WARNING ⚠️ ⚠️ Rated SPG Si Alexandra Villamor ay isang simpleng empleyado sa isang marangyang cruise ship, ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay nagulo nang makilala niya si Julian Evans, isang makisig at mayamang bilyonaryo na kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig. Hindi inaasahan ni Alex na ang isang kasunduan sa pagitan nila ay magdadala sa kanya sa isang mundo ng intriga, pagsubok, at lihim. Habang pilit niyang pinangangalagaan ang kanyang dignidad, unti-unti namang nagiging mas kumplikado ang relasyon nila ni Julian. Sa pagitan ng mga pagkukunwari at tunay na damdamin, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang kwento ng pagmamahal at laban para sa katotohanan. Ngunit sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan, may mga lihim na naghihintay na mabunyag at mga lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang mga buhay.
View MoreUnang dampi ng sinag ng araw sa mukha ni Alex at kaagad siyang napabalikwas nang maalala niya na ngayon na pala ang araw ng pagsampa ni Sam sa barko. Medyo late na siya nagising at tila hindi na niya naabutan ang kaibigan. >Good morning Alexa sorry sis di na ako nakapagpaalam sa'yo, pero umaasa pa rin ako na sana susunod ka. Mami-miss kita Lexx! Take care always! Samantha
Habang papalapit ang sasakyan sa direksiyon namin ni Brent ay patuloy pa rin namin na inaaninag kung sino ang paparating, at nang tumigil ang sasakyan sa tapat namin ay labis akong nagulat nang dahan-dahan itong lumabas mula sa kotse. Si Veronica... At anong ginagawa niya dito dis-oras na ng gabi? "Oh, sinasabi ko na nga ba at tama ang hinala ko," sagot ni Veronica at napangisi ito. "Are you following us?!" biglang sagot ni Brent at tila parehas kaming hindi komportable na makita si Veronica. Pasimple akong napabitaw sa pagkakahawak ko sa kanya dahil baka kung ano pa ang isipin ni Veronica. "Oo, sinusundan ko kayo, and I think... Wala ka rin pa lang pinagkaiba sa'kin Alex, akala mo kung sino kang matino iyon pala...sinusumpong ka din ng pagiging makati." Sarkastiskong sagot ni Veronica habang nakakrus ang mga braso at bahagyang nakasadag ang likod sa sasakyan nito. Parang sasabog ako sa galit sa mga maling akusasyon niya sa'kin. Tatablahin ko na sana nang mabilisan akong p
"Brent... I'm sorry," mahina kong sagot, ngunit nakita ko kung paano tinanggap ni Brent ng buong-buo ang paumanhin ko. Isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin, at ganoon din ako sa kanya. "One call away lang ako, Alex. Kapag may problema ka, nakahanda akong makinig, and I promise you na hangga't hindi ka ikinakasal, patuloy pa rin akong aasa," mahinang sabi nito malapit sa tainga ko. Napapikit na lamang ako. Nagambala ang emosyonal na usapan namin ni Brent nang biglang sumigaw ang ina ni Julian, na tila hinahanap na kami. Bigla akong kumawala sa pagkakayakap ni Brent at mabilis na naglakad papunta sa loob. Hindi ko na muling sinulyapan si Brent, na noo'y tipid ang mga yapak habang nasa likuran ko at sumusunod papunta sa loob. ----------------- 6PM Gabi na at nababagot na'ko kakahintay kay Julian kaya nagdesisyon akong umuwi na lang at nagsimulang magpaalam sa mommy ni Julian. Laking gulat ko nang kusang magboluntaryo si Brent na ihatid ako pauwi. "Ahm, h-huwag n
Halos kabado ako nang wala akong marinig na sagot sa ina ni Julian dahil sa pagkakabanggit ko sa pangalan ni Eros. "S-Sorry po kung... naitanong ko ang bagay na iyon, tita," sagot ko at halos mapapikit ako dahil sa kagagahan ko. "Don't be sorry, dear... Kahit na napakapasaway ni Eros, mahal na mahal ko pa rin sila ni Julian. Sadly, he's not with me for years... Oh! Siya nga pala, iha, saan kayo nag-stay ni Julian nung nasa Pilipinas kayo?" tanong ni tita, at hindi nga ako nagdalawang-isip na sabihin ang totoo. "Amh... sa Tagaytay po, tita. Nabanggit din po sa akin ni Julian na iyon daw po ang family house niyo..." sagot ko, ngunit hindi ko alam kung bakit tila may konting kumakabog sa dibdib ko. "Oh, wow! Last vacation ko doon ay anim na taon na ang nakakalipas. Nakaka-miss umuwi ng Pilipinas... Pero based sa text message ni Eros, nagkita-kita na raw kayo?" sagot ni tita, at tila may bahid ng saya ang boses nito. "Amh... Opo, tita," tipid kong sagot. "So, how do you find Er
"Am I too late for this drama?" sagot ng isang boses babae na bigla na lamang sumulpot sa harapan ng dalawa. "M-Mom???" utal na sagot ni Julian habang mabilisan naman na pinunasan ni Alexa ang kanyang mga luha at umakto na tila walang nangyari. "How are you, lovers? Sorry for interrupting you, but I'm glad na bumalik na pala kayo... I guess you enjoyed staying not any longer in the Philippines?" nakangiting sabi ni Mrs. Evans at hinawakan ang likod ng dalawa habang nakapwesto ito sa pagitan nila. "I hate seeing you two quarrels like that. C'mon, let's get inside," dagdag ng ginang, ngunit ang tinginan ng dalawa ay tila nagkaka-ilangan. --- Habang nasa gitna ng hapag-kainan ay palihim na sinusulyapan ni Julian si Alexa na noo'y hindi rin komportable na nakaupo sa harap ng hapag-kainan. "Oh, Alexa... taste this, masarap din ito, anak," kalmadong sagot ni Mrs. Evans. "S-Salamat po..." tipid na sagot ni Alexa sabay kuha ng pagkain na inabot ni Mrs. Evans sa kanya. "So, Juli
Mabilisang ginising noon ni Sam ang kaibigan upang sabihin ang tawag na dumating galing sa manager nila sa cruise ship na pinagtatrabahuhan nila. "Lexx... sorry pero kailangan mo gumising!" tarantang sagot ni Samantha at niyugyog ang braso ng kaibigan na noo'y nag-iinat at humihikab. "Bakit..." bagong gising na sagot ni Alex habang kinukuskos ang mga mata at mabilisang inalis ang blanket sa mga binti nito. "Tumawag si Aswang..." nakuha pa'ng magbiro ni Sam, at ang tinutukoy nito ay ang malditang manager nila. "Ha? B-bakit naman ang aga niya yata nagparamdam?" sagot ni Alexa at tumayo na ito. "Hindi ko din alam kasi next month pa ang alam kong sampa natin sa barko, 'di ba?" muling tanong ni Samantha. "Oo, bakit, ano ba sabi?" tanong nito habang nagtitimpla ng kape. "Babalik na tayo bukas sa work... pero mukhang hindi ka pa ready? May message na ba sa'yo si Manager?" tanong ni Sam habang hawak nito ang mobile phone, at maya-maya pa'y nag-ring ang cellphone ni Sam malapit
"Aleexxxx!!!" Biglaang sigaw ni Sam nang makita ang kaibigan na pababa sa sasakyan ni Julian, tila may halong lungkot ang mga ngiting sumalubong sa kaibigan. "Hmmp! Na-miss kita sobra," saad ni Sam habang mahigpit ang pagkakayap nito kay Alexa, "Grabeng pagkasabik naman 'yan Sam, isang buwan lang naman akong nawalay sa'yo eh," pabirong sagot ni Alexa habang nakayakap din ito pabalik sa kaibigan. At nang matapos ang sabik na yakapan nila ay napatingin si Sam kay Julian na noon ay nasa loob lamang ng kotse at tila walang planong bumaba. "O' kamusta naman kayo ni Julian sa Pilipinas? Tsaka...parang nalugi ang mokong na 'yon oh," tinuro ni Sam ang direksiyon kung saan naka-parking ang sasakyan ni Julian gamit ang kanyang nguso. Napabuntong-hininga si Alexa at hinawakan ang braso ng kaibigan sabay sabing, "pumasok na tayo sa loob Sam, mukhang napilitan lang naman 'yan na ihatid ako dito eh, at isa pa marami akong gustong aminin at tanungin sa'yo." Saad ni Alexa at mabilisan na
