Matapos malaman ni Mallory Natividad na ang kapatid at boyfriend niya ay may relasyon at suportado pa ito ng mga magulang niya ay naisipan niyang pumunta sa isang bar sa pag-asang makakalimutan niya ang nakita at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pero nagkakamali siya dahil kahit ilang baso na ang nainom niya ay hindi pa rin siya nakakalimot. Naglasing siya nang naglasing hanggang sa may lumapit sa kaniya na lalaki. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi na siya umangal nang inaya siya nito papunta sa kung saan. May ideya na siya sa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa pero sa halip na matakot siya ay para bang gusto niya rin ito. Ang gabi nila ay parehong nagtapos sa isang mainit at masarap nang magkasama sa iisang kama. Kinabukasan, nang makita niya ang lalaking nakasiping niya ay hindi siya makapaniwala nang nakilala niya ito. Ito ay si Cargorios Mertimor, kilala bilang isa sa pinakabata at pinakamayaman sa buong mundo— at higit sa lahat ay kilala bilang isang womanizer. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kaya dali-dali na lang siyang umalis nang hindi nagigising ang lalaki. Ilang linggo lang ang nakalipas ay hindi niya inaasahan na magbubunga pala ang nangyari sa kanila at mas lalong hindi niya aakalain na magtatapong muli ang landas nila. Inaakala niyang magiging maayos lang ang lahat nang sumama siya kay Cargorios, pero hindi niya aakalain na ito na pala ang simula ng pagkagulo ng buhay niya. Hindi niya inaasahan ang natuklasan niyang plano ni Cargorios na nagpawasak sa kaniyang puso. Dahil doon ay kailangan niyang mamili. Pipiliin niya ba ang sarili niyang kasiyahan, o ang kapakanan ng kaniyang anak na nasa kaniyang sinapupunan?
View MoreHindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at naisipan kong tumakas mula sa kaniya. Hindi ko lang din talaga naiwasang kabahan lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa ultrasound na hawak ko na para bang alam niya kung ano ang ibig sabihin no'n. At no'ng nagsimula siyang humakbang papunta sa akin ay bigla na lang akong natakot kaya nag-panic na ako.Pero bakit ko nga ba naisipang umalis? Siya naman itong nakabuntis sa akin at may responsibilidad na kailangang gampanan. Dapat siya nga itong kabahan nang malala at magtago sa akin, eh.Pagkarating ko sa bahay ay uminom agad ako ng tubig para pakalmahin ang sarili.Ano na ang gagawin ko ngayon? Hahanapin ko ba siya at kakausapin tungkol sa bata? Manghihingi ba ako ng sustento sa kaniya?Inalala ko ang itsura niya kanina. Ang seryoso at dilim ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nakilala kaya niya ako? Alam niya ba talaga kung ano ang ipinunta ko roon?Ano na? Kakausapin ko ba siya?“Pero para saan pa?” tanong ko sa sarili. “Kilala s
Pinahintulutan ako ni Aling Mashang na magpahinga na muna ngayong araw dahil napapansin na rin niya na mabilis na akong mapagod. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang kondisyon ko pero kahit gano'n ay hindi pa rin siya nagdalawang-isip na pagpahingahin ako. Kung tutuusin ay hindi naman pala gaanong masungit si Aling Mashang, minsan lang talaga siguro ay sumasanib ang dragon sa kaniya kaya laging mainit ang ulo. Pero ngayon ay anghel ang nakasanib sa kaniya kaya nakapagpahinga ako. Dahil sa binigay niyang day-off ay kinuha ko na rin ang pagkakataong ito para makapagpa-checkup. Madalas na rin kasi akong nakakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka kaya kinakabahan ako na baka nakakasama iyon sa baby ko. Baby ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga gaanong nagsi-sink in sa utak ko na buntis ako. Pagkatapos kong kumain ay naligo na rin agad ako at mabilis na inayusan ang sarili pagkatapos. Medyo kinakabahan ako sa gagawing checkup dahil first time ko pa lang ito, at ako lang mag-isa. K
Pagkatapos ko sa trabaho ay dumiretso ako sa isang pharmacy para bumili ng pregnancy test. Tatlo ang binili ko para makasigurado. Umuwi rin ako agad pagkatapos.Pumasok na ako sa banyo para subukan ang pregnancy test na binili. Nanginginig ang aking mga kamay habang isa-isang kinukuha sa mga lalagyanan ang mga pregnancy test. Kinakabahan talaga ako pero gusto ko na ring malaman ang totoo.Kakalbuhin ko talaga si Aling Mashang kapag naging negative itong resulta. Siya naman kasi ang nagsabi na baka buntis ako, kaya ayan tuloy, pinapakaba niya ako. Pero kung... mag-positive ito? Matatanggap ko kaya?Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.Makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni ay napagdesisyunan ko nang subukan ang pregnancy test. Sinunod ko lang ang instructions kung paano iyon gamitin kaya kahit papaano ay hindi naman ako nalito at nagawa ko naman iyon nang tama.Kinakabahan kong tiningnan ang hawak kong pregnancy test habang nakaupo sa inidoro. Katatapos ko lang at naghihintay
Tumatak sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aling Mashang, hanggang sa nakauwi na ako sa boarding house ay iyon pa rin ang nasa utak ko.“Buntis ka ba?”Parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang boses ni Aling Mashang.Wala sa sarili akong umupo sa maliit na kama at napatulala sa pader na may iilang sapot ng gagamba. Muli na naman akong binisita ng boses ni Aling Mashang sa aking isipan.“Kaya ba sobrang sensitibo mo sa amoy at nagsusuka ka rin dahil buntis ka? At itong kinakain mo, hindi naman masarap ‘yan pero sarap na sarap ka naman. Buntis ka nga!”Buntis ba ako?Mabilis akong umiling. Hindi ako buntis! Nagkataon lang talaga na gano'n!Pero kahit anong tanggi ko ata sa sarili ay hindi ko rin maipagkakaila na maaaring tama si Aling Mashang. Parang may biglang humalukay sa aking tiyan sa kaisipang iyon. Hindi pwede ‘to.Ilang linggo na ba ang nakalipas simula no'ng nangyari ‘yong gabing ‘yon? Hindi ko na gaanong naaalala. At posible kaya na mabuntis agad ako kahi
“Anong katangahan ba ‘yong ginawa mo kanina, Mallory? Ang arte-arte mo pa! Natapon lang sa ‘yo ‘yong ulam nagsuka ka na! Hindi ka mayaman para mag-inarte ka nang ganyan, oy!”Nakayuko ako at nakatulala sa sahig habang si Aling Mashang ay hindi pa rin tapos sa pagsesermon sa akin. Kanina niya pa ako pinapagalitan at paulit-ulit lang din ang sinasabi niya.Pero ang atensyon ko ay wala sa kaniya. Ang mga sinasabi niya ay pumapasok lang sa kaliwa kong tenga pero lumalabas naman sa kanan. Nakatulala ako sa sahig dahil iniisip ko kung ano ang nangyari sa akin kanina. Hindi naman kasi ako gano'n dati, kahit anong isip ko ay hindi ko maalala na hindi ko nagustuhan ang amoy at itsura ng binagoongang baboy at adobong atay dati, ngayon lang talaga.“Kailangan mong bayaran ‘yon! Ang mahal-mahal na nga ng kilo ng baboy ngayon tapos magtatapon ka lang! Ibabawas ko sa sweldo mo ‘yon!”Nabalik ako sa reyalidad at napatingin kay Aling Mashang. Napakurap-kurap ako tumango na lang kahit hindi ko naman g
Maraming tao ang kumakain ngayon sa karenderya ni Aling Mashang kaya busy rin kami. Dito na ako nagtatrabaho ngayon simula no'ng pinaalis ako sa amin ilang linggo na rin ang nakalipas.Akala ko hindi rin magtatagal ay hahanapin nila ako, hihingi sila ng tawad at sasabihing nagsisisi na sila na ginawa nila sa akin iyon. Pero hindi pala. Ilang linggo na ang nakalipas pero wala man lang akong narinig na hinahanap nila ako. Wala na rin akong balita sa kanila simula no'ng pinaalis ako. Hindi naman ito kalayuan sa bahay pero mukhang wala talaga silang pakealam sa akin.No'ng araw na pinalayas ako ay dinala ako ng mga paa ko rito kay Aling Mashang, bitbit ang isang bag ng damit na tanging nadala ko lang no'ng araw na ‘yon. Hindi ko rin alam ba't ko naisipang pumunta rito. Si Aling Mashang kasi ay masungit. Medyo may katandaan na rin at ilang beses na akong napag-initan nito pero ‘di ko aakalain na sa paglapit ko sa kaniya ay hindi man lang siya nagdalawang-isip na tanggapin ako. Nagsungit ma
“Ano na namang gulo to?!” ang sigaw ni mama naman ang narinig ko.Tumigil sa pananakit sa akin si Madeline at pumunta siya kay mama, umiiyak.“Malandi ‘yang anak mo, Ma! Inaahas niya si Andrew matapos niyang makipaglandian sa ibang lalaki kagabi!” sumbong ng kapatid ko.Umiling ako, sinusubukang ipaglaban ang sarili kahit umiiyak. “H-Hindi totoo ‘yan!”“Saan ka galing kagabi, Mallory? Bakit hindi ka umuwi? Totoo ngang may kabit ka kaya ka pinagpalit ni Andrew kay Madeline?”Hindi ko makapaniwalang tiningnan si mama. Nagagawa niya talaga ‘yang sabihin sa akin? Ni hindi man lang niya pinansin ang pananakit sa akin ni Madeline. Inuna niya pa akong pagbintangan kaysa ang mag-alala. Anak pa ba ang tingin niya sa akin?“Hindi ‘yan totoo, Ma! B-Bakit ba lagi mo na lang kinakampihan si Madeline, ha? Hindi mo ba nakikitang sinasaktan niya ako kanina?” humihikbi kong sabi. “At bakit ako pa ang sinisisi mo sa katarantaduhan ng dalawang ‘yan? Sila itong nagloko sa akin! Kayo! Matagal niyo na pala
Nagising ako na parang binibiyak ang aking ulo sa sakit. Maging ang katawan ko ay masakit din na para bang kung anong mabigat na trabaho ang ginawa ko. “Ahh...” Mabilis kong naidilat ang aking mga mata nang may iilang alaala ang lumitaw sa isipan ko. Hindi naman ‘yon totoo, ‘di ba? Sinubukan kong bumangon pero nagtaka ako nang may maramdaman na mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan, at nang tingnan ko iyon ay gano'n na lang ang gulat ko nang makitang isa iyong kamay! Nanlalaki ang aking mga mata habang dahan-dahang pinasadahan ang kamay pataas hanggang sa makita ang itsura ng nagmamay-ari nito. Napatakip ako sa aking bibig at muntik pang mapasigaw nang makilala siya. Imposible ‘to! Siya ba talaga ‘to? Hindi maaari, nananaginip lang ako. Tama, nananaginip lang ako. Pero bigo akong malaman na hindi ako nananaginip dahil totoong-totoo ang sakit na nararamdaman ko sa aking ulo at katawan, at lalong-lalo na sa gitna ng aking mga hita! Shit! Totoo nga ‘to! Hindi lang ako nam
Dumiin ang pagkakasabunot ko sa kaniya nang mas um-intense pa ang aking nararamdaman, para bang may humahalukay sa tiyan ko pababa at pakiramdam ko ay may kung anong sasabog sa akin. Hindi ko alam kung naramdaman niya rin ba iyon o sadyang expert lang talaga siya pagdating sa ganito dahil mas lalo pa niyang ginalingan ang kaniyang ginagawa.Mas lalo niyang pinagparte ang aking mga hita at mahigpit na hinawakan iyon para hindi siya ma-istorbo dahil sa kalikutan ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko na sa tingin ko ay nasugatan na mapigilan lang ang malakas na pagdaing.Maya-maya pa ay parang hindi ko na talaga kaya, para akong naiihi na ewan at hindi ko maintindihan. Sinubukan kong itulak ang ulo niya palayo sa akin pero imbes na lumayo ay mas lalo niya lang diniin ang sarili niya sa akin na halos magpabaliw sa katawan ko.Naikurba ko ang likod ko at hindi na napigilan ang malakas na pag-ungol nang sumabog na ako. Naramdaman ko ang likido na lumalabas mula sa gitna ng aking hita
Mallory's POV“Andrew? Madeline? Anong ibig sabihin nito?” Pagkabukas ko pa lang sa pintuan ay agad na bumungad sa akin ang kapatid at boyfriend ko na naghahalikan sa sofa.Agad na tumayo ang dalawa at lumayo sa isa't-isa na para bang kaya pa no'ng pagtakpan ang ginawa nila. Inayos ni Madeline ang laylayan ng kaniyang kusot na damit habang si Andrew naman ay sinusuot nito ang kaniyang damit.Tuluyan akong pumasok sa bahay, nalilitong nakatingin sa kanila at hindi pa naiproseso ng utak ang nasaksihan kani-kanina lang.“Ano ‘yong ginagawa niyo kanina?” tanong ko kahit alam ko naman kung ano ’yon, hinihiling ko lang talaga na sana ay hindi totoo iyon.“Mali ‘yang iniisip mo, Mol—” hindi na nakatapos pa sa pagsasalita si Andrew dahil malakas ko na siyang sinampal nang lumapit siya sa akin. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Madeline na tila nagulat.“‘Wag mo ‘kong lokohin! Hindi ako bata para isiping naglalaro lang kayo riyan!” galit kong sambit.“Ate, ‘wag ka masyadong OA. Kung magalit k
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments