Daddy, Ma'am Loves You

Daddy, Ma'am Loves You

last updateTerakhir Diperbarui : 2023-08-22
Oleh:  HUGUTERAOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
13 Peringkat. 13 Ulasan-ulasan
33Bab
2.2KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

A family that he can say his own, a wife, children that can make his life complete as a man. Iyon ang tanging hangad ni Angelo sa kaniyang sarili, pero hindi niya akalain na mahirap pala itong makuha. Namatay nang maaga ang kaniyang nobya, matapos isilang ang bunga ng kanilang pagmamahal. Sinabi niyang hindi na niya bubuksan ang puso para umibig pa. Naging malamig siya sa lahat, naging manhid. Hanggang sa makilala niya si Ms. Loraine, ang kalaona’y magiging teacher ng kaniyang anak. Can he hold his promise when his heart is now changing its beat every time, they met their eyes? Can Angelo hold his heart not to love again?

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

Nag-iisang anak nina Angelo at Angel si Angela ngunit hindi inaasahang mamatay si Angel sa panganganak nito kay Angela.

Labis na lungkot ang nangyari kay Angelo matapos ang pangyayaring iyon, mahal na mahal niya ang kasintahan. Hindi niya alam kung papaano bubuhayin si Angela ng walang kinikilalang Ina.

At dahil sa pagkakaroon nila ng anak at ang trahedyang nangyari kay Angel ay hindi na naipagpatuloy ni Angelo ang kaniyang pag-aaral bagkus ay humanap na lamang ito ng trabaho upang tustusan ang pangangailangan ng kanyang anak.

Naging mahirap para kay Angelo ang buhayin ang kaniyang anak sa murang edad sapagkat itinakwil siya ng kaniyang mga magulang matapos malaman na nagkaroon sila ng anak ni Angel.

Matipunong lalaki si Angelo. May makapal na kilay, balbas at bigote. May matangos na ilong, manipis na mga labi at kulay asul na mga mata, mestiso kung tawagin noong bata pa sapagkat tunay na kayputi at kinis ng kaniyang katawan.

Kung kaya naman ay maraming babae ang nahuhumaling sa angkin niyang kaguwapuhan. Ngunit wala siyang panahon na makipag-relasyon sa mga babae. Hindi pa rin kasi siya nakaka-moved on sa sinapit ng kaniyang dating nobya, na mama ni Angela.He just focus to his work and his daughter for the rest of his life.

Lumipas ang mahabang panahon mula ng namayapa ang kaniyang dating nobya at nagpursige si Angelo na makamit ang kaniyang pangarap, kayod-kalabaw ang ginawa niya para makamit ang kaniyang posisyon ngayon sa isang kompanya na pagmamay-ari ng kaniyang matalik na kaibigan.

Pag-uwi niya sa kanilang munting tahanan ay agad siyang sinalubong ng kaniyang prinsesa. Agad itong nagmano sa kaniya at mabilis na inalis ang sapatos niyang suot at ang coat niya. Agad din nitong binuksan ang electric fan nila saka mabilis na itinutok sa kaniyang ama.

Kumuha ito ng isang baso ng gatas at saka iniabot sa ama saka muling bumalik sa kaniyang ginagawa bago dumating ang ama. Nagrereview ito sa matematika para sa nalalapit nilang pagsusulit.

Nagpasalamat naman ang ama sa anak at kinamusta ang pag-aaral nito.

“Kamusta naman ang pag–aaral ng aking prinsesa?” tanong ni Angelo sa anak habang hinihimas ang buhok ng bata.

“Daddy, ayos lang naman po, kailangan ko lang po mag-review sa matematika dahil bukas po ay magkakaroon na kami ng pagsusulit,” sagot naman ni Angela sa ama habang nakangiti at pinapakitang kayang kaya nito.

“Oh sige anak, kung sakaling mayroon kang hindi maintindihan ay sabihan mo lamang ako at ng ikaw ay aking matulungan”saad naman ni Angelo sa anak saka tila aalis na sana subalit biglang hinila ni Angela ang kamay nito.

“Daddy, maaari ka po bang pumunta sa school namin sa darating na biyernes? Sa isang araw pa naman po iyon Daddy. May parent association meeting lang po kase kami dad,” nakangiting sambit ng bata na tila pinipilit ang ama na pumunta.

“Anak, kailan ba hindi pumunta si Daddy sa school mo? I am always available for you my only one princess.” Nakangiting sagot ni Angelo saka tinap ang ulo ng anak bago pumasok sa kaniyang kwarto.

Si Angelo ang uri ng ama na mas gugustuhin pa na umabsent sa trabaho para lamang mapaunlakan ang kahilingan ng anak sa tuwing kailangang pumunta sa paaralan.

Nakatulog si Angelo ng halos dalawang oras at mag aalasiyete na ng siya ay magising. Agad itong lumabas ng kwarto upang magluto ng kakainin nila ng kaniyang anak. Nagulat pa si Angelo ng makitang patuloy pa rin sa pagrereview ang anak. Kung kaya naman ay agad siyang pumunta ng kusina at naghanda muna ng egg sandwich para sa anak na nagrereview.

“Anak,mag meryenda ka na muna bago mo ipagpatuloy iyang inaaral mo. Nakatulog si Daddy eh kaya bago lamang akong magluluto ng ating hapunan kaya kainin mo na muna ito,” sambit ni Angelo sa anak sabay abot ng egg sandwich at orange juice na inihanda niya.

“Salamat po Daddy, nag abala ka pa po, sana po hindi ka na nag abala, makapaghihintay naman po ako na maluto ang ating hapunan. Saka Daddy ayos lang po na matulog kayo pagkagaling niyo po sa trabaho kase alam ko po na pagod din po kayo doon. Hayaan po ninyo Daddy kapag ako po nakapagtapos na ng aking pag-aaral hindi ko na po kayo papayagang magtrabaho pa. Saka alam mo po Daddy, kagaya mo po mag alaga ‘yung guro namin, mabait din po ‘yon at maalaga kagaya mo po.” Wika ng anak na tunay na nakahipo sa kaniyang damdamin.

Nakaramdam ng lungkot si Angelo sa binanggit ng anak sapagkat sa tingin niya ay nagnanais ang anak niya ng alaga mula sa kaniyang ina subalit malabo na iyong mangyari. Natauhan lamang siya sa pag-iisip ng biglang magsalita ang kaniyang anak at humawak sa kaniyang braso.

“Daddy h’wag kana po malungkot. Masaya naman po ako kahit wala na si Mommy kasi alam ko po na masaya na siya sa piling ng nasa taas. At saka po isa pa, alam ko din po na lagi lang tayong binabantayan ni Mommy, saan man po tayo naroon.” Saad ng kaniyang anak na si Angela

“Oh siya sige na bago pa tayo mag iyakan dito,kainin mo na iyan at ubusin mo iyang juice, ako naman ay magluluto na ng ating hapunan,” saad ni Angelo saka dumiretso na sa kusina upang magluto ng hapunan.

“Angela, tumayo ka na muna riyan at tayo ay kumain na ng hapunan, mamaya mo na ituloy ang iyong pagrereview,” saad ni Angelo habang naghahanda ng kanilang makakain.

“Daddy, wala ka na po bang balak na makipag-relasyon ulit?” biglang tanong ni Angela sa gitna ng kanilang pagkain ng ama.

“Anak, bakit mo naman natanong ang bagay na iyan? Hindi kana ba masaya na si Daddy lang ang kasama mo dito sa bahay?” nakangitig sagot naman ng ama.

“Hindi naman po sa ganoon daddy, naisip ko lang po baka gusto mo lang po, para may kasama ka na po sa pagpapalaki sa akin kasi palagi nalang po ako ang iniisip mo dad, kung may naiibigan ka daddy, ayos lang po, pasayahin mo din po sarili mo kahit minsan lang, ‘di ‘yong lagi nalang po ako iniisip mo,” muling sagot naman ni Angela sa ama.

“Oh sige na anak, ubusin mo na iyan at magrereview ka pa ‘di ba? h’wag mo na akong alalahanin pa at masaya naman na ako kahit tayong dalawa lamang dito sa bahay natin”nakangiting sagot ni Angelo sa anak habang iniimis ang pinagkainan niya.

Lumipas ang mga araw at sumapit na ang araw kung saan may Parents associate meeting sa school si Angela. Maagang pumasok si Angelo sa kaniyang trabaho sapagkat ala una pa naman ng hapon ang meeting niya sa school. Pagdating ng kaniyang kaibigan na siyang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya ay agaran na siyang pumasok sa opisina nito upang magpaalam na maghahalf day siya ng araw na iyon.

“Bro, magpapaalam sana ako sayo,” panimula ni Angelo sa kaibigan.

“Ano namang ipapaalam mo bro? Babae na ba iyan? Okay agad sa’kin kung babae iyan,” putol nito sa pagsasalita niya habang tila tuwang tuwa.

“Siraulo ka talaga Hubert, igagaya mo pa ako sa iyong masyadong babaero,” saad nito habang tatawatawa.

“Papaalam sana ako na magha-halfday ako ngayon dahil ang inaanak mo ay may Parent Associate Meeting sa school nila at kailangan kong dumalo,” dagdag ni Angelo.

“Ah ‘yon lang ba bro, oo naman, ayos lang na mag-halfday ka, para naman pala sa inaanak ko eh, oh ito ipasalubong mo sa inaanak ko, sabihin mo pasensya na kung hindi ako makadalaw sa inyo, alam mo na masyadong busy ang ninong niya,” saad ni Hubert habang tatawatawa sabay bigay ng isang libong piso.

“Sige na bro, babalik na ako sa trabaho ko at baka masesante mo pa ako, nga pala salamat sa bigay mo tiyak na matutuwa si Angela Dito,” masayang sambit ni Angelo sa kaibigan.

Mabilis lumipas ang oras at alas dose na nga ng tanghali, kung kaya naman ay agad na umalis si Angelo sa kanilang opisina at umuwI upang mananghalian muna bago tumungo sa paaralan ng anak. Matapos niyang mananghalian ay nagpalit siya ng isang simpleng damit. Isinuot niya ang itim na pantalon, kulay puting polo shirt at putting rubber shoes.

Naglagay muna siya ng Gatsby sa kanyang buhok at nagpabango sabay suot ng kaniyang salamin sa mata na lalong nakadagdag sa kaguwapuhan niya. Saka siya mabilis na umalis papuntang school ng kaniyang anak. Bago siya dumiretso sa paaralan ay dumaan muna siya sa bilihan ng pizza at bumili ng dalawang kahon upang ipasalubong sa anak gaya ng bilin ng ninong nitong si Hubert.

Ginamit niya ang kotseng nabili niya sa pagtitiyagang magtrabaho sa kompanya ng kaibigan, kulay pula ito na nakadagdag sa angas na mayroon si Angelo. Nakaagaw pansin sa mga magulang na naroon ang pagdating ni Angelo. Maraming mga magulang at kapwa estudyante ni Angela ang napatulala sa kaguwapuhan ni Angelo.

Agad siyang nagtungo sa silid-aralan ng anak matapos iparada ang kaniyang sasakyan.

“Anak, ipinapabigay ng ninong Hubert mo sayo at saka pala pinapasabi niya na pasensya kana raw kung hindi kana niya nadadalaw sa atin dahil masyado pa raw kaming busy sa aming mga trabaho kaya pinadalhan ka na lamang niya ng pasalubong at ‘yong labis na pera ay idagdag mo nalang sa baon mo,” mahabang litanya ni Angelo sa anak.

“Salamat po Daddy, pakisabi din po kay ninong na maraming salamat po sa pasalubong, kainin na po muna namin ito daddy ng mga kaibigan ko po pero itong isang box po ay para sa inyo na po daddy para makatikim ka rin po,” saad ni Angela saka mabilis na umalis daladala ang isang box ng pizza.

Napangiti na lamang si Angelo sa inasal ng anak. Agad na siyang tumungo sa loob ng paaralan at pumuwesto sa unahan. Iniabot na lamang niya sa guro ni Angela ang pizza na dala niya.

Hindi alam ni Angelo kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng makita niya ang guro ng anak. Hindi rin niya malaman kung anong dahilan niya at ibinigay niya sa guro ng anak ang pizza na dapat ay para sa kaniya.

Lumipas ang mga oras at nakikinig lamang siya sa pagpupulong at humantong na nga sa oras ng botohan para sa magiging mga pinuno ng mga magulang sa ika-apat na baitang.

“Mga parents dadako na po tayo sa ating botohan para sa president, vice president, secretary, treasurer, auditor, PIO at Sgt. at arms. Ang mga mahahalal po ay magkakaroon ng responsibilidad na para naman po iyon sa ikabubuti at kaayusan ng ating mga anak,” panimula ni Loraine na siyang guro ng ika-apat na baitang.

Napakalambing ng boses ni Loraine sa pandinig ni Angelo. Napatulala na ang lalaki sa dalagang guro ng anak.

“Sino po ang nais ninyong maging ating president, maaari na po ninyong ituro kung sakaling hindi ninyo kilala ang inyong napupusuang ihalal”

“Ma’am siya po, ‘yong naka-white polo po,” saad ng isang magulang habang itinuturo si Angelo

“Okay po, ano pong name ni daddy?” tanong ni Loraine sa daddy ni Angela.

“Angelo po, ma’am,” magalang na sagot ni Angelo sa guro.

“Okay po, may lalaban pa po ba kay Daddy Angelo para sa posisyon bilang president?” tanong ng guro sa mga magulang na naroon.

“Siya na lamang po ma’am,” saad ng karamihan sa mga magulang.

Naihalal na ngang president si Angelo at Naihalal naman sa ibang posisyon ang mga magulang na dumalo sa pagpupulong.

Natapos na nga ang pagpupulong subalit pinaiwanan ni Loraine si Angelo sapagkat siya ang naging president ay kailangan nilang pag usapan ang mga project na natukoy sa pagpupulong.

Habang nagliligpit ng mga kagamitan si Loraine ay hindi niya mapigilan na mapaisip kung may asawa pa ba ang ama ng kaniyang estudyante.

"Grabe naman ito, napakaangas sa suot niya parang binata pa at hindi halata na may anak na. Sino kayang asawa nito? Napakaswerte naman niya sa lalaking ito. Sayang kung napaaga lang sana ang pagkikita namin baka sakaling kami ang nagkatuluyan" Ani ni Loraine sa kaniyang isipan.

"Hoy" panggugulat sa kaniya ng kasamahan niyang guro.

"Ay ipis" nasambit niya sa gulat

"Huwag mong katitigan mars, baka matunaw iyan, sayang" tudyo sa kaniya ng kasamahan niya

"Loka ka, sayang na talaga dahil tatay iyan ng isa kong estudyante, wala ng pag-asa mars, may asawa na" sagot niya saka nito iniwan ang kasamahan at nilapitan si Angelo.

"Good day po" ani ni Loraine sa ama ni Angela.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Juanmarcuz Padilla
highly recommended
2023-07-23 10:20:09
0
user avatar
Scorpion Queen
HIGHLY RECOMMENDED. Try to read this one.......
2023-04-29 10:07:35
1
user avatar
Monique Albatross
Highly Recommended!
2023-04-27 00:14:52
1
user avatar
CristineMay💖
highly recommended story
2023-04-15 01:31:36
1
default avatar
Presilda Amore
The book is engaging!
2023-04-07 19:06:25
1
default avatar
Presilda Amore
Happy writing! Wishing you lots of luck!
2023-04-07 19:03:13
1
user avatar
Fizz Jhyane
keep it up the good works
2023-04-04 21:26:35
1
user avatar
Fizz Jhyane
highly recommended more ud
2023-04-04 21:26:18
1
user avatar
Queenregina1994
Keep it up!
2023-03-29 07:38:12
0
user avatar
Eastlander
Highly recommended......️...️...️
2023-03-24 15:15:43
2
user avatar
Monique Albatross
Highly recommended!
2023-03-22 23:09:38
2
user avatar
JENEVIEVE
Highly recommended ...️
2023-03-20 22:58:07
2
user avatar
Juanmarcuz Padilla
highly recommended
2023-07-21 20:27:47
0
33 Bab
CHAPTER 1
Nag-iisang anak nina Angelo at Angel si Angela ngunit hindi inaasahang mamatay si Angel sa panganganak nito kay Angela. Labis na lungkot ang nangyari kay Angelo matapos ang pangyayaring iyon, mahal na mahal niya ang kasintahan. Hindi niya alam kung papaano bubuhayin si Angela ng walang kinikilalang Ina. At dahil sa pagkakaroon nila ng anak at ang trahedyang nangyari kay Angel ay hindi na naipagpatuloy ni Angelo ang kaniyang pag-aaral bagkus ay humanap na lamang ito ng trabaho upang tustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Naging mahirap para kay Angelo ang buhayin ang kaniyang anak sa murang edad sapagkat itinakwil siya ng kaniyang mga magulang matapos malaman na nagkaroon sila ng anak ni Angel. Matipunong lalaki si Angelo. May makapal na kilay, balbas at bigote. May matangos na ilong, manipis na mga labi at kulay asul na mga mata, mestiso kung tawagin noong bata pa sapagkat tunay na kayputi at kinis ng kaniyang katawan. Kung kaya naman ay maraming babae ang nahuhumaling
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-06
Baca selengkapnya
CHAPTER 2
Napangiti na lamang si Angelo sa inasal ng anak. Agad na siyang tumungo sa loob ng paaralan at pumuwesto sa unahan. Iniabot na lamang niya sa guro ni Angela ang pizza na dala niya. Hindi alam ni Angelo kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng makita niya ang guro ng anak. Hindi rin niya malaman kung anong dahilan niya at ibinigay niya sa guro ng anak ang pizza na dapat ay para sa kaniya. Lumipas ang mga oras at nakikinig lamang siya sa pagpupulong at humantong na nga sa oras ng botohan para sa magiging mga pinuno ng mga magulang sa ika-apat na baitang. “Mga parents dadako na po tayo sa ating botohan para sa president, vice president, secretary, treasurer, auditor, Pio at sgt. At arms. Ang mga mahahalal po ay magkakaroon ng responsibilidad na para naman po iyon sa ikabubuti at kaayusan ng ating mga anak.” Panimula ni Loraine na siyang guro ng ika-apat na baitang. Napakalambing ng boses ni Loraine sa pandinig ni Angelo. Napatulala na ang lalaki sa dalagang guro ng a
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-06
Baca selengkapnya
CHAPTER 3
Agarang isinaksak ni Angelo ang kaniyang cellphone. Habang nagchacharge ay tinapos naman niya ang kaniyang gawain upang makauwe ng maaga at makapaghanda sa naturang dinner nila kasama ang guro ng anak. Makalipas ang halos dalawang oras ay nakatapos na den siya sa mga gawain niya at sa wakas ay fully charged na din ang kaniyang cellphone. Agaran niyang binuksan ang mensahe na mula kay Loraine. Kinakabahan siya sa maaaring reply ng dalaga sa kaniya. “Sige po daddy Angelo, isasabay ko na lang po pagpunta sa inyo si Angela para hindi ka na po mag-abala pang sumundo sa kaniya,” reply sa kaniya ng kachat na si Loraine. “Salamat po ma’am and see you,” agaran niyang reply dito saka mabilis na inayos ang mga kagamitan niya. Paglabas niya ng opisina ay dumiretso siya sa palengke upang mamili ng mga sangkap na gagamitin niya sa pag luluto ng kaldereta at sisig. Bumili din siya ng gawaing buko salad at cake. Pagdating niya sa bahay nila ay agad niyang hinanda at niluto ang nais niyang lutuin
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-06
Baca selengkapnya
CHAPTER 4
Matapos nilang kumain ay pabalik na sana sila ng kwarto nila subalit nahumaling silang pumasok sa mini bar na tila kabu ukas pa lamang sapagkat wala pang masyadong tao. Nagkayayaan silang uminom ng gabing iyon. Pampatulog lamang sana dahil kinabukasan pa naman magsisimula ang kanilang trabaho. Mabilis na lumipas ang oras at mag-aalas-otso na agad ng gabi. Medyo tinatamaan na ang dalawa sa alak na iniinom nila ngunit ayaw pa nilang huminto. Biglang nagsalita ang DJ na nasa unahan. “Everyone inside this bar, sa pagkapatay ng ilaw ay bibilang ako ng tatlo at kung sinong nasa harapan ninyo ay hahalikan ninyo, lights off please,” sambit ng DJ kasabay ng pagkamatay ng ilaw “Isa, Dalawa, Tatlo,” bilang ng DJ. Kasabay ng pagbilang ng DJ ay sinunod ni Angelo ang sinabi ng Dj. Hinalikan niya ang nasa harapan niya kahit hindi niya alam kung sino iyon. At sa pagbukas muli ng ilaw sa loob ng bar na iyon ay nanlaki ang kaniyang mata ng makita kung sino ang babaeng hinalikan niya sa labi.Isan
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-16
Baca selengkapnya
CHAPTER 5
Sa pagbukas ni Angelo ng box ay napaluha siya sa gulat at sa saya dahil sa regalong ibinigay sa kaniya ng mahal at nag-iisa niyang anak na si Angela. Isa itong box na may laman na one polo shirt na kulay skyblue, may isang pantalon din na tingin niya ay sakto sa kaniya, at isang relo na kulay itim saka tatlong kwintas na sa palagay niya ay family couple ito, yung para sa daddy ay may picture na ng daddy niya at yung sa anak naman is may picture na ni Angela but there's still one necklace na nakalaan dapat sa mommy pero dahil wala na ang mommy ni Angela ay bahagyang nalungkot si Angelo. "Daddy those gifts are all for you. Yung necklace po na para sa mother, ibigay mo po iyan sa next girl na mamahalin mo, sa next girl na magiging stepmom ko po. And kapag may inibig kana pong muli Dad, magpipicture po tayo at yun na ang ilalagay natin sa loob ng mga kwintas po natin. Ilove you so much po daddy "malambing na sambit ng anak ni Angelo dahilan para maiyak ito. Agad niyang niyakap ang anak a
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-16
Baca selengkapnya
CHAPTER 6
Sige po daddy, ubusin mo na po iyan, hinanda pa po iyan ni Ma'am Loraine para daw po sa inyo, ayiee si daddy, kinikilig na iyan" masyang sambit ni Angela sa ama"Anak, tigilan mo na iyan ha, si ma'am Loraine mo ay kasintahan ng ninong Hubert mo, kaya sooner or later magiging ninang mo na din siya kaya huwag mo ng ireto sa akin si ma'am Loraine mo, baka magalit pa sa atin ang ninong mo kapag narinig niya" Paliwanag ni Angelo sa anak.Nalungkot si Angela sa sinambit ng ama. Hindi siya makapaniwala na kasintahan iyon ng kaniyang ninong sapagkat kalat na sa paaralan na pinapasukan niya na inlove ang guro niya sa kaniyang daddy. Naguguluhan si Angela kung paano nangyare iyon ngunit hindi niya magawang itanong iyon sa kaniyang ama sa takot na siya ay mapagalitan nito.Matapos kumain ni Angelo ay naligo na siya at naggayak ng mga gamit nila ni Angela. Ibabalik muna nila sa kanilang bahay ang mga gamit nila bago sila mamasyal."Bro, salamat sa pagbabantay sa anak ko ha, uuwe na muna kami. Ihah
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-17
Baca selengkapnya
CHAPTER 7
Kinabukasan ay nagpunta sa grocery store si Angelo kasama ang anak na si Angela. "Anak pumili ka na ng mga nais mo, basta huwag lang puro junk food ahh, masama sa katawan yun kapag marami" sambit ni Angelo sa anak. Matapos mamili ng mag-ama ay umuqe na din silanh dalawa ng anak. "Daddy ilalagay ko na p sa refrigerator yung mga drinks and yung mga pang ulam"."Sige anak, magpahinga kana muna dahil alam kong napagod ka kanina sa pamimili. Maagang nakatulog ang mag-ama. Napagod din kase si Angelo ng araw na iyon. Napagod siya sa pamimili dahil namili na sila ng anak niya ng mga pagkain nila na good for one month na. Naalimpungatan si Angelo sa kaniyang pagkakatulog matapos tumunog ang kaniyang cellphone. "hello, who's this?" tanong ni Angelo sa kausap matapos sagutin ang tawag ng hindri tinitignan kung sinong natawag"Bro, it's Hubert, natutulog kana ba?" sagot naman ng kaibigan"Oo natutulog na kami, bakit ka ba napatawag? Anong oras na ahhh?" tanong nk Angelo"I need your help kas
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-18
Baca selengkapnya
CHAPTER 8
"Ang suwerte naman pala ni Angela sa daddy niya" saad ni Loraine "Mas suwerte po ako sa kaniya ma'am" pigil ang luhang sambit ni Angelo. Muling nabalot sila ng katahimikan hanggang sa makarating na sila sa bahay ni Loraine. Matapos bumaba at makapasok ng dalaga sa bahay nila ay agad ng umalis at bumalik si Angelo pauwe sa kanilang bahay.Madaling-araw na ng makarating si Angelo sa maynila kung saan siya nakatira. Agad siyang pumasok sa kanilang bahay ng dahan-dahan gamit ang kaniyang Susi at agad ring isinara ang kanilang gate at pinto. Siniguro niyang nakalock na ang mga ito bago siya umakyat sa kaniyang kwarto."Good morning nay" bati ni Angela sa matanda sabay halik sa pisnge nito."Good morning iha, anong nais mong agahan at ng maipaghanda kita?" saad ng matanda habang nagpapainit ng tubig sa kusina."Silog nalang po nay, Si daddy po, nakaalis na?" tanong ni Angela sa matanda"Tulog pa ang daddy mo, inumaga na yata ng uwe yun kagabi kaya hayaan mo nalang muna siyang matulog, kuma
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-19
Baca selengkapnya
CHAPTER 9
LORAINE'S POVKNOCK KNOCK KNOCKKumatok ako sa pintuan ng opisina ni Angelo matapos kong masilayan ang kaniyang pagdating. "Tuloy" seryosong saad ni Angelo sa akin ng hindi manlang nag-abalang lingunin ako at ipinagpatuloy lamang ang kaniyang ginagawa."Good afternoon daddy Angelo" bati ko dito pagkasara ko sa pintuan. ."Good morning din Ms. Loraine, ikaw pala iyan, anong kailangan mo ma'am? Gulat na saad nito sa akin na para bang hindi inaasahang makikita niya ako. " Ahh wala naman akong kailangan, nais ko lang sana ibigay sa iyo itong niluto kong menudo baka kase hindi ka pa nananghalian, pa thank you ko na sa iyo sa paghatid mo sa akin kagabi" saad ko kay Angelo saka iniabot ang dala kong pagkain. "Salamat, sana hindi kana nag-abala pa" saad ni Angelo sa akin. "Ayos lang yun, ano kaba? Halika subuan na kita para hindi kana magambala sa ginagawa mo" saad ko habang binubuksan ang malutuan na dala ko na naglalaman ng pagkain na ihinanda ko para sa kaniya. "Hi-hindi na, ako na lan
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-19
Baca selengkapnya
Chapter 10
Agad akong tumungo sa conference hall kung saan gaganapin ang naturang meeting.Inayos ko na kaagad ang PowerPoint na ginawa ko.Nagsimula at natapos ang meeting namin ng masaya at successful. Matapos umalis ng mga investors ay agad na naming pinatawag ang lahat ng empleyado sa buong kumpanya dahil nagmamadali din ako sapagkat kukuhanin ko pa ang transfer out ng anak ko.“Okay, we are here to look for the new Inventory Clerk of our branch because Angelo need to be reassigned to Davao City as a branch manager, he got promoted that’s why, one of you need to be promoted and Angelo has the power to choose the right person for the position. So, bakit si Angwlo ang pipili? It’s just because, Angelo know everything about all of you. Alam niya kung sino sa inyo ang karapat-dapat dahil sooner or later, maaaring maging branch manager din ang mapipili niya diba, so Angelo, you may now choose or tell us, which of them are deserving to replace you on your position “mahabang saad ni Hubert kung kay
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-21
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status