Alexa's POV Pagdating namin sa lugar kung saan nakapark ang private plane ni Julian, napansin kong tila hindi siya mapakali. Panay ang tingin niya sa mobile phone niya, at nang makita niya ang piloto ng eroplano, mabilis niyang ibinulsa ang telepono. May tanong na gustong kumawala mula sa bibig ko—sino kaya ang inaabangan niya? Pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka isipin niyang sobrang tsismosa ako. Nang maipasok na ang mga gamit sa loob ng eroplano, napansin kong sobrang tahimik at seryoso si Julian. Habang pa-takeoff na ang eroplano, mas pinili niyang manatili sa pilot cabin. Napaisip tuloy ako—galit ba siya sa akin? O baka may ibang dahilan kung bakit parang iniiwasan niya ako. Pakiramdam ko, parang ako lang ang tao sa malawak na espasyo ng eroplano. Bored na bored ako, kaya sinuot ko ang headphones ko at nagpatugtog ng mga pop music. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog Third person P.O.V. Habang mahimbing na natutulog si Alexa, tahimik na lumapit
"Sweetie, naka-ready na ba lahat ng gamit natin?" saad ni Julian at niyakap niya mula sa likod si Alex na noo'y patapos na sa pag-iimpake. "Almost done, Sir..." aniya ng dalaga habang nakangiti. Ngunit nang ayusin pa niya ang ibang gamit ni Julian ay labis na nanlaki ang mga mata ni Alex nang makita nito ang isang tila pamilyar na underwear. "Julian? Bakit nandito 'to?!" sigaw ng dalaga habang hawak niya ang underwear gamit ang kanyang dalawang kamay at itinaas pa ito. "Oh!" bulalas ni Julian at mabilisang hinablot ang underwear. Tinapunan siya ng nakakainis na tingin ni Alex habang hinihintay ang paliwanag nito. "Amh..." bulalas niya at napabasa siya ng labi. "I... I secretly got it noong naglaba ako ng damit sa apartment mo," utal niyang sagot, "dahil... kapag na-miss kita, at least maalala kita... d-dahil diyan," dagdag pa nito at nangasim ang mukha dahil sa kahihiyan. Halos mapanganga si Alexa sa narinig niya. "Sabog ka ba?! Hindi naman akin 'yan eh! Kay Sam 'yan
Taming the Casanova Billionaire "Anak ng... ang bigat mo naman!" reklamo ni Alex habang inaakay ang isang lasing na lalaki papunta sa kwarto nito. Bilang isang staff sa cruise ship, sanay na si Alex sa iba't ibang klase ng tao; mayayaman, mahihirap, mababait, at mga suplado. Ngunit ngayong gabi, parang nalampasan ng lalaking ito ang lahat ng naranasan niya. Ang gwapo niya, oo, pero bakit naman parang katumbas ng limang sako ang bigat niya. Hinihingal si Alex habang halos hilahin ang lalaki sa pasilyo. Mabagal ang kanilang galaw dahil halos kalahati ng bigat ng katawan ng lalaki ay nakaasa sa kanya. "Kung hindi lang bahagi ng trabaho ko 'to, ewan ko na lang," bulong niya sa sarili, pilit pinipigil ang pagkainis. Pagdating nila sa pintuan ng kanyang deluxe suite, huminto si Alex sandali para kumuha ng lakas. Kinuha niya ang susi mula sa bulsa ng lalaki at binuksan ang pinto. Nang bumukas ito, napanganga siya. Ang kwarto ay tila mula sa isang magasin—marmol na sahig, malalambo...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments