Pangarap ni Liezel ang magkanobyo at makangasawa ng gwapo at mayaman para mai-ahon sa hirap ang pamilya na sa kanya lang umaasa kaya naisipan niyang sumali sa controversial na dating app. Nang manalo sa billionaire's app si Liezel, ang premyo isang mayaman at gwapong bilyonaryong mapapangasawa. Walang kaalam alam si Randy na sariling kasal pala niya ang kanyang dadalohan. Nagulat siya nang tinotoo ng ama ang pagsali sa kanya sa app dahil sa pagiging workoholic niya. Hindi niya iyon matanggap, at sinisisi niya si Liezel dahil sa pagiging ambisyosa nito. Hanggang nagdadala siya ng babae sa bahay para pasakitan ang asawa niya na walang ibang ginawa ang asikasohin at mahalin siya. Mag-work kaya ang ganitong set up ng Billionaire's App? matutunan kaya siyang mahalin ni Randy na sa sandaling panahon ay natutunan agad niyang mahalin? Hanggang saan siya magtitiis?
View More"Mahal kita Liezel, inaamin ko noong una, hindi ko gusto ang set up natin dahil pakiramdam ko nawalan ako ng kalayaan. Pero habang tumatagal na realized ko mahal pala kita. Masarap pala sa pakiramdam na pagdating mo may asawang naghintay sa'yo. Nagluluto para sa'yo. And thankful ako dahil ikaw ang binigay ng dios para sa akin." Tila nawala ang epekto ng alak sa kanya. Ang sarap sa pandinig ang sinabi ni Randy. Lalu na nang yakapin siya ng asawa. Diosko, hiyaw ng utak niya. Sa pangalawang pagkakataon ay bumigay siya dito. Sana ay totoo na ito. Natagpuan niya ang sarili na muling tinutugon ang yakap at halik nito. Naging marupok nanaman siya.Masaya siyang gumising nang maaga. Araw ng linggo noon at walang pasok sa opisina si Randy. Nagluto siya ng paborito nitong sinigang na bangus isa daw iyon sa gusto nitong niluluto niya dahil ngayon lang ito nakatikim ng ganitong klaseng lutong bahay.Nang matapos siyang magluto ay may nag-doorbell sa labas. Lumabas si Liezel at binuksan niya iyo
Masama ang kanyang loob ngunit maaga parin siyang gumising ipinagluto at ipinaghanda niya ito ng almusal bago siya bumalik sa kwarto niya. Nang muli siyang lumabas siya ay wala na ito.Nang sumapit ang tanghali ay nagulat siya ng dumating ito. Muli nitong kasama ang magandang babae na kasama nito kagabi."Huwag ka nang magluto. May dala kaming pagkain," kapagkuwan ay sabi ng asawa dumeretso ang mga ito sa sala. Masayang nagku-kwentuhan ang mga ito at nagtatawanan pa. Naroon nanaman ang pakiramdam na para siyang tinarakan ng punyal. Kinakain siya ng selos gustong magngitngit ng kanyang loob. Pero sinu ba naman siya mag-asawa nga sila pero siya lang ang nagmamahal. Ito ba ang kapalit ng pagiging ambisyosa niya. Napakasakit.Muli siyang nag-mokmok sa silid. Nang mag-ring ang cellphone niya si Dan iyon ang dati niyang kabanda sa barko. Dati rin niyang manliligaw ito."Hello, Dan, napatawag ka wala kang gig ngayon?" "Meron kaya nga tinawagan kita. May emergency kasi si Olga kaya hindi siy
Kinabukasan, paglabas ng silid niya si Randy ay naamoy niya ang bango ng ulam mula sa kusina. Nakita niya itong nagwawalis habang kumakanta. Maganda pala ang boses nito."Good morning sir, kain na po kayo." Muli siyang napasulyap sa pagkain na nakahain. Mukang masarap. Hindi niya kinibo so Liezel. Nang pumasok ito sa silid ay saka siya umupo at kumain. Masarap nga bihira lang siyang makakain ng lutong bahay madalas ay sa labas o kaya food delivery ang kinakain niya. Maswerte na lang kung umuwi siya sa mga magulang niya nakakain siya ng lutong bahay.Nakailang subo na siya ng lumabas ito sa guest room. Bagong ligo. Ang bilis naman nitong maligo."Kain kana," pag-anyaya niya sa asawa. "Tapos na ako kanina pa," " Ang aga mo naman magising," Puna niya. "Sanay na ako," Tumango tango siya sa asawa pagkatapos kumain ay tumayo na si Randy at walang lingon likod na lumabas. Nakasunod ng tingin si Liezel dito. Balak niyang maglinis ng boung kabahayan ngayon dahil mukang matagal nang hin
Samantala, habang naglalakad sa aisle si Liezel at palapit sa lalaki ay parang gustong maparalisa ng bou niyang katawan. Ito ba ang lalaking ikakasal sa kanya? tanong niya sa isip."Lord bakit sobrang gwapo naman ni Randy gusto ko na kaagad ibulsa at iuwi. Para siyang anghel sa langit hindi bagay sa lupa. Pero salamat Lord dahil hinulog niyo s'ya para sa akin." aniya sa sarili ng tuluyang makalapit dito ay tila nahimasmasan siya. Ang mga mata nito kanina na punong puno ng paghanga ngayon ay tila nag-aapoy na sa galit."Anak, hijo ingatan at mahalin mo sana ang anak ko katulad ng pagmamahal namin sa kanya." sambit ng kaniyang ama na nagpatino sa naglalakbay niyang isip. Nasa harapan na siya ng gwapong lalaki.Hindi naman kumikilos sa kinatatayuan ang lalaki kaya pakiramdam niya ay mapapahiya siya. Nakita pa niyang lumingon ito sa likuran ni Mr Vard. Nakita niyang tumango si Mr Vard nag-aalinlangan namang inabot ng lalaki ang palad niya na nanlalamig na.Piniga nito ang kamay niya na at
At isa sa ikinagulat niya ay plantsado na ang lahat. Ikakasal na kaagad siya sa susunod na linggo. Maya maya ay may mga pumasok para sukatan siya para daw iyon sa wedding dress niya. Hindi niya alam kong matutuwa siya o anu, kinabahan siya maraming what if sa isip niya. Paano kong hindi siya nagustuhan ng lalaking bilyonaryo?Marami pang sinabi si Mr Vard pero lutang siya. Bigla siyang nagkaroon ang agam agam at paano niya ipapaliwanag sa pamilya nya na ikakasal na siya kagabi lang siya nanalo sa Billionare's dating app. Ngayon ay engage na siya."Tay mag-aasawa na po ako dahil buntis po ako!" praktis ng utak niya habang binabaybay niya ang mabahong eskinita na iyon papasok sa looban ng squatters area "Ang tanga Liezel, hindi ka panga nagkakaboyfriend nabuntis ka na agad?" sagot ng kabilang bahagi ng isip niya. "Kahit ang pisngi mo ay virgin na virgin pa, ang sinapupunan mo pa kaya?" anya sa sarili.Nang makarating siya sa bahay nila ay sabaw parin ang utak niya. "Anak may problem
Nang matapos ang boung maghapon sa pagtatrabaho ay tumayo na siya.Nang makarating si Randy sa kanyang townhouse ay agad siyang napaupo sa sofa na naroon. Ganitong buhay ang pinili niya ang magpaka busy sa trabaho. Lingid sa kaalaman ng lahat ay minsan na siyang umibig 8 years ago. Pero sa huli ay nasaktan lang siya dahil sa iba nagpakasal ang ex niya. Hindi siya nito nahintay kaya naghanap ng iba kaya mas pinili niyang magpakalunod sa trabaho.Kinabukasan, maaga siyang umalis dahil alas siyete ng umaga ang flight niya patungong France. At marahil doon muna siya mananatili nasa Pilipinas naman ang Daddy niyaat ito muna ang bahala sa mga negosyo nila doon.Samantala, nakatunganga si Liezel sa mga lovers na nasa kanyang paligid. Parang gusto niyang nagsisi na pumunta siya sa lugar na iyon.Araw ng mga puso kaya naisipan niyang e-date ang sarili. Wala namang masama bumili pa nga siya ng bulaklak para sa kanyang sarili. Para hindi naman nakakahiya sa sarili niya. "Single ka na nga wala k
"Hay naku Liezel ang tanga tanga mo!" kausap niya sa sarili habang nakangiwi at sapo ang bumukol na noo. Sa pagmamadali niya ay napagkamalan niyang pinto ang salamin ng restaurant na iyon."Dios mio naman Liezel nakarating kana sa Hawaii, Russia, Alaska at France pero ang tanga tanga mo parin sa Pilipinas kapa naging tanga!"sapo-sapo parin niya ang noo na sa tingin niya ay malaki ang bukol.Umupo siya sa isang sulok at kinuha ang salamin mula sa kanyang shoulder bag. Napatampal niya ang kabilang panig ng noo ng makita ang malaking bukol sa roon. Bibili lang naman sana siya ng milk tea pero mukang ayaw siyang pag-milktea-hin ng panahon dahil sa kamalasan na iyon. Paano ba naman kasi nasa 200 pesos nalang ang pera niya. Kasalukuyang siyang nasa kahabaan ng Mabini at nagbabasakaling makahanap ng regular na trabaho bilang singer."Anu ba namang buhay to napakamalas ko naman sa lahat ng bagay!" hinagpis niya nanatili siyang nakaupo sa labas ng restaurant na iyon at hindi na pumasok pa."H
"Hay naku Liezel ang tanga tanga mo!" kausap niya sa sarili habang nakangiwi at sapo ang bumukol na noo. Sa pagmamadali niya ay napagkamalan niyang pinto ang salamin ng restaurant na iyon."Dios mio naman Liezel nakarating kana sa Hawaii, Russia, Alaska at France pero ang tanga tanga mo parin sa Pilipinas kapa naging tanga!"sapo-sapo parin niya ang noo na sa tingin niya ay malaki ang bukol.Umupo siya sa isang sulok at kinuha ang salamin mula sa kanyang shoulder bag. Napatampal niya ang kabilang panig ng noo ng makita ang malaking bukol sa roon. Bibili lang naman sana siya ng milk tea pero mukang ayaw siyang pag-milktea-hin ng panahon dahil sa kamalasan na iyon. Paano ba naman kasi nasa 200 pesos nalang ang pera niya. Kasalukuyang siyang nasa kahabaan ng Mabini at nagbabasakaling makahanap ng regular na trabaho bilang singer."Anu ba namang buhay to napakamalas ko naman sa lahat ng bagay!" hinagpis niya nanatili siyang nakaupo sa labas ng restaurant na iyon at hindi na pumasok pa."H...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments