“ANONG GINAGAWA MO?” galit na tanong ni Drake nang makitang nag-iimpake siya.
“Hindi ko bahay ito. Ipinahiram lang sa akin ng lola mo. Seryoso ako, puputulin ko na ang koneksyon sa ‘yo at sa pamilya mo, Drake.”
“Magmamalaki ka talaga? Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan! Bumalik ka na sa loob. Papasok ka bukas—”
“Ipapaalala ko lang ang posisyon mo,” heto na naman ang walang buhay niyang mga mata na nakatingin sa binata. “Hindi mo na ako empleyado at mas lalong hindi na ako ang fiancé mo!”
Matinding gulat ang makikita kay Drake nang sabihin niya iyon.
“Wala ka ng titirhan, wala ka ng babalikan!”
“Hanapin mo ang pake ko, hindi dahil sa ‘yo at sa pera mo kaya pumayag ako sa engagement na ito.”
“A-anong ibig mong sabihin?”
Pagngisi ang unang naging sagot niya rito. “Mag-iingat ka, Drake.”
Iyon lamang ang sinabi ng dalaga nang talikuran ito at sumakay ng taxi.
“Maeve, magsisisi ka! Magsisisi ka!”
Ngayon niya napagtanto, hindi siya masyadong nasaktan nang hiwalayan niya ito dahil mas nanaig sa kanya ang pagmamahal sa sarili. Mas magiging impyerno ang buhay niya kapag tinanggap niya na ayos lang ang maging miserable sa piling nito.
Hindi muna ang relasyon niya kay Drake ang kailangan niyang isipin. Ang pagpunta sa pagtitipon kinabukasan ang kailangan niyang paghandaan dahil alam niyang magiging tampulan na naman siya ng usapan.
“Kailangan talagang pumunta ka sa party?”
“Hindi pa tinatanggap ang resignation letter ko. Kailangan ko pang i-train ang bagong sekretarya, Xyriel.”
Nakatitig lamang sa kanya ang kaibigan. Matagal iyon hanggang siya na lang ang mailang.
“Nasaan ka sa mga plano mo?” seryosong tanong nito sa kanya. “Sinusubukan mong makawala kay Mr. Revera pero sa kanya ka pa rin bumabalik.”
“Alam ko ang ginagawa ko, Xyriel. Huwag kang mag-alala.”
“Kailangan mong mag-ingat.”
“Bakit?”
“Sa tingin ko may sumasabotahe sa ‘yo. Alam mo ba na kalat na ang nangyari sa rooftop kaagad? Pinagmukhang tinatakot mo si Mr. Revera para hindi ka niya hiwalayan.”
“Pero dahil lang sa kwintas—”
“Sa tingin mo mahalaga para sa kanila ang totoo? May mga tao na mas masayang pag-usapan ang iba dahil sa tingin nila ay mas angat sila.”
Hindi niya alam kung anong sasabihin sa kaibigan.
Laking pasasalamat niya nang tumunog ang kanyang cellphone. Ngunit, ganoon din paglalaho ng kanyang ngiti nang makita kung sino ng tumatawag.
“T-tita?”
“Nakipaghiwalay ka raw kay Drake?”
“O-opo…”
“Ipapaalala ko lang sa ‘yo, ang mga pagkakautang ng nanay mo! Ikaw ang dahilan kung bakit siya nakulong, nakalimutan mo? Hindi ka pwedeng mag-resign! Huwag mong pairalin ang kardamahan mo. Kahit magmakaawa ka, o akitin siya, huwag ka lang niyang hiwalayan, gawin mo!” sabi nito at ibinaba kaagad ang tawag.
Pilit na pinapakalma ng dalaga ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng bumigay. Kailangan niyang lumaban para sa kanyang kasiyahan.
“Kailangan nating um-attend ng party ng mga Revera. Alam mo na siguro ang ibig sabihin niyon?” tanong sa kanya ni Xyriel na biglaang sumulpot na lang sa kung saan.
Ganoon na lamang ang kanyang paglunok.
“Hindi pwedeng putso-putso ang damit mo. Napilian na kita ng isusuot!”
Hindi nga nagbibiro ang kaibigan niya. Handang-handa ito para sa kanya. Hindi tuloy siya mapakali nang magtungo sila sa party.
“May problema ba sa suot ko?”
“Wala syempre!” nakangiting sagot nito. “Inggit lang ang mga iyan! Ito ang tatandaan mo, Maeve; maganda ka, makinis, matangkad, pangrampa sa mga pageant at higit sa lahat, may mabuting puso! Ang problema lang talaga kase ay manang kang pumorma.”
Hindi napigilang tingnan ni Maeve ang sariling repleksyon sa salamin. Bumagay sa itim na itim niya buhok ang hapit na pulang gown. Mataas ang stiletto na suot niya kaya mas lalo siyang tumangkad. Wala na rin ang salamin niyang gamit sa trabaho. Contact lens na ang nakakabit sa kanyang mga mata.
“Hindi ba masyadong mahal itong mga suot ko?”
“Wala pa iyan sa mga naitulong mo sa akin,” nakangiting sambit ni Xyriel sa kanya. “Maiwan na muna kita ha, Maeve? May kailangan lang akong asikasuhin. Huwag kang aatras. Ipakita mo kung sino ka. Lalo na sa dalawang ahas na hindi na mapaghiwalay!”
Patukoy nito kay Drake at Ethel na magkalingkis pa rin sa isa’t isa habang umiikot sa mga bisita sa pagtitipon.
Heto na naman ang matinding pagkailang ni Maeve. Pakiramdam niya, nasa kanya na naman ang atensyon ng lahat at pinag-uusapan siya dahil sa nangyari sa kumpanya.
Ganoon na lamang ang pagpapalit niya ng emosyon nang makita ang paglapit ni Ethel patungo sa kanyang direksyon. Nakangiti pa ito na parang normal na lang dito ang pagtatago ng totoong kulay.
“Maeve… Maeve… anong ginagawa ng katulad mo sa lugar na ito?
Kaagad na naging mabilis ang hakbang ng dalaga at balak ng bumaba ng hagdan nang hilahin ni Ethel ang kamay niya.
“I'm not done talking to you!”
“Ano pa ba?!” mas malakas ang boses niyang tanong dito. “Kulang pa ba ang ginawa mo?”
“Because of you…” makikita ang pagpipigil sa pagbulusok ng matinding galit. “Gusto kong humingi ka ng tawad sa akin sa matagal na pagkuha ng boyfriend ko!”
Natawa na lamang si Maeve sa sinabi nito.
“You've got to be kidding me,” bulalas niya. “Anong akala mo sa nangyayari ngayon? Teleserye na kailangan mong gumawa ng ganitong eksena?”
“Kinakausap kita kaya huwag mo akong talikuran—”
“Sabi ng bitawan mo ako!” mas malakas ang boses na bulalas ni Maeve bago ito talikuran.
Ngunit hindi sa tagpo na iyon siya nagulat. Ganoon na lamang ang pag-awang ng bibig niya matapos na makita kung paano ito nahulog nang tuloy-tuloy sa hagdan nang makatalikod siya rito!
Ang malakas na kalabog na iyon ang nakakuha ng atensyon ng na nasa ibaba.
“What happened here” bakas ang matinding galit sa boses ni Drake.
“Tinulak niya si Ethel!” biglaang pang-aakusa ng isa sa kanya.
Mas tumindi ang pagkabog ng kanyang dibdib. Alam niyang wala siyang laban nang mga sandaling iyon. Mahahabi ng mga ito ang kwento hanggang siya ang maging salarin. Ganoon ang gustong mangyari ni Ethel.
“How could you?” hindi makapaniwalang sambit ni Drake. “Hanggang dito ba naman, Maeve?”
“Ouch… may pilay yata ako, Drake…”
Ganoon na lamang ang masamang pagtitig sa kanya ng dating fiancee. Hindi rin nagdalawang-isip si Drake na hilahin siya nang mahigpit sa braso na naging dahilan ng kanyang pagdaing.
Nasa kanila na ang atensyon ng lahat na iniiwasan niyang mangyari kanina.
“Nasasaktan ako!”
“Mas masasaktan ka sa akin kapag hindi ka umamin! Itinulak mo ba si Ethel?”
“Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin?”
“Sabi kong umamin ka—”
“How can you become a CEO if you don't know the difference between lies?”
Nahinto ang bulungan sa paligid.
Awtomatikong nabaling ang tingin ng mga naroon sa bagong dating na dominanteng lalaki. Wala pa man itong ginagawa ngunit mararamdaman na kaagad ang impluwensya nito sa lahat.
Tila huminto ang mundo ni Maeve nang mas makalapit ito sa kanila. Ganoon na lamang ang pagbilis na pagtibok ng kanyang puso nang mapagtanto kung sino ito.
Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang lalaking nagdala sa kanya sa hospital. Ang binatang tumulong sa kanya na magkaroon ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.
“Hi, Mahal. Miss me? Napatagal ba ang pagpapakilala ko?”
Umawang ang bibig niya sa itinawag ng lalaki. Tama ba ang kanyang narinig?
May sapi din ito!
NAKANGISI NA INIANGAT nito ang kanyang baba. Tila ba sa ganoong paraan ay mas malayang mapagmamasdan ng lalaki ang kabuuan ng kanyang mukha.“Why do you look so surprised, Mahal?”Mas naramdaman ni Maeve ang pag-init ng kanyang pisngi at taynga dahil sa paraan ng pagtawag nito. Sigurado siya, kahit hindi niya na tingnan ang mukha sa salamin, pulang-pula na iyon ngayon. Sa kabila ng pagkapahiya rito, nakatingin lamang siya sa binata nang matagal.Hindi niya rin inaasahan ang sunod nitong gagawin. Ganoon na lamang ang tila tambol na dumadagundong sa kanyang dibdib dahil sa pagyakap nito sa kanya. “Mahal, tell me something?” “M-mahal?” pag-uulit niya sa naging pagtawag nito sa kanya. “Baliw ka ba—”Mabilis ang naging pagtakip nito sa kanyang bibig bago nangungusap na ngumiti.“Remember me?”“Y-yes…”“It’s Xavier, Mahal…”“H-ha?”“Mamaya mag-uusap tayo…” sabi pa nito bago siya kindatan at harapin ang totoong pakay nito kaya kinuha ang atensyon ng lahat kanina. Nakatingin lamang siya sa
TILA ISANG BASANG sisiw na nilalamig. Ganoon ang itsura ni Maeve habang yakap ang sarili sa kabilang dulong bahagi ng dyip. Napakalakas ng ulan nang gabing iyon habang ingat na ingat siya na huwag mabasa ang mga dala niyang papeles. “Where the hell are you?”“M-malapit na po, Sir!” natataranta niyang sagot sa tawag ng boss niya. “Pasensya na po! Wala akong masakyan. Hindi na kayang bumiyahe ng taxi dahil baha na dito sa—”“Wala akong pakialam! Ang kailangan ko ay ang papeles na pinakuha ko. Dalhin mo sa akin bago kita sesantihin!”“Y-yes, Mr. Revera!”Kailangan niyang ihatid ang mga dokumento sa Abinida, isang sikat na club na laging pinupuntahan ng amo.Bumungad kaagad sa dalaga ang ingay nang makapasok sa loob. Dali-dali ang pagpanhik ni Maeve sa ikalawang palapag kung saan mas tahimik.Akmang bubuksan niya ang pinto nang hindi sinasadyang marinig ang usapan sa loob.“May balak ka pa bang pakasalan si Maeve? Dalawang taon na kayong engage!”Humigpit ang pagkakahawak niya sa dala. B
MATINDING LIWANAG ANG bumungad kay Maeve nang magising sa hospital. Ang pribadong kwarto kaagad na kanyang inuukupa ang napansin niya. May nakakabit din sa kanyang dextrose at mukhang bagong lagay pa lamang ang IV fluid niya.Hindi pa man nagtatagal, may pumasok na roon na doktor at nurse.“Ilang oras na po akong narito?” bungad na tanong niya sa dalawa.“Isang araw, Ms. Patel—”“A-ano? Isang araw na akong absent sa trabaho! Kailangan ko pong pumasok. Pwede na po bang tanggalin ang dextrose ko?”“Ms. Patel, muntik ka ng mamatay! Uminom ka ng wine. May ubas iyon na alam mong bawal sa ‘yo. Are you trying to kill yourself?”Hindi siya kaagad nakasagot sa doktor. Bakit sa tuwing may nangyayaring hindi maganda, ang sarili ang ginagantihan niya?“Kung hindi ka kaagad naisugod dito, maaaring wala ka na ngayon.”Saka lamang nagawang kumalma ni Maeve dahil sa sinabi ng doktor. Hindi dapat ang trabaho ang inaalala niya ngayong muntik na siyang mamatay.“I hope this will not happen again, Ms. Pa
NATAWA ITO SA SINABI NIYA. Makikita sa ekspresyon ni Drake na hindi siya sineryoso.“Ikaw magre-resign? Huwag kang magpatawa, Maeve. Sa tingin mo bibigyan kita ng pangalawang pagkakataon kapag umalis ka sa kumpanya?” Mas iniurong ni Maeve ang sobre kung saan nakalagay ang resignation letter niya.“Paano ang mga utang na kailangan mong bayaran? Baka nakakalimutan mong nakakulong pa ang nanay mo—”“Problema ko na iyon Mr. Revera. Alam ko ang sinasabi ko. Huwag ka ring mag-alala, hindi ko tatakbuhan ang utang ko sa pamilya mo.”“Hindi ko tatanggapin ang resignation na iyan. Tapos ang usapan!” sabi nito bago nagmadaling tumayo upang lumabas ng opisina.“Hindi pa ako tapos magsalita, Mr. Revera!”“Do I care? Bumalik ka sa trabaho mo. I will not allow you to resign! Crucial ang oras ko ngayon sa investor! Sino ang aasahan kong sekretarya?” Hindi magawang makatingin ni Maeve sa paligid. Alam niyang siya na naman ang tampulan ng usapan ng mga katrabaho.“Ginagawa mo ba ito para tumaas ang p

“ANONG GINAGAWA MO?” galit na tanong ni Drake nang makitang nag-iimpake siya. “Hindi ko bahay ito. Ipinahiram lang sa akin ng lola mo. Seryoso ako, puputulin ko na ang koneksyon sa ‘yo at sa pamilya mo, Drake.”“Magmamalaki ka talaga? Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan! Bumalik ka na sa loob. Papasok ka bukas—”“Ipapaalala ko lang ang posisyon mo,” heto na naman ang walang buhay niyang mga mata na nakatingin sa binata. “Hindi mo na ako empleyado at mas lalong hindi na ako ang fiancé mo!”Matinding gulat ang makikita kay Drake nang sabihin niya iyon.“Wala ka ng titirhan, wala ka ng babalikan!”“Hanapin mo ang pake ko, hindi dahil sa ‘yo at sa pera mo kaya pumayag ako sa engagement na ito.”“A-anong ibig mong sabihin?”Pagngisi ang unang naging sagot niya rito. “Mag-iingat ka, Drake.”Iyon lamang ang sinabi ng dalaga nang talikuran ito at sumakay ng taxi.“Maeve, magsisisi ka! Magsisisi ka!”Ngayon niya napagtanto, hindi siya masyadong nasaktan nang hiwalayan niya ito dahi