakas ka dito papa! Hindi ko hahayaan na mabulok ka dito sa kulungan!”
“At ano ibebenta mo nanaman ang katawan mo?!”
Natigilan si Devina sa kaniyang narinig at parang naging dahilan iyon upang bumalik sa kaniya ang gabi kung kailan siya ginawan ng masama ng apat na lalaking iyon. Nahalata naman ni Devino ang naging reaksyon nito at naalala ang nangyari, ang dahilan kung bakit siya galit na galit.
“A-Anak, pasensya na. Anak, tumingin ka saakin pakiusap!” umiling lamang si Devina.
“B-Binaboy nila ako papa! Binaboy nila ang pagkatao ko!”
NANG matapos nilang mag-usap na nauwi lamang sa iyakan ay bagsak ang balikat na lumabas si Devina ng visiting area. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng presinto ay mayroon ng pumigil sa kaniyang dalawang pulis.
“Ikaw si Devina Adelina Valderama, hindi ba? Sumama ka saamin.”
***
“UMAMIN ka nalang kasi!”“Anak ka sa labas ni Christopher hindi ba?”
“Gusto mo bang palabasin ko na plinano niyo itong pamilya? Na ginawa mo ito dahil sa kagustuhan na magkaroon ng mana mula sa lolo mo?”
Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Devina matapos maalala ang ginawang panggigipit sa kaniya ng mga pulis. Hindi niya akalain na magagawa ng mga ito sa kaniya, buong akala niya ay malinis kung mag trabaho ang mga pulis at walang personalan pero dahil sa naranasan ay doon niya lang napatunayan na totoong nabibili ng pera ang batas.
Parang sumakto ang panahon sa dinaramdam niya dahil bigla nalamang pumatak ang malalakas na ulan hanggang tuluyan na siyang nabasa. Wala siyang pakialam kung mabasa pa siya o magkasakit siya matapos iyon basta mailabas niya lang ang sakit at bigat na nararamdaman niya.
“Devina,” ngunit nagitil iyon ng mayroong magpayong sa kaniya at nakita niya ang taong hindi inaasahan—si Valentine. “Bakit ka naman nagpapaulan? Magkakasakit ka!” nag-iwas siya ng tingin dito at hinawi ang kamay nitong may hawak na payong.
“Hayaan mo na ako sir,”
“Umiiyak ka ba?” natigilan siya sa tanong nito. “Umiiyak ka nga! Anong ginawa sa’yo ng mga tao sa loob?! Why did you take so long inside the jail?! Ginawan ka nanam ba ng masama doon?!” hindi makapaniwala siyang napatingin kay Valentine na natigilan dahil narealize ‘din nito kung ano ang sinabi.
“S-Sinusundan mo ba ako?” hindi nakasagot si Valentine at nag-iwas lang ng tingin. Kitang-kita niya ang pamumula ng tenga nito kaya napatawa siya ng mapakla. “Nagugulo na nga ang buhay ko tapos may paganito pa. Ano pa bang problemang ibibigay niyo saakin Lord?” sarcastic na bulong ni Devina.
“What?” takang tanong ni Valentine.
“Nothing. I said, leave me alone. Baka sabunutan ako ng fiancé mo sa oras na malamang magkasama tayo.”
Nauna na siyang naglakad palayo dito ngunit hindi siya tinigilan ng lalaki at kinulit ng kinulit kung kaya hindi na siya napigilan ang sarili at sinigawan ito.
“Umalis ka na sabi e! Hindi ko kailangan ng tulong mo! Bakit ba pag mayroon akong problema ay nandoon ka?! Umalis ka na Valentine at ‘wag na ‘wag akong lalapitan!”
Hinihingal pa si Devina matapos niyang sabihin iyon dahil sa sobra-sobrang emosyon na nararamdaman. Feeling niya ay kahit na anong segundo ay sasabog na siya at iiyak sa harapan nito.
“As if I care. All I want is to keep you safe,” napasabunot siya sa kaniyang buhok at frustrated na tinignan si Valentine na seryoso na ngayong nakatingin sa kaniya.
“You want me to keep safe? Okay! Lumayo ka saakin magiging ligtas ako! Nagsimula lang naman ang lahat ng problema ko simula ng kabaliwan ka ni daddy at Kristin!”
“Daddy at Kristin?”
Kusang natigilan si Devina dahil sa pag-uulit ng lalaki. ‘Devina anong ginawa mo?!’ panenermon niya sa kaniyang sarili at walang nagawa kundi ang talikuran ang lalaki.
“Wala kang narinig. Kalimutan mo na ang sinabi ko.” hindi pa siya nakakalayo ng hilahin ni Valentine ang kaniyang braso at binitawan ang payong na hawak kung kaya pareho na sila ngayong basa sa ulan.
“Isa kang Valderama Devina. That is explain why you look like Kristin and why grandpa called you apo. Anak ka ni Cristopher Valderama sa labas hindi ba?” hindi akalain ni Devina na ganoon katalino si Valentine upang mapagtagpi-tagpi ang lahat ng iyon sa kaniyang isipan.
“K-Kapag ba sinabi kong oo, lalayo ka na saakin? Valentine, isa akong katulong at anak sa labas. Layuan mo ako dahil mapapahamak ka saakin. Galit saakin sila daddy at iniipit kami sa pagkakasalang hindi ginawa. Ikaw, isa kang Montoya. Siguradong ayaw saakin ng pamilya mo kaya kung ano man ang atensyon na binibigay mo saakin ay tigilan mo.”
Pabalang na inalis ni Devina ang kaniyang braso sa pagkakahawak nito at hahakbang na sana paalis ng bigla siyang makaramdam ng hilo.
Napahawak siya sa kaniyang ulo at sinubukang umiling upang mawala ito na hindi magandang gawain dahil mas lalo lang siyang nakaramdam ng hilo at nawalan ng balanse.
“Devina!” mabuti nalang at maagap siyang nasalo ni Valentine. Tinapik ng lalaki ang pisnge niya at tinatawag ngunit ang lahat ay parang nag eecco sa kaniyang pandinig hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
“Devina! Devina wake up! Sh*t!” Dali-dali siyang binuhat ni Valentine upang isakay sa kaniyang sasakyan at dalhin sa pinakang malapit na ospital.
***
“Congratulation mister! One-month pregnant ang asawa mo! Mayroon akong ibibigay na reseta ng mga vitamins para mas maging healthy si baby. As of now ay maayos naman ang lagay niya at malakas ang heartbeat niya. ‘Wag lang bibigyan ng maraming stress si misis para maiwasan ang miscarriage.”Tulalang naiwan si Valentine sa tabi ni Devina ng marinig ang sinabi ng doctor. Hindi niya na naiwasang tumulo ang kaniyang luha at hinawakan ang kamay nito’t hinalikan.
“I-I knew it was you,”
Hindi talaga nagkamali si Valentine. Sa nakalipas na isang buwan ay mayroon siyang napansin kay Kristin. Iba ang amoy nito sa babaeng nakasama niya ng gabing iyon. Kahit na lasing siya ay malakas ang kaniyang pang-amoy at ang amoy na iyon ay kay Devina niya lamang naaamoy.
Noong una ay iniisip niya na nababaliw lang siya para isipin na nasa isang katulong ang amoy ng babaeng nakabihag ng puso niya pero sa lumipas na mga araw ay hindi na ito maalis sa isip niya hanggang sa maging stalker na siya at binabantayan ang bawat kilos nito. Hindi niya ito sinabi sa kaniyang dalawang kaibigan dahil alam niya na pipigilan siya ng mga ito at pagtatawanan.
Nang magising si Devina ay agad niya itong inalalayan na sumandal sa dalawang pinagpatong na unan.
“Maayos na ba ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo, ibibili kita.” Napakunot ang noo ni Devina ng makita si Valentine at ng tignan niya ang paligid ay doon niya lang nalaman na nasa ospital siya.
“B-Bakit mo ako dinala dito? Hinimatay lang ako Valentine, wala akong sakit. Aalis na ako.” Tatayo na sana siya ngunit maagap si Valentine at pinigilan siya.
“Hindi ka pa pwedeng umalis, hindi pa binibigay ng doctor ang vitamins mo para sa baby natin.”
Natigilan si Devina dahil sa sinabi nito at nanlalaki ang matang tinignan ang lalaki.
