Sa patong-patong na utang na kinakaharap, hindi na alam ni Maeve kung sino pa ang tatakbuhan. Idagdag pa ang nanay niya na nasa loob ng kulungan at pakikiapid ng kanyang kasintahan. Kung kailan handa niya ng bitawan si Drake ay siya namang pagsulpot ni Xavier sa buhay niya. Ang tiyuhin ng dating fiancee, hindi lamang ginulo ang kanyang utak, isinama na rin ang kanyang puso na inakala niyang nanahimik at isa ng bato. Sa pang-aakit ng tiyuhin nito, handa ba niyang ipagkatiwala ang sarili dito? Sa pagdating ni Xavier sa buhay niya, mararamdaman niya na ba ang kasiyahan na inaasam-asam?
Lihat lebih banyakNAKANGISI NA INIANGAT nito ang kanyang baba. Tila ba sa ganoong paraan ay mas malayang mapagmamasdan ng lalaki ang kabuuan ng kanyang mukha.“Why do you look so surprised, Mahal?”Mas naramdaman ni Maeve ang pag-init ng kanyang pisngi at taynga dahil sa paraan ng pagtawag nito. Sigurado siya, kahit hindi niya na tingnan ang mukha sa salamin, pulang-pula na iyon ngayon. Sa kabila ng pagkapahiya rito, nakatingin lamang siya sa binata nang matagal.Hindi niya rin inaasahan ang sunod nitong gagawin. Ganoon na lamang ang tila tambol na dumadagundong sa kanyang dibdib dahil sa pagyakap nito sa kanya. “Mahal, tell me something?” “M-mahal?” pag-uulit niya sa naging pagtawag nito sa kanya. “Baliw ka ba—”Mabilis ang naging pagtakip nito sa kanyang bibig bago nangungusap na ngumiti.“Remember me?”“Y-yes…”“It’s Xavier, Mahal…”“H-ha?”“Mamaya mag-uusap tayo…” sabi pa nito bago siya kindatan at harapin ang totoong pakay nito kaya kinuha ang atensyon ng lahat kanina. Nakatingin lamang siya sa
“ANONG GINAGAWA MO?” galit na tanong ni Drake nang makitang nag-iimpake siya. “Hindi ko bahay ito. Ipinahiram lang sa akin ng lola mo. Seryoso ako, puputulin ko na ang koneksyon sa ‘yo at sa pamilya mo, Drake.”“Magmamalaki ka talaga? Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan! Bumalik ka na sa loob. Papasok ka bukas—”“Ipapaalala ko lang ang posisyon mo,” heto na naman ang walang buhay niyang mga mata na nakatingin sa binata. “Hindi mo na ako empleyado at mas lalong hindi na ako ang fiancé mo!”Matinding gulat ang makikita kay Drake nang sabihin niya iyon.“Wala ka ng titirhan, wala ka ng babalikan!”“Hanapin mo ang pake ko, hindi dahil sa ‘yo at sa pera mo kaya pumayag ako sa engagement na ito.”“A-anong ibig mong sabihin?”Pagngisi ang unang naging sagot niya rito. “Mag-iingat ka, Drake.”Iyon lamang ang sinabi ng dalaga nang talikuran ito at sumakay ng taxi.“Maeve, magsisisi ka! Magsisisi ka!”Ngayon niya napagtanto, hindi siya masyadong nasaktan nang hiwalayan niya ito dahi
NATAWA ITO SA SINABI NIYA. Makikita sa ekspresyon ni Drake na hindi siya sineryoso.“Ikaw magre-resign? Huwag kang magpatawa, Maeve. Sa tingin mo bibigyan kita ng pangalawang pagkakataon kapag umalis ka sa kumpanya?” Mas iniurong ni Maeve ang sobre kung saan nakalagay ang resignation letter niya.“Paano ang mga utang na kailangan mong bayaran? Baka nakakalimutan mong nakakulong pa ang nanay mo—”“Problema ko na iyon Mr. Revera. Alam ko ang sinasabi ko. Huwag ka ring mag-alala, hindi ko tatakbuhan ang utang ko sa pamilya mo.”“Hindi ko tatanggapin ang resignation na iyan. Tapos ang usapan!” sabi nito bago nagmadaling tumayo upang lumabas ng opisina.“Hindi pa ako tapos magsalita, Mr. Revera!”“Do I care? Bumalik ka sa trabaho mo. I will not allow you to resign! Crucial ang oras ko ngayon sa investor! Sino ang aasahan kong sekretarya?” Hindi magawang makatingin ni Maeve sa paligid. Alam niyang siya na naman ang tampulan ng usapan ng mga katrabaho.“Ginagawa mo ba ito para tumaas ang p
MATINDING LIWANAG ANG bumungad kay Maeve nang magising sa hospital. Ang pribadong kwarto kaagad na kanyang inuukupa ang napansin niya. May nakakabit din sa kanyang dextrose at mukhang bagong lagay pa lamang ang IV fluid niya.Hindi pa man nagtatagal, may pumasok na roon na doktor at nurse.“Ilang oras na po akong narito?” bungad na tanong niya sa dalawa.“Isang araw, Ms. Patel—”“A-ano? Isang araw na akong absent sa trabaho! Kailangan ko pong pumasok. Pwede na po bang tanggalin ang dextrose ko?”“Ms. Patel, muntik ka ng mamatay! Uminom ka ng wine. May ubas iyon na alam mong bawal sa ‘yo. Are you trying to kill yourself?”Hindi siya kaagad nakasagot sa doktor. Bakit sa tuwing may nangyayaring hindi maganda, ang sarili ang ginagantihan niya?“Kung hindi ka kaagad naisugod dito, maaaring wala ka na ngayon.”Saka lamang nagawang kumalma ni Maeve dahil sa sinabi ng doktor. Hindi dapat ang trabaho ang inaalala niya ngayong muntik na siyang mamatay.“I hope this will not happen again, Ms. Pa
TILA ISANG BASANG sisiw na nilalamig. Ganoon ang itsura ni Maeve habang yakap ang sarili sa kabilang dulong bahagi ng dyip. Napakalakas ng ulan nang gabing iyon habang ingat na ingat siya na huwag mabasa ang mga dala niyang papeles. “Where the hell are you?”“M-malapit na po, Sir!” natataranta niyang sagot sa tawag ng boss niya. “Pasensya na po! Wala akong masakyan. Hindi na kayang bumiyahe ng taxi dahil baha na dito sa—”“Wala akong pakialam! Ang kailangan ko ay ang papeles na pinakuha ko. Dalhin mo sa akin bago kita sesantihin!”“Y-yes, Mr. Revera!”Kailangan niyang ihatid ang mga dokumento sa Abinida, isang sikat na club na laging pinupuntahan ng amo.Bumungad kaagad sa dalaga ang ingay nang makapasok sa loob. Dali-dali ang pagpanhik ni Maeve sa ikalawang palapag kung saan mas tahimik.Akmang bubuksan niya ang pinto nang hindi sinasadyang marinig ang usapan sa loob.“May balak ka pa bang pakasalan si Maeve? Dalawang taon na kayong engage!”Humigpit ang pagkakahawak niya sa dala. B
TILA ISANG BASANG sisiw na nilalamig. Ganoon ang itsura ni Maeve habang yakap ang sarili sa kabilang dulong bahagi ng dyip. Napakalakas ng ulan nang gabing iyon habang ingat na ingat siya na huwag mabasa ang mga dala niyang papeles. “Where the hell are you?”“M-malapit na po, Sir!” natataranta niyang sagot sa tawag ng boss niya. “Pasensya na po! Wala akong masakyan. Hindi na kayang bumiyahe ng taxi dahil baha na dito sa—”“Wala akong pakialam! Ang kailangan ko ay ang papeles na pinakuha ko. Dalhin mo sa akin bago kita sesantihin!”“Y-yes, Mr. Revera!”Kailangan niyang ihatid ang mga dokumento sa Abinida, isang sikat na club na laging pinupuntahan ng amo.Bumungad kaagad sa dalaga ang ingay nang makapasok sa loob. Dali-dali ang pagpanhik ni Maeve sa ikalawang palapag kung saan mas tahimik.Akmang bubuksan niya ang pinto nang hindi sinasadyang marinig ang usapan sa loob.“May balak ka pa bang pakasalan si Maeve? Dalawang taon na kayong engage!”Humigpit ang pagkakahawak niya sa dala. B...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen