TILA ISANG BASANG sisiw na nilalamig. Ganoon ang itsura ni Maeve habang yakap ang sarili sa kabilang dulong bahagi ng dyip. Napakalakas ng ulan nang gabing iyon habang ingat na ingat siya na huwag mabasa ang mga dala niyang papeles.
“Where the hell are you?”
“M-malapit na po, Sir!” natataranta niyang sagot sa tawag ng boss niya. “Pasensya na po! Wala akong masakyan. Hindi na kayang bumiyahe ng taxi dahil baha na dito sa—”
“Wala akong pakialam! Ang kailangan ko ay ang papeles na pinakuha ko. Dalhin mo sa akin bago kita sesantihin!”
“Y-yes, Mr. Revera!”
Kailangan niyang ihatid ang mga dokumento sa Abinida, isang sikat na club na laging pinupuntahan ng amo.
Bumungad kaagad sa dalaga ang ingay nang makapasok sa loob. Dali-dali ang pagpanhik ni Maeve sa ikalawang palapag kung saan mas tahimik.
Akmang bubuksan niya ang pinto nang hindi sinasadyang marinig ang usapan sa loob.
“May balak ka pa bang pakasalan si Maeve? Dalawang taon na kayong engage!”
Humigpit ang pagkakahawak niya sa dala. Bakit niya ba nakalimutan? Bukod sa pagiging sekretarya nito, fiancé niya rin si Drake kahit isa iyong sikreto.
“Ang galing mong magtago, Pinsan! Tayong pamilya pa lang hanggang ngayon ang nakakaalam.”
“Gusto ko rin ng parang aso na napaamo ng amo. Siguro kung utusan mo si Maeve na dilaan ang paa mo, susundin ka ng walang reklamo!”
Umaasa siyang ipagtanggol ni Drake. Iyon lang ang gusto niya para kalimutan ang mga narinig.
“Bakit ako iibig sa mas mahirap pa sa daga? Look how old fashioned she is. Mas maayos pang manamit si lola!”
Hindi iyon ang inaasahan niyang marinig mula rito.
“Isang low class na promdi at walang alam kung hindi sundin ang utos ko. Nakita mo ba kung paano gumapang ang pamilya nila papunta sa amin nang malubog sa utang?”
Naestatwa si Maeve sa kinatatayuan. Ngayon niya naramdaman ang matinding lamig dahil sa basang-basang damit. Tumutulo din ang buhok niya dahil wala siyang payong na dala. Ang mga mata niya? Gusto na ring pumatak ng luha.
“Masunurin siya dahil marami akong pera at hindi ko ikakaila, magaling siyang sekretarya.”
Naghiyawan ang dalawang pinsan ni Drake dahil sa naging sagot nito.
“Iba ka talaga—”
Awtomatikong natigil ang ingay nila nang pumasok siya sa loob nang blangko ang tingin.
Naihanda niya na ang sarili sa mga susunod pang maririnig ngunit hindi kasama roon ang kanyang makikita.
Ang fiancé niya, tahasang nakangisi habang nakakandong sa hita nito ang sikat na modelo!
Dapat nagagalit siya ngayon. Ngunit, bakit hindi niya maipaglaban ang sarili? Ganoon na lamang din ang pagtatago niya sa kamay na nanginginig dahil sa galit.
“Sir, heto na ang papeles na kailangan mo. Saan ko ilalagay?”
Propesyonal siya. Kailangan niyang buhayin ang pamilya niya. Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. Iyon ang parati niyang ipinapaalala sa sarili kahit ilang ulit ng nayurakan ang kanyang pagkatao.
“Gusto mo bang uminom, Maeve—”
“H-hindi na…”
Hindi natinag na gumalaw si Drake sa kinauupuan kahit hinahalikan na ito ng babae. Humihigpit ang hawak niya sa dokumento.
Bumalik sa kanyang alaala nang una silang magkilala ni Drake. Dahil sa kabaitan nito at pagiging palangiti ay nagustuhan niya ang binata. Ito ang naroon noong panahong kailangan niya ng masasandalan nang makulong ang kanyang nanay.
At ngayong bumalik na ang babaeng unang inibig nito, kailangan niya ng umalis sa pwestong kinalalagyan niya.
“Titingin ka na lang ba?” Tumatawang tanong ng pinsan ni Drake.
“H-ha?” natatarantang inilapag niya ang mga dokumento sa tapat ni Drake na may kahalikan pa rin.
“Oh my god!” ganoon na lamang ang mabilis na pagtayo ni Ethel at galit na galit na nilingon siya.
“Hala!” natatarantang pinunasan ni Maeve ang alak na aksidente niyang naitapon. “Sorry! Hindi ko sinasadya.”
Hindi niya napaghandaan ang isang malakas na sampal sa pisngi na ibinigay sa kanya.
“Alam mo kung magkano ang suot ko?”
Hindi siya kaagad nakasagot. Sapo ng dalaga ang pisnging nasampal dahil sa pagkabigla.
“L-lalabhan ko—”
“Boba!” gigil na sigaw ng modelo. “Sa tingin mo matatanggal pa ang mantsa ng katangahan mo? Hindi kakasya ang limang buwan mong sahod para makapagbayad!”
Pilit na inaawat na ito ng mga pinsan ni Drake ngunit tila walang narinig ang babae at tuloy pa rin sa pang-aamok.
“Calm down. She will pay for that dress.”
“No, Drake!”
“At anong gusto mong gawin niya?”
“Iinumin niya ang alak na narito. Wala siyang ititira. Uubusin niya hanggang sa huling patak!”
Nabaling ang tingin niya kay Drake. Alam nitong allergic siya sa ubas na mayroon ang wine na iyon. Kailangan nitong pigilan ang babae. Ngunit, hindi nito magawang salubungin ang kanyang tingin.
Katulad ng dati, parang hangin lang ang turing nito sa kanya…
“Mukhang mas pabor pa sa ‘yo, Maeve! Makakatikim ka ng alak ng mayaman!”
“Hindi mo ako pipigilan, Drake—”
“Sir,” pagtatama nito. “Alamin mo ang lugar mo, Maeve. Bayad pa rin ang oras ng trabaho mo.”
Bumabaon na ang kuko ng dalaga sa kanyang palad na maaaring nagdurugo na ngayon dahil sa pagkakakuyom. Doon niya ibinabaling ang sakit ng tila milyon-milyong palasong tumatama sa kanyang dibdib upang hindi tuluyang tumulo ang luha niya.
Hindi niya hahayaang maging mababa pa ang tingin ng mga ito sa kanya kaya naging mabilis ang paglagok ni Maeve sa alak na nakapatong sa mesa. Wala na siyang pakialam kung bawian ng buhay nang sandaling iyon. Pinapatay naman siya ng lalaking pinagkatiwalaan niya.
“That’s enough!”
Parang walang narinig, itinuloy-tuloy niya ang paglagok sa alak.
“I said, that’s enough!”
“Kailangan kong ubusin ‘di ba?” blangko pa rin ang tingin ni Maeve nang agawin ni Drake ang bote na naging dahilan ng pagkadulas niyon sa kanyang kamay at pagkabasag.
“Pang-eskwater ang ugali!” galit na sambit ni Ethel matapos siyang itulak.
Dahil sa epekto ng alak at pag-ikot ng kanyang paningin, nawalan ng balanse si Maeve na naging dahilan ng pagkatumba niya at pagbaon ng bubog sa kanyang palad.
“Napaka-OA. Hindi ko siya itinulak nang malakas!”
“May kailangan pa ba kayo?” tanong niya sa mga ito nang piliting tumayo matapos na itago ang kanyang kamay na may tumutulong dugo. “Kung wala na, pwede na bang umalis? Tapos na ang trabaho ko.”
Kailangan niya ng tanggapin. Hindi na si Drake ang nakilala niya noong nasa kolehiyo sila. Ibang tao na ito nang kainin ng ambisyon.
“Maeve, ayusin mo ang sarili mo—”
“Hindi ko kailangan niyan!” Ibinato niya ang perang pilit ibinibigay nito sa kanya. “Ganyan talaga kababa ang tingin mo sa akin? Mukhang pera na mapapatahimik mo ng ganoon kadali?”
“Ano mo ba ang babaeng ito, Drake? Napakaarte ng asta!”
“Fiancé niya!” tahasan niyang sagot dito. “Iyon ang naging papel ko nang mawala ka, Ethel. Dito na rin magtatapos iyon.”
Mabilis ang naging pagtalikod niya papalalayo sa lugar na malapit sa mga ito.
“Papatayin niyo ako…”
Nandidilim na ang kanyang paningin habang habol niya ang malalim na paghinga. Ganoon na lamang ang matinding paghawak niya sa kwintas na bigay ng nanay niya.
Kailangan niyang makaalis dito. Hindi siya pwedeng malagutan ng hininga nang hindi nailalabas ang nanay niya sa kulungan.
Bago pa man bumagsak ang dalaga, isang matipunong lalaki ang sumalo sa kanya.
“Gusto ko ng maging masaya… paano ba maging masaya?” desperadang tanong niya rito. “Tulungan mo akong maging masaya…”
MATINDING LIWANAG ANG bumungad kay Maeve nang magising sa hospital. Ang pribadong kwarto kaagad na kanyang inuukupa ang napansin niya. May nakakabit din sa kanyang dextrose at mukhang bagong lagay pa lamang ang IV fluid niya.Hindi pa man nagtatagal, may pumasok na roon na doktor at nurse.“Ilang oras na po akong narito?” bungad na tanong niya sa dalawa.“Isang araw, Ms. Patel—”“A-ano? Isang araw na akong absent sa trabaho! Kailangan ko pong pumasok. Pwede na po bang tanggalin ang dextrose ko?”“Ms. Patel, muntik ka ng mamatay! Uminom ka ng wine. May ubas iyon na alam mong bawal sa ‘yo. Are you trying to kill yourself?”Hindi siya kaagad nakasagot sa doktor. Bakit sa tuwing may nangyayaring hindi maganda, ang sarili ang ginagantihan niya?“Kung hindi ka kaagad naisugod dito, maaaring wala ka na ngayon.”Saka lamang nagawang kumalma ni Maeve dahil sa sinabi ng doktor. Hindi dapat ang trabaho ang inaalala niya ngayong muntik na siyang mamatay.“I hope this will not happen again, Ms. Pa
NATAWA ITO SA SINABI NIYA. Makikita sa ekspresyon ni Drake na hindi siya sineryoso.“Ikaw magre-resign? Huwag kang magpatawa, Maeve. Sa tingin mo bibigyan kita ng pangalawang pagkakataon kapag umalis ka sa kumpanya?” Mas iniurong ni Maeve ang sobre kung saan nakalagay ang resignation letter niya.“Paano ang mga utang na kailangan mong bayaran? Baka nakakalimutan mong nakakulong pa ang nanay mo—”“Problema ko na iyon Mr. Revera. Alam ko ang sinasabi ko. Huwag ka ring mag-alala, hindi ko tatakbuhan ang utang ko sa pamilya mo.”“Hindi ko tatanggapin ang resignation na iyan. Tapos ang usapan!” sabi nito bago nagmadaling tumayo upang lumabas ng opisina.“Hindi pa ako tapos magsalita, Mr. Revera!”“Do I care? Bumalik ka sa trabaho mo. I will not allow you to resign! Crucial ang oras ko ngayon sa investor! Sino ang aasahan kong sekretarya?” Hindi magawang makatingin ni Maeve sa paligid. Alam niyang siya na naman ang tampulan ng usapan ng mga katrabaho.“Ginagawa mo ba ito para tumaas ang p
“ANONG GINAGAWA MO?” galit na tanong ni Drake nang makitang nag-iimpake siya. “Hindi ko bahay ito. Ipinahiram lang sa akin ng lola mo. Seryoso ako, puputulin ko na ang koneksyon sa ‘yo at sa pamilya mo, Drake.”“Magmamalaki ka talaga? Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan! Bumalik ka na sa loob. Papasok ka bukas—”“Ipapaalala ko lang ang posisyon mo,” heto na naman ang walang buhay niyang mga mata na nakatingin sa binata. “Hindi mo na ako empleyado at mas lalong hindi na ako ang fiancé mo!”Matinding gulat ang makikita kay Drake nang sabihin niya iyon.“Wala ka ng titirhan, wala ka ng babalikan!”“Hanapin mo ang pake ko, hindi dahil sa ‘yo at sa pera mo kaya pumayag ako sa engagement na ito.”“A-anong ibig mong sabihin?”Pagngisi ang unang naging sagot niya rito. “Mag-iingat ka, Drake.”Iyon lamang ang sinabi ng dalaga nang talikuran ito at sumakay ng taxi.“Maeve, magsisisi ka! Magsisisi ka!”Ngayon niya napagtanto, hindi siya masyadong nasaktan nang hiwalayan niya ito dahi
NAKANGISI NA INIANGAT nito ang kanyang baba. Tila ba sa ganoong paraan ay mas malayang mapagmamasdan ng lalaki ang kabuuan ng kanyang mukha.“Why do you look so surprised, Mahal?”Mas naramdaman ni Maeve ang pag-init ng kanyang pisngi at taynga dahil sa paraan ng pagtawag nito. Sigurado siya, kahit hindi niya na tingnan ang mukha sa salamin, pulang-pula na iyon ngayon. Sa kabila ng pagkapahiya rito, nakatingin lamang siya sa binata nang matagal.Hindi niya rin inaasahan ang sunod nitong gagawin. Ganoon na lamang ang tila tambol na dumadagundong sa kanyang dibdib dahil sa pagyakap nito sa kanya. “Mahal, tell me something?” “M-mahal?” pag-uulit niya sa naging pagtawag nito sa kanya. “Baliw ka ba—”Mabilis ang naging pagtakip nito sa kanyang bibig bago nangungusap na ngumiti.“Remember me?”“Y-yes…”“It’s Xavier, Mahal…”“H-ha?”“Mamaya mag-uusap tayo…” sabi pa nito bago siya kindatan at harapin ang totoong pakay nito kaya kinuha ang atensyon ng lahat kanina. Nakatingin lamang siya sa

TILA ISANG BASANG sisiw na nilalamig. Ganoon ang itsura ni Maeve habang yakap ang sarili sa kabilang dulong bahagi ng dyip. Napakalakas ng ulan nang gabing iyon habang ingat na ingat siya na huwag mabasa ang mga dala niyang papeles. “Where the hell are you?”“M-malapit na po, Sir!” natataranta niyang sagot sa tawag ng boss niya. “Pasensya na po! Wala akong masakyan. Hindi na kayang bumiyahe ng taxi dahil baha na dito sa—”“Wala akong pakialam! Ang kailangan ko ay ang papeles na pinakuha ko. Dalhin mo sa akin bago kita sesantihin!”“Y-yes, Mr. Revera!”Kailangan niyang ihatid ang mga dokumento sa Abinida, isang sikat na club na laging pinupuntahan ng amo.Bumungad kaagad sa dalaga ang ingay nang makapasok sa loob. Dali-dali ang pagpanhik ni Maeve sa ikalawang palapag kung saan mas tahimik.Akmang bubuksan niya ang pinto nang hindi sinasadyang marinig ang usapan sa loob.“May balak ka pa bang pakasalan si Maeve? Dalawang taon na kayong engage!”Humigpit ang pagkakahawak niya sa dala. B