Hindi ko na matandaan kung paano kami nakalabas sa bar. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakasandal sa isang sasakyan habang mainit na hinihalikan ng lalaking kasama ko kanina. At imbes na magprotesta ay nagugustuhan ko pa ito at pinantayan ang mainit na paghalik niya sa akin.
Pinulupot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg at mas lalong hinila siya palapit sa akin, hindi naman siya nagreklamo at mas idiniin niya pa ako sa sasakyan at kung may mas ididikit pa ang aming mga katawan ay ginawa na niya, ni wala siyang pakealam na halos bumaon na talaga ako sa sasakyan sa sobrang sabik niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking bewang at kasabay ng paglalim pa niya sa aming halikan. Hindi ko mapigilang magpakawala ng mahinang halinghing nang kagatin niya ang aking ibabang labi at marahan ngunit ramdam ko ang panggigil niyang hilahin iyon at muling pinagdikit ang aming mga labi. “Hmm...” Agad na nangulila ang aking labi nang iwan niya iyon at bumaba sa aking panga hanggang sa aking leeg. Napatingala ako at mariing pumikit nang pinasadahan ng dila niya ang leeg ko at marahang s******n ‘yon na alam kong mag-iiwan pa rin ng marka. Nang nagsawa siya sa aking leeg ay muli niyang inatake ang aking labi at iyon naman ang pinagdiskitahan niya. Kahit na parang umiikot pa rin ang mundo ko dahil sa kalasingan ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sarap sa bawat halik niya sa akin na hindi ko mapigilang mapaungol nang bahagya. “Fuck, we really need to go somewhere," hinihingal at namamaos nitong sabi matapos niyang paghiwalayin ang aming mga labi. Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay hinila na niya ako paalis sa pagkakasandal sa sasakyan upang buksan ang pinto nito, mabilis niya rin akong napasakay roon at siya na rin mismo ang nagkabit ng aking seatbelt. Hindi ko na nagawa pang makapagprotesta at sinarado na niya ang pinto saka siya mabilis na pumunta sa kabilang pintuan. Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan nang nakasakay siya at wala na akong nagawa nang paandarin niya iyon paalis sa bar. Pumikit ako at sumandal sa upuan dahil sa nararamdaman pa ring hilo. Malakas pa rin ang tama ng alak sa akin at halos hindi ko na maidilat ang aking mga mata at gusto na lang matulog. Hindi ko na alam kung gaano katagal ang byahe at parang nakatulog pa ata ako dahil ang sunod kong namataan nang bahagya kong idilat ang aking mga mata ay nakahiga na ako sa isang malambot na kama at hinahalikan ng nakakaibabaw na lalaki sa akin! Hindi ko alam kung paano ako napunta rito pero wala na akong pakealam dahil ang tanging nasa utak ko lang ay kung paano ako halikan ng lalaking ito. Habang ginagalugad ng dila niya ang loob ng aking labi ay marahan namang humahaplos sa aking katawan ang mga kamay niya na halos ikawala na ng sarili ko. Ngayon ko lang napansin na wala na pala ang suot kong damit at bra na lang ang naiwan sa aking pang-itaas at ang butones naman ng aking jeans ay natanggal na. Palipat-lipat ang halik niya sa akin, kapag nagsawa na siya sa aking labi ay bababa ang halik niya sa leeg ko at kapag na-satisfy naman siya roon ay babalik na naman ulit sa aking labi. Hindi ko na alam kung anong galaw pa ang gagawin ko nang paglaruan ng mga kamay niya ang magkabila kong dibdib. Mapanuya naman niyang hinahaplos ang aking tiyan pababa pero hindi niya pinapaabot sa gusto kong hawakan niya, halos ikurba ko na ang aking likod pero lagi lang siyang nanunukso at alam kong nag-eenjoy siya roon. Frustrated akong umungol dahil sa ginagawa niya. Bahagya naman siyang tumawa dahil sa naging reaksyon ko. Matapos niyang mag-enjoy sa panunukso sa akin ay sa wakas binigay niya rin ang kanina ko pa hinihingi. Isinilid niya ang kaniyang kamay sa akin at hindi ko na napigilan ang malakas na pag-ungol nang marahan niyang haplusin ang gitna ng aking hita. Kinagat ko ang aking ibabang labi nang mapagtanto kung gaano nakakahiya ang ingay ko, mas lalo akong nahiya nang maramdaman ko kung gaano ako kabasa roon. Sinubukan kong isarado ang aking mga hita pero maagap naman niya iyong pinigilan. “Nah-ah, you're not backing out now,” mapanuya nitong sabi habang may mapaglarong ngiti sa labi. Tinanggal niya ang kamay niya sa akin at hindi ko alam kung mangungulila ba ako o ano. Uminit ang pisngi ko nang dilaan niya ang basa niyang daliri habang mapang-akit na tumingin sa akin. Umalis siya sa aking ibabaw at tumayo siya sa gilid ng kama. Napasigaw ako nang bigla niyang hawakan ang aking mga paa at hilahin ako papunta sa kaniya. Nasa dulo na ako ng kama ngayon at ang mga binti ko ay nakalugay na sa gilid at siya ay nasa gitna ng aking mga binti. “Ass up. I want you naked. Now,” maawtoridad nitong sabi. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “H-Huh?” hindi ko pa nga tuluyang napoproseso ang sinabi niya ay mabilis na niyang hinubad ang aking jeans kasabay ng aking panty. Parang may sariling isip naman ang balakang ko at inangat ko iyon gaya ng sabi niya kaya hindi rin siya nahirapan sa paghubad. Tinapon niya lang na parang basura ang jeans at panty ko at hindi ko alam kung saan na iyon tumilapon. Halos mapabangon ako nang lumuhod siya sa harapan ko— sa harapan ng perlas ko! Magpoprotesta na sana ako pero bigla na lang niyang binaon ang mukha niya roon at nag-umpisang halikan at dilaan iyon. Muli akong napahiga at halos sabunutan na siya dahil sa libo-libong nararamdaman. Hindi ko na alam kung saan hahawak nang walang sawa niyang paglaruan ang akin gamit lang ang dila at labi niya. “Fuck, you're so wet. You like this very much, huh?” panunukso na naman niya sa gitna ng ginagawa niya sa akin. Halos mabaliw na nga ako rito pero siya ay nagawa niya pa rin akong tuksuhin. “Ahh...” wala na akong nasagot sa kaniya kung ‘di ang pag-ungol na lang.Dumiin ang pagkakasabunot ko sa kaniya nang mas um-intense pa ang aking nararamdaman, para bang may humahalukay sa tiyan ko pababa at pakiramdam ko ay may kung anong sasabog sa akin. Hindi ko alam kung naramdaman niya rin ba iyon o sadyang expert lang talaga siya pagdating sa ganito dahil mas lalo pa niyang ginalingan ang kaniyang ginagawa.Mas lalo niyang pinagparte ang aking mga hita at mahigpit na hinawakan iyon para hindi siya ma-istorbo dahil sa kalikutan ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko na sa tingin ko ay nasugatan na mapigilan lang ang malakas na pagdaing.Maya-maya pa ay parang hindi ko na talaga kaya, para akong naiihi na ewan at hindi ko maintindihan. Sinubukan kong itulak ang ulo niya palayo sa akin pero imbes na lumayo ay mas lalo niya lang diniin ang sarili niya sa akin na halos magpabaliw sa katawan ko.Naikurba ko ang likod ko at hindi na napigilan ang malakas na pag-ungol nang sumabog na ako. Naramdaman ko ang likido na lumalabas mula sa gitna ng aking hita
Nagising ako na parang binibiyak ang aking ulo sa sakit. Maging ang katawan ko ay masakit din na para bang kung anong mabigat na trabaho ang ginawa ko. “Ahh...” Mabilis kong naidilat ang aking mga mata nang may iilang alaala ang lumitaw sa isipan ko. Hindi naman ‘yon totoo, ‘di ba? Sinubukan kong bumangon pero nagtaka ako nang may maramdaman na mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan, at nang tingnan ko iyon ay gano'n na lang ang gulat ko nang makitang isa iyong kamay! Nanlalaki ang aking mga mata habang dahan-dahang pinasadahan ang kamay pataas hanggang sa makita ang itsura ng nagmamay-ari nito. Napatakip ako sa aking bibig at muntik pang mapasigaw nang makilala siya. Imposible ‘to! Siya ba talaga ‘to? Hindi maaari, nananaginip lang ako. Tama, nananaginip lang ako. Pero bigo akong malaman na hindi ako nananaginip dahil totoong-totoo ang sakit na nararamdaman ko sa aking ulo at katawan, at lalong-lalo na sa gitna ng aking mga hita! Shit! Totoo nga ‘to! Hindi lang ako nam
“Ano na namang gulo to?!” ang sigaw ni mama naman ang narinig ko.Tumigil sa pananakit sa akin si Madeline at pumunta siya kay mama, umiiyak.“Malandi ‘yang anak mo, Ma! Inaahas niya si Andrew matapos niyang makipaglandian sa ibang lalaki kagabi!” sumbong ng kapatid ko.Umiling ako, sinusubukang ipaglaban ang sarili kahit umiiyak. “H-Hindi totoo ‘yan!”“Saan ka galing kagabi, Mallory? Bakit hindi ka umuwi? Totoo ngang may kabit ka kaya ka pinagpalit ni Andrew kay Madeline?”Hindi ko makapaniwalang tiningnan si mama. Nagagawa niya talaga ‘yang sabihin sa akin? Ni hindi man lang niya pinansin ang pananakit sa akin ni Madeline. Inuna niya pa akong pagbintangan kaysa ang mag-alala. Anak pa ba ang tingin niya sa akin?“Hindi ‘yan totoo, Ma! B-Bakit ba lagi mo na lang kinakampihan si Madeline, ha? Hindi mo ba nakikitang sinasaktan niya ako kanina?” humihikbi kong sabi. “At bakit ako pa ang sinisisi mo sa katarantaduhan ng dalawang ‘yan? Sila itong nagloko sa akin! Kayo! Matagal niyo na pala
Maraming tao ang kumakain ngayon sa karenderya ni Aling Mashang kaya busy rin kami. Dito na ako nagtatrabaho ngayon simula no'ng pinaalis ako sa amin ilang linggo na rin ang nakalipas.Akala ko hindi rin magtatagal ay hahanapin nila ako, hihingi sila ng tawad at sasabihing nagsisisi na sila na ginawa nila sa akin iyon. Pero hindi pala. Ilang linggo na ang nakalipas pero wala man lang akong narinig na hinahanap nila ako. Wala na rin akong balita sa kanila simula no'ng pinaalis ako. Hindi naman ito kalayuan sa bahay pero mukhang wala talaga silang pakealam sa akin.No'ng araw na pinalayas ako ay dinala ako ng mga paa ko rito kay Aling Mashang, bitbit ang isang bag ng damit na tanging nadala ko lang no'ng araw na ‘yon. Hindi ko rin alam ba't ko naisipang pumunta rito. Si Aling Mashang kasi ay masungit. Medyo may katandaan na rin at ilang beses na akong napag-initan nito pero ‘di ko aakalain na sa paglapit ko sa kaniya ay hindi man lang siya nagdalawang-isip na tanggapin ako. Nagsungit ma
“Anong katangahan ba ‘yong ginawa mo kanina, Mallory? Ang arte-arte mo pa! Natapon lang sa ‘yo ‘yong ulam nagsuka ka na! Hindi ka mayaman para mag-inarte ka nang ganyan, oy!”Nakayuko ako at nakatulala sa sahig habang si Aling Mashang ay hindi pa rin tapos sa pagsesermon sa akin. Kanina niya pa ako pinapagalitan at paulit-ulit lang din ang sinasabi niya.Pero ang atensyon ko ay wala sa kaniya. Ang mga sinasabi niya ay pumapasok lang sa kaliwa kong tenga pero lumalabas naman sa kanan. Nakatulala ako sa sahig dahil iniisip ko kung ano ang nangyari sa akin kanina. Hindi naman kasi ako gano'n dati, kahit anong isip ko ay hindi ko maalala na hindi ko nagustuhan ang amoy at itsura ng binagoongang baboy at adobong atay dati, ngayon lang talaga.“Kailangan mong bayaran ‘yon! Ang mahal-mahal na nga ng kilo ng baboy ngayon tapos magtatapon ka lang! Ibabawas ko sa sweldo mo ‘yon!”Nabalik ako sa reyalidad at napatingin kay Aling Mashang. Napakurap-kurap ako tumango na lang kahit hindi ko naman g
Tumatak sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aling Mashang, hanggang sa nakauwi na ako sa boarding house ay iyon pa rin ang nasa utak ko.“Buntis ka ba?”Parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang boses ni Aling Mashang.Wala sa sarili akong umupo sa maliit na kama at napatulala sa pader na may iilang sapot ng gagamba. Muli na naman akong binisita ng boses ni Aling Mashang sa aking isipan.“Kaya ba sobrang sensitibo mo sa amoy at nagsusuka ka rin dahil buntis ka? At itong kinakain mo, hindi naman masarap ‘yan pero sarap na sarap ka naman. Buntis ka nga!”Buntis ba ako?Mabilis akong umiling. Hindi ako buntis! Nagkataon lang talaga na gano'n!Pero kahit anong tanggi ko ata sa sarili ay hindi ko rin maipagkakaila na maaaring tama si Aling Mashang. Parang may biglang humalukay sa aking tiyan sa kaisipang iyon. Hindi pwede ‘to.Ilang linggo na ba ang nakalipas simula no'ng nangyari ‘yong gabing ‘yon? Hindi ko na gaanong naaalala. At posible kaya na mabuntis agad ako kahi
Pagkatapos ko sa trabaho ay dumiretso ako sa isang pharmacy para bumili ng pregnancy test. Tatlo ang binili ko para makasigurado. Umuwi rin ako agad pagkatapos.Pumasok na ako sa banyo para subukan ang pregnancy test na binili. Nanginginig ang aking mga kamay habang isa-isang kinukuha sa mga lalagyanan ang mga pregnancy test. Kinakabahan talaga ako pero gusto ko na ring malaman ang totoo.Kakalbuhin ko talaga si Aling Mashang kapag naging negative itong resulta. Siya naman kasi ang nagsabi na baka buntis ako, kaya ayan tuloy, pinapakaba niya ako. Pero kung... mag-positive ito? Matatanggap ko kaya?Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.Makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni ay napagdesisyunan ko nang subukan ang pregnancy test. Sinunod ko lang ang instructions kung paano iyon gamitin kaya kahit papaano ay hindi naman ako nalito at nagawa ko naman iyon nang tama.Kinakabahan kong tiningnan ang hawak kong pregnancy test habang nakaupo sa inidoro. Katatapos ko lang at naghihintay
Pinahintulutan ako ni Aling Mashang na magpahinga na muna ngayong araw dahil napapansin na rin niya na mabilis na akong mapagod. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang kondisyon ko pero kahit gano'n ay hindi pa rin siya nagdalawang-isip na pagpahingahin ako. Kung tutuusin ay hindi naman pala gaanong masungit si Aling Mashang, minsan lang talaga siguro ay sumasanib ang dragon sa kaniya kaya laging mainit ang ulo. Pero ngayon ay anghel ang nakasanib sa kaniya kaya nakapagpahinga ako. Dahil sa binigay niyang day-off ay kinuha ko na rin ang pagkakataong ito para makapagpa-checkup. Madalas na rin kasi akong nakakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka kaya kinakabahan ako na baka nakakasama iyon sa baby ko. Baby ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga gaanong nagsi-sink in sa utak ko na buntis ako. Pagkatapos kong kumain ay naligo na rin agad ako at mabilis na inayusan ang sarili pagkatapos. Medyo kinakabahan ako sa gagawing checkup dahil first time ko pa lang ito, at ako lang mag-isa. K
Hindi ko alam kung bakit pumayag ako sa naging kasunduan niya. At dahil pumayag ako, ibig sabihin nito ay walong buwan pa akong mananatili rito. Hindi ko ito naisip kanina. Hindi ko rin talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako.Tumango lang ako sa sinabi niya at pagkatapos no'n ay lumabas na siya sa kwarto ko, naiwan akong tulala. Pakiramdam ko tuloy ay napakatanga ko. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko at nakalimutan na ang kapakanan ng anak ko. Paano kung may mangyaring masama sa anak ko kapag bumalik ulit ang fiance niya rito?Pero bago lumabas si Cargorios kanina sa kwarto ko ay pinangako niya sa akin na hindi na ulit babalik dito ang fiance niya. Nadala ako roon, humawak ako sa pangako niya kahit alam ko namang mali ang ginagawa ko. Alam kong ayaw ni Cargorios ang engagement nila pero hindi pa rin dapat ako nandito, hindi pa rin dapat ako nangingialam sa kanila.Pero sa ngayon ay panghahawakan ko muna ang pangako ni Cargorios, magtitiwala ako sa kaniya kas
Sinamaan ko siya ng tingin. At bakit ayaw niya? Wala naman siyang karapatan na ikulong ako rito.“Ayoko na rito. Aalis na ako. Wala na rin namang dahilan para manatili pa ako rito,” pinal kong sabi at kumawala sa kaniya.Hindi pa ako nakakalagpas sa pinto ng banyo ay hinawakan na niya ang aking braso upang pigilan. Hinarap ko siya at sinubukang bawiin ang braso ko pero masyado siyang malakas at hindi ko magawa.“Ano ba!”“I told you, I brought you here for you and the baby's safety. Hindi kita papayagang umalis dahil anak ko ang dinadala mo at mas gusto kong dito siya panatilihin.”Nakaramdam ako ng konting kirot sa aking dibdib. Masyado lang talaga akong nagpadala sa nararamdaman ko para mag-assume pa. Syempre, para sa anak niya ang lahat ng ginagawa niya! Ano pa ba ang inaasahan ko?Pakiramdam ko ay napaka-selfish ko para sa aking anak. Ang kapal ng mukha ko na makihati ng atensyon na binibigay ni Cargorios sa magiging anak namin. Pero masaya ako na pinipili ni Cargorios ang baby.“
Inipon ko lahat ng lakas ko at malakas na kumawala sa kaniya. Nabitawan niya ang bewang ko at bahagya akong napalayo sa kaniya. Hinarap ko siya at ang kanina pang nagbabadyang mga luha sa aking nata ay unti-unting pumapatak. Marahas kong pinalis ang mga ‘yon dahil isang kahihiyan na umiyak sa kaniyang harapan para sa isang dahilan na wala naman akong karapatan.“Hindi naman na importante ang sinabi niya. Ang importante ay nalaman ko kung sino siya sa buhay mo,” walang pag-uutal at diretso kong sabi sa kaniya.Sa tinagal-tagal ng pagmumuni-muni ko kanina ay naisip kong mabuti na rin pala na nabigyan ng linaw ang lahat. Kahit may iba pang katanungan na naglalaro sa aking isipan ay importanteng natuldukan ang isang mahalagang bagay. May fiance na pala siya kaya dapat ay hindi ko na palalaguin pa itong nararamdaman ko.Oo. Sa maikling panahon na nakasama ko si Cargorios sa iisang bahay ay unti-unti ring namuo ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko man sinasadya pero nangyari na. Ang taga
Nasa kwarto na ako ngayon at nakahiga sa kama habang nakatulala sa kisame. Ang hapdi sa aking puso ay patuloy ko pa ring nararamdaman pero walang kahit anong emosyon ang nakikita sa aking mga mata, blangko lang iyon at walang kabuhay-buhay habang nanatiling nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi sa akin ng babae kanina. Ang bulgar niyang pang-iinsulto sa akin ay nagdulot talaga ng malaking epekto sa akin. Alam ko namang galing ako sa hirap— mahirap talaga ako. Pero totoo nga kayang ginagamit lang ako ni Cargorios? Kasi hindi ko talaga maintindihan iyon, sa paanong paraan niya ako gagamitin? Kasi literal na wala talaga siyang makukuha sa akin dahil mahirap lang ako. Napurnada ang nalalapit na sanang kasal nila dahil sa akin, dahil dinala ako rito ni Cargorios. Pero bakit? Hindi ko na talaga alam. Wala na akong maintindihan. Ang utak ko ay parang sasabog na sa kakaisip ng mga tanong. Hindi ko na namalayan ang oras at tinanghali na pala ako sa kakatul
“Padaanin mo nga ako!” Halos itulak na ng babae si Manong nang hinarang siya nito. Wala na ring nagawa ang gwardiya at napakamot na lang sa kaniyang ulo nang tuluyan na siyang nilampasan ng babae at papalapit na siya sa akin.Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan na malapit sa pintuan. Huminto siya sa aking harapan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kita ko kung paano niya ako mapanghusga at may pandidiring pinasadahan ng tingin.“Look at you, all dressed up but I can still the smell the stinky canal from your place. Nakatira ka lang sa maliit na bahay at maraming kanal, hindi ba? Even if you wear the most expensive dress in the world, I can still see where you came from. Sa basurahan,” puno ng pang-iinsulto at pandidiring sabi ng babae.Bahagya akong nasaktan sa pananalita niya pero hindi ko iyon ipinakita sa kaniya.“Sino ka? Bakit ka nag-eeskandalo rito?” Tinitigan ko pabalik ang galit na galit niyang mga mata. At nang tanungin ko siya kung sino siya ay mas lalo siyang nagal