“A-Anong sinabi mo?” hinawakan ni Valentine ang dalawang kamay niya. “Devina, buntis ka! Isang buwan ka ng buntis. Ako ang ama niyan hindi ba? Alam kong saakin ‘yan kaya please ‘wag mo ng ikaila.” Mas lalong nanlaki ang mata ni Devina sa binigkas ng lalaki.
“P-Paano mo nalaman?” napangiti si Valentine. Tama nga siya.
“Kilala ko ang amoy mo Devina. Iba sa amoy ni Kristin. Alam ko na ikaw ang kasama ko ng gabing ‘yun hindi siya.”
“HINDI ko pwedeng iwan sila mama, papa at Adeline, Valentine!” “Devina, babalikan natin sila. Ang mahalaga ngayon ay maitago kita dahil baka mapahamak ang anak natin.” Sunod-sunod na umiling si Devina dahil sa sinabi ni Valentine. Inihahatid na siya nito pauwi sa mansion ng mga Valderama dahil naibigay na ‘din ng doctor ang vitamins niya at nakabili na sila. “Kahit pa Valentine. Pamilya ko ang mahalaga saakin, sila nalang ang meron ako. Kung sa inyo mahalaga ang yaman at pangalan niyo saakin ang pamilya ko, Valentine.” Napabuntong hininga nalang si Valentine at hindi na sumagot pa sa sinabi ng babae. Pinipilit niya kasi ito na sumama sa kaniya at ilalayo niya ito sa lugar na hindi malalaman ng mga Valderama at Montoya ang tungkol sa pinagbubuntis niya. Balak niya na kapag nailipat na sa kaniya ang title bilang bagong namumuno sa Montoya Empire ay tyaka niya ilalabas ang mag-ina upang wala ng makapigil sa kanila. Alam niya kasi na pipigilan siya ng magulang lalo na ng ama nito
NIWAN na kakaluhod si Devina sa lupa nang umalis si Kristin. Luhaan at hindi alam ang gagawin. “Devina…” Kusa siyang napahinto sa pag-iyak dahil sa narinig at napalingon sa kaniyang likuran. Nakita niya doon si Travis at nilapitan siya nito’t tinulungan na tumayo. “T-Travis… Anong ginagawa mo dito?” hindi nito sinagot ang tanong niya dahil tinulungan siya nitong makatayo. “’Wag mo nang hintayin si Val, dahil hindi na ‘yun babalik dito.” Napakunot ang noo ni Devina sa kaniyang narinig at napailing kasabay ng pag-alis ng kaniyang braso na hawak ng lalaki. “H-Hindi ako naniniwala… Dito ang usapan namin ni Valentine… At anong sinasabi mo na hindi na babalik? G-Galing na ba siya dito?” tumango sa kaniya si Travis na ikinatigil niya. “Oo, Devina. Galing na siya dito at kitang-kita ko kung paano mamuo ang galit sa kaniya’t luhaan na umalis.” ***DEVINA “I-IMPOSSIBLE ‘yang sinasabi mo Travis! Hindi ko ‘yan magagawa!” Frustrated kong sabi at napatayo sa aking kinauupuan pero na
“SIGURADO po ba kayo na ayos na kayong tatlo dito? May isa pa naman pong kwarto doon,” Nakangiting tumango ang mama ni Devina kay Travis ng magtanong itong muli habang nasa hamba ng pinto at papalabas na sana ng kanilang kwarto. “Hijo, ayos na ayos. Maraming salamat sa tulong mo, baka sa kalsada kami pulutan kung wala ka.” “Walang ano man po tita, magsabi lang po kayo saakin kung may kailangan kayo.” Isinara na ni Travis ang pinto ng kanilang kwarto kung kaya napatingin ang mama ni Devina sa kaniya. “Anong tingin ‘yan?” natatawa niyang tanong sa kaniyang ina at kay Adeline na nakaupo sa isang single sofa na nasa gitna. “Anong meron sa inyo ni kuya Travis ate? Ikaw ah! Akala ko pa naman si sir Valentine ang gusto mo?” Napataas ang kilay ni Devina ng marinig ang sinabi ng kapatid lalo na ng mabanggit ang pangalan ng ama ng kaniyang anak. “Si Valentine? Never akong nagkagusto doon at hinding-hindi talaga. After what he did to me and my child? No, thanks.” Naupo ang mama niy
“M-MISS, ako ‘yung kamag-anak nung naaksidente na mag-ina. ‘Yung nabangga sa truck, saan dito ang OR?” Nanlalamig ang kamay ko sa kaba, feeling ko ano mang oras ngayon ay babagsak na ako dahil sa panginginig ng aking tuhod. “Doon po ang daan papunta sa OR pero hindi po kayo—” hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng nurse na nakausap ko at dali-dali na akong pumunta sa tinuro niyang daan. “Ma’am! Ma’am hindi po maaaring pumasok jan!” hindi ko siya pinakinggan at ng makarating ako sa pinakang pintuan ay bubuksan ko na sana iyon ngunit mayroong pumigil saakin. “Ma’am! Hindi po talaga pwedeng pumasok sa loob, kapag pumasok po kayo ay matitigil ang operasyon.” Natigilan ako sa kaniyang sinabi at napaiyak nalamang. “N-Nurse, sabihin mo magiging ayos ‘din ang mama at kapatid ko hindi ba? Hindi naman sila napuruhan hindi ba?” “Opo ma’am. Magiging ayos lang sila, magagaling po ang doctor dito. Halika, sumama ka po saakin para maupo. Buntis ka pa naman ma’am.” Tumango ako ng dahan-daha
“NANDITO na pala ang prinsesa!” ‘Yan ang unang bungad kay Devina nang pumasok siya sa loob ng bahay na tinitirhan nila ngayon. “Oh? Nasaan na ang ambag mo?” taas kilay na sabi ng palamuning anak ng matandang nagmagandang loob na kupkupin si Devina. Ngunit hindi iyon pinansin ni Devina dahil ang unang hinanap ng kaniyang mga mata ay ang kaniyang mga anak. “Kita mo bastos!” “Tumigil ka nga! Ite-tape ko ang bibig mo eh!” suway na sabi ng matanda sa kaniyang anak at lumapit kay Devina. Nakahinga ng maluwag si Devina nang makitang andoon ang dalawang anak niya at natutulog. Kusang napatulo ang luha niya dahil doon at feeling niya ay babagsak na siya sa sobrang takot na naramdaman niya. Ang akala niya ay hindi na niya aabutanang mga anak niya. “Devina ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?” napalingon siya sa matanda at agad na napayakap dito. Hinagod naman ng babae ang likuran niya na siyang hindi ikinatuwa ng anak nito. “Sus! Pabebe! May paiyak-iyak pang nalalaman! Siguradong wal
“A-Anak ko, patawarin mo si mommy! Patawarin mo ako kung gagawin ko ito, pangako ko sa’yo babalikan kita! Babalikan kita anak!” hinalikan ko ang pisnge nito at lumabas ng silid na iyon kahit na sobrang lakas na ng iyak ng babae ko. Pakiramdam ko ay alam niya ang gagawin ko, ipapamigay ko siya. Ang sakit. Sobrang saakit para saakin ng katotohanan na ito pero anong magagawa ko? Isa nalang akong mahirap na tao at hindi na kakayaning palakihin ang dalawang bata. “Devina, maraming salamat. Kung alam mo lang kung gaano kami kasaya ng asawa ko ngayon.” Hindi ako nakasagot sa sinabi ni aling Salome at mukang napansin naman niya na umiiyak ako. Hinagod niya ang aking likuran at niyakap upang samahan ako sa aking lungkot. Si David ay tahimik nalang na natutulog habang akay ko sa aking harapan. “A-Aling Salome, pangako ko po na babalikan ko ang anak ko. Pangako ko po na kapag umayos na ang buhay ko ay kukunin ko ulit siya. Please ‘wag niyo po siyang ituring na tunay na anak, hindi ko kaya
“A-ANONG sinasabi mo po? Sa kaniya ko iniwan ang anak kong si Arabelle! Ang sabi niya saakin ay naghahanap sila ng ma-aapon ng asawa niya!” “Devina, kumalma ka lang.” pigil na sabi ni Jeydon ngunit umiling sa kaniya ang babae. “Paano ako kakalma Jeydon? Anak ko ang pinag-uusapan dito!” “Sandali, ikaw ba si Devina?” natigilan ang dalawa ng marinig nila ang sinabi ng babae. “O-Oo, ako nga ho.” “Tama! Sabi saakin ni Salome ay ibigay ko sa’yo ang address na ito. Sandali kukunin ko lang.” Umalis sandali ang babae upang pumunta sa loob at kunin ang address na sinasabi nito. Nagkatinginan pa si Jeydon at Devina. Hindi naman nagtagal at nakabalik ‘din ito at iniabot kay Devina ang isang papel. “Ang sabi niya ay ibigay ko sa’yo ‘yan.” Nanlaki ang mata ni Devina ng mabasa ang address na naroroon. “S-Sigurado po ba kayo?!” tumango ang babae sa kaniya kung kaya napatingin si Devina kay Jeydon na nagtataka. “J-Jeydon, ito ang address ng bahay ko dati sa mga Valderama!” Dahil sa
DEVINA “COME in,” Nakita kong bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok doon si Jeydon, ang aking tito na hindi ko trip na tawaging tito. “Why are you wearing black? It is a wedding not a burial.” Napataas ang sulok ng labi ko dahil doon. “That is my point, it is her wedding but at the same time her burial. It is the start Jeydon, my time has come,” Naglakad pa ito palapit saakin at sumandal sa pader sa gilid ng vanity table ko. “Are you really sure that you are ready enough Devina?” Huminto ako sa paglalagay ng red lipstick at tinignan siya ng walang gana. “Seven years is enough to get ready. Isa pa ang tagal nating inintay ang pagkakataong ‘to, hello? Did you forget that you trained me this way?” “I just did that for you to become stronger and fiercer, kaso mukang napasobra ata. Nag-aalala lang ako na hindi mo kayanin ang kahaharapin mo. Malalaking pamilya ang babanggain mo Devina.” Napairap ako sa sinabi niya. As if naman may pakialam ako kung malalaking pami
MATAPOS ang nakakabiglang balitang iyon mula kay Devina ay inaya muna ni Valentine ang asawa na lumabas para maglakad-lakad. Pumayag naman ang mga ito at nagkaroon ng mas malaking celebration dahil doon, hinayaan na muna nila ang mga ito na gumawa ng sinasabi nilang celebration. Nang makalabas sila ay napansin nila ang nakatayong bahay sa tabi ng bahay nila Jeydon. Mukang kagagawa lang niyon dahil ngayon lang ito nakita ni Devina. “May nagpatayo na pala ng bahay dito? Akala ko wala ng balak makipag kapitbahay saamin e,” natatawang sabi niya. Wala kasing gustong tumabi sa bahay ng mga Cullen dahil mala Mansion na ang bahay nito at nahihiya sila magtayo ng bahay sa kanikang tabi. “Maganda ba?” napatingin siya kay Valentine dahil sa tanong nito at nakatingin lang ‘din ito sa bungalow na bahay kaya muli niyang tinignan ang bahay at tumango. “Sobra! Naalala mo ganiyang-ganiyan ‘yung sinabi ko sayong gusto kong bahay? Gusto ko talaga katulad nu’ng bahay na tinithan natin sa Paris,” n
MATAPOS ang mahabang byahe ay nakarating sila sa paris na dinner na, halos isang araw ang lumipas dahil sa haba ng byahe. Kaya pagdating nila sa kanilang tutuluyan doon na bahay ‘din ni Valentine sa Paris ay deretsyo agad si Devina sa kwarto nila. Inaantok pa kasi ito kung kaya hinayaan nalang ito ni Valentine at siya nalang ang tumawag sa kambal. Natuwa ang mga ito ng tumawag ang daddy nila at nakipagkwentuhan muna sila dito. Nang malaman nilang tulog ang mommy nila ay hinayaan nalang muna nila ito hanggang sa nagpaalam na sila dahil oras na ng pagtulog nito. Sa ngayon ay su Bettany ang pinakang nag-aalala sa kanila habang nasa bahay nila Jeydon. Nasa iisang bahay pa sila Thomas at Jeydon dahil na ‘rin matagal silang nagkahiwalay at malaki ang bahay nila na iyon ay nagpasya sila na magsama-sama na muna. Dahil na ‘rin malapit ng matapos ang branch nila doon ay madalas na busy ‘din si Jeydon. Kay Thomas kasi napunta ang business nila sa ibang bansa. Yes, nag decide si Jeydon na namu
(AFTER THE WEDDING: Reception) HINDI mapagsidlan ang saya ni Valentine at Devina dahil sa wakas ay kasal na silang dalawa. Nang matapos ang kasal ay nilapitan agad sila ng kambal at binati. After nu’n ay nag picture taking na muna sila, with family, with friends, sila ng kambal at sama-sama silang lahat. “Congratulations ulit sa inyong dalawa! Wala na kaming mai-pang aasar ah?” Masayang bati ni Jeydon at natawa sa huli nitong dinugtong na ikinailing naman ni Adeline. “Hindi kaya kuya Jeydon! Wala pa silang baby, until now wala paring kasunod ang kambal!” Dahil sa sinabi ni Adeline ay nagtawanan ang mga ito at nagsimula nang mang-asar sa dalawa. Si Devina naman ay naiiling nalang ngunit hindi si Valentine. Noong nalaman niya na buntis si Adeline at Sheila ay sinubukan niya talagang humabol sa mga ito until nalaman niya nalang na nag pi-pills pala si Devina. Gulat talaga siya ng malaman iyon at halos itapon na niya ang pills na naroroon ngunit itinago ito ng mabuti ni Devina. “Uyy!
MABILIS na kumalat ang balitang magpapakasal na ‘rin sa wakas si Devina at Valentine. Ang mga kaibigan nila ay nabigla sa nalaman at agad na nagsipuntahan sa bahay nila Valentine upang batiin ito. Hindi pa ‘rin sila humihiwalay sa magulang nila Valentine at balak nila kapag nakasal na sila tyaka lang sila hihiwalay. Nagsagawa sila ng early celebration dahil doon at dineklara nial Valerie at Valeria na uuwi sila agad sa Pilipinas dahil after a week na ang kasal ng dalawa. Katulad noong unang naging kasal nilang hindi natuloy same set-up pa ‘rin ngunit ang pinagkaiba lang ay sa beach naman gaganapin ang kanilang kasal. Sa kanilang lahat, ang kambal ang pinakang tuwang-tuwa at halos hindi makatulog sa araw-araw dahil sa papalapit na araw na tinaktang kasal ng mommy at daddy nila. Nang dahil sa private island na hindi na ito private ngayon dahil si Jeydon at Aria na ang naghahandle doon at ginawa nalamang resort biglaang nagkaroon ng maraming bisita. Mabilis na lumipas ang araw at ngay
(ONE YEAR AFTER) ISANG taon na ang lumipass at sa isang taon na iyon ay marami na ang nangyari. Nabigyan nila ng maayos ang libing ang kanilang lolo Lenard at Carlos na siyang ikinagulat ng marami. Kasabay niyon ay ang balitang hindi talaga totoo na ikinasal sila, minapula nila ang balitang iyon para mailabas ang hindi totoong balita dahil na ‘rin hindi nila pwedeng ipaalam na may nangyaring gulo kaya hindi natuloy ang kasal. At dahil na ‘rin hindi natuloy ang kasal nila ni Valentine ay ikinasal si Adeline at Vincent, after two months sumunod ‘din sila Travis at Vincent. Ang mas ikinatutuwa ng mga ito ay ang pang-aasar kila Devina at Valentine dahil na ‘rin sumunod ikasal si Thomas at Sophia and then sumunod sina Jeydon at Jenjen. Masaya sila para sa kasal ng kanilang mga kaibigan pero ang hindi nila ikinasaya ay ang pang-aasar ng mga ito. Nanganak na ‘din si Adeline at Sheila at parehong lalaki ang mga ito. Ang pangalan ng anak ni Adeline at Travis ay si Andrew Ruiz, sinunod sa pa
Matapos ilagay nila Vincent, Travis, Thomas at Jeydon ang mga pamilya nila sa ligtas na lugar ay lumabas sila upang tulungan sila Devina na talunin ang hindi imbitadong bisita. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi sila nag imbita ng mga press dahil expected na nila na mangyayari iyon, kaya ‘din tanong na tanong sila Adeline kung seryoso sila sa gusto nilang iyon dahil nag-aalala sila sa dalawa lalo na’t alam nilang inaabangan ng mga ito ang kanilang kasal. Hindi naman kasi nila sinabi ang tungkol sa hiling ni Carlos kung kaya walang alam ang mga ito at kahit anong mangyari ay tuloy ang kasal nila kahit na alam nilang lahat na hindi iyon matatapos dahil sa gulo. Lumipas ang halos isang oras ay biglang tumahimik ang paligid at wala ng nagliliparan na bala sa paligid. Kaya ‘din nila pinili ang hotel na iyon dahil alam nilang malayo iyon sa maraming tao at kahit na magpaputok pa ng baril ay walang matataranta lalo na’t inukupa nila iyon ng isang buong araw. Walang ibang guest kundi sila l
Garden wedding ang kasal nila na iyon kaya tinerno nila ang kulay ng damit ng mga abay sa motif nila which is fairy kaya kulay green ang gown ng mga abay nila. Nang lumabas sila ay nakita nila ang kanilang lolo na si Carlos na nakangiting nag-aabang kay Devina. Nang makita niya si Devina suot ang kaniyang wedding gown ay hindi na napigilan pa ni Carlos ang mapaiyak. Pababa palang ng hagdan ang dalawa ay maging sila’y nahawa sa pag-iyak nito. Nasa isang private hotel kasi sila kung kaya walang ibang tao doon kundi sila lamang habang ang sinabi nila kanina na walang iyakan ay hindi natupad dahil sa reaction ng kanilang lolo. “Ang mga apo ko, ang gaganda niyo. Masaya ako na masaksihan ang araw na ito,” Napangiti silang dalawa dahil doon at sabay na niyakap ang kanilang lolo. Gusto pa sanang hayaan ng wedding coordinator ang mga ito ang kaso turn na ni Devina para lumakad sa altar kaya naghiwalay na sila at pinahid ang kanilang mga luha. “Si grandpa naman, nasira ata make-up ko?” nata
NANG dahil sa masasyang balita na buntis si Adeline at Sheila ay nagkaroon sila nang salo-salo nang gabing iyon. At dahil na ‘rin tuwang-tuwa ang mga bata na magkakaroon nang baby sa kanila ay hindi lumayo ang mga ito sa dalawa at pilit na kinakausap ang tiyan ng mga ito na akala mo’y naririnig na sila nito kahit pa na isang buwan palang ang nasa tiyan nila. Natatawa nalang sila sa tatalo at hinahayaan habang sila naman ay nag-iinom at kumakanta sa karaoke na naroroon. Syempre pwera sa mga buntis, at dahil nga sa party na iyon ay late na silang nakatulog at kapwa mga puyat ngunit nagising sila ng bigla nalang mayroon sunod-sunod na kumatok sa pinto ni Devina at Valentine. “Husband may tao,” antok na sabi ni Devina habang niyuyogyog ito. Nagising naman si Valentine dahil doon at hinanap ang kaniyang damit at nagbihis. “What is it, Travis? Madaling araw palang oh,” kunot noong tanong ni Valentine. “May problema tayo Val!” Dahil doon ay napaseryoso si Valentine at tumayo ng maayos.
Bumwelo ang dalawa at sabay na hinagis ang USB sa gitna ng dagat. “Wow! Mas malayo ang kay daddy!” biglang sabi ni Jenjen habang nakatanaw sa pinagbatuhan ng mga ito. “No! Mas malayo ang kay tito Thomas!” sabat ‘din ni Arabelle at nagkatinginan ang dalawa dahil doon. “Hindi si daddy!” pangongontra ni Jenjen. “No! Si tito Thomas!” Natawa sila sa dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito at sumingit nalang bigla si David na ikinahinto ng mga ito. “Nag-aayaw ba kayo?” taas kilay na tanong ni David at kita nila na seryoso ito na ikinatayo ng deretsyo ng dalawa at agad na niyakap ang isa’t-isa. “Hindi ah! Bati kaya kami ni belle!” “Tama si Jenejen, bati kami kuya!” Alanganin na sabi ng dalawa na ikinangiti ni David at tumango. Nagkatinginan nalang sila dahil sa mga bata at sabay-sabay na natawa. Inenjoy nalang nila ang byahe papunta sa private island hanggang sa makarating na sila doon. Tumuloy nalang sila sa isang rest house na naroroon para magkakasama na silang lahat. Pagkarating a