Tahimik kaming kumakain ng tanghalian sa bench sa harap ng lawa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin at ang mga naglalarong pato sa tubig.Katatapos lang naming libutin ang buong lugar at sobrang sakit ng paa ko kakalakad. Gusto ko pa sanang maglakad-lakad pa pero hindi na niya ako pinayagan. Kaya heto kami ngayon at kumakain na lang sa harap ng lawa.Ang saya ng araw na ito. Nakakapagod man pero worth it naman. Sinadya ko talagang sulitin ang pamamasyal dito dahil hindi ko na alam kung kailan ulit mauulit ito. Pakiramdam ko kasi ay pinagbigyan lang ako ni Cargorios ngayon kasi nakita niyang umiiyak ako kanina.Wala sa sarili akong napalingon kay Cargorios na nasa tabi ko at tahimik lang ding kumakain. Naramdaman niya ang pagtingin ko sa kaniya kaya napalingon din siya sa akin. Kumurap ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, dali-dali ko namang iniwas ang tingin sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain.“Are you okay?” tanong niya.Tinanguan ko siya nang hindi lumilingon sa kan
Pagkalabas ko ng bahay ay nakaabang na ang sasakyan ni Cargorios sa labas, nasa loob na siya ng sasakyan at ang gate ay nakabukas na rin. Ako na lang pala ang hinihintay kaya dali-dali na akong sumakay sa passengers seat.Hindi ko pa maitago ang ngiti ko nang lingunin ako ni Cargorios pagtapos kong ikabit ang aking seatbelt.“Masayang-masaya ka, ah,” komento niya.Minaneho naman niya ang kaniyang sasakyan. Yumukod si Manong guard nang nadaanan namin siya bilang pagbati at respeto, hindi ko na siya ginantihan dahil tinted itong sasakyan at hindi niya rin iyon makikita.Tinanguan ko si Cargorios kahit sa daan naman siya nakatingin. “Sobra!”Marahan siyang ngumiti nang marinig ang excitement sa aking boses.Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi rin kasi ako pamilyar sa lugar na ito kaya wala akong alam kung saan ito patungo. Medyo mahaba-haba din ang byahe pero kahit gano'n ay hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Buong byahe ay inaliw ko lang ang sarili sa pagtingin-tingin sa laba
“Are sure you're okay?” pang-ilang tanong na ito sa akin ni Cargorios.Tinanguan ko siya.Hinatid niya ako rito sa kwarto ko at ngayon ay nakahiga na ako at siya ay nakatayo sa gilid ng kama. Hawak niya pa ang kaniyang cellphone dahil kung magsuka raw ulit ako ay hindi siya magdadalawang isip na tawagan si Dra. Almanda.Napaka-OA naman ng lalaking ‘to. Hindi ba siya nakinig no'ng nagpa-checkup kami?“Ipagpatuloy mo na ang trabaho mo. Ayos na ako. Magpapahinga lang ako saglit tapos lalabas na rin ako,” sabi ko sa kaniya.“You don't have to force yourself. Rest as long as you want. You need that” kunot noo nitong sabi, pero hindi dahil naiirita siya.Tumango na lang ako para matapos na. Bumuntong hininga siya at tiningnan pa ako ulit bago lumabas ng aking kwarto.Pagkatapos niyang masaksihan ang matinding pagsusuka ko ay sinabi niyang dito na lang daw siya magtatrabaho. At tinotoo nga niya. Akala ko no'ng una ay nagbibiro lang siya, napaisip din ako dahil pwede bang gawin ‘yon? Pero nga
Hindi ko alam kung paano kami naging close at ganito na siya kung makapang-asar sa akin. Mag-iisang buwan pa lang ako rito at sa mga araw pa na iyon ay tuwing gabi lang kaming nagkakasama, minsan wala pa. Kaya hindi ko na nasundan kung paano kami naging ganito ngayon.Tapos na kaming mag-agahan pero nasa hapagkainan pa rin kami ngayon. Naligpit at nahugasan na rin ang pinagkainan at pinaglutuan namin kanina pero tumambay lang muna kami rito saglit para magpahinga. Mukhang wala talaga siyang planong magtrabaho ngayong araw. Kanina kasi habang naghuhugas ako ng mga plato ay kinuha niya ang kaniyang laptop pero hindi naman siya nakapangbihis ng pang-alis, sa tingin ko ay dito siya sa bahay magtatrabaho.Tama nga ang hinala ko dahil makalipas lang ang ilang sandali ay hinarap na niya ang kaniyang laptop habang nag-umpisang magtipa roon. May suot pa siyang eyeglasses na sa paningin ko na naman ay mas lalong nagpagwapo sa kaniya nang husto. Hindi ko tuloy magawang umalis dito dahil sa kakat